You are on page 1of 44

I.

PANIMULA

Sa Modyul 1 ay ang mga akdang pampanitikan ng Mindanao. Ang mga aralin


sa modyul na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na
maunawaan ang kultura at pamumuhay ng mga tao sa Mindanao.

Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahang makapagpapamalas ng pag-unawa


at pagpapahalaga ang mga mag-aaral sa mga akdang pampanitikan sa Mindanao
sa tulong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit
na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto.

Sa Modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao sa tulong ng mga
angkop na gramatika at retorika upang makabuo ka ng proyektong panturismo na
magtatantayag sa magagandang kaugalian at kultura ng mga taga-Mindanao.
Mamarkahan ang iyong proyekto batay sa sumusunod na pamantayan: a)
orihinalidad, b)masining, at c) makatotohanan.

Sa pagtalakay ng mga aralin, gagabayan ang mga mag-aaral na masagot ang


mga pokus na tanong na – Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang
pampanitikan ng mga Mindanao? Paano nakatutulong ang tamang paggamit
ng gramatika at retorika upang maunawaan at mapahalagahan mo ang mga
ito?

0
II. PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

I. Kaalaman
1. Ito ang binubuhay ng nasyonalismo.
a. karunungan b. pagmamahalan c. kabayanihan d. pagkakawanggawa
2. Ito ang kahariang pinagmulan ni Prinsipe Bantugan.
a. Bumbaran b. Sinukuan c. Madali d. Miskoyaw
3. Ito ay likhang gawain na ipinapakita o inilalarawan ang paksa sa pamamagitan
ng masining na pagguhit.
a. mockumentary b. panayam c. poster d. collage
4. Ano ang salitang ugat sa salitang kabayanihan?
a. kaba b. bayan c. bayani d. ani
5. Alin sa sumusunod ang ekspresyon ng posibilidad?
a. ba b. nga c. tunay d. sapagkat
6. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng pumapailanlang?
a. sumasampa b. pumapaibabaw c. pumapailalim d. manloloko
7. Ito ay epiko ng mga Ilokano.
a. Bantugan b. Indarapatra c. Sulayman d. Lam-ang
8. Ito ay isang paraan ng pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mga tao.
a. Pagbabalita b. panayam c. pagpinta d. pananaliksik
9. Isang uri ng panitikan na may supernatural na katangian ang mga tauhan.
a. alamat b. epiko c. kuwento d. pabula
10. Ito ay panitikan na ang mga tauhan ay mga hayop.
a. alamat b. pabula c. parabula d. tula
11. Ito ay tekstong may may layuning makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal
tulad ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.
a. naglalahad b. naglalarawan c. nangangatuwiran d. nagsasalaysay
12. Siya ay matalinong hayop na naging datu.
a. Lalapindigowa b. Pilandok c. Orang d. Miskoyaw

II. Proseso/Kakayahan
13. Upang higit nating matiyak na naunawaan nga ang isang pabula, dapat alam
natin ang ibinigay nitong:
a. aral b. suliranin c. tunggalian d. kasabihan
14. Isang araw, nakiusap ang Inang pusa sa Inang daga para bantayan ang anak
niyang kuting dahil sa ito ay may sakit. Ang may salungguhit ay
_______________.
a. ekspresyong posibilidad c. pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi
b. pang-ugnay sa pagbbigay ng bunga d. retorikal na pang-ugnay
15. _______________, ikaw ang naging kabuuan ng aking pagkabata. Ano ang
maaaring ipuno sa patlang upang ito ay mapatotohanan?
a. Talagang b. Tunay na c. Sa totoo lang d. Sa tingin ko
16. Ano ang denotasyon na kahulugan ng balimbing?
1
a. taksil b. sakim c. prutas d. malambing
17. Ano ang konotasyon na kahulugan ng pusa at daga?
a. hayop b. away nang away c. taksil d. matapang
18. Ayaw ko kay Bubuwit sapagkat siya ay magnanakaw. Ano ang isinasaad ng
pariralang may salungguhit?
a. sanhi b. bunga c. posibilidad d. ekspresyon
19. Sa totoo lang, kaming mga laruan ay ginawa upang paligayahin kayo subalit
natatakot din kaming baka isang araw ay hindi nyo na kami pansinin. Ano ang
pang-ugnay na nagpapatoo na ginamit sa pangungusap?
a. Sa totoo lang b. kaming mga laruan c. ginawa upang paligayahin
d. subalit
20. Magiging mayaman siya pag dating ng araw kaniyang sipag at talino.
Anong pang-ugnay ang maaaring ipuno sa patlang?
a. upang b. samantala c. nang magkagayon d.
dahil sa
21. Marami pa ring may mabubuting kalooban ngayon, ____________, binigyan pa
ng award ang isang taxi driver na nagbalik ng pera ng kaniyang pasahero. Ano
ang pang-ugnay na nagpapatoo na ginamit sa pangungusap?
a. tunay na b. kasi c. sa katunayan d. sapagkat
22. Harinawa’y magtagumpay ka sa iyong mithiin. Anong damdamin ang isinasaad
nang may salungguhit?
a. takot b. tuwa c. pag-asa d. galit

III. Pagnilayan at Unawain

Para sa mga bilang 21-25

Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay
isang dugong bughaw, kundi dahil din sa kaniyang katangian. Di lamang siya
mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong
pangangatawan.
23. Ang kahulugan ng dugong bughaw ay .
a. matapang b. manhid c. mahirap d. mayaman
24. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng sultan?
a. mayaman b. matapang c. guwapo d. mapagpatawad
b. mapanghusga d. mapagkunwari at mapagbalatkayo
25. Ang pang-ugnay na dahil din sa kaniyang katangian ay nagsasaad ng
_________.
a. bunga b. ekspresyon c. posibilidad d. sanhi
26. Ano ang maaaring maging bunga o epekto sa mga tao ng mga katangiang taglay
ng Sultan?
a. paggalang b. pagkainggit c. pagkatuwa d.
pagkalungkot
25. Inilalarawan sa talataan ang patunay na ang sultan ay _____________.
a. hindi basta-basta pinipili b.mayaman c. nagtataglay ng magagandang
katangian
2
d. romantiko
Para sa mga bilang 26-30
“Baka makikipag-away ka na naman,” tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral
na naman. Mula kinatatalungkuang giray na batalan, saglit iyang napatigil sa
paghuhugas ng mumo sa kamay.
“Hindi ho,” paungol niyang tugon.

26. Baka makikipag-away ka na naman. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap?


a. Nananakot ang nagbilin b. madalas makipag-away ang kausap

c. masayahin ang nagsasalita d. pag-awat sa isang sitwasyon


27. Anong uri ng pamumuhay ang mailalarawan sa mag-ina?
a. mapanuri b. mahirap c. mayaman d. palaaway
28. Ang giray ay nangangahulugang __________.
a. saway b. sira c. tibay d. buo
29. Anong uri ng panitikan ang masasalamin sa bahagi ng akda?
a. Alamat b. Maikling kuwento c. pabula d. tula
30. Ano ang maaaring maging suliranin sa akda?
a. bully b. kahirapan c. kayabangan d. kahinaan

IV. ILIPAT
Gumawa sa kalahating bahagi ng kartolina ng poster tungkol sa kagandahan ng
inyong barangay batay sa sumusunod na pamantayan:
a. masining. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5 puntos
b. orihinal. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5 puntos
c. makatotohanan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5 puntos
d. patunay sa pamamagitan ng paliwanag. . . . . 5 puntos

I. TUKLASIN

3
Sa pamamagitan ng picture analysis, lagyan ng arrow ang mga larawang may
kaugnayan sa kultura ng Mindanao.

Mindanao
2. Magbigay ng hinuha sa sumusunod na pokus na tanong:

a. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan ng mga Mindanao?


b. Paano nakatutulong ang tamang paggamit ng gramatika at retorika upang
maunawan at mapahalagahan ang mga ito?

