You are on page 1of 16

ARALIN 2:

IBA’T IBANG PANINIWALA SA WIKA


I. MGA KASANAYAN:
a. Naiisa-isa ang mga teorya ng pinagmulan ng wika;
b. Nakikilala ang iba’t ibang paniniwala tungkol sa pagkatuto ng wika;
c. Napapahalagahan ang kamalayan sa pinagmulan ng wika sa pagpapanatili
ng
d. Nakabubuo ng isang graphic organizer tungkol sa kasaysayan ng
pambansang wika.

II. NILALAMAN

Ang wika ay masistemang balangkas na ginagamit sa pagpapahayag ng kuro-kuro at


damdamin sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na paraan upang magkaunawaan ang
lahat.
 
Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na
behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at
pagsisiwalat ng katotohanan.

Kaugnay nito, ayon sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. 


Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na
pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama
maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis ang
tawag sa makaagham na pinagugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors, kapag
nagkaroon ng makahulugang palitan ng dalawa o higit pang tao.
 
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan
ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t
ibang tao hindi padin maipaliwanag kung saan,
paano at kailan talaga nagsimula ang wika.
Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa
ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang
teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022
palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa
ring hiwaga o misteryo.
Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga
bagay-bagay na may mga batayan subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’t ibang
pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko
ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay
at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang teorya ng
wika sa tulong ng talahanayan.

Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika
noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao
na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging
mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang
langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore.
Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit
pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng
kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng
bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
(Genesis kab. 11:1-8)

Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao
ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na
kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil
dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay
natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga
tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang
dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag
ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing
insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula
sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa
ay miyaw.

2|
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022

Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw
ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan
ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa
paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa
mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay
na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay
ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa
bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng
mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at
nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni
Max Muller na simbolismo ng tunog.

Pooh-
pooh
Unang natutong magsalita ang mga
tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya
ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing
damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.

Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S.
Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag
tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog
ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng
mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o
nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak.

3|
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022

Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alinmang bagay na
nangangailangan ng aksiyon. Ang
pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon
ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-
ta ang paliwanag ng mga proponent ng
teoryang ito sa pinagmulan ng wika.

Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang
kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon
ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y
nagsalita. 

Sing-song
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro,
pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang
mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami

4|
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022

Hey you!
Hawig ito ng teoryang pooh-pooh.
Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na
bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa
kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay
Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog
na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!)
at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas
din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit
o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong
teoryang kontak.

Coo
Coo
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa
mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga
tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda
bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid,
taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata
ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.

Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas
ng tao.

Hocus Pocus
Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga
ninuno. 

Eureka!
Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga
ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa

5|
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022
mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa
iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).

La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.

Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may
mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma,
pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa
nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto.
Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw
atincantation o mga bulong.
 
Mama
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga
pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga
bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng
nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang
panumbas sa salitang mother.

Ang wika ay maaaring nagagamit ng tao sa dalawang kaparaanan: pagtamo at


pagkatuto. Nagbigay si Krashen (1981) ng magandang paliwanang hinggil sa
pagkakaiba nito.
Ang pagtamo ay nagaganap nang hindi namamalyan at katulad ito halos kung
paano natin natutuhan an gating unang wika. Sa kabilang dako ang pagkatuto ay isang
binalak na proseso kung saan pinag-aralan ang wika sa isang organisadong paraan at may
sinusunod na isang ttiyak na programa o silabus. Sa pagkatuto ng wika rin ay may yugto-
yugtong proseso kong saan pinag-aaralan ang wika sa isang paraang organisado at
sistematiko: organisado  kung saan may
pangkat na nagpapatupad ng wikang sinasalita
ng isang bansa; sistematiko kung saan may
sistema ang isang bansa kong paano gagamitin
ang wika.

Developmental Lingguistics

6|
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022
Sinasabi na ang pag-iisip at ang wika ay magkalapit ang kanyang debelopment ay
magkasabay din. Ang mga batang matagumpay na nakasusunod o nakagagawa ng mga
gawaing kaugnay sa pag-iisip ay karaniwan na iyong may kahusayan sa makrong
kasanayan sa wika. Ito ang yugto ng pagkatuto ng wika kung saan naitatanong mo sa
iyong sarili kong ano ang una mong nabanggit na salita o paano ka natuto magsalita.

Echoic stage
Ito ang yugto ng pagkatuto ng wika kung
saan ginagaya mo ang sinasabi ng mga
taong nasa iyong paligid. Habang nanood
ng mga komersyal sa telebisyon ginagaya
mo ito at dahil inuulit-ulit mo lamang ang
iyong napapakinggan nakabisado at
nasasalita mo ito kahit hindi mo ito lubos
na nauunawaan.

