You are on page 1of 2

Lyka G. Sison IV-BSEd Filipino Instruktor: Dr. Perla C.

Urbano

GUSTO KITA

GUSTO KITA!

Yan ang sabi mo sakin sinta

Sa unay hindi ako naniniwala

Dahil nga nasanay akong nagbibiro ka

Pero alam mo, umasa ako na sana totoo

May kung anong saya dito sa aking puso ng sinabi mo ang mga salita ito

Ngunit hindi ko to sinabi sayo maging sa mga kaibigan ko

Hindi dahil pabebe ako, kundi dahil natatakot ako na baka ang lahat ng itoy hindi totoo

Ngunit sa bawat paglipas ng panahon

Tayoy mas lalong pinaglalapit ng pagkakataon

Ibang saya aking nadarama kapag ikay kasama

Sa tuwing wala kay hinahanap hanap ka ng aking mga mata

Nung una, akala ko dahil nasanay lang ako na palaging nariyan ka subalit iba na pala

Dun ko napagtanto na gusto na rin kita

Sa unay natakot akong malaman mo dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon mo

Dahil hindi ako sigurado kung totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo,Ngunit ngayon handa na kong
sabihin ito sayo

Sabi nga nila pano mo malalaman kung hindi mo susubukan

At kung ano man ang kalalabasan

Tanggapin ko ito ng maluwag sa aking kalooban


Upang wala akong pagsisisihan dahil alam ko na ito aking sinubukan.

You might also like