You are on page 1of 12

Holy Family School of Quezon City Inc.

Siervas de San Jose


66 Daang Maginhawa, UP Village, Diliman, 1101
Lungsod ng Quezon

Pamantasang Normal ng Pilipinas


Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
Daang Taft, Maynila

Pebrero 6, 2017

Mala masusing Banghay Aralin


Filipino Baitang 8

Aralin: PANITIKAN
Sanaysay: Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose Rizal

Inihanda ni:

BB. HANNAH ANGELA G. NIO


I. Layunin
a. Naiisa-isa ang ibat ibang katangian ng mga Pilipino
b. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda
c. Nakikilala ang may-akda ng tatalakaying sanysay
d. Natutukoy ang mga dahilan ng katamaran ng mga Pilipino batay sa binasang
sanaysay
e. Nakapagpapahayag ng sariling damdamin sa nabasang sanaysay
f. Nakasusulat ng sariling isang quotation batay sa tinalakay na sanaysay
II. Paksang Aralin
Sanaysay: Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose Rizal
Mga Sanggunian:
Agnes, Wilma D. et.al (2014). Ang BATIKAN GRADE 8. Educational Resources
Corporation. Cubao Quezon City
Ang Katamaran ng mga Pilipino (buod). Nakuha mla sa
https://www.scribd.com/doc/221480296/Ang-Katamaran-Ng-Mga-Pilipino-Buod
nakuha noong Pebrero 3, 2017
III. Mga Kagamitan
LCD Projector
Laptop
Power point presentation
Cartolina, Manila paper, makukulay na papel
Pandikit, gunting
Bookmark
IV. Yugto ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagpapanatili ng kalinisan sa loob ng silid-aralan
c. Pagpapakilala ng guro
d. Pagbati
e. Paglalahad ng panuntunan sa loob ng silid-aralan
B. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng ilang comic strip na mayroong mga dayalogo at
tutukuyin ng mga mag-aaral kung ano ang katangian ng mga Pilipino ang ipinakikita
ng mga usapan sa comic strip. Sasabihin nila ang katangian at kung ito ba ay
maganda o hindi magandang katangian.

Pag-aaral mabuti

Nagtatapon ng basura sa daan

Pagdarasal

Katamaran
C. Talasalitaan
Bago talakayin ang akda ay magkakaroon ng paglinag ng talasalitaan. Ang guro
ay magpapaskil ng mga kalahating puso sa pisara at ibibigay ang kabiyak sa ilang
mag-aaral at sila ang magtatambal nito sa pamamagitan ng kanilang mga
kasingkahulugan. Babasahin muna ang mga halimbawang pangungusap upang
malaman ang kasingkahulugan ng mga salitang na sa kalahating puso.

encomendero
1. Ang mga encomendero ang nagpapahirap
may-ari
sa mga Pilipino sa kanilang pagsasaka ng
ng lupa
lupa.

2. Napakaraming kuskos-balungos ng
pamahalaang Espanyol sa pagpapahirap s
kuskos- balungos amga Pilipino.
paligoy-ligoy

3. Ang mga Kastila ay lulan ng mga


lulan magagarang karwahe at nagpapakasarap sa
sakay kanilang buhay.
D. Pagtalakay sa Aralin

a. Pagkilala sa May-Akda

Bago tuluyang talakayin ang sanaysay ay kikilalanin muna ng mga mag-aaral


ang may-akda sa tulong ng kanilang guro.