Mayroong apat na paniniwala kung


paano natutunan ng isang tao ang wika:

1. Paniniwala ng mga behaviorist –


ayon sa kanila ang mga bata ay pinanganak na may kakayahan na sa pagkatuto
ng wika at ang kanilang kilos at gawi maaring hubugin sila sa kanilang
kapaligiran. Binibigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist,
na kailangang “alagaan” ang pag-unad na intelektwal sa pamamagitan ng
pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang gawi o kilos. Ang
teoryang ito ay nagbigay sa mga guro ng set ng mga simulain at mga pamaraang
madaling isagawa sa pagtuturo. Ang audio-lingual method (ALM), ang mga
pangunahing katangian nito ay ang mga sumusunod: binibigyang diin ang
kasanayang pakikinig at pagsasalita; binibigyang-diin ang pag-uulit at mga drill;
paggamit laang ng target na wika; kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat
tamang sagot; kagyat na pagwawasto ng kamalian;at ang pagtuturo at pagkatuto
ay nakatuon sa guro.

2. Paniniwala ng mga inativist – ayon sa kanila ang mga bata ay ipinanganak na


may “likas na salik” sa pagtamo ng pagkatuto sa wika. Ipinaliwanag ni Chomsky
(1975, 1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong
nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang
kapaligiran. Ang pananaw na ito ang nagpapahayag na ang wika ay makapaloob
at nabibigang-hugis ng sosyo-kultural na kaligiran kung saan ito nabubuo. Ito’y
mabibigyang kahulugan lamang kapag may interaksyong nagaganap sa
7|
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022
kapaligiran. Inilalarawan dito ang likhang-isip na “aparato” na taglay ng mga
bata at tinatawag itong language-acquisition device (LAD). Ang LAD ang
tumatanggap ng impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika. Ang wikang
ito ay sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin na sa isipan ng mga tuntunin, at
inilalapat ang mga tuntunin habang nakikipag-usap ang bata.

3. Paniniwala ng mga cognitivist– ayon sa kanila ang pagkatuto ng wika ay isang


dinamikong kung saan ang mga mag-aaral ng wika ay kailangang palagiang mag-
isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na kaalaman at impormasyon
mula dito mas napapaunlad nila ang pagkatuto nila sa wika. Inaalam ng mga
mag-aaral ng wika ang mga pumapailalim na tuntunin at mailapat ito nang sa
ganun ay makabuo ng orihinal na pangunguasap. Habang ginagawa ang
prosesong ito hindi maiiwasan nag pagkakamali. Ayon sa mga kognitibist ang
pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito
kagyat at tuwirang iwinawasto.

4. Paniniwalang makatao – ang paniniwala nila ay nakapokus sa damdamin at


emosyon ng isang tao. dagdag pa dito , mas mabilis nila natututunan ng tao ang
wika at wala siyang pag-alinlangang gamitin ito at malaya niyang nailalahad ang
kanyang saloobin. Tungkulin ng isang guro na maglaan at lumikha ng isnag
kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung
saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at Malaya nilang
nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutunan. Kailangan ding linangin ng
guro ang pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-aaral.

ETIMOLOHIYA NG TAGALOG-FILIPINO
Bago pa dumating ang mga Kastila, mayroon ng sariling panitikan, sariling baybayin,
o alpabeto na tinatawag nilang Alibata at kakaiba sa kasalukuyang alpabetong
Romanong dala rito ng mga Kastila. Nakapagdulot ng malaking impluwensya sa
pagkakabuo ng ating wika ang mga Indones at Malay

Tinangkilik ng mga unang Pilipino ang wikang Bahasa Indones na katutubong wika
na taglay ng mga Indones at kasalukuyang kanilang wikang pambansa noong sila ay
manayuhan dito. Unti-unting nabawasan ang pagtangkilik ng mga unang Pilipino sa
wikang dala ng mga Indones noong ikalawang sapit ng mga Malay dahil dala rin nila ang
kanilang wika na siyang tinangkilik rin naman ng maraming Pilipino. Tinawag ito sa
Ingles na mga Alphabet Using Malays.

8|
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022
Nakaugat sa wikang Bahasa Indonesia at wikang Malay, at ang ating alpabeto ay
nagmula sa angkan ng Malayo, Polinesyan at mga Indones ang wikang Filipino.
Ang Alibata
 Ipinalalagay na katutubo at kauna unahang abakada o alpabetong
Filipino ang alibata.
 Binubuo ng 17 titik, 3 patinig at 14 katinig.

Nakikipagkalakalan ang mga ninuno sa labas ng bansa. Ang isla ng Luzon at


Visayas ang gumamit ng Alibata samantalang ang Sulu at Mindanao ay Sankristo.
Ipinag-utos ni Haring Felipe II (1594) na hatiin ang bansa sa apat ng pangkat
ayon sa mga orden na naririto sa bansa. Ang kabisayaan ay nahati para sa Heswita at
Agustinian, ang Pangasinan at Cagayan ay para sa mga Dominikano at ang Kabikulan ay
para sa Fransiskano.