II. LINANGIN

Sa bahaging ito ay lilinangin ang iyong kaisipan at kakayahan sa mga araling


nakapaloob sa modyul na ito. Sa tulong ng iba’t ibang gawain at mga tanong
hayaang matuklasan mo ang maahahalagang konsepto na mahalagang
maisapamuhay mo ngayon at sa panghabambuhay.

Aralin 1:
A. Panitikan: Si Pilandok
(Kuwentong Bayan)
B. Gramatika: Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
_______________________________________________________________________

4
Panimula
Sa araling ito, inaasahang mauunawan at mapahahalagahan mo ang isang
kuwentong bayan ng Mindanao sa tulong ng mga pahayag na nagbibigay ng
patunay. Upang masukat ang iyong pag-unawa sa araling ito, inaasahang ikaw
ay makasulat ng isang balita tungkol sa kalagayan ng lugar na pinagmulan ng
alinman sa mga kuwentong-bayang nabasa, napanood o napakinggan.
Mamarkahan ito batay sa sumusunod na pamantayan: a) nilalaman, b) angkop
sa paksa, c) makatotohanan, at c) taglay ang mga bahagi ng balita. Tuklasin kung
masasalamin ba ang kaugalian ng mga taga-Mindanao sa kanilang mga
kuwentong bayan at mahalaga bang malaman at maunawaan ang mga
pahayag na nagbibigay ng patunay.

Yugto ng
Pagkatuto

A. Tuklasin
Sa bahaging ito ay tutuklasin natin ang iyong kaalaman sa kuwentong bayan.

Piliin sa sumusunod ang mga salita/pariralang may kaugnayan sa salitang


kuwentongbayan. Bumuo ng pangungusap batay sa napiling mga salita/parirala.

Panitikang nagpasalin-salin
sa bibig

Pinagmulan ng mga
nakaaaliw
bagay-bagay

KUWENTONG
BAYAN

kabayanihan Nagbibigay ng aral

Katapangan

Ibigay ang hinihinging kasagutan sa sumusunod:

1. Masasalamin ba ang kaugalian ng mga taga-Mindanao sa kanilang mga


kuwentong bayan? Patunayan.

2. Mahalaga bang malaman at maunawaan ang mga pahayag na


nagbibigay ng patunay? Bakit?
5
B. Linangin

Basahin at unawain ang kasunod na akda upang masagot ang mga


kasunod na tanong. Sa bahaging ito ay tatayain ang iyong pag-unawa sa akdang
binasa, lilinangin ang iyong kaalaman sa talasalitaan at iuugnay sa iyong pang-araw-
araw na pamumuhay ang natutuhan sa aralin.

NANG MAGING SULTAN SI PILANDOK

Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw – si Pilandok.

Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang
pagkakasalang kaniyang ginawa.

Pagkalipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kaniyang
harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kaniyang baywang ang
isang kumikislap na ginintuang tabak.

"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong
tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay
nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan.

"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa
ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po
ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag
ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan.
Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat.

"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng
dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni
Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang
pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na
ako ng aking mga kamag-anak. "Umakmang aalis na si Pilandok.

"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga
ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak. "Tatawagin na sana ng
sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang walang dapat makaalam
ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla.

"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi
ng sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok.
"Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay
magnanais silang magtungo rin doon."

Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang


sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang
hahalili sa akin."

6
"Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat malaman ng inyong mga
ministro."

"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito.
Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito
ng inyong kaibiga’y susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.

Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang
bangka. Pagdating sa gitnang dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad
lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.

Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita ayon sa gamit
sa pangungusap.

1. Pagkalipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa


kaniyang harap.
2. Nakasukbit sa kaniyang beywang ang isang kimikislap na ginintuang bakal.
3. Nakita ko po ang aking ninuno nang ako ay sumapit doon.
4. Marahil ay nasisiraan ka ng bait.
5. “Hintay,” sansala ng sultan kay Pilandok nang ito ay akmang aalis.

Sa Antas ng Pag-unawa

1. Kung ikaw ang Datu, sang-ayon ka ba sa mungkahi ni Pilandok na dapat diumanong gawin
upang makuha ang ginto? Bigyang katwiran ang sagot.

2. Ibigay ang mga katangian ni Pilandok at ng datu. Sino sa kanila ang nais mong tularan?
Bakit?

Ang nais kong tularan ay si _____________________________ dahil ____________________________


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

3. Paano naisahan ni Pilandok ang datu?

4.
Oo/Hindi dahil__________
Kung ikaw _______________________
ang datu, _______________________
maniniwala ka _______________________
ba sa mga ____
pahayag ni 7
Pilandok?
Bakit?
5. Magbigay ng kasabihan/salawikaing maiuugnay sa akda. Paano mo ito maiuugnay
sa mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan at sa iba pang lugar ng bansa?

5. Sino ang maaring sinisimbolo ng datu sa ating bansa? Magbigay ng patunay.

6. Ang kuwentong-bayan ba na iyong binasa ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng


lugar na pinagmulan nito? Ipaliwanag ang sagot sa pamamagitan ng pagbuo ng
komposisyon tungkol dito.

Sa binasang akda ay makikita kung paano ginamit ni Pilandok ang kaniyang


katalinuhan upang maisahan ang datu. Sa buhay, hindi panlalamang sa kapwa ang
gamit sa talinong ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Sa kasunod na teksto, alamin mo kung
paano naman ginamit ng isang mag-aaral ang kaniyang talino. Nagpaunlad ba ito sa
kaniyang pagkatao?

Huwag Magmalaki
ni Hans Roemar T. Salum

Tanyag si Precious sa kanilang paaralan. Marami na siyang karangalang naiuwi,


kapag inilalaban siya sa mga paligsahan gaya ng quiz bee, naiuuwi niya ang unang
puwesto kaya tuwang-tuwa sa kaniya ang kaniyang mga guro gayundin ang kaniyang
mga magulang. Ang mga karangalang kaniyang natamo ay inilagay niya sa kaniyang
ulo, samakatuwid, naging mayabang na siya. Minsan, nagkaroon sila ng pagsusulit,
pipiliin dito kung sino ang ilalaban sa ibang paaralan.
“Precious, kailangan mong mag-aral mabuti para ikaw muli ang mapiling ilaban,”
ang payo ng kaibigan niyang si Michaela.
“Naku, hindi na kailangan ‘no? Alam na alam ko naman na iyan,” ang
nagmamalaking sagot nito.
“’Wag kang pakatiyak. Tingnan mo nga si Brent, abot ang aral o,” turo nito kay
Brent na matamang nagbabasa ng mga aralin. Si Brent ay maliit, kulot ang buhok, may
labing makakapal at maitim na balat kaya’t madalas na tampulan ng tukso noong una
subalit dahil sa tiyaga sa pag-aaral at pagiging matulungin, nakuha niya ang paggalang
ng kaniyang mga kaklase.
“Mag-aral man siya, hindi siya makakahabol sa akin. Mananatiling pangalawa
lamang siya sa akin na may malayong pagitan,” tiwala sa sariling wika ni Precious.
Kinabukasan ay ginanap na ang pagsusulit. Napasulyap pa si Precious kay Brent
na nakayuko at nakapikit na waring nagdarasal. Ngumisi na lamang siya.
Simula na ng pagsusulit. May mga tanong na nagpakunot sa noo ni Precious.
Hindi niya na-review ang karamihan sa mga iyon. Si Brent na dating pumapangalawa
lamang sa kaniya ang nakakuha ng pinakamataas na iskor. Dahil dito, si Brent ang
napiling ilaban. Hindi matanggap ni Precious ang pangyayari. Bunga nito, gumawa siya
8
ng mga kuwento na si Brent ay nagdaya sa pagsusulit. Sa huli, si Precious ang
napatunayang nagsisinungaling. Dahil sa pangyayari, natutuhan ni Precious na hindi
dapat magmalaki sa kung ano ang talinong mayroon ngayon. Sa halip, gamitin ito para
sa kapakinabangan ng nakararami. Ang pagiging mapagkumbaba pa rin sa biyaya ng
Diyos ang tunay na katalinuhan.