Si Dr. Jose P. Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba,


Laguna. Ang kaniyang ina na si Gng. Teodoro Alonzo Y Quintos Realonda ay
nahirapan siyang ipanganak dahil ang kaniyang ulo ay mas malaki kaysa
karaniwan. Ang kaniyang ama ay si Don Francisco Mercado Rizal. Tatlong
taong gulang pa lamang si Jose ay natutuhan na niya ang alpabeto at ang
kaniyang ina ang kaniyang unang guro. Si Jose Rizal ay nakakapagsalita ng 22
wika. Marami na siyang naisulat na mga akdang pampanitikan at maituturing
din siyang manggagamot, siyentipiko, makata, dalubwika, mananaliksik at
pilosopo. Ibinuwis niya ang kaniyang buhay para sa bayan. Binaril siya sa
Bagumbayan na kilala ngayong Luneta noong Disyembre 30, 1896 dahil sa
paratang na paghihimagsik laban sa mga Espanyol. Siya ang kinilalang
pambansang bayani dahil sa mga naiambag niya sa ating bayan.

b. Pahapyaw na pagpapakilala sa Sanaysay


Sanaysay- ayon kay Abadilla ito ay akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng
may saysay. Sapanitikan na ito inilalahad ng mga manunulat ang kanilang mga
saloobin at opinyon sa isang bagay. Mayroon itong dalawang uri, ang pormal at di-
pormal na sanaysay. Ang pormal na sanaysay ay ibinabase sa mga datos at
impormasyong makatotohanan. Samantala, ang di-pormal na sanaysay naman ay
tungkol sa sariling saloobin, damdamin at mga opinyon.

c. Pagtalakay sa Sanaysay ni Rizal


Ang pagtalakay sa aralin ay pangungunahan ng guro. Mayroong sampung dahilan
kung bakit naging tamad ang mga Pilipino na inilahad ni Rizal sa kaniyang sanaysay.
Ang unang dalawang dahilan ay tatalakayin ng guro upang maging gabay. Ang
natitirang walo ay aalamin ng mga mag-aaral.
Ipakikita ng mga mag-aaral ang mga dahilan ng katamaran ng mga Pilipino ayon
kay Rizal sa pamamagitan ng pangkatang gawain. Ang sanaysay at klase ay hahatiin
sa apat na pangkat, ang bawat pangkat ay mayroong tig-dadalawang dahilan na
kailangan nilang tuklasin at ibahagi sa klase mula sa sanaysay. Matapos nilang
matukoy ay gagawa sila ng isang Tularan Siya. Gagawin nilang positibo ang
negatibong dahilan upang ipakita na ang mga Pilipino ay hindi tamad. Magpapakita ang
guro ng isang modelo bago ito isagawa ng mga mag-aaral.

Ang Katamaran ng mga Pilipino


ni Dr. Jose P. Rizal

Una hanggang Ikatlong Talata (Pagtalakay ng Guro)


(Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na La Indolencia
de los Filipinos, na nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang
Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na itoy isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya
sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na
silay mga tamad. Ang upasalang itoy hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang
sanaysay. Manapay inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga
kababayan. At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit
ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid.
Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na ang mga
banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang malamig ang klima ay
nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng mabibigat na gawain. Sa bayang
mainit ang panahon, kahit hindi kumilos ang isang tao, siyay
pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga
Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng
mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi
nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong
masasarap ang kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang
kabuhayan. Silay malaya, ang bunga ng kanilang mga pagsisikap
ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa kinabukasan, at
iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na katutubo ay kulang sa
pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba
napupunta, at kinukuha sila sa paggawang sapilitan.
Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit ang singaw
ng panahon palibhasay hindi sila hirati sa gayong klima, kayat
karampatan lamang na dulutan sila ng balanang
makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwat ang
wika nga ni Rizal, ang isang taoy maaaring mabuhay kahit saan
kung sisikapin lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa
hinihingi ng pangangailangan.
Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil
din sa kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago
dumating ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila
sa Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan,
paghabi ng damit at iba pa. Kayat mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga Kastila,
ang mga Pilipino bagaman ang mga pangangailangan nilay hindi naman marami, ay
hindi mga mapagpabayang gaya ngayon.
Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat ang
mga Pilipinoy hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga mandarambong
buhat sa Mindanaw at Sulu. Paanoy ayaw pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at
iba pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang ibay wala at
kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastilay
maraming digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay
ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao
sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang buhat sa Sulu palibhasay walang
sukat maipananggol sa sarili.
Una at Ikalawang Dahilan ng Katamaran ng mga Pilipino ayon kay Rizal:
1. Ang mainit na singaw ng panahon
2. Maraming digmaan at kaguluhan

