Professional Documents
Culture Documents
Isang simulaing cardinal, katotohanan palibhasa, na ang isang Pilipino’y mahalagang sangkap
ng buong pamayanang Pilipino. At ang pinagsama-samang indibidwal, ang katipunan ng lahat
ng mga mamamayan ng bansang ito, ang bumubuo ng Sangkapilipinuhan. Habang mahina,
habang ‘di ganap ang pagka-Pilipino ng kabuuang ito ay ‘di tayo makapagtatayo ng isang
lipunang tunay na Pilipino, ni ng pamahalaan at pangasiwaang tunay na Pilipino. Ang ugat ng
dahilan ay nasa uri ng edukasyon ng isang Pilipino.
Tignan natin ang isang pangyayari bilang halimbawa. Ipalagay nating heto ang isang batang
Pilipino. Ang kanyang pamilya’y kabilang sa mga may kaunting pribilehiyo sa buhay. Bagay na
isinisiwalat ng kanilang katayuang ekonomiko. Ang batang paksa ng kwento’y nakarinig sa
unang pagkakataon at nanggaya sa unang pagkakataon, sa pabulol na pamamaraan, ng mga
salita ng kanyang ina’t ama. “That’s the light,” sasabihin ng ina, sabay turo sa bumbilyang
nagliliyab sa kisame ng bahay. “Now,” sasabihin ng bata, “where’s the light.” Ituturo ng bata.
“There!” sasabihin ng ina. Paulit-ulit. “That’s your Mommy”, sasabihin ng ama. “Say, Mommy.”
Gagayahin ng bata. “He’s your Daddy,” sasabihin ng ina. “Say, Daddy.” Gagayahin ng bata.
Ganyan ang simula.
Ang batang ito, pagsapit ng isang panahon, ay ipapasok sa kindergarten. Doon ay maririnig din
niya ang wikang naririnig sa kanyang Daddy at Mommy. Bibigyan siya ng manipis na aklat na
may malalaking drowing at nandidilat na mga letra. Ituturo sa kanya ng titser. “Apple”. “Epol,”
wika ng bata. “Snow” sasabihin ng guro. “Isno,” wika ng bata. “Eagle,” ang wika ng titser. “Igel,”
gagad ng bata. Ang paaralang ito, nais kong idugtong ay eksklusibo. Para lamang sa may
kayang magbayad ng malaki. Ari ng dayuhan at pinamumunuan ng mga relihiyoso.
Papasok ang bata sa regular na grado, sa paaralang ito rin: ari ng mga dayuhan;
pinamumunuan ng mga relihiyoso. Mababasa na niya ang mga liubrong bumabanggit ng mga
daan sa New York at sa Washington, D.C. Mamamasid niya ang Central Park at Times Square.
Ang batang ito na nagsisimula pa lamang ay may guniguni nang lumipad sa lupalop na malayo
sa kanyang tinubuan.
Ang batang paksa natin ay lumalaki, mangyari pa at nagkakaisip. Tuwing kakausapin siya ng
kanyang Daddy at Mommy ay sa wikang Amerikano. Ngunit may mga ibang tao sa kanilang
tahanan: ang mga taong iyon ay alila o utusan kung tawagin ng kanyang Mommy at Daddy.
Nakikita niyang ang mga ito’y tagapaglinis ng bahay, tagapagluto sa kusina, tagapamili sa
palengke, tagapagpaligo niya, at malimit na inaalimura ng kanyang mga magulang. Ang mga
taong ito, kung kausapin ng kanyang Daddy at Mommy ay sa Tagalog. Hindi siya kinakausap sa
wikang iyon ng kanyang Daddy at Mommy. Kaya, sa kanyang batang puso at utak ay tila
mandin napagbubukod niya ang kagamitan ng dalawang wika: Ingles ang ginagamit ng
kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa kanya; Tagalog sa pakikipag-usap sa mga alila o
utusan. Ito’y kanyang mapagkakalakhan at kahit na tumanda’y iisipin niya, ipamamansag niya
sa katunayan, na ang wikang Tagalog ay ginagamit lamang sa mga alila.
Ang batang ito’y patuloy sa paglaki. Palaging librong Ingles ang kanyang binabasa, palaging
Ingles-Amerikano, pagkat mga Amerikano ang awtor. Dahil dito’y ayaw na rin niyang bumasa
ng ano mangsinulat ng kanyang mga kababayan sa wikang kanyang kinagisnan. Ang librong
nasusulat sa Tagalog ay nagiging kasuklam-suklam sa kanya. Sa tahanan ay exposed siya sa
telebisyon – sa mga programang ginaganap sa wikang kanyang pinagkamalayan. Gayon din
ang kanyang pinanood sa mga sine. Kahit Class B, o Class C sa kanya’y pinakamagaling
pagkat mga artistang Amerikano ang nagsisiganap. Samantala, ang pelikulang Tagalog ay
bulok sa kanya, walang pasubali.
