You are on page 1of 52

Midterms sa

Panitikang
Pilipino
KABANATA I -
SAMU’T SARING
KABATIRAN SA
PANITIKANG
FILIPINO
ARALIN 1 -
KAHULUGAN
NG
PANITIKAN
Panimulang gawain: Kahulugan ng Panitikan
P – Para sa lahat. Para sa akin ang panitikan ay naririto upang maranasan ng lahat. Sa dami
daming anyo nito, nakikita ko na dito naipapasa-pasa ang ating kultura.
A – Anyo. Nabanggit ko na ang panitikan ay madaming anyo. Maaring ito’y nakasulat at
ating babasahin o kaya’y ating papanuorin.
N – Naaayon sa panahon. Mas madalas na ang mga gawang pampanitikan ay napapanahon.
Kasi dito ipinapakita na nagkwekwento ng kasaysayan at kultura pati na rin ng mga aral na
maaring gamitin sa ngayon.
I – Independence. Dahil sa tulong ng panitikan, nabigyan tayo ng spark para lumaban sa
maltrato ng kung sino man nag-malupit sa atin.
T – Tibay. Kahit ano pang delubyo ang ating nasapit, gera o martial law, hindi namatay ang
panitikan. Ganito katibay ang panitikan at patulay siyang matatagal habang tayo ay patuloy
na nakikisalimuha dito.
I – Ipon. Ang panitikan ay ipon ng nakaraan at maarin gawing ipon ng kasalukuyan para sa
kinabukasan
K – Karamay. Minsan nagiging isang karamay ang panitikan ng ating mga emosyon o
saloobin. Mayroon mga bagay na nais nating ilayad
A – Araw-araw. Nasabi ko ito dahil araw-araw meron tayong nadadaanan na porma ng
panitikan at hindi lang natin napapansin. Ang paborito nating k-drama ay isang dulaan,
ganito din ang pelikula. Mga kwento galing Wattpad, mga nobela o maikling kwento. Kaya
nasabi kong araw- araw.
N – Nagtuturo. Kahit piksyon o di-piksyon ang isang porma ng panitikan, mayroong
natututunan kahit paano. Itong mga aral ay mga ginto o mahalaga dahil ating mailalapat sa
pang-araw-araw nating pamumuhay.
Panapos na Gawain: Akdang nakaimpluwensya sa aking paniniwala o kilos
Noong ako ay nasa ika-12 na baitang meron pinagawang proyekto ang aming guro na
paggawa ng buod at pagsusuri ng isang libro. Ito’y ipinamagatang “God’s Debris”, isang
historikal fiction at non-fiction na ito ang sabi ng manunulat mismo. Kasi sabi niya ang mga
ideya na nilalaman ng libro ay maihahambing sa totoong buhay kaya meron siyang pagka-
non-fiction ngunit ito rin daw ay fiction dahil hindi lahat ng ideyang ito ay totoo.
Paano ko nasabing hindi totoo? Kinailangan ko pang suriin ng maigi ang akda at aking
tinanggal ang aking sariling alam. Kasi sa una hindi ko ito ginawa kaya ang nangyari
pinaniniwalaan ko lahat ng sinasabi ng isang karakter doon. Kung saan aking ikiniwestyon
lahat ng meron sa mundo na kanyang kinontradikta.
Masasabi ko na hindi nagbago ang aking paniniwa ngunit nagbago ang aking kilos. Ngayon
mas nagiipon muna ako ng impormasyon patungkol sa isang bagay na mayroong mga sari-
sariling panig. Kaysa maniwala agad ako o kaya’t sumali sa iisang banda ng argumento,
tinitignan ko na muna yung mga datos na meron ang bawat isa.
Ito’y mas nakatulong sakin magkaroon ng kritikal na pag-iisip. Kung saan mas nagiging
maayos ang isang argumentong aking gustong salihan. Kasabay nito ang aking sariling
paniniwala na hindi nabago kundi nadagdagan. Hindi ko binitawan ang kung ano ang aking
sa tingin ay totoo. Ibigsabihin nito mas natuto rin akong manindigan sa aking pinapanigan
pero marunong pa rin akong tumingin sa mas nakakabuti sa lahat at hindi lang sa akin.
Ganito kalaki ang nagging impluwensya sa akin ng akdang ito ni Scott Adams. Kaya laking
pasasalamat ko na ito ay pinakilala sa amin ng aming guro. Kasi hanggang ngayon itong
mga aral na aking napulot ay nagagamit ko. Kasi nabago talaga ang aking pamamalakad sa
pang-araw-araw na buhay sa magandang paraan.
Aralin 2: URI
NG
PANITIKAN
Panimulang Gawain: Sagutin nang mabilisan ang mga sumusunod na bugtong
1. Maikling landasin, di maubos lakarin. ANINO
2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. SINTURON
3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. SAPATOS
4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. LANGGAM
5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay.
KANDILA
Panapos na Gawain: Pagyamanin natin ang Panitikang Pilipino.
Ang pinakatumatak sa akin ay paulit-ulit na kwento sa akin ng aking ama ng “Alamat ng
Sayote”. Ito rin daw ay hilig ikwento ng kanyang bayaw o ng aking ninong, na hilig din
ikwento ng aking lolo.
Noong unang panahon, wala pang sayote. Wala pa kasing nakakatuklas sa gulay na ito.
Isang araw, may nag-uusap na magkapatid, may hawak itong gulay:
Ate: Bunso, para kanino yan?
Bunso: Sa'yo 'te!
Magmula noon, tinawag na itong sayote.
Akala ko nung una na isang matalinhagang kwento ito yun pala ay isang biro na
pinagpasapasahan lamang. Ngunit mapapansin pa rin na isalin-salin ito dahil nagmula ito
sa lolo ko, kung saan man niya nakuha rin ito, na ipinasa kay ninong na napunta rin sa
aking ama. Ngayon naikwento ko ito sa aking mga kaibigan ngunit ako ay binigyan ng
hampas bilang sagot sa korni na biro.
Aralin 3:
ANYO NG
PANITIKAN
Panimulang Gawain: Spoken poetry
“Oras” ng Parañ aque Rebels Studio
Itong spoken poetry ay isang hudyat na pamamaalam sa dati niyang kasintahan. Una
nagsabi siya kung tama ba na ito ang panahon o oras na magpaalam, magpatawad at mag-
aminan. Tapos patuloy na-ikinewento kung ano ang dinanas niyang sakit ng siya ay iwan na
lamang parang sanggol sa kalsada o kaya himulmol. Kung bakit siya iniwan na lamang
parang siya ay walang kwenta.
Kanyang inilahad ang buong pusong pagtanggap niya sa kanyang dating kasintahan kahit
na ang nakaraan nito ay masalimuot. At kanya din nilabas ang nararamdaman niyang sakit
noong siya naman ang nangangailangan bakit wala ang kanyang kasintahan kahit na
nangakong hindi mang-iiwan.
Sa dulo siya na lamang ay nagpasalamat sa mga ala-ala at oras na kasama ang dati niyang
kasintahan. Kahit na may iba na siya, patuloy pa rin magiging masaya ang nagsalita sa
kanyang dating mahal. Kaya ito na ang oras ng pagsasabi niya ng paalam at huling pag-
uusap.
Panapos na Gawain: Tunghayan ang pahayag ni Kim Chu sa youtube hinggil sa isyu ng
ABS CBN
Kaya siguro napunta sa anyong patula ang dapat anyong tuluyan ay ang pagbibigkas o
delivery ng mga salita. Pati na rin ang pagkakaroon ng tugma at, sa una hindi ko napansin,
sukat. Kung saan ang mga ito ay kailangan para ang isang akda ay mapunta sa anyong
patula.
Kasama na rin ang pagiging malikhain ng mga Pilipino at kanilang napansin ang
pagkakaroon ng tugma ng pagpahayag ni Kim Chiu. Tapos noong lagyan ng ritmo o tugtog
mas lumabas ang anyong patula ng pahayag ng aktres. At ang mga Pilipino pa naman ay
mahilig sa mga bidyo na sa kanila ay “nakakatuwa” o entertaining. Kaya lalo itong nag-viral
dahil napakalat sa social media at nagawan ng iba’t ibang bersyon na remix, memes at kung
ano pa.
Ang sinasasabing simpleng pahayag na ito ay hindi ko masasabi totoo ka-simple nga lang
kasi ako ay naguluhan nung pinanood ko siya sa orihinal. Pero nung pinanood ko ung mga
remix, hindi ko alam kung bakit mas naintindihan ko. Siguro dahil mas madaling mapukaw
ang atensyon ng tao kapag nasa anyong patula kesa sa anyong tuluyan.
Aralin 4:
DISPENSASYON
NG
PANITIKANG
PILIPINO
Paunang Gawain: Reaksyon sa post “Amain Namin”
Bilang isang Katoliko kwkwestyunin ko kung bakit kinailangan mag-post ng ganitong akda.
Kasi ito ay nanggaling sa dasal sa Panginoon at bakit kailangan imasama ang mga salita
nito. Kung meron mang galit ang nag-post sa twitter,FB o kung ano mang social media sa
simbahan sana inisip niya na madaming makakakita nito at hindi matutuwa.
Hindi napapanahon ang pagkamuhi ng akdang ito sa simbahan. Dahil hindi katulad sa
panahon ni Marcelo H. Del Pilar ay namamaltrato tayo ng mga prayleng Espanyol. Ngayon
ay namumuhay tayo sa ibang pamamalakad at panibagong problema. Kaya dahil dito hindi
ako matutuwa kapag nakakita ako ng ganito sa aking social media.
Ang magiging tingin ko dito ay isang masamang biro kapag nakita ko ito sa FB o twitter.
Kasi hindi naman nararapat imasama ang simbahang katoliko sa panahon ngayon.
Panapos na Gawain: Sumulat ng akda na napapanahon (maliban sa kasalukuyan)
American Big Brother
Pedro: Hoy! Ayun oh! Si big brother!
Fernan: Ay oo nga! Ang ating mababait na big brother! Alam mo Pedro dahil sa kanila
nakakapag-aral ako. Natuto na nga akong mag-Ingles!
Pedro: Talaga? Sige nga, Ingles ka nga
Fernan: Alright! Look how our big brother is so tall! Almost as if they are angels that will
protect us always
Pedro: Ano? Masyado naming mahaba ang sinabi mo. Sabi ko lang magbigay ka ng
halimbawa.
*Lumapit si big brother sa dalawang nag-uusap*
Big brother: Hey Fernan! How’s your day going? You with a friend?
Fernan: Yes! This is Juan. Sadly, he can’t speak English. He doesn’t know of your great
kindness big brother!
Big brother: Awh that’s too bad! Maybe you should take your friend with you to school. He
needs to learn a lot you know. It’s for the better
Fernan: Yes, you’re right big brother! I will take Juan tomorrow to school
*Dinala ni Fernan si Juan sa paaralan at magkatapos ang araw si Juan ay natutong mag-
Ingles kahit paano*
Juan: Oh hey! I know how to speak English now! Pero it’s very konti but alam ko I will learn
pa. It’s all thanks to big brother!
Fernan: Yes! Big brother is so nice! He wants to teach all of us English! So we can forget
about our old language! You should learn more then ask big brother to help your other
friends
Juan: Why do we need to forget Pilipino? It is our wika and I think it’s mahalaga!
Fernan: No! Big brother wants us to! We don’t want to make him angry! Who knows what
he’ll do?
Juan: Don’t you think that’s masama if big brother controls us?
Fernan: No! Big brother is very nice! If he wants to control us, it’s just him being nice to us!
Big brother is here to protect and teach us! Nothing more! Big brother cares for us.
Juan: But he will get tired too you know. Baka we are all heavy for him.
Fernan: That’s why we need to follow big brother! So that we are not their burden. They say
we are a burden but we can change that! So, what do you say Juan? Do you want to make
our American Big Brother proud?