Mga Tanong:
1. Ihambing sina Precious at Brent sa pamamagitan ng compare and
contrast chart.

Mga Katangian ni Pagkakatulad Mga Katangian ni


Brent ______________________ Precious
______________________
______________________

Pagkakaiba
______________________
______________________
______________________
2. Ano ang iyong naging damdamin sa mga tauhang mag-aaral? Bakit?
3. Ipaliwanag at iugnay sa teksto at sa iyong buhay ang: “Ang
nagpapakababa ay itinataas at ang nagpapakataas ay ibinababa.
4. Paano mo pahahalagahan ang talinong ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?

Ang tekstong binasa ay isang halimbawa ng tekstong deskriptiv o naglalarawan.


Ang tekstong ito ay nagbibigay ng impormasyon sa pisikal na katangian ng isang bagay,
lugar at maging katangian ng isang tao o pangkat ng mga tao sa palarawang paraan. Sa
pagsulat ng deskriptiv, mahalagang malawak ang kaalaman ng tao sa paglalarawan ng
paksang tatalakayin.

Pagsasanib ng Gramatika/Retorika
Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa binasang teksto. Isulat ang mga
pangungusap nito sa loob ng kahon sa ibaba. Ano ang gamit nito sa mga pahayag?

Mga pangungusap na may salitang Gamit ng salitang may salungguhit sa


nakasalungguhit sa binasang teksto pahayag

9
Alam mo ba na…
batay sa mga konseptong nagbibigay ng ebidensiya o patunay, makapagbibigay ng kongklusyon,
pag-aakala o paglalahat? Sa tulong ng ilang natatanging pang-ugnay, nagagawa ang mga ito.
Mga halimbawa:
a. Mababait siya sa kaniyang mga mag-aaral kaya malamang na mahalin din siya ng mga ito.
b. Masipag siya mag-aral, samakatuwid/ kung ganoon/ gayon/ dahil dito/ bunga nito, siya ang
nakasungkit ng unang karangalan sa klase.

Pagsasanay 1:
Punan ng angkop na pahayag na nagbibigay ng mga patunay ang talata sa
ibaba.

1. _____________ na ang kabutihan ay mahalaga sa isang kabataan.


2. Ang kabutihan ay ________ mahalaga sa isang kabataan.
3. ____________ nga lang na madaling matukso ang murang isipan sa kapaligiran
na kanilang kinabibilangan.
4. ___________ kailangan ang gabay ng magulang sa tulad nilang kabataan.
5. Sa gabay ng magulang at sa patuloy na panalangin sa Diyos _________ magigng
tunay silang kabataang pag-asa ng bayan.

Pamimilian: tunay talaga sadya totoo


kaya samakatuwid kung ganoon

Pagsasanay 2: Bumuo ng sariling pangungusap gamit ang mga salitang nagbibigay ng


mga patunay.
1. ___________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________
5. ___________________________________________________________________

Pagsasanay 3
Bumuo ng pahayag na nagbibigay ng mga patunay batay sa sumusunod na
sitwasyon.

a. Madaling pagbaha ng paligid kapag umuulan


b. maagang pag-aasawa
c. pagtaas ng bilihin
d. pagtatagumpay kapag tumalima sa Diyos

10
C. Pagnilayan at Unawain
Sa bahaging ito ay, ikaw ay inaasahang makapagpapamalas ng pag-
unawa sa mga aralin.

1.
Oo Hindi
Patunay Patunay
Masasalamin ba sa mga
kuwentong-bayan ng
Mindanao ang kanilang mga
kaugalian?

2. Bakit mahalagang malaman at maunawaan ang kahalagahan ng mga pahayag na


nagbibigay ng mga patunay?

D. Ilipat
Isa kang journalist na naatasang gumawa ng balita tungkol sa tradisyon at
kultura ng isa sa mga lugar sa Mindanao. Ito ay iyong ipababasa at ipapapasa sa
inyong puno ng patnugutan, kapwa manunulat, at mga kabataan o matatanda sa
lugar na iyong napiling gawan ng balita. Itataya ito batay sa sumusunod na
pamantayan: a) nilalaman, b) angkop sa paksa, c) taglay ang mga bahagi ng balita
at makatotohanan.

Ngayong natapos mo na ang unang aralin, ang tagumpay mo rito ay


inaasahan kong tagumpay mong muli sa ikalawang aralin.

Aralin 2:
A. Panitikan: Lalapindigowa-i: Kug Bakit Maliit ang Beywang ng
Putakti
(Pabula ng mga Maranao)
B. Gramatika: Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad

---------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------
Panimula

Sa araling ito, masayang basahin ang isang pabula na tanyag sa mga


Maranao. Iyong aalamin kung makatarungan bang gamiting tauhan ang hayop sa
isang akda sa pagbibigay ng aral.

11
Upang matiyak na naunawaan ang araling ito, ikaw ay inaasahang Sa
bahaging ito, ikaw ay inaasahang makabubuo ng isang awiting nagpapahayag ng
isang positibong pananaw sa buhay.

A. Tuklasin
Sa bahaging ito ay aalamin natin ang iyong kaalaman sa mga pangkat
etniko ng mga Maranao at ang iyong hinuha sa pabula.

1. Magbigay ng hinuha hinggil sa katangian ng pangkat etnikong Maranao.

2. Pag-ugnay- ugnayin ang mga larawan. Bumuo ng pahayag na hinuha


hinggil sa katangian ng pabula gamit ang Picture Caravan. Isulat ang
sagot sa espasyong nakalaan sa ibaba.

Pabula
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Sagutin ang mga pokus na tanong para sa araling ito.

1. Makatarungan bang gamiting tauhan ang hayop sa isang akda sa pagbibigay ng


aral? Patunayan.

2. Paano makatutulong ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng


posibilidad sa pagpapahayag ng katuturan ng pabula?

B. Linangin

12
Ang pabula ay isa sa mga panitikang maipagmamalaki natin bago pa man
dumating ang mga mananakop. Basahin ang isa sa mga kilalang pabula sa
Maranao.

Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit Ang Beywang ng mga Putakti

Si Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang masipag na magsasasaka. Mayroon


siyang dalawang asawa, sina Odang (hipon)at si Orak (itlog). Tulad ng ibang Maranao,
hindi lamang siya isang masipag na magsasaka kundi isa ring tapat na asawa.
Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang asawa.
Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa
bukid nang sa ganoon ay hindi masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo
at nagpasya ang dalawa niyang asawa na mula noon ay dadalhan na lamang siya ng
pagkain sa bukid.
Pagkaraan ng maraming araw at buwan, nagsawa na sa paghahatid ng pagkain
ang mga asawa ni Lalapindigowa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at
tumangging magdala ng pagkain. Si Orak ay ayaw ring maghatid ng pagkain.
Nagalit si Odang, ang hipon at nagsimula itong magdadamba hanggang ito’y
mahulog sa kaserola at naging pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay
naluto kaya’t ipinaghele niya ito. Hindi sinasadya, tumama siya sa bunganga ng
kaserola at ito’y naluto rin.
Samantala, si Lalapindigowa –i ay nagutom na sa kahihintay sa kanyang
dalawang asawa. Pagkaraan ng dalawang orasng paghihintay, nagpasya siyang
lumakad pauwi.Sa daan nakita ng gutom na si Lalapindigowa –i ang basag na
kaserolaat ang mga asawa niyang naluto. Galit siya sa mga asawang tamad at sa
kaparusahang tinanggap ng mga ito. Gutom na gutom na siya kaya hinigpitan niya ang
kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-i ay lumiit ng lumiit dahil
batid niyang wala nang mga asawang magluluto para sa kanya.

Paglinang ng Talasalitaan
Gamitin ang mga nakatalang salita sa pagbuo ng pangungusap.
1. Wika- Nararapat lamang na tangkilikin natin ang ating Wikang Filipino.
Nagwika-
____________________________________________________________
2. Nagkasundo- Nagkasundo ang bawat lalawigan para sa pagkakaisa.
Sunduin-
_____________________________________________________________
3. Nagsusumikap- Nagsusumikap amg mga mamamayan,upang mapaunlad ang
kanilang pamumuhay.
Sisikapin-
_______________________________________________________________

13
4. Pagpapasya- Ang mga lider ng pamayanan ay nararapat na magpasya para sa
kabutihan ng nakararami.
Magpasya-
_______________________________________________________________

Sa Antas ng Pag-unawa

1. Ibigay ang mga katangian ng mga tauhan?Ilagay sa loob ng bilog.

2. Anong katangian ng tao ang taglay ni Lalapindigowa-i ang dapat pamarisan?


Alin ang hindi dapat pamarisan? Bakit?

Hindi Dapat Pamarisan:

Dapat Pamarisan:

3. Ihambing si Lalapindigowa-i sa isang kakilalang tao, napanood na karakter sa


telebisyon, o personalidad. Gayundin si Odang at Orak. Ilarawan ang kanilang
pagkakatulad. Gamit ang Venn Diagram.

4. Ano ang inyong saloobin hinggil sa paggamit ng mga hayop bilang tauhan sa
pabula?Ipaliwanag.

14
5. Patunayang ang kultura, tradisyon at paniniwala ng mga Maranao ay
nasasalamin sa pabulang binasa.

Ang kultura, PATUNAY:


tradisyon at
paniniwala ng
mga Pilipino ay
nasasalamin sa
pabulang binasa

6. Kung ikaw si Lalapindigowa-I, paano mo haharapin ang pagsubok na kaniyang


kinaharap?
7. Bigyan ng sariling wakas ang akdang “Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang
Beywang ng Putakti.”

Sa pamamagitan ng napag-aralang pabula, naipakita sa atin ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng positibong pananaw sa pagharap ng anumang suliranin sa buhay. Ang
pagkakaroon ng positibong pag-iisip sa anumang gawain gayundin sa pagganap ng
mga tungkulin ay higit namakatutulong upang magkaroon din ng positibong bunga ang
anumang gawain. Narito pa ang isang akda na nagpapakita ng pagiging positibo.
Basahin at unawain.

ANG SUNDALONG PATPAT


Rio Alma

Unang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng sampalok.


“Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin ko ang nawawalang ulan,” sagot
ng Sundalong Patpat habang inaayos ang papel na sombrero. “Pero hindi hinahanap
ang ulan,” nag¬tatakang nagkamot ng tuktok ang sampalok. “Dumarating ito kung
kailan gusto.” “Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal nang ayaw dumalaw ng
ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong payat.

Ikalawang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng manok.


“Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hahana¬pin ko ang nakalimot na ulan,”
sagot ng Sundalong Patpat habang nagpupunas ng pawis na tumatagaktak. “Pero
hindi hinahanap ang ulan,” nagtatakang tilaok ng manok. “Dumarating ito kung
tinatawagan at dinadasalan.” “Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal nang hindi
makarinig ang ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong
payat.

Ikatlong Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng bundok.


“Saan ka dadalhin ng kabayong payat?”“Hinahanap ko ang nawawalang ulan,” sagot
ng Sundalong Patpat habang hinihimas ang kabayong humihingal.“Matagal nang
15
umalis dito ang ulan,” paliwanag ng kalbong bundok. “Nagtago sa pinakamataas na
ulap.” “Kung gayon, aakyatin ko ang ulap,” sabi ng Sundalong Patpat at umimbulog
agad sa simoy na pumapagaspas.

Ikaapat na Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng ulap. “Saan


ka dadalhin ng kabayong payat?”“Hinahanap ko ang nagtatagong ulan,” sagot ng
Sundalong Patpat habang tinatapik ang nahihilong kabayong payat.“Matagal nang
umalis dito ang ulan,” paliwanag ng maputlang ulap. “Nagtago sa pusod ng dagat.”
“Kung gayon, sisisirin ko ang dagat,” sabi ng Sundalong Pat-pat at lumundag
pabulusok sa mga along nakatinghas.

Ikalimang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng dagat.


“Saan ka dadalhin ng kabayong payat?”“Hinahanap ko ang nagtatagong ulan,” sagot
ng Sundalong Patpat at iwinasiwas ang espadang patpat. “Pero hindi nagtatago ang
ulan,” paliwanag ng nagniningning na dagat. “Ibinilanggo ni Pugita sa kaniyang
mutyang perlas.” “Kung gayon, papatayin ko si Pugita,” sabi ng mata¬pang na
Sundalong Patpat. “Palalayain ko ang ulan.”

At sinugod ng Sundalong Patpat sakay ng kaniyang kabayong payat ang yungib ni


Pugita. Nagulat si Pugita sa biglang pagpasok ng Sundalong Patpat na iwinawasiwas
ang espadang patpat. Nagulat si Pugita sa liksi at lakas ng maliit na Sundalong
Patpat. Nagulat si Pugita sa talim at talas ng kumikislap na espadang patpat.

Una at Ikalawang Pangkat: Mabilis at isa-isang tinigpas ng Sundalong Patpat ang


malalaki’t mahahabang galamay ng mabagal at matabang dambuhala. Isa, dalawa,
tatlo.Apat. Lima. Anim. Pito. Walo! Huli na nang magbuga ng maitim na tinta si Pugita.
Nasungkit na ng Sundalong Patpat ang mutyang perlas na nakapalawit sa kuwintas
ng nalumpong hari ng dagat!

Ikatlo at Ikaapat na Pangkat: Hawak ang perlas, dali-daling sumibad patungong


pampang ang Sundalong Patpat sakay ng mabilis na kabayong payat. Pag-ahon ay
agad niyang ipinukol ang mutyang perlas paitaas, mataas, mataas na mataas,
hanggang umabot sa tiyan ng ulap at sumabog na masaganang ulan.

Ikalimang Pangkat: Nagbunyi ang buong daigdig. Sumupling muli’t naglaro ang mga
damo’t dahon.Nagbihis ng lungtian ang mga bukid at bundok. Muling umawit ang mga
ibon at ilog...