Siya’y isang ganap nang mamamayan, marahil ay mayroon nang pananagutan sa buhay.
Ngunit mayroon siyang sariling daigdig na kinikislapan ng pumikit-dumilat na samut-saring kulay
ng ilaw-dagitab sa piling ng mga nagsasalita ng Ingles. Malayo sa kanya ang ibang daigdig, ang
lalong malaking dagidig. Ito’y ang lipunan ng mga nakabakya, ng nagsisipagsalita ng
katutubong wika. At sa ganyan ay sumilang ang malaking pagitan ng mga Pilipinong
pribilihiyado sa buhay at ang masa ng ating bayan.
Totoong humaba ang simpleng kwentong aking isinalaysay. Ngunit gaya ng inyong napansin,
ito’y naglalarawan ng yugtu-yugtong pagkahubog ng isang batang Pilipino sa pagiging
Amerikano sa isip, sa salita at sa gawa. Ang trahedyang ito’y nakaturo sa ating sistema ng
edukasyon. Nang pumasok ang mga Amerikano sa Look ng Maynila’y dala na nila ang sistema
ng paturuang Amerikano.
Marahil ay ‘di totoong mga Amerikano lamang ang dapat nating sisihin. Tayo man naman ay
may kasalanan. Sa kabila ng katotohanang binigyan tayo ng kalayaang pampulitika, tayo
nama’y pinanatiling nakagapos sa kaalipinang ekonomiko at edukasyonal. Sa panahon ay
humihingi tayo ng pag-aaral sa ating mga suliranin sa pagtuturo. Ang hinihiling nating gumawa
nito’y ang ating dating panginoon, ang mga Amerikano. Sila rin ang nagmumunyi sa atin ng
mga kalutasan. At kung ‘di magbunga nang maigi, tayo ang nagdurusa. Kasalanan natin, ngunit
‘di nating gustong magkaganito. Biktima tayo ng kasaysayan. Ganito ang ating palad.
Gayunman, ang tanong ko’y ‘di na ba tayo bubulas,’di na ba tayo magiging ganap na lalaki at
ganap na bansa – sui juris sa lenggwahe ng batas.
Ang isang Pilipino, lalo na ang kabilang sa pamilyang ginawa kong halimbawa sa simula ng
komentaryong ito, ay medaling maging Amerikano. Kaawa-awa ang bayang ito! Ang lahat ng
ating pagsisikap na maging tunay na Republikang Pilipino ay mabibigo habang dayuhan ang
sistema ng ating paturuang pambansa. Tunay na kailangan ang pagbabago, ang rebolusyon sa
laranang ito.
Ngayon ay may isang Komisyong nilikha ang Pangulo upag pag-aralan ang sitwasyon ng
edukasyon sa ating bayan. Sana’y maging tunay na Pilipino ang ibubunga ng Komisyon. Huwag
sanang kaligtaan nito ang kahalagahan ng wikang panturo. Nababatid kong nasa kamay na ng
komisyon ang maraming pag-aaral ng Kawanihan ng Paaralang Bayan tungkol sa bagay na ito.
Nababatid na rin nito marahil ang tagubilin ng Lupon sa kurikulum, pati na ang paninindigan ng
Lupon sa Implementasyon. Hindi ako isang manghuhula, ngunit masasabi ko nang walang
alinlangan; na habang nabibidbid ang ating paturuang pambansa sa sistemang Amerikano, at
habang tinatagikawan tayo ng wikang Amerikano, mananatili tayong second rater lamang sa
edukasyon, mangagagaya at bayang walang bait sa sarili.
PETA
Ang mga magaaral ay inaasahang maipamalas ang kadalubhasaan sa paggawa ng vlog
presentation na may kaugnayan sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng mga
Amerikanong, Komonwelt, at sa kasalukuyan gamit ang isang makatotohanang proyektong
panturismo.
- Vlogger (1 miyembro)
- Video Editor (2 miyembro)
- Graphic Designer (2 miyembro)
ARALIN 1:
PANITIKAN: MGA DAPAT IPABATID SA MGA SOCIAL MEDIA (BLOG POST)
WIKA: MGA SALITANG GINAGAMIT SA IMPORMAL NA KOMUNIKASYON
SUB TOPIC:
MGA POPULAR NA BABASAHIN
IBA'T IBANG ESTRATEHIYA NG PANGANGALAP NG MGA DATOS Q
IMPORMASYON
ARALIN 2:
PANITIKAN TANIKALANG LAGOT (KONTEMPORANEONG PROGRAMANG PANRADYO)
WIKA: EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW
SUBTOPIC: PAGSULAT NG ISKRIP NG PROGRAMANG PANRADYO
ARALIN 3:
PANITIKAN: PANANAKIT SA BATA BILANG PAGDIDISIPLINA, DAPAT BANG IPAGBAWAL?