Juan: I guess so.
-End-
Aralin 5:
IMPLUWENSYA
NG PANITIKAN

Panimulang Gawain: Iba’t ibang uri ng gobyerno o relihiyon mayroon ang iba’t ibang
bansa.
1. Argentina - presidential republic
2. Bangladesh - parliamentary republic
3. Canada - federal parliamentary democracy (Parliament of Canada) under a
constitutional monarchy; a Commonwealth realm; federal and state authorities and
responsibilities regulated in constitution
4. France - semi-presidential republic
5. Germany - federal parliamentary republic
6. Holy See (Vatican City) - ecclesiastical elective monarchy; self-described as an
"absolute monarchy"
7. Hong Kong - presidential limited democracy; a special administrative region of the
People's Republic of China
8. Japan - parliamentary constitutional monarchy
9. Russia - semi-presidential federation
10.Thailand - constitutional monarchy
Sanggunian: https://www.cia.gov/library/publications/the-world-
factbook/fields/299.html
Panapos na Gawain: Sagutin ang sumusunod na katanungan.
1. Paano naiimpluwensiyahan ng mga akdang pampanitikan ang bawat tao?
- Iba iba ang nagiging impluwensiya sa bawat tao pero iisa lang naman ang
kahihinatnan, ito ay ang pagbabago. Pagbabago sa pamumuhay, kultura o
paniniwala ay isa sa mga halimbawa ngunit iba iba ang mga pagbabago itong sa
bawat tao. Kagaya na lamang ang impluwensiya ng akda ni Dr. Jose Rizal na Noli Me
Tangere at El Filibusterismo, nagkaroon ng siklab para sa himagsikan at nabago ang
tingin ng mga dating ignoranteng Pilipino na naaapi na sila. Samantalang ang
impluwensiya naman nito sa mga Espanyol ay iba at tinignan na tayo bilang mga
rebelde. Hindi din lahat ng nakapagbasa ng Bibliya ay maniniwala sa salitang
nakapaloob roon. Kaya ang masasabi ko na impluwensiya ng akdang pampanitikan
ay para magkaroon ng pagbabago.
2. Paano mo mailalarawan ang panitikan bilang instrumento sa pagbabagong
bihis ng mga pamahalaan o pananampalataya?
- Mailalarawan ko siya bilang isang looking glass. Kung saan nakikita natin harap-
harapan ang nais iparating sa sistemang kinabibilangan natin. Maaaring nakaharap
na tayo sa looking glass na ito ngunit malabo at kailangan ng maggagabay sa atin
para tumingin ng mabuti.
3. Magtala ng mga bansang may mga akdang pampanitikan na hindi
pinahihintulutan makapasok o makarating sa kanilang lugar. Ano-ano ang
mga kaparusahang ipinapataw dito?
- Ang iba sa mga nabanggit sapag-aaral ay kasama sa mga hindi pinahihintulutan
pumasok sa kanilang lugar. Kagaya na lamang ng mga sulatin ng mga Confucians sa
panahon ni Shih Huang Ti noong 259-210 B.C.E. Sila ay nilibing ng buhay dahil
gusting kontrolin ng malupit na emperor ang pagsusulat ng kasaysayan niya sa
Tsina. Isa na lamang din ang The Odyssey ni Homer, na ayaw ni noong emperor ng
Roma na si Caligula. Dahil ang akdang ito ay nagpapakita ng mga ideya ng Kalayaan.
At ang Bibliya noon ay ipinagbawal na isalin sa wikang Ingles at kailangan lamang
naka-Latin ito. Kaya lahat ng kopya ng Bibliya na naka-Ingles ay sinunog noong
ipasok ito sa England.
4. Kung ihahambing mo sa mga kasaysayan ng Korea, China at mga bansa sa
Europe ang preserbasyon ng kanilang kultura at pananampalataya batay sa
mga panitikan ng kanilang bayan, masasabi mo bang mahalagang balikan at
halukayin ang ating mga sinaunang panitikan bilang tunay na
pagkakakilanlan ng lahing Pilipino? Ipaliwanag.
- Masasabi ko na napakahalagang balikan at halukayin ang mga nakatagong
sinaunang panitikan natin. Pansin ko na hindi natin kilala ng tuluyan ang ating
pagka-Pilipino. At ito ay dahil ang mga sinaunang panitikan natin ay hindi naitala o
kaya’y wala dito sa mismong bansa natin. Hindi rin tayo lahat nabigyan ng
pagkakataon maging edukado para magkaroon ng kakayahang magbasa at magsulat
noong panahon ng Kastila. Ngunit napatunayan na sa panitikan nabubuhay ang mga
loob natin at dito nagsimula ang himagsikan. Kapag ating nahanap ulet ng lahat ang
ating mga sinaunang panitikan ay siguradong magkakaroon lalo tayo ng identidad at
paninidigan protektahan ito. Kasi dito makikita kung gaano kayaman ang kulturang
meron tayo.
5. Sumulat ng iyong refleksiyong sanaysay hinggil sa kahalagahan ng
Preserbasyon ng Panitikang Pilipino para sa sambayanang Pilipino.
- Para sa akin, kakaiba ang dala ng panitikan sa ating mga Pilipino. Kasi dito tayo
nagkakaroon ng mga panibagong ideya na mag-uudyok sa atin gumawa ng
pagbabago. Kagaya na lamang sa panahon ng Espanyol at nang maisulat ng bayani
na si Dr. Jose Rizal ang kanyang tanyag na akda, ito’y nagmulat sa mga mata ng
Pilipino na kailangan ng pagbabago sa mayroong sistema noon. Ganun na din ang
maari nating gawin sa ngayon.
Ang panitikan ngayon ay mas lumago at maari nang makaabot sa kahit kanino. Ang
paglabas ng social media ay parehas nakapaghadlang at nakatulong sa atin. Naging
hadlang dahil hindi nagiging kritikal ang mga tao sa lahat ng kanilang inilalabas sa
kung ano mang social media. Kaya nagkakaroon ng maling impormasyon na kakalat
lalo kapag madami pang nagpakalat dahil hindi nila sinusuri ng maigi. Nakatulong
naman dahil lahat ay nakakapagpahayag ng saloobin at maaring makita ng ibang
taong may kaparehas na nararamdaman.
Kaya mahalaga ang preserbasyon ng Panitikang Pilipino dahil namamali ang tamang
impormasyon. Mas makikita ng lahat kung ano ang tamang datos kasi ito ang totoo.
Kaya ito’y napakahalagang preserbahin dahil baka mawala na ang pagkakilala natin
sa sarili natin bilang Pilipino kung hahayaan na lang natin tumanggap at tumanggap
ng impormasyon kung saan-saan. Kasi dahil wala tayong alam at nakinig tayo sa
meron, maniniwala tayong ito dapat ang sundan natin. Hindi kagaya kapag na
preserba natin ang kung ano meron tayo, dito tayo maninidigan, sa panitikang atin,
sa panitikang Pilipino.
Pangkabanatang Pagsusulit I
PANGALAN: Isabelle Dynah E. Guillena Seksyon: BSA 1-10
I. Punan ang patlang sa loob ng sumusunod na pahayag ng mga angkop na kataga
upang mabuo ang wastong diwa ng mga ito.
1. Ang anyo ng panitikan na TULUYAN ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
at patalatang paraan.
2. Ang panitikang PATULA/PROSA ay nasusulat sa taludturan at saknungan
3. Ang BALITA ay paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa iba’t ibang aspeto n
gating lipunan.
4. Ang parabola ay mga kwentong hinango sa PARABULA.
5. Ang ANEKDOTA ay maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga
mambabasa.
6. Ang editoryal ay isang mahusay na halimbawa ng SANAYSAY.
7. Ang ALAMAT ay isang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
8. Ang ELEHIYA ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang
minamahal.
9. Ang talambuhay na sinulat ng isang may-akda at tumatalakay sa kanyang sariling buhay
at tinatawag na TALAMBUHAY/AWTOGRAPIYA
10. Ang KORAN NG MGA ARABIA ang pinakabibliya ng mga Muslim.

II. Piliin sa hanay B ang mga tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
patlang.

L
A

K
C

D
I

III. Talakayin ang kahalagahan ng pag-aaral ng sariling panitikan


Ang kahalagahan ng pag-aaral ng sarili nating panitikan ay malaki at dapat pang
pagyamanin. Dahil dito natin nagagawan ng koneksyon ang dating kaugalian, pamumuhay,
paniniwala at kultura sa kung ano meron tayo ngayon. Kasi minsan iisipin na lang natin na
naririto ang isang kinaugalian nating gawin na hindi man lamang natin kinekwestyon kung
bakit naging ganito ang bagay-bagay. Minsan din sasabihin natin na napulot natin sa ibang
kultura, sa pag-aaral ng ibang kultura ni hindi natin naisip na “talaga bang sa iba ito?” o
kaya’y ano kaya ang dating ginagawa natin? Ito’y dahil kulang tayo sa pagpapayabong ng
panitikang Pilipino.
Ngunit hindi naman huli ang lahat kasi kahit na patuloy ang impluwensya ng iba’t ibang
kultura sa atin, makikita pa rin natin na naririto pa rin ang sariling atin. Kaya dapat mas
lalo natin pahalagahan ang sariling panitikan natin kasi may kakayahan din tayong
makaimpluwensya ng iba. At kung magagawa natin ito mas maipapakita natin ang
kulturang Pilipino dahil mas kilala natin ang sarili natin. Dahil napag-aralan natin ng maigi
kung ano ang kwento sa kinalakihang kultura, paniniwala o ugali na mayroon tayo.
Kaya ang laki ng halaga sa pag-aaral ng sarili nating panitikan dahil habang tumatagal ang
panahon, at tuluyang umuusbong ang teknolohiya, baka isang araw hindi na natin
mabalikan. Nakakalungkot ngang isipin na kaunti lamang ang maari nating balikan dahil
hindi ganun karami ang meron tayong tala sa mga dating panahon. At maari rin ang mga
kwento-kwento na napasa-pasa ay nakalimutan o nabago kaya hindi natin makilala agad.
Kaya ganito kaimportanteng pagyamanin, preserbahan at pag-aralan ang sarili nating
panitikan, ang panitikang Pilipino, kasi nakapaloob ang buhay natin bilang isang Pilipino
dito.
KABANATA 2 -
MGA SALIGAN SA
PANUNURING
PAMPANITIKAN
MGA PILING
MGA AKDA AT
PAGKIKRITIKA
ARALIN 1:
ANG
SANAYSAY

Mga Gabay na Tanong sa Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla


1. Ano ang nais patunayan ng argumento ni Alejandro G. Abadilla sa sanaysay?
- Ang kanyang layunin daw ay magkaroon ng kalaayan ang magsusulat ng tulat sa
pagpili ng balangkas at paraan kung paano ito itutula. Ika nga niya na “ang makata,
sa kanyang sarili, ay nag-iisang batayan, nag-iisang balangkas at nag-iisang
pamamaraan ng paglikha”. Ibigsabihin lamang nito na nais ni Abadilla na
magkaroon ng sariling pamamaraan ang kung sino man nais magsulat na ito ay iba
sa sinasabi sa kritisismo ni Iñ igo Ed Regalado.
- Dagdag rito, ang tunay na magiging makata sa pagsusulat ay may ganap na kalayaan
sa pagpili ng kung paano siya magsusulat. Dito lalabas ang tunay na kahusayan sa
paggawa at hindi dapat inilalagay lamang sa isang kriteria.
