Professional Documents
Culture Documents
Tore ng Babel • Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon
kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad
ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas
at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na
tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan
ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng
kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba
ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay
ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)
BOW-W0W
• Ang pagtamo ay nagaganap nang hindi namamalyan at katulad ito halos kung paano natin
natutuhan an gating unang wika.
• Sa kabilang dako ang pagkatuto ay isang binalak na proseso kung saan pinag-aralan ang wika sa
isang organisadong paraan at may sinusunod na isang ttiyak na programa o silabus. Sa pagkatuto
ng wika rin ay may yugto-yugtong proseso kong saan pinag-aaralan ang wika sa isang paraang
organisado at sistematiko: organisado kung saan may pangkat na nagpapatupad ng wikang
sinasalita ng isang bansa; sistematiko kung saan may sistema ang isang bansa kong paano
gagamitin ang wika.
Debelopmental Linggwistiks Sinasabi na ang pag-iisip at ang wika ay
magkalapit ang kanyang debelopment ay
magkasabay din. Ang mga batang
matagumpay na nakasusunod o
nakagagawa ng mga gawaing kaugnay
sa pag-iisip ay karaniwan na iyong may
kahusayan sa makrong kasanayan sa
wika. Ito ang yugto ng pagkatuto ng
wika kung saan naitatanong mo sa
iyong sarili kong ano ang una mong
nabanggit na salita o paano ka natuto
magsalita.
Echoic stage
Ito ang yugto ng pagkatuto ng wika kung
saan ginagaya mo ang sinasabi ng mga
taong nasa iyong paligid. Habang nanood
ng mga komersyal sa telebisyon ginagaya
mo ito at dahil inuulit-ulit mo lamang ang
iyong napapakinggan nakabisado at
nasasalita mo ito kahit hindi mo ito lubos
na nauunawaan.
Hindi pangkaraniwang hayop ang tao
kung kaya’t likas sa kaniya ang
gumamit ng wika na aangkop sa
kaniyang kalikasan bilang tao. May
aparato ang tao lalo na sa kaniyang
utak gayundin sa pagsasalita upang
magamit sa mataas at komplikadong
antas ang wikang kailangan niya
hindi lamang para mabuhay bagkus
magampanan ang iba’t ibang
tungkulin nito sa kaniyang buhay.
Nalikha ang wika bunga ng
pangangailangan. Necessity is
the mother of all invention. Sa
paniniwalang ito, gaya ng
damit, tirahan at pagkain,
pangunahing
pangangailangan din ng tao
ang wika kung kaya’t
naimbento ito ng tao.
Kung lahat ng likas na
bagay ay galing sa Poong
Maykapal, bakit hindi ang
wika? Naniniwala ang
pambansang bayani na
kaloob at regalo ng Diyos
ang wika sa tao.
Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t
nabuo ang wika. Survival of the fittest,
elimination of the weakest. Ito ang
simpleng batas ni Darwin. Upang
mabuhay ang tao, kailangan niya ng
wika. Ito ay nakasaad sa aklat na
Lioberman (1975) na may pamagat na
“On the Origin of Language”, sinasaad
dito na ang pakikipagsapalaran ng tao
para mabuhay ang nagtuturo sa kanya
upang makalikha ng iba’t ibang wika.
May paniniwalang ang
kauna-unahang wikang
ginagamit sa daigdig ay ang
lenggwahe ng mga Aramean. Sila
ang mga sinaunang taong
nanirahan sa Syria (Aram) at
Mesopotamia. Tinatawag na
Aramaic ang kanilang wika.
Wikang Aramean
Haring Psammatichos Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang
hari ng Ehipto, gumawa ng isang
eksperimento si Psammatichos kung
paano nga ba nakapagsasalita ang tao.
May dalawang sanggol siyang pinalaki
sa loob ng kuweba at mhigpit na
ipinag-tos na hindi ito dapat makarinig
ng anumang salita. Sa tagal ng panahon
nakapagsalita raw ng “Bekos” ang
dalawang bata na ang ibig sabihin ay
tinapay. Sa maikling sabi, likas na
natututuhan ng tao ang wika kahit hindi
ituro ang pinanghahawakan ng teoryang
ito.