(DOKUMENTARYONG PANTELIBISYON)
WIKA: EKSPRESYONG HUDYAT NG KAUGNAYANG LOHIKAL
SUB TOPIC: DOKUMENTARYONG PANTELIBISYON
ARALIN 4:
PANITIKAN: ANAK (PELIKULA)
WIKA: WASTONG GAMIT NG MGA BANTAS
SUB TOPIC: PAGSULAT NG REBYU NG ISANG PELIKULA
ARALIN 5:
PANITIKAN: MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SOCIAL AWARENESS CAMPAIGN
(PERFORMANCE TASK)
ARALIN 1:
Mga Dapat Ipabatid sa mg Social Media User (Isang Blog
Post)
ALAM MO BA?
Isa mga pangunahing paraang ginagamit ngayon ng napakaraming tao upang mapabilis ang
komunikasyon at iba pang transaksiyon ay ang Internet. Tunghayan sa ibaba ang estadistika ng
bilang ng mga tao sa mundo na gumagamit ng Internet at ng social media network na Facebook
ayon sa aral na ginawa ng Internet World noong Hunyo 30, 2016.
KOMIKS
MGA POPULAR NA BABASAHIN
Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabilang modernisasyon sa pamamagitan
ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-
pansin sa kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks,
magasin, at dagling katha ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyunal na
uri ng panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang
teknikal ang panitikang popular. Narito ang maikling
Pahayagan
Tunay na malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-araw na pamumuhay
ng mga Pilipino. Upang tayo ay maging bukás at mulat sa mga napapanahong pangyayari ay
sinisikap ng bawat isa na matutukan ang mga pangyayari sa ating paligid o lipunan. Bagama't
marami na ang nagbabasa ng mga balita sa Internet ay marami pa rin ang patuloy na
tumatangkilik sa mga pahayagan dahil sa abot-kayang presyo nito. Dahil dito, itinuturing ang
pahayagan na isang uri ng print media na nananatiling buhay at bahagi ng ating
kultura.Maraming batà ang lumaki kasabay ng komiks at hinangaan nila ang katapangan at
kabayanihan ng mga superhero na lumalaban sa mga hámon ng búhay. Maraming pinaliligaya
ang komiks, maraming binibigyang pag-asa, at marami rin ang napaiibig dahil sa mga
mensaheng hatid nito sa mga mambabasa.
Magasin
Ang magasin ay isa ring uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino dahil
sa aliw na hatid nito at mga impormasyong makukuha rito. Hindi mawawala ang Liwayway kung
ang pag-uusapan ay ang paglaganap ng magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling
kuwento at mga nobela na naging instrumento upang umunlad ang kamalayan ng marami sa
kulturang Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Ang
pagkahilig ng maraming pamilya sa pagbabasa ng Liwayway ay nakatulong nang malaki upang
higit na tumibay ang samahan o relasyon ng bawat pamilya. Dahil sa mabilis na pagbabago ng
panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga
Pilipino mula nang magpasukan ang iba't ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan,
naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik ng maraming Pilipino:
1) Candy - Tinatalakay nito ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng
mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng kabataan sa kasalukuyan
4) FHM (For Him Magazine) - Ito naman ay magasing para sa kalalakihan na naglalaman
ng mga artikulong nais pag-usapan ng kalalakihan tulad ng mga isyung may kinalaman
sa buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
5) Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong
nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsabilidad
at maging mabuting maybahay.
6) Men's Health - Karaniwang tinatalakay rito ang tungkol sa mga isyu ng kalusugan tulad
ng pamamaraan sa pag-eehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal
at mental na kalusugan na naging dahilan upang maging paborito ito ng kalalakihan.
7) Metro shopping, at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman Magasin tungkol sa
fashion, mga pangyayari, nito.
8) T3 - Isang magasin para sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling
pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at
gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
9) Yes! Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang ay palaging bago, puno nakaw-
atensiyong larawan, at malalamang detalye tungkol sa nilalaman nito ng mga mga
pinakasikat na artista sa bansa.
Kontemporaneong Dagli
Ang dagli ay isang anyong pampanitikang maituturing na maikling-maikling kuwento. Bagama't
walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada
ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing
dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba
ng isang maikling kuwento.Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli ay sina Iñigo Ed.
