You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
PampamahalaangPamantasan ng Pangasinan
Lingayen kampus

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin
Sa isang oras na talakayan, hindi bababa sa 80% ng mga mag-aaral ay makakagawa ng mga
sumusunod:
A. Nailalarawan ang mga katangian ng mga tauhan sa akda;
B. Nabibigyang halaga ang natatanging katangian ng mga tauhan;
C. Naiuugnay ang sariling karanasan batay sa alamat ng durian;
D. Naisasagawa ang mga aral na natutunan sa alamat; at
E. Nakikilahok nang may kawilihan at pagkukusa sa mga gawain.

II. Paksang Aralin:


A. Pamagat: Nemo ang Batang Papel
( Ni: Rene O. Villanueva )
B. Genre: Mailking Kwento
C. Sanggunian: Almario, Ani Rosa Et. Al, Panitikang Pilipino VII
pp. 30-33
D. Kagamitang Pampagtuturo
Plakard
Larawan
Pocket chart
Takbord
Picture stand
Bote
Laruang itlog
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain:
1. Pagbating Panimula 1. Pagbating Panimula
Magandang umaga klase. Magandang umaga klase,

2. Panimulang Dasal 2. Panimulang Dasal

( Tumawag ng isang mag-aaral upang

mamuno sa panimulang dasal).


Maupo kayong lahat Salamat po.
3. Pagtsek ng Atendans
(Magtatala ng mga liban sa
klase)

4. Pagganyak

Panuto: Hahatiin sa dalawang grupo


ang klase. Ang bawat grupo ay
magkakaroon ng tatlong representante.
Maguunahan ang bawat grupo na sagutin
ang bugtong at buuin ang mga letrang
nasa loob ng itlog,ang maunang grupo ay
siyang magkakamit ng gantimpala.
Naiintindihan niyo ba ang panuto klase? Opo.

Bugtong:
Isang bugkos ng kaliwanagan
Pagbaba sa lupa ay napaparam
Sagot: bulalakaw

Itanong din sa mga mag-aaral: Nakakita na opo.


ba kayo ng bulalakaw, ano ang inyong
ginawa nung nakita niyo ito? Nagwish po. Kasi po ang sabi ng
mga nakakatanda pag nagwish o
humuling ka daw po sa bulalakaw
magkakatotoo daw po
Humingi ng paliwanag sa kanilang magiging
sagot.
Nagwish po. Kasi po ang sabi ng
mga nakakatanda pag nagwish o
humuling ka daw po sa bulalakaw
magkakatotoo daw po
Nagkatotoo ba ang iyong kahilingan? Hindi pa po.
Siguro sa tamang panahon at tamang oras ay
matutupad rin ang iyong kahilingan.
Klase, ano kaya ang kaugnayan ng bulalakaw
sa ating paksa para sa araw na ito ? May
nahihinuha na ba kayo? Wala po..
kung gayon yan anng ating aalamin sa
pagpapatuloy ng ating talakayan.
Handa na ba kayong making klase? Opo.
II. Pag-alis ng Sagabal
Ngunit bago natin sisimulan ang
ating talakayan ay bibigyan muna natin ng mababaw na
pagpapakahulugan ang mga salitang maaaring
makasagabal sa ating talakayan.

Nagmamadali pinagalitan
nagpatangay-tangay sinigawan
basura umuugong

Panuto: Ibigay ang kasing kahulugan ng


nasalungguhitang salita. Piliin ang tamang sagot
ayon sa pagkakagamit nito.
(Tatawag ng mga mag-aaral. Ipababasa at
pasasagutan ang bawat bilang.)

1. Muntik na siyang mahagip ng humahagibis Ang kahulugan po ng humahagibis


na sasakyan. ay nagmamadali.
2. Inangilan sila ng masungit na matanda dahil Ang angil po ay pinagalitan
sa kanilang maingay na paglalaro.
3. Nagpatawing-tawing ang mga papel sa Nagpatangay-tangay po ang tamang
hangin. salita para sa nagpatawing-tawing.
4.Binulyawan siya ng galit na galit niyang Ang binulyawan po ay
nagangahulugang
magulang dahil sa kaniyang pagiging pasaway. sinigawan.
5.Puno ng layak ang paligid kaya nagtakip siya Ang layak po ay basura.
ng ilong nang makalanghap ng masamang amoy.
B. Paglalahad ng Aralin

Sa pagkakataong ito ay papangkatin


ko kayo para lahat tayo ay
magtutulungan sa pagbabasa.

Nakikita niyo ba ang bulalakaw na


ito?
(Patpat na may bulalakaw) Opo.

Ang ating kwento ay pinamagatang


Nemo ang Batang Papel

Kapag itinuro ko ito sa pangkat


niyo, ang wish ko ay makapag- basa
kayo nang malakas, malinaw at may
damdamin.

Ituturo ko naman ito sa aking sarili


upang basahin ang simula at maikling
bahagi ng kwento.

Maliwanag ba? Opo

Magaling.

