You are on page 1of 3

Ang Hukuman Ni Sinukuan (Mito mula sa Pampanga)

Si Mariang Sinukuan ang reyna sa bundok ng Arayat. Iginagalang siya maging ng mga hayop na kaniyang
nasasakupan. Mayroon siyang hukumang naging sagisag ng katarungan at pag-ibig.
Isang araw, narinig ni Mariang Sinukuan ang taghoy ng Ibong Martines kaya ipinatawag niya ito sa kaniyang
hukuman. Sinabi nito na nasira ang kaniyang pugad at nabasag ang kaniyang mga itlog dahil sa pagdamba ni Kabayo.
Ipinatawag ni Mariang Sinukuan si Kabayo. Sagot ni Kabayo, nagulat ito sa biglang pagkokak ni Palaka. Sagot naman ni
Palaka na kaya naman siya biglang kumokak nang malakas ay dahil sa takot na mabagsakan ng bahay ni Pagong.
"Kasi po, may dalang apoy si Alitaptap at natatakot akong masunog ang aking bahay,” ang paliwanag ni Pagong
kay Mariang Sinukuan nang siya naman ang ipatawag.
“Bakit may dala kang apoy kagabi, kaya nagbuhat ng bahay si Pagong na naging dahilan upang matakot at
mapakokak si Palaka, na naging dahilan upang dumamba nang dumamba si Kabayo na naging dahilan upang masira ang
pugad at mabasag ang mga itlog ni Martines?” Ang tanong ni Mariang Sinukuan kay Alitaptap. Sagot ni Alitaptap,
“Kasi po, kailangan kong magdala ng apoy bilang pananggalang laban kay
Lamok na palipad-lipad habang may dalang itak.”
Tinanong ni Sinukuan si Lamok. Ang sagot ni Lamok, "Kasi po, hinahanap ko si Talangka," “Sinipit niya ako nang
minsang magdaan ako sa kaniyang bahay. Mabuti at daplis lang ang sipit niya. Wala akong gulok na dala noon. Nang
bumalik ako ay nagtago siya at hindi malaman kung saan nagpunta.”
Dahil sa laki ng galit ni Lamok, wala sa loob na iwinasiwas nito ang dala-dalang itak. Dumulas ang kaniyang itak
at muntik nang tamaan sa ulo si Palaka kaya napalundag at kumokak nang malakas. Nagulat si Kabayo kaya dumamba
nang dumamba. Nagniningas ang apoy ni Alitaptap at lumipad na dala ang pugad ni
Martines. Nagulo ang buong hukuman ni Maria. Dahil dito, nagalit si Maria at ipinasiyang parusahan si Lamok.
Pinarusahan si Lamok na mabilanggo sa loob ng tatlong araw. Ipinagbawal din niya ang pagdadala nito ng gulok
sa paglilibot. Pinagbayad din niya si Lamok sa mga nabasag na itlog ni Martines. Pinayuhan naman niya si Martines na
huwag nang gagawa ng pugad sa lupa.
Natakot si Lamok na maparusahang muli kaya nang makalaya ay hinding-hindi na nagdala ng gulok. Ngunit
patuloy pa rin nitong hinahanap ang kalabang Talangka. Si Talangka naman ay lagi nang nasa mga butas at nagtatago
kay Lamok.
Kaya ngayon, kapag may aali-aligid at bubulong-bulong na kulisap sa iyong tainga, si Lamok iyon na inaakalang
nagtatago si Talangka sa butas ng iyong tainga.

______________________________________________________________________________________

Pangalan: ____________________________________________ Seksyon: ___________________

Mga Tauhan Banghay/ Mga Pangyayari Tagpuan

____________________ ____________________
____________________
____________________
____________________
____________________

Simula
____________________________________________________________________________

Gitna

Wakas

You might also like