You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino 7

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. PAG UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN)

 Natutukoy ang mahahalagang detalye sa napakinggang teksto

tungkol sa epiko sa Kabisayaan.

(F7PN-IIg-h-10)

II. PAKSANG ARALIN

A. PANITIKAN: Mahalagang Detalye sa Epiko

B. KAGAMITAN: Video clip mula sa youtube,pantulong na biswal

C. SANGGUNIAN: Pinayamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.

D. BILANG NGARAW: 2 Sesyon

E. PAGPAPAHALAGA: Matukoy ang dapat taglayin upang

maipagtanggol ang pamilya.

III. PAMAMARAAN/ PROSESO NG PAGKATUTO ( 4 As )

 Gawaing Rutinari

 Pagtatala ng liban

 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

 Balik aral
 AKTIBITI

1. MOTIBASYON

Mungkahing Estratehiya (WHO’S YOUR FAVORITE SUPERHERO)

Magpapanood ang guro ng isang video clip nanag-iisa-isa sa mga

kilalang superheroes ng bansa.

MY ALL-TIME FAVORITE PINOY SUPERHEROES

http://youtu.be/rl8TSg9aCPI

Gabay na Tanong:

a. Pamilyar ba sa inyo ang mga ipinapakitang superheroes? Ano-ano

ang kanilang mga katangian? Magbigay ng ilang mga detalye tungkol

sa kanila.

b. Paano ba masasabi na ang isang tauhan ay isang superhero o bayani

sa pelikula man o sa mga akdang pampanitikan?

Pag-uugnay ng guro ng aktibidad na ginagawa sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang

gawain. Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.


Ano-ano ang mga mahahalagang detalye sa akdang

pampanitikang epiko?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (EPIC SAMPLE)

Ang guro ay magpapanood/magpaparinig ng isang halimbawa ng

epiko.maaaring ipabasa rin sa mga mag-aaral ang mga nakasulat sa

bawat slides ng video clip.

EPIKO

http://youtu.be/3L6JxcLwafw

 ANALISIS

1. Mula sa inyong napanood,paano mo masasabi na ito ay isang epiko?

2. Batay sa mga pangyayari sa inyong napanood ,paano ipinakita ang

kabayanihan ng tauhan?

3. Ano ang naging suliranin ng epiko na inyong

napanood/narinig/nabasa? Magbigay ng ilang detalye tungkol sa

naging buhay ng pangunahing tauhan.

4. Paano mo maiuugnay sa kasalukuyan ang mga aral na kapapanood

lamang sa epiko?
 ABSTRAKSIYON

Mungkahing Estratehiya (CONNECT IT)

Batay sa na unang gawain, bumuo ng pangkalahatang konsepto ng

tinalakay sa pamamagitan ng pagdudugtong sa mga larawan.

Dugtungan ang pahayag sa ibaba.

 APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (REACT!)

Babasahing mabuti ng guro ang talata. Pagkatapos ay sagutin ang

mga tanong nang may repleksiyon sa kasulukuyang pangyayari.


IV. KASUNDUAN

1. Ano ang kaligirang pangkasaysayan sa likod ng epikong Hinilawod?

2. Basahinang dalawa sa apat namahalagang bahagi ng epikong Hinilawod.

a. Ang kuwento nina Alunsina at Datu Paubari

b. Ang pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon

Inihanda ni: Binusisi:

MA.ISABELS.CANIZARES EDGAR P.LONZAGA

Guro sa Filipino Punong Guro

You might also like