Siya si Jose.
Hindi siya tinatamad kahit na mainit ang panahon.
Hindi rin niya dinadaan sa dahas ang mga bagay
na nais niyang makuha.
Ginagawa niya ang kaniyang mgaresponsibilidad
at payapa siyang makitungo sa mga tao.
Tularan natin siya.

Unang Pangkat
Ang pagsasakay napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad
ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang
ginagawa ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na
paggawa ng mga barko, kayat maraming Pilipino ang
pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat upang magamit.
Wala tuloy katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kayat
naging mga mapagpabaya. Tungkol ditoy sinipi ni Rizal si
Morga na nagsabi (sa kanyang Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo ang
pagsasaka, pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong silay mga
pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng pagsakop. Iyan ang naging
bunga ng tatlumput dalawang taon ng sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino.
Ang pamahalaay walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay mahikayat
na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan sa mga bansang
malaya, gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon, kayat humina ang pagluluwas ng mga
produktong Pilipino at ang industriya ay hindi umunlad. Ang Pilipinoy hindi maaaring
gumawa sa kanilang bukid kung walang pahintulot ng pamahalaan.
Bukod sa mga iyan, ang Pilipinoy hindi tumatanggap ng karampatang halaga sa
kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga
encomendero ang mga Pilipino, silay pinagagawa para sa sarili nilang
kapakinabangan, at ang iba namay pinipilit na sa kanila ipagbili ang inaani o produkto
sa maliit na halaga at kung minsay wala pang bayad o kayay dinadaya sa
pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan.
Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negohsyoy
sinasarili ng gobernador, at sa halip pukawin ang mga
Pilipino sa kanilang pagpapabaya, ang iniisip lamang niyay
ang kanyang kapakanan kayat sinusugpo ang ano mang
makaaagaw niya sa mga pakinabang sa pangangalakal.
Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo
sa pamahalaan, mga kakuwanan ng pulitika, mga
kinakailangang panunuyo at pakikisama, mga pagreregalo, at ang ganap na
pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa
paggawang kapaki-pakinabang.
Ika-3 at ika-4 na dahilan ng Katamaran ng mga Pilipino ayon kay Rizal:
3. Sapilitang paggawa
4. Pamahalaay walang dulot na pampasigla

Ikalawang Pangkat
Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila:
pag-iwas sa pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng
maraming utusan sa bahay, na para bang alangan sa
kanilang kalagayan ang magpatulo ng pawis, at ang
pagkilos na animoy kung sinong maginoo at
panginoon na ipinaging palasak tuloy ng kasabihang para kang Kastila,-
ang lahat ng iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng
katamaran at pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain.
At ang wika pa ng mga Pilipino noon: Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay
hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman.
Ika-5 at ika-6 na dahilan ng Katamaran ng mga Pilipino ayon kay Rizal:
5. Kasambahay o utusan sa sariling bayan
6. Turo ng simbahan

Ikatlong Pangkat
Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at itoy isa pa ring nagpapalala ng katamaran.
Ang Pilipinoy hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi
o pautang upang maging puhunan. Kung may salapi man ang
isang Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang
buwis at iba pang impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa
kalmen, kandila, nobena, at iba pa.
Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang
pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga
magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran.

Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa.