(Isasagawa ang pagpapangkat-


Pangkat, sandaling ipababasa ng
tahimik ang kwento at pagkatapos ay
pangkatang pagbabasa.)

(Pagkatapos ng pagkatang
pagbabasa)

Nagustuhan niyo ba ang


kwento? Opo

Ngayon ay bibigyan ko kayo ng


pagkakataong sagutin ang mga
katanungang nakapaskil, at
pagkatapos ninyo ay tatanungin ko
kayo tungkol sa inyong mga
kasagutan.

(Lilibot ang guro upang tiyaking


gumagawa at nakikibahagi ang lahat
sa gawain.)

Tapos na ba ang lahat? Opo

Huminto na ang lahat sa pag- sulat


at hinihikayat ko kayong
makibahagi sa ating talakayan.

Tatalakayin natin ang inyong mga


naitala (mahalagang magtanong ng
mga bagay na makapagbibigay
linaw sa kanilang nabuong )

Subukan nga nating sagutin:


1. Sino ang pangunahing tauhan
sa kwento ni Rene
O. Villanueva? Ang pangunahing tauhan po sa
kwento ni Rene O. Villanueva ay si
Nemo.
Mahusay ang iyong sagot.

Ano ang kanyang itsura ayon sa


pagkakaintindi sa unang talata? Si Nemo po ay isang batang yari sa
ginupit na diyaryo.
Tama ka!.

Ang galing naman!

2. Ano ang hiniling ng pangu-


nahing tauhan sa bituin sa
langit? Hiniling po niyang siyay
gawing batang masayahin.
Mahusay!

3. Anong klaseng buhay ang


naranasan ng pangunahing

tauhan nang matupad ang Nang matupad po ang kanyang


kanyang hiling? hiling, ay naging mahirap po ang
kanyang buhay.
Tama ang iyong kasagutan.

4. Ano ang kanyang itsura ayon sa

pagkakaintindi sa unang talata? Si Nemo po ay isang batang yari sa


ginupit na diyaryo.
Magaling!

5. Sino ang gumawa kay Nemo? Ang gumawa kay Nemo ay ang mga
estudyante.

Tumapak!

C. Pagtalakay sa Nilalaman
Pangkatang Gawain
NNgayon ay aking aalamin at susubukin kung
talagang kayo ay nakinig a ating talakayan .

Papangkatin ko sa dalawa ang klase.


. at isasaagawa ngg bawat panngkat ang
mga sumusunod na mga
pangkatang gawain. Ang bawat pangkat ay
magkakaroon ng tatlong minuto upang
gawin ito.

PANGKAT I SINE MO TO!


Panuto: Pumili ng pinakagustong
bahagi ng kwento at isadula ito
sa klase.

PANGKAT II-
SINO AKO. ALAMIN MO..
Panuto: Tukuyin kung ano ang
positibo at negatibong katangian
ni Nemo . Ipaliwanag sa klase.

NEMO

POSITIBO NEGATIBO

(Bibigyan ng guro ngpagkakataong


mag-usap at magplano ang mga mag-
aaral habang nagmamasid at naglilibot
sa bawat pangkat.

Tapos na ba? Opo.

(Ang bawat grupo ay magkakaroon


ng isang representante upang
ipaliwanga ang kanilang gawain.)

D . Pagbibigay Feedback
(Magtawag ang guro ng isang miyembro
sa bawat pangkat at tatanungin kung ano ang
komento o puna sa presentasyon ng ibang
pangkat na nagrepresenta. Pagkatapos ang guro
naman ang magbibigay ng komento)

Binabati ko kayong lahat


kayat palakpakan ang
inyong sarili. (magpapalakpakan)

E . Ebalwasyon ( 5 Minuto)
Panuto: Ibigay ang mga hinihinging
kasagutan sa mga sumusunod.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino ang may akda ng kwentong
Nemo ang Batang Papel?
3. Sino ang batang papel?
4. Ano ang hiniling ni Nemo sa
bituin?
5. Naging masaya ba si Nemo ng
maging totoong bata siya?
Ipaliwanag

F . Paglalagom
(Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral upang
ibuod ang binasang kwento at kung ano ang
natutunan o napulot nilang aral sa paksa.)
Shanley, maaari ka bang tumayo Ang kwento po ay patungkol kay
abuod mo ang binasang kwento at Nemo na isang batang papel na
kung ano ang napulot mong aral humuling sa bituwin upang siya
dito. gawing isang batang masayahin.
Ngunit pasakit at pahirap lang ang
kanyang narasanasan buhat ng siya
maging tunay na bata.
Ang aral na aking natutunan ay
dapat na pagisipan nating mabuti ang
lahat ng hakbang o desisyon na ating
gagawin sa ating buhay..

IV. Takdang-Aralin
Panuto: Sumulat ng repleksyon ukol sa binasang
kwento.
Inihanda ni:
Lyka G. Sison
III-BSEd Filipino

Inihanda para kay:


G. Pepito Fitz R. Baniqued
Instruktor

You might also like