You are on page 1of 2

1.

Ang malalaman natin tungkol sa balagtasan sa ikatlong talata ay kung paano ito umusbong sa
ating bansa. Sa kagustuhan ng mga Pilipino na maipahayag ang kanilang damdamin laban sa
kolonyalismo, nag isip sila ng iba't-ibang paraan para maisagawa ito ng matiwasay at kaaya-aya.
Kailangang maipaliwanag ito upang mas maintindihan natin kung paano nagmula ang balagtasan.
2. Palaging lumilipad at mahilig mangdalaw. Ang paru-paro ay sumisimbolo bilang
kaluluwa ng tao na dinadalaw ang kanyang pamilya.
3. Isang puting dagta na may lason ang sa mata ni paruparo itinakip noon, at ang bulaklak
niya'y bumaba sa dahon, hinabol habol nya ang bango at samyo hanggang makarating sa
malayo at nang alisin na ang takip sa panyo, aala si kampupot, wala yaring puso.

4. Puso ni Kampupot
5. Hindi maaari ang hiling ni Paru-paro dahil ang dagta at lason ni Kampupot ang
makakapatay sa kanya.
6. “Ngunit tantuin mo na sa daigdigan, ang bawat maganda'y pinag-aagawan”. Hindi ako
sang-ayon, dahil hindi naman lahat ng magaganda ay pinag-aagawan.
7. Ang pag-ibig ni bubuyog sa kuwentong "Bulaklak ng Kalinis-linisan" ay nagpakita ng
natatanging uri ng pagmamahal na hinihiling at ninanais ng kahit sinong tao sa mundo.
Bagamat gustung-gusto niyang dumapo sa bulaklak at lasapin ang tamis nito ay hibdi nya
ginawa dahil alam niyang pinahahalahan ng bulaklak ang pagiging malinis at busilak.
Nirerepresenta ng bulaklak ang mga kababaihan samantalang ang bubuyog nman ay ang
mga kalalakihan.
8. Ang ginawa ni bubuyog sa talata 34 ay nang si kampupot daw ay namumukadkad na,
lubos niyang binantayan ang naturang bulaklak. At ang sinuman na lumapit sa kanyang
kampupot ay kinikitil niya sapagkat ayaw niyang masugatan o maangkin ng iba ang tangi
niyang bulaklak.
9. Nanonood si bubuyog kila paru paro at kampupot ng sila’y nagtataguan habang kanlong
sya ng isang halaman.
10. Ang sabi ni paruparo ay buong magdamag siyang nasa tabi ni kampupot at pinapayungan niya si
kampupot gamit ang kanyang dalawang pakpak. Ang sabi naman ni bubuyog ay binubulong niya
ang bawat daing gg kanyang pagibig.
11. Sabi ni lakandiwa ay paghatian nalang ng dalawa ang bulaklak. Ang reaksiyon ni
bubuyog ay ipapaubaya nya at magtitiis na lang sa hirap, kaysa ang talulot ni bulaklak ay
malagas habang ang reaksiyon naman ni paruparo ay ayaw niya din dahil kusa siyang
mamamatay.
12. Ang Matalinong Haring Solomon ang kwentong may kaugnay sa kaniya. Binanggit sa
kwento na, natuwa si Jehova sa hiling ni Solomon dahil sa humingi ito ng karunungan at
hindi ng mahabang buhay o kayamanan. Ito ay mababasa sa bibliya.
13. Ang bulaklak na si Kampupot ay walang gusto kahit kanino sa kanyang mangingibig. Isa
man kila Bubuyog at Paruparo ay walang nagpatibok ng puso ni Kampupot. Bukod
tanging ang dalawa lamang ang umiibig sa kanya. At siya walang ninanais kanino man sa
dalawa.
14. Para sa akin ito ay makatotohanan sapagkat bawat salita na binabanggit sa kwento ng
florante at laura ang mga mababasa ay mas nananamnam ang bawat tula na binabanggit
dito. Isa pa, ang mga salita ay sadyang matatalinhaga at tagos sa puso ang nilalaman.
15. Si Lakandiwa, dahil siya ang nakatataas at may alam kung sino ang nararapat manalo.
16. Sa Bulaklak Ng Lahing Kalinis-linisan ay paborito ko ang linya ni Paru-paro na "Hindi
mangyayaring sa isang bulaklak, kapwa mapaloob ang dalawang palad!” Paborito ko ito
dahil kahit sa totoong buhay kapag ikaw ay umiibig hindi pwedeng dalawa dapat may iisa
lamang na nangingibabaw sa iyong puso.
17. Ito ay patungkol sa pag-ibig, gumamit ng salita na matalinhaga at may malalim na
kahulugan, nasa paraang tradisyunal at tunay na nasasalamin ang kulturang Pilipino.

You might also like