You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF GINGOOG CITY
PUNDASAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Paaralan Pundasan National High School Baitang/Antas 7
Guro Rodney E. Cago Asignatura Filipino
Linggo Pito Araw Una Markahan Ikatlo

I. LAYUNIN
PAGKATAPOS NG TALAKAYAN ANG MGA MAG-AARAL AY INAASAHANG:

A. Naipapaliwanag ang mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon.


B. Napahahalagahan ang mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon batay sa napanood na isang halimbawa
ng dula.
C. Nakapagtatanghal ng maikling presentasyon hinggil sa paksang tinalakay.
II. NILALAMAN
Paksa: “Mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon”
KAGAMITANG PANGTURO
 Sanggunian: Modyul ng mga mag-aaral (Wika at Panitikan 7)
 Kagamitang panturo: Pantulong Biswal, Laptop, Ppt, Video
 Estratehiya: Serye ng katanungan at pangkatang Gawain
 Intergrasyon sa ibang Asignatura: ESP- Naipapahayag ang sariling pananaw o pagpapasya.
III. PAMAMARAAN

A.Paghahanda  Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala sa liban/ pagtsek ng atendans
 Pagkuha ng mga takdang-aralin
 Paalala/Rules and Policies
 Pagbabalik-aral

B.Pagtuklas/Pagganyak IDOLO NIYO, HULAAN NIYO!


Panuto: Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pangkat
dahil magkakaroon ng isang larong tinatawag na “IDOLO NIYO,
HULAAN NIYO!” bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng tig-iisang
Card Board. Kung saan dito isusulat ang kanilang mga magiging
kasagutan. Ang bawat pangkat ay magpapaunahan sapag tataas ng
kanilang Card Board pagkatapos maisulat ang kanilang sagot batay sa
mga katanungan ibibigay ng guro.
Ang unang pangkat na makakakuha ng apat na tamang sagot ay
magkakaroon ng karagdang puntos.
MGA HUHULAANG PANGALAN:

C O C O M A R T I N

R O B I N P A D I L L A
F R A N C I N E D I A Z
L O V I P O E

Pamprosesong Katanungan:

1. Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang pangalan na


inyong nahulaan?
2. Kilala niyo ba sila?
3. Saan natin sila mapapanood o makikita?

C. Talakayan  Tatalakayin ng guro ang paksang “Elemento ng Dulang


Pantelebisyon” sa pamamagitan ng isang maikling Video Clip at
magbabahagi rin ang guro ng isang halimbawa. Pagkatapos ito
mapanood ng mga mag-aaral ay bibigyang pagpapalalim ng guro
hnggil sa paksang napanood/napakinggan at agad na magkakaroon
ng mga katanungan ang guro sa mga mag-aaral batay sa kanilang
natutunan, napagtanto at naunawaan.

Pamprosesong katanungan:
1. Ano ang mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon?
2. Gaano kahalaga ang Iskrip sa isang Dulang Pantelebisyon?
3. Sino-sino ang nagbibigay buhay ng Dulang Pantelebisyon?
4. Bakit mahalaga ang paksa sa isang Dula?
5. Kung ikaw ang Direktor ng isang Dula, paano mo hihikayatin ang
iyong mga tagasubaybay na magkaroon ng Interest upang manood?
D. Malikhaing Gawain Talento Niyo, Ipakita Niyo!
Panuto: Papangkat ng guro ang mag-aaral sa apat na pangkat, bawat pangkat
ay:
Unang pangkat –Gumuhit ng isang poster patungkol sa Elemento ng
Dulang Pantelebisyon.
Pangkat dalawa: Gumawa ng isang Slogan hinggil sa kahalagahan ng
Iskrip.
Pangkat tatlo- Gumawa ng Dayalogo hinggil sa mga binibitawang linya ng
mga Aktor/Artista sa harap ng Camera.
Pangkat apat: Gumawa ng tatlong Dayalogo at itanghal ito sa intablado.

Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Marka

10 8 5

Pagkamali Malikhain at Katamtaman ang Hindi kawili-


khain Kawili-wili ang kawilihan ng wili ang
presentasyon na presentasyon naging
presentasyon
Ginawa

Nilalaman Ang pinakitang Hindi masyadong Malayong-


presentasyon ay akma sa hinihingi ang malayo ang
akma ginawang presentasyon
presentasyon na ginawa

Koopersyo Lahat ng May dalawang Maraming


n miyembro ay miyembro na hindi miyembro
aktibong nakilahok sagawain ang hindi
nakilahok nakilahok sa
gawain

Kabuuang
puntos

E. Paglalahat
GINTONG ARAL NA NAKUHA MO, IBAHAGI MO!
(HANDS-UP MOMENT)

Tatawag ang guro ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga


aral o pagpapahalagang natutunan. Sa pamamagitan ng HANDS-UP
MOMENT kung saan ang lahat ng mag-aaral ay magpapaunahan
sapag tataas ng kanilang dawalang kamay at kung sino man ang
makikitang huling makataas ng kamay ay siyang tatanungin at
sasagut sa mga katanungan ibibigay ng guro.

 Gabay na mga tanong?

1. Sa panahon ngayon, paano mo mabibiyang halaga ang mga


Dulang Pantelebisyon.

2. Bilang isang Pilipino, sang-ayon kaba sa mas tangkilikin natin


ang Dulang Pantelebisyon ng mga Pilipino kaysa mga banyaga?
Bakit?
F. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Ito ay gumaganap na mga tauhan at nagsasabuhay sa Iskrip?


a. Dayalogo c. Tema
b. Karakter/Aktor d. Direktor

2. Ang mga binibitawang linya ng mga actor na siyang sandata upang


maipakita at maipadama ang mga emosyon.
a. Dayalogo c. Tema
b. Karakter/Aktor d. Direktor

3. Ito ang nagpapakahulgan sa isang Iskrip ng Dula?


a. Iskrip c. Tema
b. Karakter/Aktor d. Direktor

4. _________ang pinakapaksa ng isang dula.


a. Iskrip c. Tema
b. Manonoodor d. Direktor

5. _________ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Dito makikita


ang
banghay sa isang Dula.
a. Iskrp c. Tema
b. Manonood d. Dayalogo

V.TAKDANG ARALIN/ Panuto: Sa magkaparihong pangkat, gumawa ng isang Iskrip na


KASUNDUAN nagpapakita ng mga senario patungkol sa suliranin ng Pamilya, kaibigan,
Katrabaho. Ipasa ito sa susunod na pagkikita. (50 puntos)

Krayterya/pamantayan

Nilalaman 15 puntos

Kahusayan 10 puntos

Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 30 puntos
VI.PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral sa
nakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain
C. Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
makatutulong ang punong
guro?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking nagawa
na maibabahagi ko sa
kapwa guro
.
DUL
AN
GPA
NTE
LEB
ISY
ON
ELE
ME
NT
ON
G

You might also like