IMPLUWENSIYA NG ALPABETONG ROMANO


- Mula sa tatlong patinig (a, i, at u) sa lumang sistema ng pagsusulat, nadagdagan
ng dalawa pa (e at o).
- Naipakilala rin ang labing-isang banyagang letra (C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V,
X, Z)
 Ang mga tunog katinig na palasak sa Pilipinas na wala sa wikang Espanyol ay
tinumbasan nila ng tunog.
/k/ ay tinumbasan ng /c/ - kalesa – calesa.
/w/ ay tinumbasan ng /iu/ - maliw - maliu

ABAKADANG TAGALOG
9|
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022

- Nabuo ito ng “Ama ng Balarilang Tagalog”, na si Lope K. Santos.


- Naging basehan niya ang Alpabetong Romano sa pagkakabuo nito.
- Ito ay binubuo ng 5 patinig (a, e, i, o, u) at 15 katinig (b, k , d, g, h, l, m, n, ng, p ,
r, s, t, w, at, y).
- Hindi naibilang ang labing-isang banyagang letra ngunit tinumbasan ito ng letra
ng ABAKADA.

/k/ ay katumbas ng /c/ - kalesa – calesa.


/ts/ ay katumbas ng /ch/ - tsinels – chinelas
/p/ ay katumbas ng /f/ - piyesta - fiesta
/h/ ay katumbas ng /j/ - hota – jota.
/ly/ ay katumbas ng /ll/ - bilyar - billar
/ny/ ay katumbas ng /ñ/ - panyo – paño
/k/ ay katumbas ng /qu/ - keso – queso
/r/ ay katumbas ng /rr/ - barikada – barricada

Ang ilan sa mahalagang tuntunin ng 1987 Patnubay sa Pagbaybay ng Wikang


Filipino.

1. Sa Pagsulat ng katutubong salita at mga hiram na karaniwang salita na


nagsisimula na sa sistema ng pagbaybay sa wikang pambansa ay susundin pa
rin na kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang
basa.

2. Ang dagdag sa wakibg ketra ay gagamitin sa pagbaybay ng pantaning


pangalan tulad ng tao, lugar, gusali, sasakyan, at salitang katutubo mula sa
ibang wika sa Pilipinas.
3. Sa paghiram ng mula sa Ingles at iba pang banyagang wika, ang pagbaybay
ay naaayon sa sumusunod na paraan:

10 |
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022
a. Kung konsistent sa Filipino ang baybay ng salita, hiramin ito nang
walang pagbabago.

b. Kung hindi konsistent ang baybay ng salita hiramin ito at baybayin


nang konsistent, ayon sa simulating kung ano ang bigkas ay siyang
sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.

c. May mga salita sa Ingles o iba pang banyagang wika na


makabubuting pansamantalang hiramin sa orihinal na anyo tulad ng
mga salitang malayo na ang bayabay ayon sa alpabetong Filipino.

2001 Alfabeto at Binagong Patnubay sa Pagbaybay

 Sa pamumuno ng Komisyon ng Wikang Filipino muling pinag-aralan ang ating


alfabeto sa pangunguna ni Dr. Rosario E. Maminta (edukador, iskolar sa applied
linguistics)
 Natuklasan nila na an g 8 dagdag na letra sa 1955 Alfabeto ay may limitasyon
pa rin ang gamit
 Hinati ng komite ni Dr. Maminta sa dalawang pangkat ang 8 letra.
Ang unang pangkat ay f,j,v, at z
 May ponemikong katangian at may sariling tunog na hindi nagbabagu-
bago kaya sa pagbaybay ng mga hiram na salita, gagamitin lamang ang
mga letrang ito.
 Sabjek, Volyum, Formalismo

Ang ikalawang pangkat ay c, ñ, q, at x


 Kumakatawan sa mahigit pa sa isang tunog. Hindi ito kumakatawan sa
iisa at tiyak na yunit ng tunog sa palatanugang Ingles, kundi
nakatutunog pa ng isang letra.