2. Ano ang tinutukoy na kalamnan at kaanyuan ng tula?
- Ang kalamnan o laman ng isang tula ay tumutukoy sa damdaming matulain. Ika ni
Abadilla ito ay ang “…yaong damdaming may hubog, may kulay at tinig”. Kumbaga
ang nais lang sabihin ni Abadilla dito ay ang pagkaroon ng isang tunay na tula ay
kailangang totoo ang damdamin at buo ito. Kasi kapag hindi raw ito puno ng
damdamin, hindi makikita ang laman at hindi mabubuo ang tula sa anumang anyong
nais makamit.
- Malaki ang papel na ginagampanan ng isang gumagawa ng akda sa pagbuo nitong
damdamin at balangkas ng anyo. Kasi sa kanya daw ang bukod-tanging kakayahan,
baseha, balangkas at pamamaraan ng paglika, lumalabas ang tunay na anyo ng isang
makata. Ang kung sino mang makata bukas ang kamalayan, maramdamin sa
kanyang pamumuhay at makapangyarihan sa paglalahad ng kaisipang maaring
nararamdamang din ng lahat, pero hindi kinakaya ng pangkaraniwang tao. Ang
makata ang siyang makakagawa nito.
3. Makatwiran ba ang ipinaglalabang pagbabago sa panulaan ng may-akda?
Ipaliwanag.
- Makatwiran para sa akin kasi ako ay sang-ayon sa nosyon na “ang tula ay tula” at asa
kalayaan ng manunulat kung paano niya gagawin ito. Kasi katulad na lamang sa
panahon ng Hapon, kung saan hindi maaring magsulat ng mahaba, nabuo ang mga
Haiku, Tanka at Tanaga. Kakaiba ang anyo nila pero naririto pa rin ang sinasabing
kalayaan magpahayag ng makata na paulit-ulit pinaglaban ni Abadilla. Kaya para sa
akin makatwiran ito dahil nasisira ang creativity ng isang magsusulat kapag sila ay
napasok sa iisang balangkas o kriterya.
4. Sa kabuuan ng sanaysay, anong makabuluhang ideya ang nais ikintal sa mga
mambabasa?
- Kung ano man ang nais natin ipahayag sa pamamaraan ng pagususulat ito ay gawin
natin. Maaring taliwas ka sa nakasanayan na tradisyon ng pagsusulat ng tula pero
nais ipasaisip sa atin na kulang sa kalayaan ang sistema ng panulaan sa makata.
Nahaharangan sila lumikha dahil sila ay nakukulong sa balangkas na naipako ba na
ito ang dapat. Kaya ang nais ni Abadilla na itakwil itong sistema para mabigyan ng
sapat na kalayaan ang manunulat upang makapaglikha ng kanilang obra.
5. Ano ang diskurso ni Alejandro G. Abadilla? Naglalahad ba siya? Naglalarawan?
Nagsasalaysay? Nanghihikayat? Ipaliwanag?
- Sa akin ay nagsasalaysay siya na may halong panghihikayat. Siguro yung pangalawa
ay bahagya lang kasi ako ang nahikayat na sumunod sa nais niyang ipaglaban. Sa
pagsasalaysay naman, kasi siya ay nagpresenta ng kanyan argumento na kanya
naman sinuportahan pa. Pero dito ko rin nakita ang paglalahad niya, kasi ito ang
damdamin na gusto niyang ipahatid sa kasamang Iñ igo Ed Regalado. Kaya para sa
akin ang diskurso niya ay iba-iba ang naging dating pero dahil na rin siguro ito ang
“pangmimilosipo” niya sa nakasanayang paraan ng pagsusulat.
Mga Gabay na Tanong sa Sanaysay ni Renato R. Santillan
1. Sa tingin mo, anong nais ipabatid ng may-akda?
- Huwag lang natin kalimutan kung ano ang ating sinaunang panitikan. Kasi parang
kinakalimutan na rin natin ang ating sariling kultura. Kagaya na lamanag ng
pagpatuloy ng wikang Pangasinan na kahit tahimik noon biglaan na lamang
sumabog para mapalakas ang wika. Kaya ako bilang isang taga-lalawigan ng
Pangsinan, nakakatuwa tignan na madalang ako makarinig ng mga taong tuluyang
mag-Filipino. Kahit sa simbahan nila roon, ay nasa wikang Pangasinan. Nais
iparating sa atin na kapag pagyayamanin natin ang sariling atin, hindi lamang kung
saan tayo kundi kung saan man tayo mapunta.
2. Masasabi mo bang namamatay o patuloy na yumayabong ang wikang
Pangasinan lalo na sa larangan ng panitikan? Ipaliwanag.
- Patuloy itong yumayabong kasi aking nga nabanggit na kung saan man pumunta sa
lalawigan ng Pangasinan ay madalang makarinig ng nagsasalita lang sa Filipino.
Maraming nagsasalita sa wikang Pangasinan at ito ay itinuturo sa kanilang mga
paaralan ayon sa aking pinsan na doon lumaki at nag-aral. Ngunit hindi ko
masisigurado na yumayabong ng ganon kalaki kasi sa lalawigan lang halos ito
nagagawa. Sana ito ay ipamana rin sa karatig na rehiyon lalo na dito sa Metro
Manila.
3. May mga bagong kaisipan bang inilatag tungkol sa tulang Pangasinense ang
sanaysay ni Santillan?
- Siguro ito ang kanyang pagpapatunay na buhay na buhay ang wikang Pangasinan at
ang kultura nila. Dahil karaniwang maririnig natin na ang isang lalawigan ay nais
maging isang lungsod o mag-modernize at ang epekto nito ay ang onti-onting
paglimot ng sarili nilang kultura. Kaya maganda ang pagkagawa ng sanaysay ni
Santillan dahil nagpakita siya ng proeba na maari naman pagyamanin talaga ang
isang wika at kasunod nito ang kultura.
4. Paano nilinang ng may-akda ang kaniyang argumento sa sanaysay?
- Ang paulit-ulit niyang paglagay ng mga soneto at villanelle na nasa wikang
Pangasinan. Ngunit mayroon din namang mga talata na asa wikang Filipino.
Ipinapakita rito na walang pinapanigan ang may-akda pagdating sa wika at iisa
lamang ang nais niyang iparating at pagpapayaman ng mga nito. Matatag niyang
isinawika ang kanyang mga ideya sing tatag ng pananampalataya niya sa wikang
Pangasinan. Dito ipinapakita ang pangungumbinse ni Santillan para ipagpatuloy ang
nauudlot na pagpalaganap ng ating wika. Kapag nagagawa nga ng mga taga-
Pangasinan na ituro ang wika nila sa mga paaralan, hindi rin ba natin kaya gawin
dito sa Maynila? Kasi kung dati ang wikang Pangasinan ay hindi pinapansin ng
madla pero ngayon hinahangaan dahil madami ang nakakaalam nito ngayon, hindi
rin ba maaring gawin sa wikang Filipino?
5. Ano ang himig o estilo ng sanaysay?
- “Hoy, buhay ko yang kinakalimutan mo”.
Ito raw ang sasabihan ng wikang tatalikuran mo na para bang multo. Ibigsabihin
lamang nito na lumingon tayo sa ating pinanggalingan at tignan ang kagandahan na
iniwan natin. Pinapakita dito ang lakas na pagmamahal ng may-akda sa sarili niyang
wika.
ARALIN 2:
ANG DAGLI
AT MAIKLING
KUWENTO
Mga Gabay na Tanong sa Dagling Pagsasamantala ni Isaias G. Estrella:
1. Ano ang pinapaksa ng dagling pinamagatang Pagsasamantala?
- Ipinapaksa ng dagling ito ay ang pagkasilaw natin sa kagandahan ng isang bagay
kahit na ang kapalit nito ay hindi totoong pagmamahalan. Sabi nga ng iba, “ang
taong gipit sa patalim kakapit” dahil na din sa hirap talaga ng buhay ngayon gagawin
ang lahat para lamang makaahon.
2. Paano inilarawan ang mga tauhan sa dagli?
a. Kalagayan sa buhay
- Dahil maganda ang babae na si Tonia, ginagamit ito ng mag-ina para maiahon sila sa
estado nila sa buhay.
b. Paniniwala
- Naniniwala ang mag-ina na makakamit nila ang ninanais nilang karangyaan sa
paraan ng pananamantala gamit ang kagandahan ni Tonia.
c. Ugali
- Inilalarawan na ang mag-ina ay mapagsamantala at hindi magaganda ang ugali.
Namana ng anak na si Tonia ito sa ina kaya kapag ayaw niya ng lalakeng manliligaw
sa kanya, puro panlalait ang aabutin ng lalakeng ito. Ang ina naman ay sakim at ng
pumasok si Manuel sa kanilang buhay, hinuhuthutan ng ina ang pera ni Manuel. Si
Manuel, bulag ba sa “pag-ibig” na ibinibigay sa kanya, ay siyang hulog na hulog kay
Tonia. Dahil dito ipinapakita na mahina ang loob ni Manuel dahil tanggap niya sa
sarili na hindi naman siyang magandang lalake. At pinagsamantalahan ng mag-ina
para lang sa sarili nilang gusto.
3. Paano ipinahayag ang mga kulturang Pilipino na nakapaloob sa akda?
- Ang pagiging tapat natin ay mas pinakita ng kahalagahan dito. Mas mahalaga na
manatili ang pag-uugali nating ito kasi mas maganda naman ang batid nito sa buhay
ng, hindi lang ng isa, kung hindi ng lahat. Pero mas nakita dito ang nakakalungkot na
naging kultura natin na kapag nagigipit kung saan-saan tayo hahanap ng maaring
kapitan. Hindi man lamang natin napapansin na hindi mabuti ang ginagawa kaya
dapat talaga magkaroon ng magandang pananaw sa buhay ang isang tao. Para
lamang sa ikabubuti ng karamihan.
4. Paano sumasalamin sa ating lipunan ang akda?
- Simula pa noon, dahil isinulat itong dagli ng matagal na, laganap na ang kahirapan.
At kasama dito ang mga taong gagawin ang lahat para maiahon ang sarili. Hindi pa
rin naman nagbabago ang kalagayan natin ngayon, kung saan mas dumarami pa nga
ang bilang ng mahihirap ngayon at ang bilang ng krimen sa ating komunidad.
Isinasalamin ng akda kung ano ang tunay na kalagayan ng mga Pilipino noon na
makikita pa rin ngayon. Nakakalungkot na halos hindi nga nabawasan ang bilang
pero hindi ibigsabihin wala ng pag-asa. Kaya kasama rin sa ipinapakita ng akda na
kapag meron tayong magandang pananaw sa buhay, mamuhay ng dakila at tapat,
kahit maliit lang na bagay ito, dito magsisimula ang pagbabago.
5. Ano-anong mga suliraning panlipunan ang nakapaloob sa akda at paano ito
mabibigyang solusyon?
- Pinakatanyag na suliranin ay ang kahirapan ditto ngunit masasabi kong
prostitusyon na din. Hindi naman nawala ang ganitong gawi para lamang makakita.
Kapag ikaw ay maganda at lumaki sa hirap, hindi malayo ang posibilidad ng
pagbebenta ng iyong katawan. Ngunit masasabi ko rin ang human trafficking sa
ginagawa ng in ani Tonia na siya mismo ang nagpapasimunong ibenta ang kanyang
anak para magkapera. Ngayon parehas pa rin laganap ang dalawang suliranin na
iyan, at kadalasan ito ay dulot ng kahirapan.
Mga Gabay na Tanong sa Dagling Karera ni Jomar G. Adaya:
1. Ano ang pangunahing konsepto o kaisipan ng dagli?
- Ang dagling ito ay tungkol sa isang munting pangarap ng isang mananakbo o
“runner”. Kung saan dumaan sa iba’t ibang drama at pakikipagsapalaran ngunit siya
pa rin ay nagpursige. Ipinapikitang konsepto dito ay kung gaano nakasalalay sa
karera ng mga kalapati ang mga tao. Maari nilang gamitin pambili ng pagkain nila sa
buong araw o kaya’y sa mga susunod pa, pambayad sa utang, pamasahe o kaya’y
dagdag puhunan para mas malaki maaring mapusta sa susunod na karera.
