You are on page 1of 63

ANG WIKA

A. Simu-simula ng Wika
B. Mga Prinsipal na Angkan ng Wika
C. Ang Angkang Malayo-Polinesyo
at ang mga Wika sa Pilipinas
D. Ang Wika at ang Dalubwika
E. Ang Wika at ang Kultura
A. Simu-simula ng Wika

 Naniniwala ang mga Antropologo na ang wika ng


mga kauna-unahang tao sa daigdig, kung
mayroon mang wikang masasabi noon, ay isang
uri ng wikang halos katulad ng sa mga hayop.
 Dahil nga sa likas na talino ng tao ay napaunlad
niya nang napaunlad ang kanyang sarili sa
pamamagitan ng kanyang pagkontrol sa
maraming bahagi ng kalikasan hanggang sa
tuluyan na niyang maibukod ang kanyang sarili
sa mga hayop.
 Lahat halos ng wika sa kasalukuyan ay
mayroon nang kasalimuotan at lahat ay
maituturing na may kasapatan upang
magamit ng may wika sa
pagpapahayag ng anumang diwang
napapaloob sa kanyang kultura
 Gaya ng pagkakaalam natin, walang
taong walang wika at wala ring hayop
na may wikang tulad ng sa tao.
 Kung ang pagbabatayan ay ang mga
nabuhay na mga labi o artifacts na
gawa ng mga unang tao sa daigdig
masasabing ang pagkakaroon ng wika
ng tao sa tunay na kahulugan ng wika
ay mayroon nang humigit-kumulang sa
isang milyong taon.
 Iba’t
iba ang paniniwala ng mga
palaaral tungkol sa kung marami o iisa
ang pinagmulan ng mga wika sa
daigdig
 KungBibliya naman ang ating
pagbabatayan tungkol sa kung papaano
lumaganap ang wika sa Genesis 11:1-9
ay ganito ang nasasaad:
 Pagkatapos ng delubyo o malaking
baha, ang mga angkan nagmula kay
Noah ay dumami nang dumami at
lumaganp pagawing silangan.
 Noong panahong iyon ay iisang wika
lamang ang sinasalita ng lahat ng tao.
 Sa patuloy na paghahanap ng mga tao
ng mabuting pook na mapaninirahan ay
natuklasan nila ang lupain ng Babilonya
 Doon sila nagsimulang magtatag ng isang
lunsod.
 Nagsimula rin silang magtayo ng isang
napakataas na templong-tore na halos
umabot sa langit, wika nga.
 Ang nasabing templong-tore ay isang
bantayog na sumasagisag sa kanilang palalo
at walang-hanggang paghahangad.
 Nang bumaba sa kalupaan ang Diyos ay
nakita Niya ang templong-toreng itinatayo ng
mga tao. Inisip Niya na kung patuloy na
magkakaroon ng isang wika ang mga tao, sila
ay mananatiling nagkakaisa at maaaring
dumating ang panahon na wala nang maging
katapusan ang kanilang pagiging labis na
paghahangad.
 Ang nasabing tore ay palatandaan ng
palalong paghahangad ng mga tao na
mapalapit sa Diyos, at sa dakong huli’y
mapantayan at malampasan ang
Kanyang kapangyarihan.
 Kaya’t ang ginawa ng Diyos ay binigyan
Niya ang mga tao ng iba’t ibang wika
upang sila’y hindi mgkaunawaan.
 Nang hindi na magkaunawaan ang mga
tao ay nagsimula na silang
magkawatak-watak at kumalat sa
buong daigdig.
 Ang lunsod at templong-tore na kanilang
itinatayo, mula noon, ay nakilala sa tawag na
Lunsod ng Babel at Tore ng Babel
 Na ibig sabihin ay “CITY OF CONFUSION”
at “TOWER OF CONFUSION”
 Sapagkat doon nakaranas ang tao ng
pagkalito, pagkakagulo, at pagkakawatak-
watak nang sila’y bigyan ng Diyos ng iba’t
ibang wika.
 May pagkakataon na ang ilan ay nagsagawa
pa ng eksperimento.
 Psammitichus, hari ng Ehipto noong unang
panahon.
 Nagpakuha ng dalawang sanggol at
pinaalagaan ang mga ito sa isang pook na
walang maririnig na usapan ng mga tao
upang alamin kung anong wika ang kanilang
matutuhan
 Unang nabanggit bekos – bread
 Ang bekos ay isang salita sa wikang
Phrygian (isa na ngayong patay na
matandang wikang Indo-Eurepeo)
 Nagbigay rin ng Konklusyon na ang
wikang Phrygian ay mas una at mas
matanda sa wikang Egyptian
 Anupa’t sa maraming aklat ay marami pang
mababasa tungkol sa iba’t ibang teorya kung
papaano nagsimula at lumaganap ang wika. Narito
ang ilan sa mga sumusunod:
 1. Teoryang Bowwow
 2. Teoryang Dingdong
 3. Teoryang Pooh Pooh
 4. Teoryang Yo-he-ho
 5. Teoryang Ta-ta
 6. Teoryang Tarara-boom-de-ay
Gawain: Isang dulaan

