You are on page 1of 2

Instructional Planning

Detailed Lesson Plan (DLP)

DLP Blg.: 7 Asignatura: FILIPINO Baitang: 7 Markahan: Ikaapat Oras: 60 minuto


Mga Kasanayan: Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning Code:
narinig mula sa akda. F7PN-IVc-d-19

Susi ng Pag-unawa na
Ang mungkahi ay isang pag-anyaya sa taong gusto mong magkaroon ng isang mabuti at
Lilinangin:
tamang gawain.
1. Mga Layunin
Kaalaman Natutukoy ang mga suliranin sa akda at sa Pilipinas.
Kasanayan Nakabubuo ng mungkahi ng angkop na solusyon sa mga suliranin.

Kaasalan Nagiging disiplinadong mag-aaral at marunong makikiisa sa kapwa mag-aaral


Kahalagahan Naipapakita ang interesado sa pakikinig sa Ibong Adarna
2. Nilalaman Ang nilalaman ng Ibong Adarna
3. Mga Kagamitang Powerpoint presentations, laptop o LED TV
Pampagtuturo Video Clip: www.youtube.com/watch?v=Jcod7donA60
Sanggunian: Gantimpala Pinagsanib na Wika at Panitikan2 Baitang 7

4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Manonood ang mga mag-aaral ng isang video clip “Mga isyu at problema sa Pilipinas”
(10 minuto) Magtawag ng mga mag-aaral kung papaano ma solusyon ang mga suliranin.
4.2 Mga Gawain/Estratehiya Think-pair Share
(10 minuto) - Hahanap ng kapareha ang bawat mag-aaral.
- Bibigyan lamang sila ng dalawang minuto upang maibahagi ang mga ideya sa
isat’t isa upang ma lutas ang mga suliranin sa ibaba.
- Magtawag ng mga magkapareha na ilahad ang kanilang solusyon sa suliranin.

Mga Suliranin:
1. Isang araw nagkasakit ang iyong ama na siyang nag-iisang bumubuhay sa inyong
pamilya dahil patay na ang iyong ina. Bilang panganay na kapatid, paano mo mapagamot
ang iyong ama at mabubuhay ang iyong mga kapatid kahit ikaw ay isang mag-aaral
lamang? Magbigay ng mga posibleng solusyon.
2. Nahuli mo ang iyong ama na gumagamit ng droga at sinabi niya sayo na huwag
magsabi kahit kanino ngunit nagiging abosado na iyong ama na palaging sinasaktan ang
iyong ina simula ng gumamit siya ng droga. Ano ba ang solusyon na naisip mo?
4.3 Pagsusuri Maglalahad ng kabuuang puna ang guro ukol sa gawain

4.4 Pagtatalakay Babasahin ng Guro ang “Buod ng Ibong Adarna”


(15 minuto)
4.5 Paglalapat Itatanong ng guro ang mga sumusunod:
(5 minuto) - Kung ikaw si Don Juan, paano mo mapasigla ang hari habang naghihintay na
makabalik ang mga kapatid?
- Ano ang gagawin mo pagninakaw sayo ang ibong adarna ng iyong kapatid kahit
ikaw ang nakakuha nito?
- Lalayo ka rin ba katulad ni Don Juan kahit na alam mo ang kapatid mo ang
nagpakawala sa ibon? Kung hindi, magbigay ng ibang solusyon.
- Sang-ayon ka ba sa desisyon ni Haring Salermo na isumpa si Don Juan na
makalimot sa pagtuntong sa kaharian nito? Magbigay nang naangkop na
solusyon.
- Kung ikaw si Donya Maria, paano mo maibabalik ang ala-ala ng pa-iibigian ni Don
Juan? Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Donya Maria?

5. Pagtataya (10 minuto)


Instructional Planning
Detailed Lesson Plan (DLP)

Panuto: Kung ikaw ay isang presidente, paano mo mapaunlad ang Pilipinas?

6. Takdang Aralin (5 minuto)


Magbasa ng diyaryo at humanap ng isyu. Magbigay ng angkop na mungkahi upang ma
solusyonan ito.
7. Paglalagom/Panapos na
Gawain Tumawag ng isang mag-aaral upang bumuo ng sintesis sa pagpuno sa pahayag na:
(5 minuto) “Nalaman o natutuhan ko sa araw na ito na_______________________”

Inihanda ni:

Pangalan:Niño Niel R.Manulat Paaralan: Nicolas U. Tiongko MNHS


Posisyon/Designasyon:Teacher I Sangay: Danao City Division
Contact Number: 09435848333 Email address: ninoniel.manulat@deped.gov.ph

You might also like