Lahat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng sampalok. “Saan ka na


naman dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin ko ang gusi ng ginto sa puno ng
bahaghari,” sagot ng makisig na Sundalong Patpat at pinatakbo ang makisig na
kabayong payat.

Sagutin ang mga tanong:

16
1. Sa iyong plagay paano nakatulong ang positibong pag-iisip ng Sundalong Patpat
upang mahanap ang nawawalang ulan?

2. Kung ikaw ang sundalong Patpat, ipagpapatuloy mo pa rin ba ang paghahanap


sa ulan sa kabila ng layo nang iyong nilakbay? Maniniwala ka pa rin ba sa mga
pinagtanungan mo? Bakit?

3. Ihambing ang katangian niLalapindigowa-i at ang Sundalong Patpat.

4. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang pagkakaroon ng positibong


pag-iisip sa iyong buhay mag-aral.

____________________________________
____________________________________
____________________________________
Pagsasanib ng Gramatika/Retorika
____________________________________ M
a
Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad g-
a
Pang-ugnay ar
-ginagamit ito upang pang-ugnayin ang mga salita, parirala, sugnay oal mga
pangungusap.Pangatnig ang karaniwang ginagamit bilang pang-ugnay.
Pangatnig na Panubali
-Nagsasaad ng pagkukurong di- ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap
upang mabuo ang kahulugan. Mga ekspresyong nagsasaad ng posibilidad (maari, baka,
sakali)

Hal.Sakaling hindi pakingan ang mga pangangailangan magpapatuloy ang mga pagwewelga.

Pagsasanay 1:
Pumili ng mga sitwasyong naganap sa Sundalong Patpat. Kung ikaw ang nasa
kaniyang katangian, ano ang iyong gagawin? Gumamit ng mga pangatnig na panubali.

17
Pagsasanay 2:
Bigyan ng angkop na ekspresyon ang mga parirala upang mapag-ugnay ang kahulugan
ng bawat pangungusap.

1. Kung nagsikap lamang ako sa aking pag-aaral


Makakapasok rin ako sa isang magandang kumpanya
2. Lumala ang pagbaha dulot ng malalakas na pagbagyo
Napapabayaan at naaabuso angating kalikasan
3. Hihina ang pambansang ekonomiya
Dahil samga isyung pampulitika
4. Umunlad ang ating bansa
Kung paiiralin ang pagkakaisa at pagkakaunawaan
5. Pagsisikapan kong bungkalin ang aking bukid
Umasenso pa ang aking pamumuhay

Pagsasanay 3:

Paano mo haharapin ang mga pagsubok na iyong kinaharap o kinakaharap?


Gumamit ng pangatnig na panubali.

C. Pagnilayan at Unawain

Sa bahaging ito, ikaw ay inaasahang makabubuo ng tamang konsepto o kaisipan


kaugnay ng araling ito. Sagutin nang wasto ang sumusunod na tanong.

1. Makatarungan bang gamiting tauhan ang hayop sa isang akda sa pagbibigay ng


aral? Patunayan.

2. Paano makatutulong ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng


posibilidad sa pagpapahayag ng katuturan ng pabula?

D. Ilipat
Bilang isang miyembro ng Manunulat na Awiting Pilipino ng mga Kabataan
sa inyong barangay, ikaw ay naatasang lumikha ng isang awit na nagpapakilala
ng inyong barangay sa gaganaping kapistahan. Ito ay iyong aawitin na rin sa
harap ng mga panauhin gaya ng Gobernador, Bise Gobernador, Mayor, Bise
Mayor, kapitan, mga konsehal ng bayan at barangay at manunulat na kabataan.
Itataya ito batay sa sumusunod na pamantayan: a) kaangkupan, b)
makatotohanan, c) orihinal, at e) nagagamit ang pahayag na nagbibigay ng
posibilidad.

Binabati kita dahil muli mong napagtagumpayan ang araling magagamit mo sa


iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Muling susubukin ang iyong husay sa susunod
na aralin.

Aralin 3:
18
A. Panitikan: Prinsipe Bantugan
(Epiko ng Mindanao)
B. Gramatika: Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Sanhi at Bunga

______________________________________________________________________
Panimula

Sa araling ito ay makababasa ka ng epiko na inilalarawan ang katapangan ng


isang lalaking magliligtas sa kanilang bayan. Mabubuhay ang iyong pagiging
nasyonalismo tungkol sa kabayanihan.Mapapalawak mo rin ang iyong kaalaman sa
gramatika sa paggamit ng mga pang-ugnay na ginagamit sa sanhi at bunga.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng dula tungkol sa


pagiging buhay a bayani ng mga OFW na itataya batay sa sumusunod na pamantayan:
a) malinaw at maayos na iskrip, b) presentasyon, c) orihinal, at d) paglapat ng musika
at tunog.

A. Tuklasin

1. Subuking kilalanin ang mga superhero sa mga pelikula o programa sa


telebisyon na nasa larawan. Ibigay ang kanilang mga katangian.

2. Gamit ang sun diagram, ibigay ang mga kaisipan na kaugnay ng salitang
epiko. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

epiko

19
3. Bigyang hinuha ang tanong na “katapangan ba ang batayan upang
masabing bayani? Pangatwiranan.”

B. Linangin

Sa bahaging ito, ikaw ay inaasang magpapamalas ng pag-unawa sa


akdang tatalakayin; mapalalawak ang kaalaman at karanasan sa tulong ng
akda; makapagpapalawak ng salita; magpapamalas ng pag-unawa sa mga
pang-ugnay na ginagamit sa sanhi at bunga.

Prinsipe Bantugan
Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran.
Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan at katapangan kaya’t walang
mangahas na dumigma sa Bumbaran, maraming dalaga ang naaakit sa kanya.
Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya
na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang
sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si
Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan
ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari
rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay nalito.Hindi nila kilala si
Bantugan.Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguninila
ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi
ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at
ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali.Nalungkot si Haring Madali.
Dali-dali siyang lumipad at pumailanlang sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni
Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay
dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan.
Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at
nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.Samantala, nakarating
naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang
na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran.Itinigil
ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si
Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing
sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati
niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang
pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian
ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit
sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang
kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na
tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si
20
Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.

Alam mo ba na…

kabayanihan ng mga unang Pilipino ang pinatutunayan ng epiko sa iba’t ibang


panig ng bansa? Alam mo rin ba na tulang pangkabayanihan ang kahulugan nito,
kabayanihan ng pangunahing tauhan sa isang lugar o rehiyon. Dapat mo ring
malaman na ang pangunahing layunin ng epiko ay pukawin ang isipan ng mga
mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob ng mga paniniwala, kaugalian, at
mithiin ng mga tauhan.
Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. Ang
Ilokano ay may Biag ni Lam-ang,Ibalon ng Bikol, Maragtas ng Bisaya, Darangan,
Bantugan at Indrapatra at Sulayman mula sa Mindanao, HUdhud at Alim mula sa
CAR particular sa Ifugao. Mahalaga mula sa sinaunang pamayanan ang
epikong-bayan. Bukod sa ito ay aliwan nagsisilbi itong pagkakakilanlan ng
relihiyon at kultura.
Sa patuloy mong pagtuklas higit mong mapapalawig ang pagkakaunawa sa
kahalagahan ng epiko bilang bahaging pampanitikan at pangkultura ng lipunang
Pilipino.

Paglinang ng Talasalitaan

Hanapin sa kahon ang kahulugan ng salitang nakahilis at gamitin ito sa


pangungusap.