 Central = Sentral
 Cabinet= Kabinet

WIKANG PAMBANSA

11 |
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022
- Sa kapangyarihang ng Saligang Batas 1936, nabuksan ang landas ng pagtatatag at
pagpapaunlad ng isang ganap na Wikang pambansa.
- Sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 184, naatasan ang SWP upang gumawa ng
pananaliksik, gabay, alituntunin sa pagpili ng wikang pambansa.
- Nabuo ang pasya ng SWP na Tagalog ang magiging saligan ng wikang
pambansa.
- Dahil sa walang humpay na pagsubaybay at magandang pananaw ng Pangulong
Quezon sa pagkakaroon ng pagkakakilalan ang Pilipinas, tinagurian siyang Ama
ng Wikang Pambansa.
- Ang SWP ay nakapglimbag ng kauna-unahang Balarilang Pilipino noong
Disyembre 13, 1939.
- Lalo pang sumigla ang pagpapaunlad ng wikang pambansa nang lagdaan ni
Manuel L. Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 263 na nagpapahintulot
sa paglilimbag at paglathala ng Talatinigan Tagalog – Ingles at balarila sa
Wikang Pambansa.
- Sinimulang ituro ang wikang pambansa sa pampubliko at pampribadong paaralan
sa buong bansa.

PATAKARANG EDUKASYONG BILINGGUWAL (1973 AT


1987)
 Kaalinsabay ng pagpapatibay ng Saligang Batas ng 1973, ipinatupad din ang
Patakarang Bilinggwal na naglalayong makalikha ng isang pamayanang
bilinggwal na may sapat na kakayahan at kaalaman sa mga wikang Filipino at
Ingles.
 Kaugnay nito, nagpatud ang DECS ng panuntunan sa pagpapatupad nito:
magkahiwalay na paggamit ng wikang Filipino at Ingles bilang panturo sa
baitang I; Pagtuturo ng Filipino at Ingles sa mga asignaturang pangwika sa
elementarya at sekundarya; paggamit ng Filipino sa Araling Panlipunan,
Edukasyong Pangkalusugan, Agham Panlipunan, Edukasyon sa Wastong Pag-
uugali, at Edukasyong Pampalakasan. Iminungkahi rin ang pagkakaroon ng mga
bagong sangguniang aklat na nasusulat sa Filipino.

12 |
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022
 Kaalinsabay ng pagpapatibay ng Saligang Batas ng 1973, ipinatupad din ang
Patakarang Bilinggwal na naglalayong makalikha ng isang pamayanang
bilinggwal na may sapat na kakayahan at kaalaman sa mga wikang Filipino at
Ingles.
 Kaugnay nito, nagpatud ang DECS ng panuntunan sa pagpapatupad nito:
magkahiwalay na paggamit ng wikang Filipino at Ingles bilang panturo sa
baitang I; Pagtuturo ng Filipino at Ingles sa mga asignaturang pangwika sa
elementarya at sekundarya; paggamit ng Filipino sa Araling Panlipunan,
Edukasyong Pangkalusugan, Agham Panlipunan, Edukasyon sa Wastong Pag-
uugali, at Edukasyong Pampalakasan. Iminungkahi rin ang pagkakaroon ng mga
bagong sangguniang aklat na nasusulat sa Filipino.

I. Tingnan sa hanay B ang kahulugan ng mga salita na nasa hanay A. Isulat


ang tamang sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B

1. Teorya a. Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng


mga sanggol.
b. Ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa
2. Pagkatuto mga tunog ng kalikasan.
c. Yugto ng pagkatuto ng wika kung saan ginagaya
mo ang sinasabi ng mga taong nasa iyong paligid.
3. Bow-wow d. Ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at
musikal, at hindi maiikling bulalas na
pinaniniwalaan ng marami.
13 | 4. Pooh-pooh e. Ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga
kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na
likha ng tao.
5. Sing song f. Siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala
ng mga bagay-bagay na may mga batayan subalit
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022

II. Magsaliksik tungkol sa mga gamit ng gamit ng wika sa lipunan.


Magbigay ng mga tiyak na sitwasyon kung saan ito makikita.
a. Instrumental

b. Regulatori

c. Interaksyunal

d. Personal

e. Heuristic

f. Imahinatibo

g. Impormatibo

14 |
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022

III. Sa pamamagitan ng isang graphic organizer, ipakita sa isang


malikhaing paraan ang pagbabago ng tawag sa ating pambansang
wika, mula ng tawaging Tagalog hanggang Filipino. Maaaring
dagdagan ng mga probisyon na naayon sa Konstitusyon tungkol sa
pagbabagong ito.

Krayterya:

Nilalaman - 8 puntos

Organisasyon - 6 puntos

Kalinisan - 6 puntos
_______________
20 puntos

MGA SANGGUNIAN:
https://isabelgonzales1104.wordpress.com/2015/11/20/wika-mga-teorya-at-
paniniwala-sa-pagkatuto/

https://www.academia.edu/33818047/
Maikling_Kasaysayan_ng_Ortograpiyang_Filipino

https://www.scribd.com/presentation/385898352/Etimolohiya-Ng-Tagalog

___________________________ __________________________
Date accomplished Pre-service Teacher’s
Signature Over Printed Name

15 |
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Language 3 - PRELIM/2021-2022

________________________________
Date Submitted

“Aanhin mo ang banyagang wika, kung ang sarili mong wika ay di mo


matalima”

16 |

You might also like