You are on page 1of 2

Instructional Planning

Detailed Lesson Plan (DLP)

DLP Blg.: 8 Asignatura: FILIPINO Baitang: 7 Markahan: Ikaapat Oras: 60 minuto


Mga Kasanayan: Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga Code:
suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon. F7PB-IVc-d-21

Susi ng Pag-unawa na
Suliraning panlipunan – isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o
Lilinangin:
suliranin sa mga institusyong panlipunan. Ang mga suliranin nito ay nakakaapekto hindi
lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
1. Mga Layunin
Kaalaman Natutukoy ang kahulugan ng suliraning panlipunan
Kasanayan Nakapagsisiyasat nang masusi ang mga ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng
mga suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon.
Kaasalan Nakikilahok ng masigla sa debate at marunong makikiisa sa kapwa mag-aaral
Kahalagahan Naipapakita ang pagtutulungan bilang isang grupo
2. Nilalaman Ang Nilalaman ng Ibong Adarna
3. Mga Kagamitang Powerpoint presentations, laptop o LED TV
Pampagtuturo Sanggunian: Gantimpala Pinagsanib na Wika at Panitikan2 Baitang 7

4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain 4 Pics- 2 words
(10 minuto)

S_ _ _ _ _ _ _ _ P_________

(Sagot: Suliraning Panlipunan)


4.2 Mga Gawain/Estratehiya Debate – Napagkasunduang Kasal (Arranged Marriage)
(10 minuto) - Hahatiin sa dalawa ang klasi
- Ang unang grupo ay sang-ayon at ang ikalawa ay hindi sang-ayon
- Bibigyan lamang ng Tatlong minuto upang makapaghanda

4.3 Pagsusuri Maglalahad ng kabuuang puna ang guro ukol sa Gawain”

4.4 Pagtatalakay Sasabihin ng guro:


(15 minuto) Ang Arranged Marriage ay isang uri ng Suliraning Panlipunan. Mahihinuha natin sa Ibong
Adarna na hindi gusto ni Haring Salermo ipakasal si Donya Maria kay Don Juan kaya
binalak niyang ipakasal si Don Juan sa kanyang kapatid na naging resulta ng hidwaan ng
mag-ama.

Pangkatang Gawain:
- Hahatiin sa Tatlo ang klasi
- Bawat grupo ay bibigyan ng buod ng Ibong Adarna at susuriin nila ang mga
suliraning panlipunan sa akda.
- Iwawasto ng Guro ang mga sagot.
Instructional Planning
Detailed Lesson Plan (DLP)

4.5 Paglalapat Itatanong ng guro ang mga sumusunod


(5 minuto)
-Sa iyong palagay, makikita pa ba sa kaslukuyang panahon ang mga katangiang taglay ng
mga tauhan sa akda ? Patunayan.
- Mula sa bahagi ng talata na ipinakilala ang mga tauhan, kanino mo maiahahambing ang
iyong sarili? Bakit?
5. Pagtataya (10 minuto)
Panuto: Magbigay ng isang suliraning panlipunan at bigyan ng solusyon.

6. Takdang Aralin (5 minuto)


Magdala ng Fillipino-filipino Diksyunaryo.

7. Paglalagom/Panapos na
Gawain Tumawag ng isang mag-aaral upang bumuo ng sintesis sa pagpuno sa pahayag na:
(5 minuto) “Nalaman o natutuhan ko sa araw na ito na_______________________”

Inihanda ni:

Pangalan: MANILYN P. PULVERA Paaralan: CAMOTES NHS


Posisyon/Designasyon: TEACHER 1 Sangay: CEBU PROVINCE
Contact Number: 0977 661 8623 Email address: pulveraghing@gmail.com

You might also like