2. Paano nakaimpluwensiya ang pamagat ng akda sa nilalaman nito?
- Ang Karera ay nagsisimbolo sa hindi tradiyunal na paraan ng pagkita ng pera. Kaysa
maghanapbuhay ito na lamang ang ginagawa ng iba para makakita. Dito ipinapakita
na ang literal na karera at ang karera ng mga “runner” para lumaya sa kalos ng
kahirapan. Ayaw na nilang asa lupa lang o asa baba ng lipunan, nais din nilang
lumipad paalis sa kinaroroonan nila ngayon katulad ng mga kalapati kung saan
parang nakasalalay ang mga buhay nila dito.
3. Iugnay ang dagli sa mga sumusunod:
a. Lipunan
- Sa lipunan talaga meron asa taas, meron asa baba. Ipinapakita sa dagli nito ang mga
tao na namumuhay sa ibaba kung saan sila ay nagpasya na lamang itaya ang
kanilang kapalaran sa mga kalapati. Meron naman dito nananalo, merong natatalo.
Ito naman ay ipinapakita ang kalagayan ng mga tao pagdating sa oportunidad. Hindi
lahat napapalad sa lipunan ngayon. Kaya ang mga tao naghahanap ng ibang paraan
para mairaos lamang ang kanilang sarili at ang pamilya.
b. Sosyo-ekonomiko
- Ang mga mananakbo ay naipanganak sa isang estado ng buhay na kailangan
talagang kumayod para lang may makain. Ito ang kinalakihan nila kaya ito na rin ay
kanilang nakasanayan. Kaya dahil dito mapapansin din talaga ang layo ng agwat ng
bawat lebel ng ating lipunan. Nakikita dito ang mga iba’t ibang tao sa karera, may
mga mananakbo, kung saan puspusan ang dasal sa swerte, mga manonood, para
lamang masiyahan, at ang nag-oorganisa para sa paggabay ng paligsahan.
c. Politika
- Mayroong bahagi dito kung saan nabanggit ang opisina ng barangay bilang pinish
layn. Kasunod nito ang paglalarawan ng mga taong nanunuood, naghihiyawan at
nagmumura. Kumbaga nakikita ko dito na ang lapit ng politika sa mga taong ito,
ngunit wala ba silang ginawa para man lang tumulong? Ipinapakita na hindi
umaaksyon ang gobyerno para sa taong bayan. Kumbaga hinahayaan na lamang ng
mga kinauukalan na gawin ng mga tao, magpusta para sa kanilang kaluluwa.
4. Batay sa nabasang dagli, ipaliwanag ang pagkakapareho ng mananakbo at ng
manlalakbay.
- Ang manlalakbay ang ay ang mga kalapati habang ang mananakbo ay ang mga taga-
alaga ba o literal na takbo. Parehas silang asa sitwasyon na hindi naman nila gusto.
Kaya kapag nabigyan ng pagkakataon ang manlalakbay na makawala kukunin nila
ito. Ganito rin naman ang gagawin din mananakbo, ngunit nakasalalay ito sa
kanilang manlalakbay. Pareho nilang nais maging malaya sa kulungan ng kahirapan
kung saan sila namumuhay.
5. Paano ginamit ang wika sa ganito kaiksing akda? Ipaliwanag.
- Nagamit ang wika sa simpleng pamamaraan lamang. Gumamit ng kolokyal na mga
salita kaya mas lalong naiintindihan ng mangbabasa. Gumamit din ang may akda ng
mga malilikhaing salita kaya nailarawan ng mabuti sa isipan ng kung sino man ang
magbabasa nito. At masasabi ko na maganda ang pagkakalarawan ng mga simnbolo
o code na nakapaloob sa teksto.
ARALIN 3:
MAIKLING
KWENTO
Mga Gabay na Tanong sa Maikling Kuwentong Handog sa Kanyang Ina:
1. Anong pagkamulat ang ibinigay ng teksto sa iyo?
- Bilang anak nais ko lang naman maipasaya ang aking magulang. Simula pa ng bata
ako ganito ang iniisip ko. Kasi mas nagiging masaya ako kapag nakikita ko sila din ay
ganito, lalo na kung ako ang dahilan ng kanilang kasiyahan. Nakita ko ang sarili ko
kay Ben na nais pasiyahin ang nanay niya sa pamamaraan ng pagbili ng magandang
pamaypay. Naramdaman ko ang lungkot ni Ben nang magalit ang kanyang ina kaysa
matuwa sa regalo. Kasi ako rin nakaranas ng ganun, ngunit naiisip ko rin na kung
nararapat ba na gawin ng ina niya iyon? Kasi namulat ako sa katotohanan na
parehas naman nagmamahalan ang anak at ina, mayroon silang koneksyon na
mahirap putulin. Kaya kung mayroon mang ginawang imposible ang isa sa kanila
maaring ito ay ginawa dahil sa sobrang pagmamahal.
- Pero isa din namulat sa akin ng akdang ito ay ang pagiging mapili sa sasabihin at
aksyon ko. Sa madaling salita, ang pagiging sensitibo sa bawat salita o kilos na
bibitawan. Hindi ko alam na baka nakakasakit na pala ako ng damdamin sa paglahad
ng aking iniisip. Kaya dapat maging mapili sa mga sinasabi o baka mahirap ng
bumalik kapag nagawa na ang isang bagay.
2. Ano ang pangunahing konsepto okaisipan ng maikling kwento?
- Ang layunin ng akda nito ay maibahagi na minsan hindi napapansin ng karamihan
na may mga magulang hindi napapansin ang maliliit na ginagawang kabutihan ng
kanilang mga anak. Mas masakit pa ito kaysa sa pisikal na pananakit, dahil
damdamin at isipan ang nakakadama ng hapdi.
3. Paano nakaimpluwensiya ang pamagat ng akda sa nilalaman nito?
- Handog sa kanyang ina ang pamagat ng akda at para sa akin akma ito ng lubusan.
Ito’y dahil madaming sumisimbolo sa dito sa handog na ito. Una, naririto ang
mabuting kalooban ng anak na si Ben para mabigyan ng mumunting handog ang
kanyan ina para lang masiyahan. Ngunit hindi ito ang pagkakatinging ng kanyang
ina noong una kaya nalungkot ang bata.
- Pangalawa ay ang estado nila sa buhay. Napakalaking bagay na kay Ben ang
makapagbigay siya ng maaring ihandog sa kanyang ina. Kasi namomoblema siya
kung saan kukuha ng pera para ditto, ipinapakita na ganito kalaki ang halaga ng
handog na ito sa anak. Kasi nais lang niya mapatuwa ang ina.
4. Iugnay ang maikling kwento sa mga sumusunod:
a. Lipunan
- Ipinapakita ng estado ng pamilya ni Ben na asa kahirapan, kung saan maari nga ang
bata pa ang kumilos. Pinapakita rin dito ang konsepto ng child labor sa mahihirap na
lugar, dahil kailangan ng nila tumulong sa kanilang magulang. Dito rin maipapakita
ang konsepto ng domestic violence na hindi naman laging sa pananakit na pisikal
kundi sa pagbibitaw ng masasakit na salita.
b. Sosyo-ekonomiko
- Ipinapakita ang halaga ng bawat miyembro ng pamilya para maging masaya.
c. Politika
- Pumapasok ang politika dito sa mga nosyon ng child labor at domestic violence. Hindi
lang natin alam kung gaano kadami ang batang naninirahan sa kahirapan at sa hindi
magandang kapaligiran. Madami pa din mga batang naaabuso sa pisikal na paraan,
at mas lalo na sa verbal. Hindi napapansin ng gobyerno ito at sana mas lalo nilang
pahalagahan na lang.
5. Paano binuo ng may-akda ang bawat pahayag sa kuwento? Ipaliwanag.
- Hindi naman mahirap basahin at intindihin ang teksto. Ito’y dahil bawat isa sa atin
ay madaling makakapagugnay o relate sa sitwasyon at mga kilos ng mga tauhan.
Malinaw na naipahayag ang mga ideya na nais ilahad at maayos na nabalangkas ang
daloy ng mga kaganapan. At madali din itong maiuugnay sa kasalukuyang panahon
na maraming pamilya ay dumadaan sa ganitong uri ng relasyon.
Mga Gabay na Tanong sa Maikling Kuwentong Multo ng Isang Trahedya:
1. Naging matagumpay ba ang paggamit ng wika ng may-akda sa paglikha ng mga
diyalogo sa kuwento? Ipaliwanag.
- Mailalarawan ko siyang magaan, ngunit tanyag naman ang gamit ng wika dito sa
akda. Bawat dayalogo ng tauhan ay akma sa kanilang pananalita batay sa estado nila
lipunan. Ang paglarawan naman ng tagpo gamit ang wikang Filipino ay mas magaan
dahil ang mga katagang ginamit ay kadalasang ginagamit sa diskurso ng
nakararaming tao.
2. Ano ang pinapaksa ng maikling kuwento?
- Nagsimula ang kwento sa isang guro na siya ang pangunahing tauhan dito.
Nagulanta siya sa isang balita tungkol sa isang trahedyang sinapit ng kanyang
estudyante. Ang kwento pa tungkol sa estudyante ay siya ay palaging nabibiro kasi
pagiging huli lagi sa klase. Pero ito’y dahil isa siyang working student. Mas lalo
siyang nagulat ng nalaman niya ang gumawa ng krimen na ito ay dati niyang
kababata
3. Paano inilarawan ang mga tauhan sa kuwento?
a. Kalalagayan sa Buhay
- Ang guro ay ipinapkitang taong edukado at mayroon stabilidad. Ang biktima na
estudyante ay isang nangangarap maiahon ang kanyang pamilya kaya siya ay
working student. Ang kababata naman ng guro ay siya din gipit at lulong sa
kahirapan kaya nagawa niyang patayin ang bata,
b. Paniniwala
- Iba iba ang paniniwala ng bawat isa at iba iba din ang kanilang dinanas. Trahedya
ang maging biktima ng isang krimen lalo na’t kung humantong ito sa kamatayan.
Dahil hindi lamang ang katawang-lupa ang napaslang kundi na rin ang mga
pangarap nito. Ito ang kalagayan ng biktimang studyante. Samantalang sa kababata
ng guro, mababansagan siyang kriminal habang siya’y nabubuhay. Habang sa
pangunahing tauhan naman makikita na ang mga taong naging bahagi ng kanyang
buhay ay bumuo sa hindi niya nang malilimutan na tagpo. Lagi itong magpapaalala
sa kanya upang multuhin pa lalo ng kahapon.
c. Ugali
- Makikita na ang guro ay strikto sa mga studyante niya. Lalo na’t dun sa biktima kung
saan siya palagi ang napapagalitan dahil madalas itong huli sa klase. Tapos nung
kanyang bisitahin ang kababata niyang kriminal tila pinapakita dito na meron
siyang nararamdaman na bigat. Kumbaga pakiramdam niya na may utang na loob
siya sa biktima at sa kriminal kasi parehas silang naging bahagi ng buhay niya. Ang
estudyante naman ay isang masipag at matiyagang studyante. Ang kirminal naman
ay makikitang may pagkasama talaga ng ugali dahil parang bang wala siyang
pakialam sa ginawa niya
4. Paano sumasalamin sa ating lipunan ang maikling kuwento?
- Sinsalamin dito totoong kalagayan ng lipunan. Nais ipadama sa mambabasa na
malungkot para sa ibang tao, pinapakita rin sa kanila ang hindi nakikita ng kanilang
mata at hindi kayang ipaliwaag ng kanilang isip. Ngunit, ang kalungkutan ay natural
naman na bagay sa tao dahil dito tayo nagkakaroon ng malaking paalala na
importante ang buhay ng tao dahil hindi natin alam kung kalian mawawala. At isa
din na layunin ay ang pag-iingat sa panahong ito dahil hindi natin hawak ang oras
dahil sa patuloy na paglaganap ng kahirapan, madami din nakakagawa ng kasamaan
ang mga taong bumubuo sa lipunan.
5. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng kuwento?
- Hindi ako panatiko ng mga tinatawag na open-ended na kwento. Ito’y dahil mas
gusto ko na alam ko ang wakas ng isang kwento ng mga tauhan kaysa iisipin ko “ano
kaya nangyari?”. Siguro dahil sanay ako sa ganun klaseng kwento pero hindi ko
naman sinasabi na ayaw ko sa naging wakas. Sadyang hindi lang ako mahilig, pero
maganda pa rin ang naging daloy ng istorya.
ARALIN 4:
ANG DULA
Mga Gabay na Tanong sa Dula ni Rene O. Villanueva:
1. Ano-ano ang iba’t ibang suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan?
- Ang mga suliraning ikinaharap ni Lola Goya ay umiikot sa pagiging tindera, ina, lola
at bilang isang simpleng mamamayan. Nabanggit niya ninais niyang magpakamatay
ngunit ito’y hindi itinuloy sa mga kapwa taong usisero’t usisera. Nakwento din niya
na labag sa kalooban niyang mag-asawa ang kanyang anak na si Elsa, kung saan
nagpanganak ng umabot sa sampu ngunit tatlo lang nabuhay, at iniwan ang kanyang
mga anak kay Lola Goya. Iniwan itong mga apo niya sa kanya ng anak para hanapin
ang asawang si Erning. Kasabay ng mga problemang ito, pinakita din ni Lola Goya ag
mga problemamng kinahaharap ng isang simpleng mamamayan na nakikibaka sa
kahirapan ng buhay, isyung politikal, pag-uugali, paniniwala at kulturang Filipino.
2. Sumasang-ayon ka ba sa ginawang solusyon ng pangunahing tauhan sa
kanyang mga suliranin? Bakit?
- Hindi ako sumasang-ayon dahil ito ay pagpatay ng inosenteng bata. Hindi naging
kasalan ng bata kung bakit nasa sitwasyon na ganun si Lola Goya, at hindi dapat ang
bata ang nagbabayad para rito. Lalo akong nagulantang ng hindi agaran sinugod ang
bata dahil ito ang paniniwala ng pangunahin tauhan bilang solusyon sa kanyang
suliranin ngayon.
3. Ano ang ideya ng may-akda hinggil sa pagiging isang dakilang mamamayan?
- Ang isang dakiling mamamayan ay isang Filipino na namumuhay ng dakila. Siya ay
mayroong ugaling Filipino at lumalaban sa kahit ano mang pagsubok. Ang ugaling
aking ibinanggit ay ang pagkakaroon ng pagmamahal, pagpapakumbaba at
pananalig sa Maykapal. Ang mga ito ay ang nagpapakita na isang dakilang
mamamayan ang pangunahing tauhan at kung sino man ang ganito rin. Kasi sila
lamang ay simpleng mamamayan na araw-araw nakikibaka para magtamasa ng
kaginhawaan ng buhay. Ang pagsasakripisyo ay maikokonsiderang dakila, kagaya
ang ginawa ni Lola Goya para sa mga mahal niya sa buhay. Kahit na malungkot ang
naging wakas ng dula, naipakita naman sa akin ng akda ang mga kaugaliang ito ng
isang dakilang mamamayan ng Republika.
4. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang dula? Ipaliwanag.
- Siguro hindi pa rin maalis ang kaunting galit na nararamdaman ko para sa bida na si
Lola Goya. Kasi hindi kailanman sang-ayon ako sa pagmamaltrato sa bata kasi unang
karapatan na niya ang mabuhay. Pero habang ako’y nag-iisip sa dulo, talaga bang
maisisi ko ang bida sa naging desisyon? Hindi maganda ang bigay sa kanyang mga
baraha ng tadhana kaya hindi niya na alam kung paano siya gagalaw para sa
kanilang lahat. Ngayon iniisip ko na lamang na mahirap ang ginawa ng bida, isang
sakripisyo na maaring magmulto sa kanyang konsensya habang buhay. Ngunit
tingin ko pa rin sa kanya ay hindi masamang tao, kundi isang simpleng mamamayan
na naninirahan sa Republika ng Pilipinas.
5. Ano ang iplikasyon ng dulang ito sa iyo bilang isang Pilipino, bilang isang
mamamayang naninirahan sa Republika ng Pilipinas?
- Ang naging implikasyon sa akin nito ay ang pagiging dakilang mamamayan ay hindi
naisasaloob sa pagiging mabuti lamang. Kasi kapag naisip ang salitang dakila, ang
papasok ay isang taong walang bahid ng kasamaan. At totoo naman, hindi naman
masama ang naging dating sa akin ng bida na si Lola Goya. Nakita ko naman na
naging positibo at sumandig sa Panginoon ang bida ng dumating ang pagsubok sa
kanyang buhay. Sadyang nakita ko na hindi talaga lahat ay nasa magandang
sitwasyon at hindi lahat ay nabigyan ng magagandang oportunidad upang makaalis
sa mga suliraning kinahaharap. Ipinapakita na mahirap ang trabaho ng gobyerno
para sa atin bilang mamamayan ng Republika. Kasi hindi lahat ay kayang
masuportahan kaya madaming nakikibaka, para sa patas na sweldo, pagbaba ng tax
o sa presyo ng bigas ito’y dahil sa tingin ng mamamayan ay hindi ito nakakatulong
sa sitwasyon nila. Kailangan talaga nila ay isang kongkretong proyekto na ang nais
ay para sa ikabubuti ng lahat.
Mga Gabay na Tanong sa Dula ni Romeo P. Peña:
1. Sa ano-anong katangian nagkakatulad at nagkakaiba ang Hawaii sa Pilipinas?
- Aking napansin na halos mayroong pagkakatulad ang kasaysayan, kultura at pati na
rin sa politika, edukasyon at ekonomiya ang Hawaii at Pilipinas. Maliban na lamang
din siguro sa halos pagkakaparehas na kulay ng balat kasama na rin ang kalakasan
ng paniniwala sa relihiyon ang pagkakatulad ng dalawang bansa.
2. Bakit mahalaga na hindi makalimutan ang nakaraan o ang pinamulang lugar
ng isang tao katulad ng inilahad ng mga pangunahing tauhan sa kuwento?
- Kasi ito ang dumadaloy sa dugo natin at meron tayong papel sa pag-unlad ng ating
bansa. Hindi tuluyang uunlad ang iyong sarili kapag hindi mo binalikan kung saan ka
nanggaling. Kahit na isang half-Filipino, dumadaloy pa rin ang dugong Pinoy sa iyo at
nararapat lang na tignan mo ang istorya ng iyong kultura.
3. Nagtagumpay ba ang may-akda na ihatid ang mensaheng nais niyang iparating
sa mambabasa? Sa paanong paraan?
- Matagumpay dahil madali lang intindihin ang akda. Nakasulat siya sa paraan na
conversational at hinaluan ng mga awit na alam ng nakakararami. Kaya dahil dito,
mas madaling naipahayag ng may-akda ang kanyang saloobin at nais iparating sa
mambabasa.
4. Ano ang kahalagahan ng dulang ito sa tulad mong Pilipino?
- Ipinapakita nito na kahit saan man dapat ako mapunta ay dapat binabalikan ko ang
bansang akin pinanggalingan. Ako purong Pilipino at dapat ako ay natutuwa na
ako’y ganito. Ang kahalagahan ng dulang ito ay isang paalala sakin na hindi ko
kailanman matatanggal ang aking pagka-Pilipino kung gugustuhin ko man. At dahil
sa dulang ito, mas pinakita sakin na dapat hindi ko nanaisin tanggalin ang dugong
puro na dumadaloy sa akin.
5. Bilang isang Pilipino paano mo maipagmamalaki ang iyong lahi?
- Sa simpleng pamamaraan na paggamit ng wikang Fiipino ng may buong tapang at
tuwa ay isang magandang halimbawa. Isa din ang pagbabasa at panonood ng mga
gawang Pilipino na mga akda at pelikula. Dahil naniniwala ako na hindi ko naman
kailangan magsimula ng rebolusyon para ipagmalaki ang aking lahi, kundi ang
pagdedefensa at pagmamahal ko dito ay sapat na para malaman na ako ay masaya
na ako ay Pilipino.
ARALIN 5:
ANG
TALUMPATI
Mga Gabay na Tanong sa Talumpati ni Pangulong Pangulong Joseph Ejercito Estrada:
1. Ano-ano ang mga suliraning binanggit ng Pangulo sa kaniyang talumpati?
- Mayroong nabanggit na mga solusyon para labanin ang mga suliranin sa edukasyon.
Nais niyang mabigyan ito ng pokus para din sa ikabubuti ng kabataan noon. Kasama
na rin ang pabahay sa mga mahihirap, upang malutasan kahit paano ang problema
ng kahirapan, At kasama sa pagsalba sa isyu ng kahirapan ay pagbibigay pa ng mas
maraming trabaho. At isa na rin ang isyu sa krimen na kanyang pinakitaan ng banta
ng babala na “huwag siyang subukan”.
2. Paano inilatag ni Pangulong Estrada ang kanyang mga plataporma sa kanyang
talumpati?
- Nagsimula sa kanyang pagsasalaysay sa nakaraang pangyayari sa kanyang buhay na
ito ang nagbigay sa kanya ng pagiging taus-pusong pinuno. Kaya dahil din dito
nakita ng masa ang pagkakaroon niya ng mababang loob. Inilatag niya ang kanyang
plataporma na may halong damdamin kaya tumatak talaga ito sa masa at ito ay
naging usap-usapan ng marami noon. Umapela siya sa emosyon at isipan ng
nakikinig kung kaya marami din natuwa at nagpalakpakan dito.
3. Ano ang reaksyon mo hinggil sa mga platapormang ipinahayag sa talumpati?
- Para sa aking medyo typical lang ang naging talumpati niya. Ito’y dahil ganito naman
kadalasan ang gagawin ng unang talumpati ng pangulo, maglalatag ng suliranin at
kung paano ito lulutasin. Hindi ko maitatanggi ang husay sa pagkabuo ng talumpati,
at kung ako man ay nabubuhay noon at ito’y nakita ko baka masabi ko rin na
maganda ang pagkatalumpati nito. Kasi ang tingin ko na nararapat lamang gawin ito
ng isang pangulo upang malaman ng mamamayan kung ano ang maaring
kahihinatnan ng ating bansa sa rehime ni Pangulong Estrada. Kaya tama lang ang
aking reaksyon na pormal na nakikinig at natutuwa dahil sa ambisyon na nais
niyang ilatag para sa bansa.
4. Ano ang mahalagang bagay na natutuhan mo sa talumpati? Bakit?
- Siguro ang pinakamahalaga na bagay na aking natutunan ay ang pagkakaroon ng
paninidigan sa aking mga salita. Kasi kung ako man ang tumakbo at nanalo sa
eleksyon, gusto ko maiparamdam sa masa ang aking sinseridad at pagmamahal sa
aking bayan. At wala akong nais gawin para maipahamak ito kaya dapat ito’y
maiparamdam ko sa mga makikinig sa akin.
5. Nakatulong ba ng malaki ang mga pananalitang ginamit sa talumpati upang
mahikayat ang mga nakikinig o mambabasa?
- Nakatulong ito dahil nakakuha ng masigabong palakpakan ang Pangulong Estrada.