 Kayo ay magsasagawa nang isang


dulaan batay sa pinagmulan o teorya ng
wika.
 Mamili sa mga teoryang ito at igawa ng
isang dula kung paanong tinawag
siyang teorya ng wika inyong napili. (na
wala pang wika)
 3 miyembro lamang sa bawat grupo at
hindi kailangan na magkakapareho ang
ilang grupo.
B. Mga Prinsipal na Angkan ng
Wika

 Ang pagkilala at pagpapangkat-pangkat ng


halos 5,000 wika sa daigdig ayon sa kani-
kanilang pinagmulan ay hindi biru-birong
gawain.
 Sa payak na paglalarawan, ang ganitong
gawain ay naisasagawa ng mga antropologo
at dalubwika sa pamamagitan ng pagtutulad-
tulad sa iba’t ibang wika upang alamin kung
ang mga ito’y may pagkakahawig, kundi man
pagkakatulad, sa palatunugan, sa palabuuan,
sa palaugnayan at sa talasalitaan o leksikon.
 Binabakas din ng mga antropologo ang
kasaysayan ng paglaganap ng tao sa
daigdig, ang pag-uugnayan ng mga tao
ng may kinalaman sa kanilang
pagkakalakalan o pulitika, ang
heograpiya, at iba pa na may
kaugnayan sa pagbakas ng pinagmulan
ng iba’t ibang wika.
 Ang pagbakas sa kasaysayan ng mga
wika ay masasabing nakabalik lamang
ng mga 6,000 hanggang 8,000 taon
dahilan sa kawalan ng mga datos na
mapananaligan.
 Sa katotohanan, ang pagbakas sa
ibang wika ay ni hindi nakaabot sa
nakaraang 2,000 taon.
 Marami nang linggwista, antropologo at
pilologo ang nagsagawa ng
pagkaklasipika ng iba’t ibang wika sa
daigdig.
 Kunin nating halimbawa ang
klasipikasyon ni Gleason (1961;
Linguistics):
I. INDO-EUROPEAN

 A. GERMANIC (o Teutonic)
(1) a.English-Frisian – sinasalita sa baybayin ng
Netherlands at Alemanya
b.English – pinakamalaganap sa kasalukuyan
c. Frisian ng mga pulong malapit at sakop ng
Netherlands at Alemanya (Frisian Islands)
(2) Dutch-German
Dutch ng Netherlands
German ng Alemanya
Flemish ng Belgium
***Ang Afrikaans, isa sa dalawang wikang
opisyal ng Unyon ng Hilagang Africa, ay buhat
sa Dutch;
***Ang Yiddish na gumagamit ng alpabetong
Ebreo ay buhat sa Aleman
 (3) Scandinavian
 Danish ng Denmark
 Swedish ng Sweden at Finland