May isang Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi
man lamang siya pinag-ukulan ng pansin.
Ika-7 at ika-8 dahilan ng Katamaran ng mga Pilipino ayon kay Rizal:
7. Pagsusugal
8. Walang tulong sa mga Pilipino

Ikaapat na Pangkat
Ang katamaray pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng edukasyon.
Ganito ang wika ni Rizal:
Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na pamumuhay
ng mga monghe, ang mga katutubo namay walang ginawa kundi iukol ang kanilang
buhay sa pagkakaloob ng kanilang salapi sa simbahan dahil sa inaasahang mga himala
at iba pang kataka-takang bagay. Ang kanilang kalooban ay
nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala silang natutuhan kundi ang
pagkilos na parang mga makina na hindi nalalaman ang buong
kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling pagmumulat sa
isip at kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal-hambal
na mga pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na pagtutunggali
ng isip at ng tungkulin ay humantong sa pananamlay ng kanyang mga pagsisikap, at
sa tulong ng init panahon, ang kaniyang walang katapusang pag-aatubili, ang kaniyang
mga pag-aalinlangan ay siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.
Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay
nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siyay nagkaroon ng mababang
pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa.
Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila ng
damdamin bilang isang bansa palibhasay pinagkaitan sila ng karapatang
makapagtatag ng mga samahan na magbibigay sa kanila ng pagkakataong
magkaunawaan at magkaisang damdamin.
Palibhasa ngay walang bansang kinaaaniban, ang
mga Pilipinoy hindi nagkaroon ng pagkabahala sa ano
mang kahirapang dinaranas ng mga tao. Patay ang apoy
ng kanilang pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa
kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa
kaunlaran at kasaganaan ng kanilang Bayan.
Ang sabi ni Rizal: Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang
araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang
pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang
ninanais.
Ika-9 at ika-10 dahilan ng Katamaran ng mga Pilipino ayon kay Rizal:
9. Hindi mabuting Sistema ng edukasyon
10. Kawalan ng damdamin bilang isang bansa

Mamarkahan sila base sa Rubrik na nasa ibaba:

Pamantayan sa Pangkatang Gawain % 1 2 3 4


Natukoy ang dalawang dahilan na nakatalaga sa 35
pangkat
Kaangkupan ng ginawang Tularan Siya 30
Kaayusan ng mga kaisipan at pagpapaliwanag 35
Kabuuan 100
E. Sintesis
Pagkuha sa Natutuhan ng mga Mag-aaral

Gamit ang tatlong bisa ay ipahahayag ng mga mag-aaral ang kanilang


natutuhan sa buong aralin.

Bisa sa Isipan Bisa sa Damdamin Bisa sa Kaasalan


ito ang mga bagay ito ang damdaming - ito naman ang mga
na tumatak o naramdaman mo pagpapahalaga at aral
kumintal sa iyong habang binabasa o na nakuha mo at
isipan matapos tinatalakay ang dapat mong isabuhay
mabasa ang sanaysay. mula sa nabasa at
sanaysay. natalakay na
sanaysay.

F. Pagtataya
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang naging unang guro ni Jose Rizal?


a. Ama b. Ina c. Ate d. Kuya
2. Anong uri ng akdang pampanitikan ang Ang Katamaran ng mga Pilipino?
a. dula b. maikling kwento c. sanaysay d. nobela
3-4. Ano ang dalawang uri ng sanaysay?
a. pormal b. di pormal c.personal d. paktuwal
5. Sa isinulat ni Rizal na Ang Katamaran ng mga Pilipino, ilan ang dahilan na
kaniyang inilahad?
a. 5 b. 10 c. 15 d. 20

Mga Sagot:
1. b. Ina
2. c. sanaysay
3-4. a. pormal
b. di pormal
5. b. 10
G. Paglilipat

Magbibigay ang mga mag-aaral ng kanilang kabuoang natutuhan gamit ang


isang bookmark na ipamamahagi ng guro. Lilikha sila ng isang quotation at isusulat ito
sa bookmark.

Natutuhan sa Buong Aralin

IV. Takdang Aralin

Manaliksik ng mga impormasyon tungkol sa mga Pangunahin at Pantulong na


Kaisipan bilang paghahanda sa susunod na pagtalakay.

You might also like