Dahil naintindihan ng marami ang kanyang ninanais mangyari, mapagkumbaba ang
naging dating niya at ito ay nagustuhan ng masa. Malaki din kasi ang papel ng
tamang pagpili ng mga salita at lalo na ang wika upang matagumpay ang isang
talumpati. Lalo na’t ito ay naka-adres sa mamamayan. Nais mong makuha ang
kanilang loob kaya dapat ang salitang gagamitin ay maiintidihan ng lahat at ganoon
na din sa wika. Kaya matagumpay na nabulabog ang isipan at natamaan ang
damdamin ng mga tagapakinig ng talumpati ni Pangulong Estrada.
Mga Gabay na Tanong sa Talumpati ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III:
1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang wikang ginamit ng may-akda upang
ipahayag nang malinaw ang mensahe ng talumpati?
- Parang sa naging talumpati ni Pangulong Estrada, gumamit din ng wikang Filipino si
Pangulong Aquino. Kaya lalong nakasabay ang masang Pilipino at dahil dito
nakagunita ng maraming tugon. Tama lang din na wikang bayan, Filipino, ang
ginamit ng bagong pangulo. Dahil pinapatunayan na ang nilalaman ng kanyang
talumpati ay para sa mamamayang Pilipino.
2. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng talumpati sa naunang talumpating
binasa?
- Nagkaroon ng pagkakaiba sa pagpili ng salita ngunit maayon parehas ang sa
dalawang talumpati pero mas iba lang ang dating dito sa pangalawa. Matatamis ang
salita at magaan ang pagpapahayag nito parang ba kung paano makipag-usap sa
kaibigan. Mahihinuha ko dito ito ang nais iparating sa atin ng Pangulong Aquino,
kumbaga ito ang paraan niyang magpakumbaba at magmukhang down-to-earth.
Kung saan ito din naman ang ginawa ng Pangulong Estrada, ngunit may mas
bruskong pagdating dahil naglagay siya ng mga banta o babala bilang paalala sa mga
mamamayan.
3. Paano ipinakita ng may-akda ang kanyang ideya ukol sa pagbabagong hatid ng
bagong pamunuan?
- Ang layunin ng talumpati ng Pangulong Aquino ay himuking manumbalik ang tiwala
ng mga tao sa gobyerno. Dahil kanyang nabanggit na alam niyang nagsasawa na sa
paulit-ulit na pangangako ang mga ito. Kaya kanyang pinakita na siya nakikiisa sa
ordinaryong Pilipino. Nagsabi siya ng mga karanasang karaniwan sa mga ito at
sinasabi niyang siya rin ay nakaranas ng mga ganito. Ginamit niya ito bilang
motibasyon upang maging palatandaan na siya ay magiging iba sa mga nagdaang
mga Pangulo. At ito ang nais niyang ipako sa mga isipan ng mga nakikinig sa
kanyang talumpati.
4. Paano nagpahayag ang mananalumpati? Naglahad ba siya? Nagsalaysay?
Naglarawan? Nanghikat? Nangatuwiran? Ipaliwanag.
- Nagkaroon ng pagsasalaysay, sa bahagi na nagkwento siya ng mga karanasan niya at
ng mga mamamayang Pilipino. Meron din paglahad ng kanyang nabanggit ang mga
magulang niya at ang nais niyang mabuo ang isang plataporma na magbibigay linaw
sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay wala ring kasagutan.
Ngunit ang pinakatanyag na tono sa akin ay ang panghihikayat. Dahil ito naman ang
talagang nais ng isang pangulo na hikayatin ang mamamayang Pilipino na makisama
sa bagong administrasyon. Kaya lamang nasabi kong nanghihikayat ang pagpahayag
ng talumpati.
5. Ano ang epekto sa iyo ng talumpating iyong binasa? Bakit?
- Dahil ako ay buhay at kahit paano mulat ang kaisipan, hindi ko maisisi kung ako ay
may duda sa mga pangakong inilatag ng Pangulo. Dahil alam ko na maraming
suliraning hinaharap ang Pilipinas at dapat lamang makumbinse akong mailulutas
ang mga ito. Ngunit hindi akong buong naniniwala dahil magsisimula pa lamang ang
administrasyon ng bagong pangulo. Kaya ang masasabi ko lamang ay hindi maganda
ang nangangako lamang.
ARALIN 6:
ANG TULA
Mga Gabay na Tanong sa Tulang Napagawi Ako sa Mababang Paaralan:
1. Ano ang paksa ng tula?
- Ang pagbabalik ng gunita ang ipinapapahayag ng tualng Napagawi Ako sa Mababang
Paaralan. Pagbabalik o resureksiyon sapagkat nagkaroon siya ng rekoleksyon sa
personang karpintero-kantero nang muli siyang bumalik sa kanyang dating
paaralan. Nasasabi kong mason o kantero rin ang persona dahil mayroong gawain
na tiyak na makikita sa tula at ito ay ang pagpapalitada.
2. Ang pagkakasulat ba nito ay ginamitan lamang ng mga salitang may literal na
kahulugan? Ipaliwanag.
- Mayroon ginamit na mga literal na salita dahil naunawaan ko ng mabuti ang naging
lugar ng tula. Mas nailarawan ng aking isipan at kumbaga mas aking naisaisip ang
paglalarawan ng nagututula. Ngunit may mga simbolismo akong napansin katulad
ng sinasabing “karera” ay karera ng buhay sa pagtatapos ng pag-aaral at saka sa
dulo nito isang maganda kinabukasan ang kinahaharap.
3. Anong imahen ang ipinakita ng tula? Bakit?
- Isang paaralan na dumaan sa madaming pagbabago. Nagkaroong pagbabagong
pisikal tulad ng pagpapaayos ng ilang mga bahagi ng paaralan kagaya ng bakod, flag
pole, entablado at basketball court. Kung hindi man pagpapaayos nagkaroong ng
bagong palamuti kagaya ng arko o kaya dagdag proteksyon kagaya ng alambre sa
geyt. Pati na lamang pagkakaroon ng pangalang ng guro sa bawat silid-aralan, kung
saan aking naranasan din.
- Naipakita rin sa akin kung bakit nagkaroon ng mga sinabing pagbabago sa paaralan.
Ito’y dahil maaring donasyon o proyekto ng mga dati niyang kamag-aral na naging
mga Dr., Atty., Engr., Governor o kaya’t Don at Donya. Pero hindi kagaya ng persona
o ang nagsasalita, hindi siya naging mapalad katulad ng iba niyang naging kaklase.
Ito’y dahil hindi siya nakapagtapos dahil naulila siya ng maaga. At sana raw kung
hindi nangyari ito, natapos niya din ang gustong karera.
4. Sa iyong palagay, sinunod ba ng manunulat ang proseso ng pagsusulat kaya
siya nakabuo ng ganitong uri ng tula? Ipaliwanag.
- Nasunod naman kahit paano. Ngunit medyo kakaiba lang ang naging dating pero
nakabuo naman ang manunulat ng isang magandang tula. Mayroong mga taludtod
na may sukat ngunit hindi lahat may tugma. Pero napabatid pa rin ang elemento ng
isang tula.
5. Sa iyong pananaw, ano ang kahalagahan ng pagsulat ng tula sa kasalukuyang
panahon?
- Naririto kasi ang pinakamainam na pagpapahayag ng damdamin sa mabisang
paraan. Hindi kagaya ng isang nobelang minsan ay napakahaba, ang tula ay
nagbibigay ng parehong karanasan ngunit mas maikli at kahit paano diretsuhan.
Nasabi ko kahit papaano ganito na maiintidihan ng diretsuhan ang isang tula kasi
kadalasan may mga simbolismo na nakakalat at hindi kung ano agad ang iniisip
natin. Kaya napakaganda gumawa ng tula sa kasalukuyan kasi napapabatid ang
pagiging malikhain ng isang manunulat at ang kakayahan niyang magpahayag ng
damdamin.
Mga Gabay na Tanong sa Tulang In Memoriam:
1. Ano ang paksa ng tula?
- Sabi ng historyador na si Elmer A. Ordoň ez na patungkol sa state repression ang
tulang mayroong 132 na taludtod. Itong nabanggit ay isang isyung panlipunan kung
saan ang pamahalaan ay pwersang kinokontrol ang mamamayan na para hindi
makialam sa administrasyon. Ang tula ay isang paggunita sa mga taong nasabing
nasawi dahil sa politikang pamamaraan. Isang epitapyo o epitaph sa mga taong
natukoy sa taludtod 27-29.
2. Ang ang layunin ng may-akda? Naglalahad ba siya? Naglalarawan?
Nagsasalaysay? Nanghihikayat? Ipaliwanag.
- Puno ng paglalahad ng damdamin ang nakita ko sa tulang ito. Inilahad niya ang
respeto sa mga namatay at ang inis sa mga gumawa nito, ang mga “berdugo’t
panginoon”. Laki niyang pinaramdam kung bakit siya galit kung binanggit niya ang
mga ginagawa nitong mga berdugo’t panginoon. Magwalang-bahala, walang
pakialam, nagmamaang-maangan, natataingang-kawali, nag-uurong-sulong,
nagtatakip ng mata, nakahukipkip at nakayuko.
3. Sino ang persona sa tula? Bakit?
- Ang sa tingin ko ang persona ay isang taong gumugunita sa kaniyang kakilala,
kasama at kaibigan na sumakabilang buhay. Ngunit ang persona na ito ay hindi
nalulungkot para sa kanilang pagkamatay at tinitignan pa itong tagumpay. At isang
tagumpay na pinapatunayan ang utak ng pagpapaslang ay ang mga berdugo’t
panginoon. Para sa akin ang persona ay isang Pilipinong nakikita ang kamalian sa
sistema. Nakikita na ang mga berdugong ito ay takot sa kakayahan ng mga tao, kaya
sila pinapapaslang. Ang persona ay isang taong alam kung ano ang pangarap ng
isang Pilipino. At sa tingin ko ang personang ito ay maaring ilapat sa kung sino man
ang nakakakita sa mga ito. At mulat sa kaalaman na may mali sa sistema.
4. Paano nilinang ng may-akda ang ideya niya sa kabuuan ng tula?
- Ang paggamit ng anapora sa may dulong bahagi dahil kapansin-pansin ang pagulit
ng salitang “alang-alang”. Kumbaga ipinapadiin ng may akda na ganito ang kalupit
ang pasakit at maaring ating maranasan. Ito raw ay maaring sapitin natin kagaya ng
nangyari sa mga pinangalanan ng makata na ito. At sa dulong bahagi ito ay
nagmamakaawa ang persona at tawad sa Panginoon. Kung kaya’t maiisip na hindi
naman natin nais itong mangyari sa kung kahit sino. Kaya dapat nagiging kritikan
tayo sa kilos ng gobyerno dahil tayo na mismo ang nagiging biktima. Kung sino pa
ang may kapangyarihan magluklok sa kanila sa puwesto nila. At hindi natin dapat
tinatanggap ito.
5. Paano ginamit ang wika? May mga hindi karaniwang paggamit ba ng mga
salita? May mga naitanghal bang kahulugan na lampas sa literal na antas?
Ipaliwanag.
- May mga salita na kailangan siguro maisensor dahil hindi para sa lahat ang tula na
ito. Ngunit naging diretso naman nag manunulat at ipinahayag ang tindi ng
damdamin at kalupitan na dinanas ng mga napaslang. Ginamit ang wikang Filipino
sa simple ngunit mainam na paraan, kumbaga malakas ang naging impak ng bawat
taludtod sa bawat bahagi nito. Nabanggit ko na ang paggamit ng anapora bilang
pagpapako sa ating isipan kung ano maaring abutin kapag hinayaan lamang natin
magpatuloy ang sirang sistema na ito. Mayroon din paggamit ng mga matalinhagang
salita na ito ay ang hinalintulad sa mga taong bahagi ng gobyerno.
