You are on page 1of 9

Learning Area FILIPINO

Learning Delivery Modality Face to Face

Paaralan WNNHS Baitang Pito


Guro Rejoy O. Asignatura Filipino
Panganiban
LESSON Petsa May 23, 2023 (T) Markahan Ikaapat na Markahan
EXEMPLAR (Baywalk)
Oras MON-TUESDAY Bilang ng Araw 1
10:15-11:15
FRIDAY
8:30-9:00
Wed- Thurs-ICL

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


A. nakikilalang mabuti ang katangian ng pangunahing tauhan na nais tularan o
isabuhay;
B. naiuugnay ang mga kaisipan batay sa tinalakay na bahagi ng akda; at
C. nakapagpapahayag ng mga posibleng solusyon, batay sa mga inilahad na
suliranin.

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra
Pangnilalaman maestra sa Panitikang Pilipino.

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng


Pagganap koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino.

C. Pinakamahalagan Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula


g Kasanayan sa sa akda.
Pagkatuto
(MELC)
D. Pagpapagana ng
Kasanayan
II. NILALAMAN Modyul 4:
Ibong Adarna: Ang Gantimpala ng Karapat-dapat (Buod ng Saknong 162-274)
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa CG FIL7
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Modyul ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig FIL7
Kagamitang Modyul 4 pahina 1-14
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa n/a
Teksbuk
d. Karagdagang Laptop, telebisyon, projector
Kagamitan
IBONG ADARNA-MODYUL 5 (FILIPINO 7 VIDEO LESSON) - YouTube
mula sa Patrol FIL7Q4V4-IBONG ADARNA- ANG GANTIMPALA NG KARAPAT-DAPAT - YouTube
ng Learning Aralin 4.1 May Nakalaang Gantimpala - YouTube
Resource Aralin 3 10 May Nakalaang Gantimpala Pagbasa - YouTube
FIL7Q4V4-IBONG ADARNA- ANG GANTIMPALA NG KARAPAT-DAPAT - YouTube
B. Listahan ng mga Mga larawan, PPT-Video Presentation, talahanayan, graphic organizer
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Pang araw-araw na Gawain

● Pagbati
● Panalangin
● Pagsasaayos ng silid
● Pagtatala ng mga liban
● Alituntunin
● Balik-Aral

What I need to know? (Alamin)

Tatalakayin natin ang araling ito upang hasain ang ating kakayahan sa
pagsusuri sa akda na nagpapakita ng ibat’ibang suliraning panlipunan na dapat
ay mabigyan ng solusyon at mga paraan ng paglalahad ng saloobin at
damdamin sa napanood na bahagi o serye na matutunghayan sa akdang
babasahin.

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

1.Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula


sa akda.

PAGMUMUKHAI AT SULIRANIN
Tala: Naipapaalala ng guro ang tamang kaisipan tuwing humaharap sa
problema.(Integrasyong ng ESP)

B. Pagpapaunlad
What I Know (Suriin/Subukin)
Sabi nila, “libre daw mangarap.” Ikaw, anong pinakahahangad mong
pangarap sa buhay? Isulat mo nga ito sa thingking balloon at ipaliwanag mo
kung bakit mo ito gustong makamit.

Naibigan mo ba ang panimulang gawain? ‘Di ba’t napakasarap


mangarap at abutin ang pangarap na ito? Ngunit paano nga ba
mapagtatagumpayan ang mga pangarap sa buhay?

Tala: Naipapaliwanag ang implasyon.(Integrasyon ng Aralin sa Araling


Panlipunan)

Sa araling ito ay matutunghayan mo kung paano mapagtatagumpayan ni


Don Juan ang kanyang pinakahahangad na lunas sa sakit ng kanyang amang
hari at ang kaligtasan ng kanyang mga kapatid.
A. PRETEST
Panuto: Iayos ang bilin ng ermitanyo kay Don Juan upang mahuli ang Ibong
Adarna. Isulat ang titik A-E.

ARALIN

IBONG ADARNA: ANG GANTIMPALA NG KARAPAT-DAPAT (buod


ng saknong 162-274)

Natagpuan ni Don Juan ang dampang tinutukoy ng matandang leproso.


Pinuntahan niya iyon at kinausap ang ermitanyong nakatira roon. Pinatuloy ng
ermitanyo si Don Juan at pinakain. Sinabi ng prinsipe ang kanyang pakay.

Binigyan ng ermitanyo ng labaha at pitong dayap si Don Juan. Sinabi niyang


sa tuwing magbabago ng awit ang ibon ay hihiwain niya ang kanyang palad at
papatakan ito ng dayap. Pinaalam din ng matanda na kailangang iwasan niyang
mapatakan siya ng dumi nito upang hindi siya maging bato. Kapag nakatulog
na ang ibon, talian niya ang mga paa ng gintong sintas.