1. mangahas Makiaalan, Maglakas ng loob, manghuli ng ahas

Kahulugan : ________________________________________________
Gamit sa pangungusap : ______________________________________

2. nalito
nalungkot, naibigla, naguluhan

Kahulugan : ________________________________________________
Gamit sa pangungusap : ______________________________________

3. sinasangguni kinununsulta, pinagsasabihan, inaatasan

Kahulugan : ________________________________________________
Gamit sa pangungusap : ______________________________________

pumaibaba,
21 pumaitaas, pumagitna
4.pumailanlang

Kahulugan : ________________________________________________
Gamit sa pangungusap : ______________________________________

5. nabihag
nadakip, napaslang, nabaril

Kahulugan : ________________________________________________
Gamit sa pangungusap : ______________________________________

Sa Antas ng Pag-unawa

1. Sa pamamagitan ng isang arrow map, kilalanin ang mga tauhan sa epiko na


iyong nabasa.Isulat mo sa bawat kahon ang titik na bubuo sa pangalan ng
tauhan.

BANTUGAN

22
HARING MADALI

2. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Bantugan, ano ang iyong magiging damdamin
sa ginawa ni Haring Madali ?Bakit? Isulat ang iyong kasagutan.

3. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa epiko? Patunayan.


4. Kinakailangan bang magtaglay ng supernatural o di- pangkaraniwang
kapangyarihan ang isang tao upang maituring na bayani? Bakit?

5. Sa kasalukuyan, sino- sino ang mag maituturing mong bayani sa ating panahon?
Bakit?Bumuo ng maikling talataan para sa iyong sagot.

6. Isulat ang banghay ng epiko na binasa mo. Simulan mo ito mula sa


ibaba,papataas.

wakas

KAKALASAN

KASUKDULAN
Basahin nang may pag-unawa ang kasunod na pabula. Katulad ng bayani sa
epiko na nagpakita ng katapangan at pagmamahal sa bayan, kilalanin naman natin ang
mga hayop na may kani-kaniya ring katapangan at pamamaraan ng pagpapakita ng
SULIRANIN
pagmamahal sa kanilang mga mahal sa buhay. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na
mga tanong.
SIMULA

ANG KUWENTO NG PUSA AT DAGA


ni Donato B. Sebastian

Noong unang panahon, may magandang samahan ang mga pusa at daga. Isang
araw, nakiusap ang Inang pusa sa Inang daga para bantayan ang anak niyang kuting
dahil sa ito ay may sakit. Nais ng Inang Pusa na makahanap ng manggagamot.

Ginising ng Inang daga ang kaniyang anak para tumulong magbantay sa kuting.
Ang sabi ni Bubuwit, ayaw pa niya bumangon kasi maaga pa. Ang sabi ni Inang daga,

23
maraming masasarap na pagkain sa bahay ng mga pusa, mangyari pa’y sumama ang
kaniyang anak.

Nagpunta ang mag-inang daga sa bahay ng mga pusa.

Si Kuting ay tawag nang tawag sa kaniyang ina nang ang tatlo’y dumating ng
bahay.

“Narito ako, anak,” ang masuyong aliw ng inang pusa sa malambing na anak.
“Aalis muna ako sandali sapagkat tatawag ako ng manggagamot.”

Umiyak ang maysakit na si Kuting. Sinabi niyang wala siyang kasama.

Magiliw na niyakap ng inang pusa si Kuting. Sinabi niyang naroon sina Bubuwit
at ang kaniyang ina.

“Ayaw ko kay Bubuwit sapagkat siya ay magnanakaw,” ang tutol ni Kuting.

Sinaway nang ina ang kaniyang anak.

Sa wakas ay nahimok na rin si Kuting.

Naidlip nang muli si Kuting. Naglikot naman si Bubuwit at nakita niya na may
maraming pagkain at tinawag ang Inang daga. Kinain ng mag-ina ang pagkain at
naubos nila lahat.

Nang magising ang kuting, nagpumilit siyang pumunta sa kusina at nakita na


ubos na lahat ang kanilang pagkain kaya naman tinawag niyang matakaw ang mag-ina.

Nagalit si Bubuwit sa sinabi ni Kuting kaya’t kinagat sa paa ang pusa. Gumanti si
Kuting kay Bubuwit at nakalmot nito ang mukha ng daga. Nagalit ang Inang daga at
kinagat sa paa si Kuting. , Dahil sa pangyayari, tumakas ang mag-inang daga at
nagtago sa kanilang lungga.

Pag-uwi ng Inang pusa, wala sa higaan ang kaniyang anak. Nakita niya sa
kusina ang kuting na sugatan. Ginamot niya ang mga sugat ng anak. Nang
makapagsalita ang kuting, ikinuwento ng anak ang mga pangyayari. Bunga nito, nagalit
ang Inang pusa at sinugod ang mag-inang daga.

Sabi ng inang pusa, "Daga, daga... lumabas ka riyan sa lungga..." ngunit hindi
lumabas ang mag-ina dahil sa takot.

Tinawag ng Inang pusa ang kaniyang mga kaanak at ikinuwento ang pangyayari.
Simula noon, lagi na lamang nag-aaway ang pusa at daga.

24
Mga tanong:
1. Masasabi bang dating magkaibigan ang pusa at ang daga? Magbigay ng
patunay.

2. Tama nga kaya ang ginawang pagtitiwala ni Inang Pusa na iwan ang
kaniyang anak sa mag-inang daga? Bakit?

Oo Katuwiran o Paliwanag:__________
_______________________________
_______________________________
Hindi _______________________________
_______________________
3. Sa iyong palagay, sino ang mas mabuting ina, si Inang Daga o si Inang
Pusa? Bakit?
4. Katapangan bang matatawag ang ginawang pagsugod nila Inang Pusa kina
Inang Daga? Pangatwiranan ang iyong sagot.
5. Ipaliwanag: “Isang kayamanan ang ikaw ay pagtiwalaan”. Iugnay ito sa
pabulang binasa.
6. Ihambing ang pagmamahal ni Inang Daga o ni Inang Pusa sa pagmamahal
na ibinibigay sa iyo ng iyong ina.

Pagsasanib ng Gramatika/Retorika

Alam mo ba na…
ang tekstong naglalahad ay may layuning makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal
tulad ng sanhi at bunga ng mga pangyayari?
Higit na nagiging makahulugan ang mga konsepto sa tulong ng mga pang-ugnay na
ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga. Ang mga salitang ginagamit dito ay ang
kaya/kaya naman, dahil dito, bunga nito, tuloy, sapagkat/pagkat/dahil.
Basahin ang sumusunod na pangungusap na makikita sa pabulang binasa. Ang may
salungguhit ay nagsasaad ng sanhi.
1. Isang araw, nakiusap ang Inang pusa sa Inang daga para bantayan ang anak
niyang kuting dahil sa ito ay may sakit.
2. Ayaw ko kay Bubuwit sapagkat siya ay magnanakaw.

Pagsasanay 1
Pumili at sumulat ng limang (5) pangungusap mula sa mga binasa na may
pang-ugnay ng dahilan at bunga.
1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
25
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________

Pagsasanay 2:

Panoorin ang isang episode ng HONESTO…( o anomang teleserye sa


telebisyon) Suriin ang naging sanhi ng labis na paggamit ng kapangyarihan ni
Hugo (Joel Torre) at ano ang ibinunga nito.