Mga Gabay na Tanong sa Tulang Gunita:
1. Ano ang paksa ng tula?
- Tila ang hirap intindihin ng buo ang kakaibang tulang ito ni Mike L. Bigornia. Ngunit
ang pagkakaintindi ko ay maaring kapag kulang tayo sa pag-alala o gunita ay
nagiging kawalan ito ng nilalang. Parang sinasabi ba na kung ano ang kulang
dagdagan at kung wala naman ay lagyan. Ngunit hindi ito diretsuhan nabanggit ng
tula, kaya talaga matalihaga ang pagkakabuo nito.
2. Sa paanong paraan ipinahayag ng may-akda ang temang nais niyang iparating
sa mambabasa?
- Maari na lamang din sa pagpapaulit-ulit ng salitang gunita at pagkatapos ay susudan
isang taludtod na maaring mayroong koneksyon sa una. Ang pagulit ng salitang ito
ay masasabing paraan na rin kung paano mapasok sa ating mga isip kung ano ang
maaring punto talaga ng tula. Tila mahirap pero hindi imposibleng initindihan.
3. Sa anong akda mo maiuugnay ang tulang nabasa?
- Wala akong akdang maisip na maaring kaparehas ng porma ngunit paksa ay
mayroon. Siguro na lamang ang mga tulang may paksang pag-papaalala kung gaano
kahalaga magbalik-tanaw sa mga nadaanang pagsubok at karanasan.
4. Anong uri ng tula ang “Gunita” ni Mike L. Bigornia?
- Siguro ang uri ng tulang ito ay isang Tulang Liriko o Tulang Damdamin. Maaring
itong tulang ito ay karanasan ng may-akda na nais niyang maipahiyag at totoo
naman na napakamalikhain nito. Hindi ko lang alam kung masasabi kong guni-guni
lamang ito.
5. Ano ang tono ng tula? Ipaliwanag.
- Pinakanaisip ko ay ang regret o ang pakiramdam na mayroon kang nasayang. Para
sa akin, ang manunulat ay nagkakaroon ng mga pagsisi na hindi man lamang
nabalikan o nagunita. Kung kaya’t minsan nagkukulang ang paggunita niya o
tuluyang walang paggunita.
Mga Gabay na Tanong sa Tulang Makapili:
1. Para sa iyo, ano o sino ang tinutukoy na “Mapakali” sa tula?
- Sa aking palagay, ang Makapili na itinutukoy dito ay tayong mga Pilipino. Ang
terminong “makapili” ay mayroon madaing pakahulugan, kasama na rito ang
pagiging “doble-kara” o kaya’y may dalawang mukha na ipinapakita sa mga tao.
Ngunit ang isa minsan ay nakatago. At kung babalikan natin ang panahon ng Hapon,
ang mga makapili ay ang naging tagaturo ng sundalong Hapon sa mga kapwa niya
din Pilipino para sa kakarampot na salapi. Para sa akin ito ang tinutukoy na Makapili
sa tula.
2. Ano ang mensaheng nais ihatid ng tula?
- Nais ihatid ng may akda ang problemang panlipunan at pag-uugali natin mga
Pilipino. Nagawa niya ito sa pamamagitan ng simbolismo at mga imahe na nabubuo
sa pagbabasa ng tula. Ang pag-uugnay din ng may akda sa mga pangyayari sa
kasaysayan ay mas nagbigay tibay sa sinasapit na problemang panlipunan na kung
saan pipili lang ang mga Pilipino ng panig kung saan sila maaring makakuha ng
dagdag kapangyarihan o kita.
3. Sang-ayon ka ba sa ideya o kaisipang inihatid ng may-akda?
- Ako ay sang-ayon dahil akin napapansin ang mga inihatid ng may-akda sa
kasalukuyan na panahon. Dahil kagaya ngayon na may mga taong nakagrupo grupo
laban sa kanilang paniniwala, minsan ay lilipat na lamang sila dito sa layunin na
“mas tama” ito o “mas makapangyarihan” pala itong ibang grupo. Nakakalungkot na
umabot pa siya bilang problemang panlipunan dahil dito naiisip ko kung kaya pa ba
natin maging iisang bayan kung tayo-tayo lang din ang naglalaban sa isa’t isa.
4. Maiuugnay ba sa kasalukuyang panahon ang kaisipang inilahad sa tula?
Magbigay ng mga patunay.
- Oo maiuugnay ito kagaya nga ng nabanggit ko ng una. Kung saan laganap ngayon
ang pagkakaroon ng grupo kung saan nakasanib ang iyong paniniwala. Pero ngayon
ay nagkakaroon na kakaibang pagatake, partikular sa bantang pagpasa ng Anti-
Terrorism Bill, kung saan nagkakaroon ng paggawa ng mga fake accounts. Kung
saan ito ay maaring magamit laban sa ginawan upang makita ang mga post niya sa
social media. Parang ang nangyari noong panahon ng Hapon kung saan ang mga
Makapili ay tinuturo ang nakitaan nila ng taliwas na aksyon laban sa rehime noon.
Ganun din ang layunin ng mga gumagawa ng fake accounts na ito, upang magkaroon
man ng balidasyon o pera para lang sa sarili nilang pag-angat.
5. Naging mabisa ba ang mga salitang ginamit sa tula?
- Mabisa ang mga salitang ginamit dahil wikang Filipino ang naging midyum sa
paglalahad ng kaisipan ginamit sa tula. Maikli ngunit malaman ang pagtalakay ng
manunulat sa pamamagitan ng pagpili ng mga tamang salita subalit it ay naglalaman
ng ibang kahulugan na nagbibigay ng iba’t ibang imahe na madali lang din unawaan.
Dahil nilayon lamang ng may-akda na ilahad ang problemang panlipunan at pag-
uugali ng mga Piilipino. At ito ay nagawa niya ng maayos.
Mga Gabay na Tanong sa Tulang Mga Lipaking Palad:
1. Bakit iniugnay ng may-akda sa lipaking palad ang mga manggagawa?
- Kapag sinabi kasing lipaking ibigsabihin ay nagdurusa o nahihirapan. Ang palad ay
kadalasang ginagamit na termino para sa isang taong manggagawa. Kaya kapag
sinabing lipaking palad, mga manggagawa na nahihirapan ngunit hindi naman sila
nabibigyan pansin. Kagaya na lamang ang mga kahangahangang gawa ng mga
manggagawa noon, mga templo, kastilyo o mga magagarbong istatwa. Mas madalas
kaysa hindi ang mga mga “manggagawa” dito ay mga alipin. Mga alipin na
kakarampot lamang na bayad o kaya’y sapat lamang sa kakaunting miyembro ng
pamilya ang kapalit sa kanilang bayad.
2. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang tula?
- Ako ay naawa at mas lalong namulat sa sitwasyon ngayon. Lalo na ngayong panahon
ng Covid-19, maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho. Wala silang maaring
pagkunanpa ng pondo kaya nakikita ko sa balita ang iba ay nanlilimos na lamang.
Ngunit ako din ay namulat sa katotohanan na kabayanihan ang ginagawa ng mga
manggagawa ngayon ngunit dapat hindi natin sila tignan na para bang superhero.
Bigyan dapat natin sila ng sapat na kabayaran sa “kabayanihan” ng mga ordinaryong
manggagawa. At nararapat na din sila ay mabigyan pa ng mas lalong maayos na
suporta.
3. Nagtagumpay ba ang may-akda na ihatid ang mensaheng nais niyang iparating
sa mambabasa? Sa paanong paraan?
- Malikhain ang paglalagay ng mga salitang panlarawan kaya lalo mararamdaman ng
mambabasa ang hirap at pasakit na naranasan ng persona. Mas ramdam ang lungkot
na ito ang himig na ginamit ng persona ukol sa kalagayang sinapit ng mga
manggagawa na mapapansin sa kabuuan ng tula. Ang paulit-ulit na pagtawag sa mga
ordinaryong manggaggawa ay siya rin ang nagpabatid ng paksa at damdamin ng
tula. Kung saan mas nakita natin ang pokus ng tula, ang mga ordinaryong
manggagawa.
4. Ano ang implikasyon ng tula sa pagtingin sa mga manggagawa ng mga
mambabasa?
- Ang implikasyon dito ay ang paghanga ng mga mambabasa sa ordinaryong
manggagawa, ngunit hindi naman sila nabibigyan ng tamang rekognisyon. Kaya ang
mga manggawang ito ay nakakalimutan na lang din. Ang nakikita lang ng karamihan
ay ang obra maestrang naiwan hindi ang dugo’t pawis na inilaan para matayo ito.
5. Magbigay ng limang problema na kinakaharap ng mga ordinaryong
manggagawa sa kasalukuyan.
- Mababang suweldo, Kontratuwalisasyon, Kulang na trabaho, Kulang na suporta
(health insurance, life insurance, family insurance) at kulang na rekognisyon.
Mga Gabay na Tanong sa Tulang Awit ng Maliliit:
1. Ano-ano ang mga hinaing ng mga maliliit ang inilahad sa tula?
- Ang nais sa paglaya ay ang isa sa mga hinaing ng mga maliliit. Sapagkat mapapansin
sa kabuuan ng tula ang pagtitiis at pagtitimpina ginawa ng mga maliliit sa kanliang
kalagayan at sa dulo nito ay hindi nakamtan ang kanilang nais na makalaya o
makaangat sa pagpapahirap na kanilang nararanasan. Kasama sa paghihirap nila ay
ang pagtiis ng gutom, o kaya’y kahit may sakit, tuluyang nagtitiis
2. Paano nasolusyonan ng persona ang kanyang hinaing na isinaad sa tula?
- Walang kongkretong nasabi kung ano ang naging solusyon ngunit sa tingin ko ito ay
ang simula ng paghangad niya ng paglaya at pagkakaisa. Kasi ditto ipinapakita na
nagkaroon na sila ng lakas ng loob at boses na tuluyang maguudyok sa kanila upang
makaalis sa gapos ng kahirapan.
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang nakikita mong kasagutan na maaring gawin
para sa paglutas ng problemang inilahad sa tula.
- Ang maari kong magawa ay ang pagsabi ng aking nararamdaman. Hindi dapat ako
nagpapakampante kung ano meron ako ngayon lalo na’t alam kong nahihirapan ako.
Para saan pa ang demokrasya na ipinaiiral sa bansa kung hindi ko gagamitin ito,
kaya dapat lamang ako ay hindi manahimik at magtiis at dapat magsalita at
magparinig.
4. Anong mensahe ang inilahad ng tula para sa mambabasa?
- Kahit na tayo ay maliliit mayroon tayong malalaking boses. Dapat hindi natin
tatanggapin na maliliit lang tayo kaya sapat na ang karanasan natin ngayon. Hindi
magsisimula ang pagbabago kung hindi sisiklab sa atin ang ideya nito. Kaya dapat,
kahit na tayo’y maliliit tayo ay tumayo para sa ating sarili at magkaisa.
5. Ano ang implikasyon ng tulang ito sa iyo bilang isang mamamayang kabilang
sa isang lipunan?
- Ang pagbabago ay magsisimula sa atin, ang mga maliliit. Kaya dapat atin palakasin
ang loob upang makatayo ng parang ba’y matatangkad at malalaki. Kasi ang
damdamin natin ay malaki, at sapat na itong motibo upang magsimula ang
pagbabago ng lipunan ating kinaroroonan.
KABANATA III:
MGA TEORYA /
PANANALIG
PAMPANITIKAN
Pagtatasa: Pagsusuri ng maikling kwento, nobela, pelikula at dula
A. Maikling Kwento: Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon ni Sandy Ghaz
Itong maikling kwento na ito ay isinulat ni Sandy Ghaz noong Nobyembre 27, 2018.
Makikita ito sa isang website ng Philnews.ph. Sinulat ito dahil napapanahon sa sitwasyon
meron tayo ngayon. Kung saan laganap ang paggamit ng mga gadget at halos dito na
umiikot ang mundo ng mga kabataan.
