You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin:
A. Pamantayan sa Baitang 7:
naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at
pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri
ng teksto at saling-akdang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng kamalayang global.

B. Pamantayang Pangnilalaman:
naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa Akdang Ibong
Adarna bilang isang obrang pampanitikan.
C. Pamantayan sa Pagganap:
naipamamalas ng mga mag-aaral ang kanilang sariling opinyon tungkol sa isang
sitwasyon.

D. Mga Kasanayang Pampagkatuto:


a) nauunawaang mabuti ang bawat saknong na nakapaloob sa akdang
Ibong Adarna Aralin 11-12;
b) nakalalahok sa isang aktibidad na pinoy henyo;
c) nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng Ibong Adarna;
d) nabibigyan ng kahulugan ang mga salitang mahirap unawain;
e) naibabahagi ang sariling opinyon tungkol sa isang sitwasyon
f) nakapagbibigay ng mga katangian taglay ng mga tauhan sa akdang
binasa;
g) affective domain na objective; at
h) nasusuri ang akdang binasa batay sa teoryang Humanismo at
Eksistensyalismo.

II. Paksang Aralin


A. Panitikan: Aralin 11 Sagot sa panalangin
Aralin 12 Ang Pag-awit ng Ibong Adarna
B. Kagamitang Panturo:
Laptop, Video Presentation, Powerpoint Presentation

C. Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 7 (pahina 33-38)

Ibong Adarna

https://www.youtube.com/watch?v=CYkQEXnnBdA&list=PL1ehyF19

D. Pagpapahalaga:

Ang katotohanan ay mananatili kailanman ngunit ang kasinungalingan ay hindi


maitatago nang matagal.

III. Yugto ng Pagtuto

A. Panimulang Gawain
Paunang Pagtataya: Dugtungang Pag-awit
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na mga pahayag.

Kung ako si Don Pedro, ang dapat kong gawin ay__________________.

Kung ako si Don Diego, ang dapat kong gawin ay___________________.

Kung ako si Don Juan, ang dapat kong gawin ay ___________________.

B. Pagganyak: Pinoy Henyo

Pagbabalik aral sa Aralin 10 Hinagpis ni Don Juan at ang larong Pinoy Henyo.

Panuto: Isang mag-aaral lamang ang huhula at ang ibang mag-aaral naman ay

sasagot ng oo, hindi at Pwede.

1. Regine Velasquez
2. Doktor

C. Talasalitaan: Scramble Words

Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay ang kasingkahulugan

ng mga salita.

1. Matagal ng nakatindig si Matteo sa labas ng paaralan.


2. Si Mark ang tinutukoy na nagbuko ng away.
3. Binalak ni Jose na umugin ang kanyang kaaway.
4. Hindi sinasadyang maglilo ni Ana sa kanyang kasintahan.
5. Nasindak si Maria sa biglang pagdating ng kanyang kaibigan.

1. N A T A K A Y O
2 . 3.P BA LU AG NI A N G BM UU GS I
4. T A K M A G S I L
5. A L A T G U
N

D. Pagtalakay sa Aralin: Video Presentation

Ipapanood ng guro sa mga mag-aaral ang Video Presentation ng Aralin 11-12 at


susuriin nila itong mabuti.

E. Pag-unawa sa Aralin:

Panuto: Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral mula sa napanood na


kabanata ng Ibong Adarna

Mga tanong:

1. Ano ang nais ipahayag ng Ibong Adarna sa kanyang inawit?


2. Ilarawan ang pagbabagong anyo ng Ibong Adarna. Bakit kaya nangyari yon sa
ibon?
3. Ano ang ibig sabihin ng ermitanyo sa saknong na ito.
“Kawanggawa’y hindi gayon
Kung di iya’y isang layon
Ang damaya’y walang gugol”
4. Anong Teoryang Pampanitikan ang mahihinuha sa Aralin 11?
5. Anong Teoryang Pampanitikan ang mahihinuha sa Aralin 12??

F. Paglalapat

Ang guro ay tatawag ng ilang mga mag-aaral at magtatanong sa mga ito.

Mga Tanong:

1. Kung ikaw si Don Juan ganon din ba ang hihilingin mo sa iyong ama? Bakit?

2. Kung ikaw ang hari ganon din ba ang iyong magiging desisyon? Bakit?
G. Sintesis

Gamit ang talahanayan ibibigay ng mga mga-aaral ang katangiang tinataglay ng mga tauhan.

Tauhan Katangian
Don Juan
Don Diego
Don Pedro
Haring Fernando
Ermitanyo

H. Ebalwasyon: Fact or Bluff

Panuto: Tukuyinl kung FACT OR BLUFF ang pahayag. Kung BLUFF, kailangan itama ng
mag-aaral ang pahayag.

1. Si Don Juan ang nakahuli sa Ibong Adarna.


2.Ang gamot sa pagkakasakit ng hari ay ang dumi ng Ibong Adarna.
3. Hindi pumayag ang hari sa hiling Don Juan.
4. Nalaman ng Hari ang kataksilang ginawa nina Don Diego at Don Pedro.
5. Ang ermitanyo ang nagligtas ng buhay ni Don Juan.

IV. Kasunduan

Basahin ang kabanata 13-14. Aralin 13 Pagtitiwala: Daan ng Kapahamakan

Aralin 14 Sa Bundok ng Armenya

Inihanda ni:

Bb. Regina B. Canlas

Gurong Nagsasnay

Isinumite kay: G. Kloyde John Q. Ponce

Gurong Tagasanay

You might also like