Sanhi Bunga

HUGO

Konklusyon:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

C. Pagnilayan at Unawain
Sa bahaging ito ay, ikaw ay inaasahang makabubuo ng wastong kongklusyon o
paglalahat batay sa araling ito.

1. Katapangan ba ang batayan upang masabing bayani?


2. Bakit mahalaga ang mga ekspresyon ng posibilidad sa pagbuo ng tekstong
nagsasalaysay?

D. Ilipat
Kayo ay grupo ng ng mga field reporter at cameraman sa inyong
kompanya. Naatasan kayo ng current affair executive na kumuha at mag-
intervie ng isang OFW na kararating lamang mula sa ibang bansa at kababa
lamang nito sa eroplano na sasalubungin naman ito ng kanyang mga mahal sa
buhay.
Dapat lumutang sa pagsasadula ang kahalagahan ng mga pagiging buhay
na bayani ng mga OFW. Dapat mong isaalang-alang ang sumusunod na
pamantayan para malaman mo kung paano ka mamarkahan: a) malinaw at

26
maayos na iskrip, b) presentasyon, c) orihinal, at d) paglapat ng musika at
tunog.

Tatayain ka ayon sa sumusunod na rubrics.


10 puntos kung lahat ng pamantayan ay naisakatuparan
8 puntos kung dalawa sa mga pamantayan angnaisakatuparan
5 puntos kung isa sa mga pamantayan ang naisakatuparan

Aralin 4: Maikling Kuwento

Aralin 5:
A. Panitikan: Ang Alamat ng Bundok Pinto
(Damiana L. Eugenio)
B. Gramatika: Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa
_____________________________________________________________________________

Panimula
Sa araling ito ay bibigyang - pansin ang isang alamat ng Mindanao. Kasabay ng
pagtalakay sa mga panitikang nabanggit ang pag-unawa sa mga pangungusap na
walang tiyak na paksa.

Upang matiyak na naunawaan mo ang araling ito, ikaw ay inaasahang


makalilikha ng isang alamat tungkol sa inyong lugar. Itataya ito batay sa sumusunod na
pamantayan: a) angkop sa paksa, b) naglalarawan sa cultura ng sariling lugar, at c)
orihinal.

A. Tuklasin
Sa sumusunod na mga gawain , tutuklasin natin kung gaano na ang nalalaman
mo tungkol sa alamat sa pamamagitan ng pagkilala sa mga larawan.

Pumili ng larawan sa ibaba at isulat kung saan –saang pulo ito nagmula sa
Pilipinas .

27
Gong accesories

Kulintang kweba

Sa pamamagitan ng web organizer, bigyang kahulugan ang alamat.

Pinaniniwalaan pinagmulan

ALAMAT

Nagpasalin-salin noong unang panahon

B. Linangin
Sa bahaging ito, ikaw ay inaasahang magpapamalas ng pag-unawa sa akdang
tatalakayin; makapagpapalawak ng kaalaman sa talasalitaan; magpapamalas ng pag-
unawa sa teksto at sa mga pangungusap na walang paksa.

Ang Alamat Ng Bundok Pinto


( Bahagi ng “ The legend of Mount Pinto “ ng Maguindanao)
Mula sa “The Legends” by Damiana L. Eugenio

Labis na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa yungib.


Ito ay pinanirahan ng mga supernatural na nilikha tulad ng mga diwata

28
at reyna na pinaniniwalaang lumitaw nuong unang panahon. Sila ang
pinaniniwalaang
magagandang nilikha ng diyos na may napakaraming aria-arian tulad
ng iba’t ibang uri
ng mga alahas. Mayroon din silang mga bagay-bagay na yari sa tanso
tulad ng mga
agong (gongs), mga kulintang, mga gandingan at iba pang mga bagay-
bagay na may
kaugnayan o kabilang sa kumpletong mga instrumentong musikal na
yari sa tanso.
Ang mga sinaunang nanirahan sa nayon ay maingat na
nagmatyag at malapitang sinaksihan ang mga pambihirang gawi at
mga kakatwang gawain ng mga kakaibang naninirahan sa yungib.
Napuna ng mga taga-nayon na tuwing maaliwalas na mga gabi ay
nagkakaroon ng pambihirang kasayahan sa bundok. Ang malamyos na
musikang likha ng mga instrumentong musikal ay maririnig mula sa
bunganga ng yungib. Mapagkikilalang ang musika ay likha ng
kagamitang musikal na yari sa tanso. Sa katahimikan ng gabi, ang
musikang nagmumula sa bundok Pinto ay nakapagdudulot ng tunay na
kasiyahan at kaligayahan sa mga naninirahan malapit sa bundok. Ang
gayong kakaiba at kamangha-manghang nakaaaliw at masasayang
pangyayari ay nagtagal at nagpatuloy ng maraming mga taon.
May pagkakataon pang ang ilang malalakas ang loob na lalaki ay
di pa nasiyahan sa pakikinig lamang ng nakaaaliw na matamis at
masarap pakinggang tugtuging idinudulot sa mga tao ng mga
supernatural na nilikha. Isang gabi, tatlong mapangahas na lalaki ang
sumubok na lumapit sa yungib ng bundok. Sila’y dahan-dahan at
tahimik na gumapang hanggang sa makarating sa pinakamainam na
lugar malapit sa bunganga ng yungib at doo’y nagkubli ng ilang sandali.
Ano ang kanilang nakita? Sila’y buong kapanabikang nangabigla
nang makita ang mga kaibig-ibig tingnang mga nilalang na tumutugtog
gamit ang mga instrumentong
musikal na yari sa magagaang kawayan na makinis ang pagkayari. Sa
pinakaloob na
bahagi ng yungib, ang ibang mga reyna ay buong kasiyahang
tumutugtog gamit ang
mga kulintang, agong, gandingan at iba pang mga instrumento. Nang
maramdaman
nilang may mga tao sa di kalayuan, kaagad silang napatugil sa
pagtugtog. Madali nilang
29
nalamang may tao sa paligid dahil sa kanilang matalas na pang-amoy.
Ang mayuyumi, magaganda at kabigha-bighaning mga
nakababatang diwata at
reyna ay biglang naglaho. Nahintakutan sila sa pagdating ng mga
tatlong kalalakihan.
Ang mga nakatatandang mga diwata at reyna lamang ang nanatili
roon ngunit di
kumikibo at nakamasid lamang. Naumid naman ang tatlong lalaki at di
malaman ang
sasabihin ng makita nang harapan ang mga mga kabigha-bighaning
nilalang.

Alam mo ba na…

tinatalakay ng alamat ( legend) ang pinagmulan ng isang bagay , lugar,


pangyayari o katawagan na maaring kathang-isip lamang o may bahid ng
katotohanan.

Pagpapayaman ng Talasalitaan:

Gamitin sa pangungusap ang mga susmusunod na salita hango sa alamat


na binasa.

1.nakamamangha 6. nagmatyag
2. mahiwaga 7. nakapagdudulot
3. supernatural 8. mapangahas
4.gongs 9. matalas
5. kulintang 10. naumid

Sa antas ng iyong pag-unawa:


Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?
2. Ilarawan ang tagpuan ng Alamat
3. Paano sinimulan ang paglalahad ng alamat?
4. Alin ang makatotohanan at di- makatotohanan sa tagpuan ? Patunayan.
5. Masasalamin ba ang kultura ng Mindanao sa Alamat na binasa?
6. Paano mo maihahambing ang maikling kuwento sa alamat na binasa ayon sa
kilos , gawi , karakter ng mga tauhan. Pangatwiranan.
7. Ano sa mga tagpuan ang iyon nagustuhan at Bakit? Ipaliwanag
30
8. Paano nagwakas ang alamat na binasa kung ikaw ang manunulat Paano
mo ito wawakasan? Ilahad ang iyong sagot.