Ang buod ng kwentong ito ay nagkaroon ng bagong selpon si Inday na regalo sa kanya ng
kanyang nanay na si Aling Peling. Ito’y dahil kanyang pagtatapos sa elementarya at
pinagisipan mabuti ng ina na kakailanganin ito ni Inday sa kanyang mataas na paaralan.
Ngunit hindi maganda ang naging epekto ng selpon na ito kay Inday. Palagi na siyang
nakatutok dito at hindi niya na halos kinakausap ang kanyang ina kundi isang lalaki na
pangalang Rico gamit ang bagong selpon. Isang araw narinig ni Aling Peling na nagbabalak
magkita sila Inday at Rico at pinagsabihan ng matanda si Inday ngunit sinagot naman siya
nito at nagdabog. Kinabukasan wala na si Inday ng gumising ang kanyang ina kaya naglako
na lamang si Aling Peling ng kanyang benta. Tapos, habang asa palengke naglalako si Aling
Peling Nakita niya si Inday nangiiyak-iyak at ito ay dahil nawala daw si Rico kasama ang
kanyang bag na naroroon ang rinegalong selpon ni Aling Peling.
Ang pamagat ay simple lamang at nakapokus sa karakter ni Inday, na isang bata, na
nabigyan ng panibagon selpon. Hindi na gaano kailangan pang bigyan linaw dahil dito na
rin umikot ang kwento.
Ang pinaka-napansin kong teorya ay simbolismo. Ito’y dahil sa pagbibigay importansya sa
selpon na iisang bagay kung saan umikot ang naging aral ng maikling kwento. Sinisimbolo
ng selpon na ito ang estado ng buhay nila Inday at Aling Peling, kung saan hindi naman sila
gaano kayaman at napagkasya lamang galing sa pagbebenta ni Aling Peling ng bibingka.
Medyo may pagka-arketaypal din dahil makikita dito na kahit na asa medyong mababang
bahagi ng lipunan ang isang tao, sila pa rin ay nagpapasamantalahan ng mga manloloko at
magnanakaw.
Kaya ang pinaka-implekasyon ng maikling kwento na ito ay dapat pahalagahan natin kung
ano meron tayo. Lalo na’t kung hindi naman lahat tayo ay may kakayahan kumuha ng
panibago ng agaran. At mas lalo ng huwag tayo mamantala ng kung sino man.
B. Nobela: Fifty Shades of Grey: E.L. James
Ang “Fifty Shades of Grey” ay ang unang libro sa trilogy na erotika ni E.L. James. Ito ay
nailimbag noong 2011 at nasundan kaagad ng pangalawa ng 2012 at and pinakahuli sa
parehas na taon din. Madaming napukaw ang manunulat at hindi niya inaasahan na
madaming maiinteres sa kanyang gawa. Kaya napunta si E.L. James sa Forbes Highest
Selling Authors sa daming mambabasa at kasunuran nagkaroon din ng adapsyon sa anyo ng
pelikula. Sinulat ito ni E.L. James bilang pagsagot sa kanyang mga hindi nakamtan na
desires. At kakatapos niya lamang basahin ang “Twilight Saga” at kumbaga nakakuha siya
ng inspirasyon dito magsulat.
Umiikot ang nobela sa kakaibang love story ni Anastasia Steele at Christian Grey. Silang
dalawa ay mga tao na may magkaibang pamumuhay. Si Anastasia, isang kolehiyalang
malapit ng magtapos at si Christian Grey na isang bilyonaryong CEO. Ang unang tagpo nila
ay ng magkasakit ang kaibigan ni Anastasia na kung saan iinterbyuhin si Grey. Nagkaroon
ng kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa at dito pa lamang napukaw na ang atensyon
nila sa isa’t-isa. Ngunit, hindi nga ito’y basta-basta na love story. Nagkaroon sila ng kontrata
na naglalayon na hindi isang relasyon ng isang mag-syota kundi isang tinatawag na Dom-
Sub o isang relasyon na umiikot sa BDSM (Bondage-Discipline-Sadism-Masochism). Ngunit
pati si Grey hindi niya maintidihan kung bakit ang kinatagalan niyang nakasanayan na
kontrata ay ninais niyang sirain para kay Anastasia. Dito makikita na parehas na silang
nahuhulog sa isa’t isa ngunit sa dulo ng unang nobela ay makikitang maghihiwalay sila ng
panandalian at magpapatuloy ang kanilang relasyon sa mga susunod na nobela.
Ang pamagat ay nangunguhulugan sa isang bahagi ng istorya na kung saan sinasabi si Grey
ay may iba’t ibang personalidad. Bigla-biglaan na lamang nag-iiba ang kanyang mood o
damdamnin, Nung una ipinarating ni Grey kay Anastasia na hindi ninanais ni Christian
magka-relasyon silang dalawa ngunit pagkatapos nito nagregalo naman si Chrsitian ng
mamahaling libro sa kanya bilang romantic gift. Kaya nasabing fifty kasi naging biro na lng
ni Anastasia na hindi lamang sampu ang mood kundi mas higit pa kaya nasabing fifty.
Nung una masasabi ko na ang hirap hanapan ng teoryang pampanitikan nitong nobela
ngunit naitala ko na kung anu-ano sa tingin ko ang nararapat. Una ay ang Feminismo. Ang
nag-uulat ng kwento ay si Anastasia, siya ang nagdesisyong pumasok sa kakaibang relasyon
nila ni Grey. Malakas ang loob niyang pumasok dito at tuluyan niyang naapektuhan si Grey
dahil sa paninidigan niyang bilang babae na alam kung ano ang gusto niya. Pangalawa ay
romantisismo. Siguro nung una hindi makikita ang romansya sa nobelang ito, ngunit
ipinakita na nga dito ang pagkakaiba ni Anastasia at Christian at kahit hindi pa napakita sa
dulo ng unang nobelang ito ang magiging pagmamahalan nila sa isa’t-isa. Makikita na ang
simula nito kakaunti dito.
Ang napulot ko sa pagbasa ng trilogy nito ay kakaiba ang tama ng pagmamahal at kahit na
mayroon mga dahilan kung bakit natin ayaw sumabay sa sabi ng puso, nanaig pa rin ito sa
huli.
C. Pelikula: Green Book ni Peter Farrelly
Ang “Green Book” ay isang biograpiya ng isang pianist na si Don Shirley Temple at ang
kanyang pagkakaibigan sa kanyang tsuper na si Tony. Si Don Shirley ay isang Aprikano-
Amerikano na nakakaranas ng diskriminasyon dahil dito kahit na isa siya sa pinakagustong
musikerong Klasikal noon.
Nagsimula ang pelikula na ipakilala muna si Tony bago si Don Shirley. Tapos ikinailangan
ni Don Shirley ng tsuper para sa kanyang tour na gumanap sa iba’t ibang lugar sa Amerika.
Ngunit binigyan-diin na hihirap ang daan nila dahil hindi lahat ng mga hotel sa Amerika ay
tumatanggap ng Afrikano-Amerikano sa panahong iyon kaya binigyan ni Don Shirley si
Tony ng Green Book na ipinapakita kung saan tatanggapin ng mga establisimento si Don
Shirley at para makagawa ng ruta si Tony. Habang nagpatuloy ang kwento makikita na
parehas kinakailangan ng bagong aral ni Tony at Don Shirley. Makikita ni Tony na mahirap
pala ang dinadanas na racismo ni Don Shirley at kung gaano kulang ang alam ni Don Shirley
sa dinadanas ng mga taong hindi kasing swerte niya na nakakapag-afford ng ibang bagay.
Kaya dito nagsibol ang makulit ngunit magandang pagkakaibigan nilang dalawa.
Kaya pinamagatang “Green Book” ay dahil mismo sa bagay na ito nagsimula ang lakbay ng
dalawang magkaibang tao. Dahil dito parehas silang dalawa nagkaroon ng rebelasyon sa
mga totoong nangyayari sa paligid nila. At dahil dito, nabuo ang nakaktuwang
pagkakaibigan nila.
Ang pinakaunang pumasok na teorya dito ay realismo. Kung saan pinapakita ang tunay na
nangyayari sa panahong iyon at ang malupit na diskriminasyon sa mga Afrikano-
Amerikano. Nababanyagan silang mga alipin, magnanakaw and walang alam kahit na
sabihin natin kasing husay na pianista kagaya ni Don Shirley. At kahit ang mahilig manuod
sa kanya ay ang mga mapuputi, sila mismo pa rin ay nagpapakita ng diskriminasyon sa
kanya. Si Tony naman ay namulat sa katotohanang ito at kanyang tuluyang
dinedepensahan ang naging kaibigan niyang si Don Shirley.
Ang implekasyon ko dito ay ang halaga nitong aral galing sa pelikula hanggang ngayon. Kasi
mahabang panahon na ang lumipas ngunit andito pa rin ang diskriminasyon. Kung saan
dapat lumaki na tayo sa mga kamaliang ito at binago na natin ang ating pamamalakad at
kaisipan. Ngunit mayroon pa rin mga protest ana lumalaban sa karapatan ng mga Afrikano-
Amerikano na nagsasabing hindi pa tapos ang katotohanan ng diskriminasyon.
D. Dula: Obra ni Juan ni Vince Tañ ada at musiko ni Pipo Cifra
Ang Obra ni Juan ay isang musikal na dulaan na handog ng Philippine Stagers Poundation
na patungkol sa kwento ng buhay ni Juan Luna. Ipinapakita dito ang naging pagkakaibigan
ni Juan Luna kela Jose Rizal, Marcel H. Del Pilar at ang relasyon niya sa kanyang kapatid na
si Antonio Luna. Itong dula na ito ay isiginawa ni Atty. Vince Tañ ada dahil sa pagtuloy na
pagtaas ng depression at suicide sa mga kabataan. Ito ay sinabi niya pagkatapos ng dula at
nais niyang ipaalam sa aming mga nanood na kagaya lamang ni Juan Luna na dumaan sa
isang mental health problem, makakaahon pa rin kami kahit na sa tingin naming ay hindi.
Nakakapukaw ang ekstrabagant na display ng mga performers pati na rin ang paminsan-
minsan na punchline na wala siguro sa iskrip. Magsisimula sa pagpapakilala ng ating bida,
pagkatapos ang kanyang lakbay papuntang Espanya kasama ang mga kaibigan at kapatid at
sumunod dito ang pagka-buo ng pangalawa niyang personalidad. At dahil dito nabuo niya
ang obra niyang Spolarium. At sa dulo ang sakit niya sa utak na ito ay ang nag-udyok kay
Juan Luna upang mapatay ang kanyang asawa at anak.
Pinamagatang Obra ni Juan dahil dito tayo papasok sa mundo ng kanyang isip. Dito pala
natin malalaman ang kanyang pinagdadaanan, kumbaga ang inner turmoil niya.
Ang mga pinakatumatatak na teoryang pampanitikan sa akin dito ay ang eksistensyalismo.
Kung saan hindi nakita ni Juan Luna ang katwiran noong napresenta siyang patayin ang
kanyang asawa at anak. Dahil sa personalidad ng kanyang isang sarili, mas nanaig ito kaysa
sa katwiran. Isa pa ang realismo, kung saan pinapakita ang kahalagaan ng pangkalusugang
mental ng isang tao. Napapanahon ang kwento ni Juan Luna ngayon kung saan ang mga
biktima ng mental health issues ay dumarami at kadalasang dito ay mga kabataan.
Ang naging implekasyon nito sa akin ay ang nosyon kung dapat pa bang ituring isang
bayani si Juan Luna. Ang sagot ko pa rin dito ay oo, kahit na may krimen siyang nagawa,
malaki pa rin ang naging dulot niya sa rebolusyong Pilipino noon. At kung hindi dahil sa
nagging obra niya, hindi magiging magkaparehas ang resulta ng himagsikan.

You might also like