 Riksmal at Landsmal ng Norway

 Icelandic ng Iceland

 Anglo-Saxon ng Britanya
 B. CELTIC
 Breton ng Timog-Kanlurang Pransya
 Welsh ng Wales

 Irish of Ireland

 Scots Gaelic ng Scotland


 C. ROMANCE
 Portuges ng Portugal at Brazil
 Espanyol ng Espanya, Latin Amerika, at Brazil
 Pranses ng Pransya at mga bansang sakop; (Belhika,
Belgian Congo, Switzerland, at Canada)
 Italyano ng Italya
 Rumanian ng Rumania
 Sardinian
 Rhato-Romanic
– Romansch – isa sa apat na opisyal na wika ng Switzerland (
ang iba -Aleman, Pranses, at Italyano)
 Haitian Creole
 Catalan at Galician ng Espanya
 Latin (Ascan, Umbrian, Venetic)
 D. SLAVIC NG SILANGANG EUROPA
 Ruso
– Buhat sa rehiyon ng Moscow, kumalat sa katimugang
Asya; pangalawang wika ng USSR; pangalawa sa ingles
sa dami ng ngsasalita
 Byelorussian at Ukrainian – wika sa gawing hilaga
ng Rusya
 Polish ng Poland

 Czech ng Czechoslovakia

 Slovak ng Slovakia

 Serbo-Croatian ng Yogoslavia
 E. BALTIC
 Lithuanian ng Lithuania
 Latvian ng Latvia

 F.ALABANIAN
 G. ARMENIAN
 Sinasalita sa kahilagaang Caucasus at sa
ilang lugar sa Near East
 H. GRIYEGO ng GREECE
 I. IRANIAN
 Kurdish sa kanlurang Turkiya
 Persyano sa mga Muslin ng India at Pakistan

 Pashto o Afghan sa bahagi ng Afghanistan at paligid-


ligid ng Pakistan
 Balochi sa isang bahagi ng Pakistan
 J.INDIC mga wika sa gawing Timog ng
India at Pakistan
 Hindi ng Republika ng India
 Urdu ng Pakistan

 Bengali ng Bengal

 Nepali ng Nepal

 Sinhalese ng Ceylon

 Sanskrito – ginagamit pa ring wikang


pampanitikan at panrelihiyon sa Indya
II. FINNO-UGRIAN

 A. FINNISH ng FINLAND
 B. ESTONIAN ng ESTONIA

 C. HUNGARIAN ng HUNGARY

 D. LAPPISH, MORDVIN, CHEREMISS


 Mga wikang kaangkan ng kumalat sa gawaing
timog ng Europa at Asya
III. ALTAIC

 A. TURKIC (Turkish, Azerbaijani –


timog-kanluran ng Iran at Caucasus;
Kirghiz, Uzbeg, Kazak-kalagitnaang
Asya)
 B. MONGOL ng MONGOLIA

 C. MANCHU-TUNGUS ng SILANGANG
MONGOLIA
IV. CAUCASIAN SA USSR

 A. SOUTH CAUCASIAN
 Georgian, Mingrelian
 B. NORTH CAUCASIAN
 Abkahasian, Avar, Chechen, Kabardian
 C. BASQUE
V. AFRO-ASIATIC (timog ng Africa at
hilagang-kanluran ng Asya)

 A. SEMITIC
 Ebreo ng Israel – wikang ginagamit sa Matandang
Tipan
 Arabiko ng Arabia

 Maltese ng Malta

 Assyrian ng Asyria

 Aramic – sa wikang ito unang naisulat ang unang


Bibliya; wikang ginamit ni Hesukristo at ng kanyang
mga disipulo
 Phoenician – (kahawig na kahawig ng matandang
Ebreo, wika noon ng komersyo sa Mediterranean at
 B. HAMITIC
 Egyptian
 Berber ng Timog Africa at ng Sahara