Regalado na may bansag na Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A.
Clarin) Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos. Sa kasalukuyan, sinasabing
nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa
maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga
kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Sa kasalukuyan, nagkaroon
na ng bagong kahulugan ang dagli. Hindi na ito tinatawag na dagli kundi nagkaroon na ito ng
ibang lehitimong pangalan at katawagan - anekdota, spice-of-life, day-in-life, at iba pa.
PAMANTAYAN:
KAGANDAHAN NG PAGGUHIT - 10
KABULUHAN NG NILALAMAN - 10
PAGKAMALIKHAIN - 10
KABUUBAN - 30 PUNTOS
Antas ng Wika
Link: Antas ng wika (slideshare.net) for more example Antas ng wika 2 (slideshare.net)
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito nang gayo'y
maibagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging sa
okasyong dinadaluhan.
Mahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal. Sa bawat kategorya,
napapaloob ang mga antas ng wika.
A. PORMAL Ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
2) Pampanitikan o Panretorika - Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat
sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog,
malalalim, makulay at masining.
- Impormal - Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-araw na madalas
nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
1) Lalawiganin - Ito ang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito ang mga
partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay
magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa
pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.
Halimbawa:
nasa'n (nasaan), pa'no (paano), sa'kin (sa akin), sa'yo (sa iyo),
kelan (kailan), meron (mayroon)
3) Balbal. Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang
mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng
wika ito, bagamat may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang
antas, ang antas-bulgar (halimbawa nito ay ang mura at mga salitang may kabastusan).
• Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong salitang
balbal ngayon at laos na bukas. Nakatutuwa ring pang-aralan kung paano nabubuo ang mga
salitang ito. Minsan nga, dahil sa napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang
salitang balbal, nagiging lubhang mahirap nang ugatin ang pinanggalingan nito. Kayrami ngang
kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal na hindi nila alam kung paano nabuo.
Lalawiganin (Provincialism)
• Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito.
• Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigmas, may kakaiba pang
tono ito.
Balbal (Slang)
Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi
tinatanggap ng matatanda at may mga pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang
mga salitang balbal ay tinatawag din salitang kanto o salitang kalye.
Pormal Balbal
Nanay Ermat
Tatay Erpat
Sigarilyo Yosi
Guwardya Sikyo
Kotse Tsikot
Pulis Parak
Kaibigan Kosa
Matanda Gurang
Kolokyal (Colloquial)
Ito ay mga salitang ginagamit sa pang- araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may
kagaspangan at pagkabulgar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang
nagsasalita.
Pormal Kolokyal
Nasaan Nasan
Kani-kaniya Kanya kanya
Tayo na Tana
Piyesta Pista
Saan San
Aywan Ewan
Banyaga
• Ito ay mga salitang mula sa ibang wika.
• Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong
pangmatematika, o mga salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino.
BUOD: Ang tanikalang lagot ay patungkol sa isang dalaga na nagngangalang Leona. Siya ay
anak nina Tatay Dionisio at Nanay Jovencia. Ang kuwento ay naglalarawan sa isang uri ng bata
na sumuway sa mga utos ng kaniyang magulang na nagdulot sa kaniya ng kapahamakan. Si
Dionisio at Jovencia ay may tatlong anak. Si Leona bilang bunso, ay ang pinaka naaasahan nila
sa kanilang negosyong rubber production sa Bulacan. Ibinili si Leona ng kanyang ama ng
motorsiklo ng dahil dito bagama't tutol ang kaniyang ina. Isang araw, ginamit niya ang
motrosiklo at tumakbo eIbine. ni Leona. na nag resulta sa pagkaaksidente nito.hyang ana motor
na siya namang ikinagalit Ibinenta ng kanyang ina ang motor na siya namang ikinagalit ni
Leona. Naglayas si Leona at lumuwas ng Maynila. Dito niya nakilala si Zosimo. Nagbunga ang
kanilang pagmamahalan sa dalawang batang sina Bimbing at Dodong. Si Zosimo ay nagkasakit
at tuluyang namatay dahil sa kahirapan sa pagtatrabaho. Si Leona ay nangulila at sa kanyang
pagdadalamhati ay isinama siya ni Rosa sa simbahan niya sa araw ng Linggo. Dito ay nakilala
ni Leona muli ang panginoon at siya ay nagbalik-loob para sa kanyang mga anak. P. 363
https://www.youtube.com/watch?v=IDORA6-7mzA
Audio Reccording
5 to 7 Minutes
p. 377
March 4, 11:59 pm
Audio reccording