You are on page 1of 3

Banghay Aralin

sa
Baitang 9
(Aralin 4)
Mansanero, Amajette A.
Nio, Hannah Angela G.
III - 4 BSE Filipino
Prop. Myrna Rabina
FS Adviser

Mga Teorya
A. Sosyoling wistikong teorya:
Ayon sa teoryang ito ay ang wika ay panlipunan at ang speech ay pangindibidwal. Ayon kay Sapir, ang wika ay isang instrumento o kasangkapan ng
sosyalisasyon. Ibig sabihn nito ay ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala
nito. Ayon naman kay Saussure, ang wika ay binubuo ng dalawang parallel at
magkaugnay na serye, ang signifier(language) na isang kabuuang set ng mga gawaing
pangwika na nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan, at ang
signified (parole).
Kaugnay sa teoryang ito ay ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa
mga magkakaibang indibidwal at grupo. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang
simpleng instrumento ng komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng mga anyo sa
isang magkakaibang kultura. Dito ngayon lalabas ang tatlong anyo ng wika, ang
idyolek, dayalek, at sosyolek.
B. Teorya ng akomodasyon:
Tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles, ang linguistic convergence at
linguistic divergence, Ang mga itoy mga teorya mula sa SLA (second language
acquisition). Tinatalakay ang teoryang ito Sa linguistic convergence sinasabin na
nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para
bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipag-palagayang-loob, pakikisama o
kayay pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic
divergence sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kayay lalong
pagigiit sa sariling kakayahan at identidad.
Tinatalakay rin dito ang interference phenomenon at interlanguage. Ang
interference phenomenon ay ang tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa
pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbaw, ang Taglish, Singlish, o kaya Malay
English at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng mga katutubong wika
ng mga bansang nagging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles.
Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao

pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa


nito ang mga salitang madalas nating ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay
nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay binabago ng tagapagsalita
ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga
alituntunin.
Teoryang Baryasyonista or Variationist
Nakapokus sa baryasyon ng wikang ginagamit ng mga taong sangkot sa isang
diskurso; kinapapalooban ito ng pagkakaiba sa tono, intonasyon, gamit ng salita gayon
din ang estrukturang panggramatika ng isang
Teoryang Baryasyonista
Lumalaganap ang teoryang ito dahil sa unti-unting pag-usbong ng mga iba't ibang
speech community na nagtataglay ng maraming baryasyon ng wika.
Pinaniniwalaan ni Littlewood...
sa kanyang pagtalakay na nakikita ng nag-aaral ng wika ang iba't ibang baryasasyon sa
tagapagsalita.
Sa pag-aaral naman ng wika, ang mga Chomskyan ay naniniwala na nagiging
mahirap para sa nag-aaral ng wika ang maraming baryasyon o kaugnay ng baryasyong
ito ang ponolohiya ng wika.
Bahagi ng pag-aaral na isinagawa ni Dickerson,
sa kanyang artikulo na may pamagat na On Variation in Interlanguage sa ponolohiya ng
mga Hapones sa pagsasalita ng Ingles. Iminungkahi niyang ituring ang iba't ibang
hakbang o proseso ng palatunugan.
Ang baryasyonista namang si Tarone ay malinaw na nakapokus sa proseso ng
pagtuklas. Ayon sa kanya, ang layunin ng pananaliksik ay ilarawan ang gramatikal at
ponolohikal na sistema na nakatuon sa pagsasagawa o performance ng mag-aaral.

Sanggunian:
http://teksbok.blogspot.com/2011/06/teoryang-pangwika.html
https://prezi.com/3_p65slbiqcy/teoryang-baryasyonista/

You might also like