 Cushitic ng Silangang Africa

 Chad ng Nigeria
 C. MANDE ng KANLURANG AFRICA
 D. KWA ng Gitnang Africa

 E. SUDANIC ng SUNDAN

 F. BANTU (Swahili, Congo, Luba,


Ngala, Shona, Nyanja, Ganda, Kafir,
atb.) ng NIGER-CONGO
VI. KOREAN

 VII. JAPANESE
 Niponggo
 Ryuku ng Ryuku Islands sa Kanlurang
Pasipiko
VII. SINO-TIBETAN ng Silangang
Asya

 A. TIBETO-BURMAN
 Tibetan, Burmese, Garo, Bodo, Naga, Kuki-
Chin, Karen
 B. CHINESE
 Mandarin, Fukien, Wu, Cantonese
 C. KADAI
 Thai, Siamese, Laotian, Lao, Shan
IX. MALAYO-POLINESIAN
(kumalat sa mga kapuluan sa Pasipiko at sa
Kanluran ng Madagascar)

 A. INDONESIAN NG EAST INDIES


– Tagalog, Bisayan, Ilocano, Pampango,
Samar-Leyte, Bicol, atb. Ng Pilipinas
– Chamerro ng Guam
 B.MALAY ng SUMATRA, MALAYA,
BORNEO
– Batak ng Sumatra, Balinese ng Bali,
Dayak ng Borneo
– Makassar ng Celebes
 C. MICRONESIAN
 D. POLYNESIAN
– Hawaiian, Tahitian, Samoan, Maori
 E. MELANESIAN
– Fijian ng Fiji
X. PAPUAN (New Guinea at mga
kalapit-pulo)

 XI. DRAVIDIAN (Hilagang India)


– Telugu
– Tamil
– Kannarese ng Kanara
– Malayalam ng Hilagang-Kanlurang India

 XII. AUSTRALIAN
XIII. AUSTRO-ASIATIC
(Hilagang-Silangang Asya)

 A. Munda (kalagitnaang India)


– Santoli, Kkasi, Nicolabarese, Palauag, Wa,
Mon)
C. Ang Angkang Malayo-Polinesyo at ang
mga Wika sa Pilipinas

 Hindi nagkakaisa ang mga palaaral at mananaliksik tungkol


sa pinagmulan ng iba’t ibang wika sa kapuluan.
 Ngunit waring marami ang naniniwala sa teoryang ang mga
rehiyon nasa baybay-ilog ng kanlurang Tsina at hangganan
ng Tibet ang orihinal na pinagmulan ng kulturang
Indonesyo.
 Sa paglakad ng panahon, ang paglikas ng mga tao ay
nahati – ang isang pangkat ay lumikas na pakanluran
patungang Indya, Indo-Tsina at Indonesya.
 Ang pangkat na lumikas sa Indonesya ang siyang nakaabot
sa Pilipinas, Formosa, at sa iba pang kapuluan sa Pasipiko.
 Dahil dito ay kapani-paniwalang iisa lamang ang
pinagmulan ng iba’t ibang sistema ng pagsulat na ginagamit
noon sa kapuluan, katibayang iisa lamang ang pinagmulan
ng mga ito.
 Unang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino ay buhat sa
ALIFBATA ng Arabia (naging Alibata sa katagalan) na
nakaabot sa Pilipinas daang Indya, Java, Sumatra,
Borneo, at Malaya.
 Ang ganitong palagay ay mapananaligan sapagkat ang
BAHASA MELAYU na pinaniniwalaan nagmula rin sa
Alifbata ay naging Lingua Franca sa Timog-Silangang
Asya sa pagitan ng A.D. 700 at A.D. 1500.
 Ipinalalagay na pumasok ang Alifbata sa Pilipinas nang
maitindig ang emperyo ng Madjapahit sa Java sapagkat
noon mabilis na lumaganap ang impluwensya ng Malay
sa pulo-pulo mula sa Java hanggang sa Pilipinas.
 David at Healey (1962) ng Summer
Institute of Linguistics
 Nahahati sa 3 panahon ang malaking
paglaganap sa kapuluan ng mga
wikang buhat sa angkang Malayo-
Polinesyo.
 Noong 700 B.C. ang Philippine Stock ay
nahati sa 3:
 1. Northern Philippine Family
 2. Southern Philippine Family