Hindi nainip si Don Juan sa paghihintay sa pagdapo nito sa Piedras Platas,


umawit na ito. At tulad ng inaasahan, inantok si Don Juan. Agad nitong dinukot
ang labaha at hiniwa ang palad. Pagkatapos ay pinigaan niya ng dayap ang
kanyang sugat at dahil sa sobrang hapdi ay nawala ang antok ng prinsipe.
Pitong awit ang ginawa ng ibong adarna kaya‘t pito rin ang naging sugat ni
Don Juan.

Gaya ng inaasahan, ang ibon ay nagbawas subalit kaagad itong nailagan ni


Don Juan. Nahuli ni Don Juan at tinalian ng gintong sintas ang mga paa nito.
Nailigtas din ni Don Juan ang dalawa niyang kapatid sa pamamagitan ng
pagbubuhos ng mahiwagang tubig galling sa balon kung kaya’t nanumbalik sila
sa kanilang tunay na anyo at gayon na lamang ang kaligayahan nila sa muli
nilang pagkikita.

Ginamot ng ermitanyo ang mga sugat ni Don Juan at pagkatapos ay


nagkaroon sila ng salu-salo.

Masayang nagpaalam ang tatlo at sila’y binasbasan ng ermitanyo sa


kanilang paglalakbay pauwi ng Berbanya.
(halaw sa ILAW Pinagsanib na Wika at Panitikan Baitang 7 p.310 at 318)

What’s in?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Tanong Ko, Sagutin Mo!


1.Sino-sino ang mga tauhan sa akda? Ibigay ang katangian ng bawat isa.
2. Anong suliranin ang kanilang kinakaharap?
3. Paano nila ito binigyang lunas?
4. Kung ikaw si Don Juan, sa tingin mo ba ay kaya mo ring mapagtagumpayan
ang misyong iniatang sa iyo? Bakit?
What is it?
Sa mga akdang pampanitikan tulad ng kuwento, matutukoy ang problema
sa dinaranas na suliranin ng pangunahing tauhan. Ito ay lalong magpapatibay sa
pagkakahawak ng manunulat sa atensyon ng kanyang mambabasa na
maaasahang hindi titigil hangga’t hindi niya nakikita kung ano ang nagging
kalutasan ng suliranin. Ito rin ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang
lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari kayat
sinasabing ito ang sanligan ng akda.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: SURIIN MO, LITRATO KO!


Panuto: Pillin kung sinong tauhan at bagay ang tinutukoy ng mga pahayag.

1.Ang prinsipeng kapatid ni Don Juan na kanyang tinulungang makabalik muli


matapos maging bato.

2. Ang nagpayo ng mga bagay na dapat gawin ni Don Juan pagdating nya ng
bundok Tabor upang hindi makatulog sa awit ng mahiwagang ibon.

3. Mga bagay na dapat gamitin ni Don Juan upang mawala ang antok dulong
ng pag-awit ng Ibong Adarna.
4. Ang mahiwagang matandang ketongin na humingi ng tinapay kay Don Juan.

5. Bagay na itatali sap aa ng mahiwagang ibong Adarna upang mahuli ito.

C. Pakikipagpalih Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:


an PANUTO: Isa-isahin ang mga katangian na nagustuhan mo kay Don Juan.
Isulat sa kahon ang sagot.
D. Paglalapat What I Have Learned?(Linangin)
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: MAGTULUNGAN TAYO!

PANUTO: Itala ang naging solusyon sa mga sumusunod na suliranin mula sa


akda. Piliin ang letra ng tamang sagot mula sa Hanay B.

What can I do? (Assessment) (Isaisip/Tayahin)

Pagtataya :
Gabay sa Pagkatuto Bílang 4: Isulat sa pananggalang ang mga ginamit mo
upang mapaglabanan ang masamang bisyo.

Gumamit si Don Juan ng mga


pananggalang upang mapaglabanan ang
antok na dulot ng awit ng Ibong Adarna.
Ikaw, ano-ano ang ginagamit mong
pananggalang upang mapaglabanan ang
mga tukso tulad ng masamang bisyo,
impluwensiya ng barkada,
pagbubulakbol at iba pang nakasisira sa
iyong pag-aaral at kinabukasan.
V. PAGNINILAY B. POST TEST
Panuto: Iayos ang bilin ng ermitanyo kay Don Juan upang mahuli ang Ibong
Adarna. Isulat ang titik A-E.

B.
Panuto: Narito ang ilang mga suliranin na kinakaharap natin sa kasalukuyan.
Bigyan ng solusyon ang bawat isa.
1.Basura
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Pandemya (Covid-19)
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3.Kahirapan
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Madalas na pagbaha
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Kawalan ng internet connection
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Inihanda ni:
REJOY P. BACROYA
Guro sa Filipino
Binigyang Pansin ni:
LUISA D. VISPO
Punongguro

You might also like