Mayroong apat na paniniwala kung
paano natutunan ng isang tao ang
wika
1. PANINIWALA NG MGA BEHAVIORIST
2. PANINIWALA NG MGA INATIVIST
3. PANINIWALA NG MGA COGNITIVIST
4. PANINIWALANG MAKATAO
.
1 Paniniwala ng mga behaviorist – ayon sa kanila ang mga
bata ay pinanganak na may kakayahan na sa pagkatuto ng wika
at ang kanilang kilos at gawi maaring hubugin sila sa kanilang
kapaligiran. Binibigyang-diin ni Skinner (1968), isang
pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unad
na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla
at pagpapatibay sa anumang gawi o kilos. Ang teoryang ito ay
nagbigay sa mga guro ng set ng mga simulain at mga
pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang audio-lingual
method (ALM), ang mga pangunahing katangian nito ay ang mga
sumusunod: binibigyang diin ang kasanayang pakikinig at
pagsasalita; binibigyang-diin ang pag-uulit at mga drill; paggamit
laang ng target na wika; kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa
bawat tamang sagot; kagyat na pagwawasto ng kamalian;at ang
pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro.
1.Paniniwala ng mga inativist – ayon sa kanila ang mga bata ay
ipinanganak na may “likas na salik” sa pagtamo ng pagkatuto sa
wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975, 1965) na ang kakayahan sa
wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang
mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang
pananaw na ito ang nagpapahayag na ang wika ay makapaloob at
nabibigang-hugis ng sosyo-kultural na kaligiran kung saan ito
nabubuo. Ito’y mabibigyang kahulugan lamang kapag may
interaksyong nagaganap sa kapaligiran. Inilalarawan dito ang
likhang-isip na “aparato” na taglay ng mga bata at tinatawag itong
language-acquisi tion device (LAD). Ang LAD ang tumatanggap ng
impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika. Ang wikang ito
ay sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin na sa isipan ng mga
tuntunin, at inilalapat ang mga tuntunin habang nakikipag-usap ang
bata.
1.Paniniwala ng mga cognitivist– ayon sa kanila ang
pagkatuto ng wika ay isang dinamikong kung saan ang mga
mag-aaral ng wika ay kailangang palagiang mag-isip at
gawing may saysay ang bagong tanggap na kaalaman at
impormasyon mula dito mas napapaunlad nila ang pagkatuto
nila sa wika. Inaalam ng mga mag-aaral ng wika ang mga
pumapailalim na tuntunin at mailapat ito nang sa ganun ay
makabuo ng orihinal na pangunguasap. Habang ginagawa
ang prosesong ito hindi maiiwasan nag pagkakamali. Ayon sa
mga kognitibist ang pagkakamali ay isang palatandaan ng
pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang
iwinawasto.
4. Paniniwalang makatao – ang paniniwala nila
ay nakapokus sa damdamin at emosyon ng isang
tao. dagdag pa dito , mas mabilis nila natututunan
ng tao ang wika at wala siyang pag-alinlangang
gamitin ito at malaya niyang nailalahad ang
kanyang saloobin. Tungkulin ng isang guro na
maglaan at lumikha ng isnag kaaya-ayang
kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng
walang pananakot kung saan maginhawa ang
pakiramdam ng bawat mag-aaral at Malaya nilang
nagagamit at nasusuri ang bagong wikang
natutunan. Kailangan ding linangin ng guro ang
pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-aaral.
Alin sa mga teoryang ito ang wasto?
Hindi natin matutukoy. Kaya nga teorya ang tawag sa mga ito,
mga haka-haka lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang
pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na hahantong lamang sa
walang hanggang pagtatalo. Bawat teorya ay may sari-sariling
kalakasan at kahinaan na maaaring maging batayan upang ating
paniwalaan o di kaya’y tanggihan. Magkagayon man, mahalaga
ang bawat isa sa pagtalakay sa pinagmulan ng wika.
SANGGUNIAN