 3. Pangasinan
Northern Family (200 B.C.) ay
muling nahati sa 3

 1. Ang mga wika sa Lalawigang


Bulubundukin (Ifugao, Kankanai, Bontoc)
 2. Ilocano at ang mga wikang lumaganap sa
kahabaan ng ilog ng Cagayan (Kalinga,
Tinggian, Isneg, Ibanag, Atta, Gaddang,
Agta)
 3. Inibaloi
Southern Philippine Family (100
B.C.) nahati sa mga ss na pangkat

 Sambal
 Tagalog
 Pampanga
 Bicol
 Cebuano
 Butuanon
 Surigao
 Kalagan
 Mansaka
 Batak
 Cuyunon
 Maranao
 Magindanao
 Binukid
 Dibabaon
 Western Bukidnon Manobo
 Southern Bukidnon Manobo
 Subanun
 1100 B.C. ang Philippine Superstock ay nahati sa
Philippine Stock at iba pang wika sa timog Luzon
 1300 B.C. ang malalaking pangkat ng mga
wikang kilala sa uring Proto-Indonesian ay nahati
sa
– Philippine Superstock,
– Southern Mindanao Family
– Isang angkan na kasama ang Malay
– Chamic Family
 Maypalagay din ang nasabing mga
mananaliksik na ang mga wika sa
Borneo, Celebes, kanlurang Micronesia
o Formosa ay kaangkan ng Philippine
Superstock.
7 Pangalan ang ginamit sa pagpapangkat ng mga
wika sa Pilipinas (David at Healey)

 Southern Philippine Family


 Northern Philippine Family
 Southern Mindanao Family
 Chamic Family
 Philippine Sock
 Malay Stock
 Philippine Superstock
Kahinaan ng Pag-aaral

 Hindi ibinibigay ang tiyak na petsa ng


pinagmulan ng Inang-wika
 Ang mga talasalitaang ginamit ay lubhang
kakaunti upang magbigay ng mapananaligang
resulta
 Limitado lamang sa mga talasalitaan ang
isinagawang pagsusuri; wala sa morpolohiya at
sintaksis
 Hindi isinaalang-alang ang maaaring naganap
na paghihiraman ng mga wika sa kapuluan
 Walang sanligang matematikal ang teknik o
pamaraang ginamit
Iba pang pag-aaral na isinagawa

 Klasipikasyon ni Conklin (1952)


 Pinangkat sa 2 ang wika ng Pilipinas

 Batay sa korespondesya ng mga tunog


at iba pang katangiang panlinggwistika.
– Iloko-type (Ilocano at Pangasinan)
– Tagalog type (Tagalog, Bicol, Hiligaynon,
Cebuano at Waray)
– (Kapampangan)
Iba pang pag-aaral na isinagawa

 Klasipikasyon nina Fox, Sebley at Eggan (1953)


 Gumamit ng Lexicostatictics
 Gumawa ng Glottochronology para sa Katimugang
Luzon
 Sang ayon sa kanila ang halos lahat ng mga wika sa
Katimugang Luzon ay mapapangkat lamang sa isa.
 Ang Northern Luzon Type nahahati sa 4
– Northern Division
– Central Division
– Southern Division
– Southeastern Division
Iba pang pag-aaral na isinagawa

 Klasipikasyon ni Dyen
 Kinikilalang pinakapangunahing linggwista ng wikang
Malayo-Polinesyo, sa mga wikang Austronesian.
 Ginamit din ang Lexicostatistical
 60 wika sa Pilipinas kasama sa kanyang pag-aaral
 Nahahawig ang pag-aaral sa pag-aaral nina Healey
at Thomas naiba lamang sa isa
 Hindi tinanggap na malapit ang relasyon ng Tagalog
at Kapampangan
 Mas malapit ang Tagalog sa Cebuano at Kuyunon
kaysa Kapampangan
D. Ang Wika at ang Dalubwika

 Nabanggit na hindi kukulangin sa 5,000 ang


lahat ng wikang sinasalita sa buong daigdig –
5,000 iba’t ibang wika.
 Ngunit nagkakaiba-iba man ang mga wikang
ito, lahat naman ay masasabing may
pagkakatulad sa dahilang lahat ay binibigkas at
lahat ay binubuo ng mga tunog
 Subalit walang tunog na Unibersal
 Bawat wika ay may kani-kanyang set at
balangkas ng mga tunog
 Ang mga mekanismong ginagamit ng
tao sa pagsasalita ay may kakayahang
lumikha ng napakarami at halos walang
katapusang uri ng mga tunog.
 Subalit hindi lahat ng tunog na
nabibigkas ng tao ay ginagamit sa isang
wika.
 Ang wika ay napakahalaga sa buhay ng tao.
 Dahil sa kahalagahang ito, hindi kalabisan
kung ito man ay pag-ukulan ng panahon at
masusing pag-aaral ng mga taong
nagpakadalubhasa rito.
 Dalubwika o linggwista ang tawag sa taong
dalubhasa sa wika kung sila’y may katulad ng
hangarin sa pag-aaral ng wika.
 Ang agham naman ng wika ay tinatawag na
aghamwika o linggwistika.
 Hindi na kailangang matutuhan pa ng isang
dalubwika ang wikang kanyang sinusuri
 At hindi rin kailangang maraming sinasalitang
wika ang isang tao upang siya’y matawag na
dalubwika.
 Tinatawag siyang dalubwika sapagkat nag-
aangkin siya ng mga di-karaniwang kaalaman
at kakayahan hindi sa pagsasalita kundi sa
pagsusuri ng wika.
 Dapat lang din sila’y tawagin at kilalaning mga siyentipiko
 Sapagkat inoobserbahan nila ang wika, pagkatapos at
klinaklasipika at gumagawa ng mga alituntuning bunga
ng kanilang isinagawang pagsusuri.
 May dalubwikang isa-isang sinusuri ang mga wika; ang
iba naman ay dalubhasa sa mga pangkalahatang
kaalaman tungkol sa wika.
 Pinag-aaralan din ng mga dalubwika ang Palatunugan
 Halimbawa ng 2 bata ay ilalayo sa kabihasnan
 Ang wika ay binubuo ng natatanging balangkas ng
sinasalitang mga tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit sa pakikipag-ugnayan ng mga
taong gumagamit nito.
E. Ang Wika at ang Kultura

 Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang


bansa, bayan, pook o pamayanan, ay may sariling
kultura.
 Ang kultura ay ang karunungan, sining, literatura,
paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong
nananahanan sa isang pamayanan.
 Ang bawat pangkat ng mga taong may sariling kultura ay
lumilinang ng isang wikang angkop sa kanilang
pangangailangan.
 Sa wikang ito nasasalamin ang mga mithiin at lunggatiin,
pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya,
kaalaman, at karunungan, moralidad, paniniwala at
kaugalian ng mga mamamayan.
 Ang Kultura at Wika ng isang
pamayanan ay dalawang bagay na
hindi maaaring paghiwalayin.
 May Wika sapagkat may Kultura; kung
walang Kultura saan gagamitin ang
Wika?
 Kastila

 Ingles

 Bilinggwalismo

 Aktibistang
kabataan
 Walang Wikang Superyor sa ibang
wika.

You might also like