Upang matiyak kung tunay ngang marunong ka ng sumuri ng isang alamat ,


suriin ang pagiging makatotohan o di-makatotohanan ng Alamat ng Mindanao

ALAMAT NG MINDANAO
http://tl.answers.com/Q/Alamat_ng_mindanao_ang_lupang_pangako
ni Ada Louise B. Reyes

Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay
isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya
mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong
pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang prinsesa ,
nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan
ang kagandahang niyang taglay. Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa
tanyag na kagandahan ni Minda, maraming tagahanga ito saan dako ng karatig
pook. Marami ang nanliligaw: mga mayayaman, matalino, at may dugo ring
maharlika. Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito, walang tulak siyang
kabigin.

Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang pagsubok upang


malaman kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na
si Prinsesa Minda. Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa
layuning makuha ang kamay ni Minda. Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa
una at ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa ikatlo. Ngunit may isang prinsipe
ang nag asam-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing sultan. Ngunit,
bago siya sumali sa palahok, matinding pag-iisip ang kanyang ginugol. Dahil sa
una ay sigurado siyang magtatagumpay, ang ikalawa ay sigurado siyang
mabibigo. Kaya't muling nag-iisip . Napagpasyahan niyang humiram ng mga
kaing-kaing na ang mga ginto mula sa kanyang mga kaibigang mayayaman at
prinsipe upang makabuo ng labintatlong tiklis ng ginto. Dahil ang ikalawang
pagsubok ay kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan.

Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na kapag


nagkakatinginan sila ng prinsesa ay para na rin siyang humahanga sa kanya.
Dahil di kaila ang kagandahang lalaki ng prinsipe at kakisigan. Nabatid ng
prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa. Sinimulan na ang unang pagsubok
kay Prinsipe Lanao sa pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno mula sa
umpisa hanggang sa sampung henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa

31
unang pagsubok sa dahilang hindi totoo ang ika-sampung henerasyon dahil ito
ay may halong imbento lamang. Agad sumunod ang ikalawang pagsubok.
Tinanong ng Sultan kung gaano karami ang kanyang dalang ginto. Agad siyang
sumagot na labintatlong kaing. Walang duda ang tagumpay ni Prinsipe Lanao sa
ikalawang pagsubok dahil may pito lamang tiklis na ginto mayroon ang Sultan.

Ang hulong pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung ano ang
dapat na sumunod niyang gagawin pang ganap nang mapasakamay ang
mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang ikatlong pagsubok. Pagtulay
sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim na bangin ay sigurado ang
iyong kamatayan .
Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang binata.
Subali't lingid sa kaalaman ng binata na kaya pala ipinagpabukas pa ay upang
mapaghandaan din ng Sultan ang gagawing patibong upang ang Prinsipe ay
hindi magtagumpay. Kaagad na lumisan si Prinsipe Lanao upang
makapagpahinga at mapag-aralan ang kanyang plano para sa darating na
pagsubok kinabukasan.

Subali't si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong na ilalagay


ang mga tauhan ng Sultan upang mahulog ang Prinsipe.Agad na pinasiyast ni
Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay na patibong. Napag-alaman ng katulong
na kakabitan ng tali an gang lubid na tatawiran ng Pinsipe na siyang magiging
dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging dahilan ng pagkahulog ng Prinsipe.
Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga katulong ang patibong
upang walang maging balakid sa pagtawid ng butihing Prinsipe. Pagdating
kinaumagahan ay naganap ang pagsubok na siya namng pinagtagumpayan ng
Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi tuparin ang pangakong kasalan.
Nang mamana ng Prinsipe, ang pamamahala ng lugar, marami ang nasiyahan sa
pamamalakad ng mag-asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang isla ng
Mindanao na hango sa pangalang Minda at Lanao

Gawin/Sagutin ang sumusunod:

1. Ilipat sa kahon ang mga napili mong pangyayari batay sa pagiging


makatotohanan at di-makatotohanan nito.

Makatotohanan di- naging makatotohanan

32
2. Bumuo ng gusto mong maging wakas at isadula ito sa klase. Ipakita sa mga
kamag-aral ang kanilang karakter, gawi at kilos kinakailangang sagutin ng
wakas na iyong itinanghal ang mga sumusunod:
Graphic organizer
Sino?

Ano? Wakas ng Saan?


alamat

Paano Bakit?
?

Pagsasanib ng Gramatika/Retorika

Mga Pangungusap na Walang Paksa


1. Mga pangungusap na eksistensyal – pangungusap na nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit
pang tao, bagay, atb. Pinangungunahan ito ng may o mayroon.
a. May mga pagkain dito.
b. Mayroong ganiyan dito.

2. Mga pangungusap na pahanga – nagpapahayag ng damdamin ng paghanga ang ganitong


pangungusap.
a. Kayganda mo talaga!
b. Ang saya naman!

3. Mga maiikling sambitla – mga isahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding


damdamin.
a. Ay!
b. Aray!

4. Mga pangungusap na pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon.


a. Malamig ngayon.
b. Umuulan na.
c. Gabi na.

5. Mga pormulasyong panlipunan – mga pagbati, paggalang na nakagawian ng mga Pilipino.


a. Magandang gabi po.

33
b. Salamat po.

Pagsasanay 1: Gamitin sa dayalogo ang mga pangungusap na walang paksa na nasa


kahon iugnay sa mga patalastas sa tebisyon o radio ang iyong mga halimbawa.

Salamat Mayroon Umuulan na.

Maraming salamat Magandang Umaga. Lumilindol

May mamaya na. Paalam na.

OO Hindi Prinsesa

Pagsasanay 2: Bumuo ng sariling halimbawa ang sumusunod na pangungusap na


walang paksa.
1. Eksistensyal -
2. Pahanga -
3. Sambitla -
4. Pamanahon -
5. pormulasyong panlipunan -

C. Pagnilayan at Unawain
Sa bahaging ito ay, ikaw ay inaasahang makapagpapamalas ng pag-unawa sa mga aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

1. Paano naiba ang alamat sa iba pang uri ng panitikan ? Paano mo


ihahambing ang alamat sa maikling kuwento ?
2. Paano nakatulong ang mga pangungusap na walang paksa sa paggawa
mo ng alamat na isinadula ?

D. Ilipat
Ikaw bilang manunulat ay inatasang makasulat ng alamat tungkol sa pinagmulan
ng inyong lugar. Ipababasa ito sa mga manunulat ng komiks at ng manunulat ng
mga fantaserye. Itataya ito batay sa sumusunod na pamantayan: a) orihinal, b)
wastong gramatika, c) tumutugon sa layunin, at d) makatotohanan.

Ang galing mo ! Binabati kita at natapos mo ang isang paglalakbay sa


isang makulay na daigdig ng Alamat . Sana’y naging makabuluhan ang iyong
paglalakbay sa araling ito.

Aralin 6: Pangwakas na Gawain para sa Unang markahan


Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao
Pagbuo ng Proyektong Panturismo
_____________________________________________________________________________

34
Panimula
Sa pasalin-saling dila ng mula sa ating mga ninuno hanggang sa magkaroon
ng papel at panulat, ang panitikan ay naging bahagi na ng ating buhay.
Sinasabing ang panitikan ay salamin ng isang lahi – ang kultura, paniniwala at
tradisyon nito. Sa araling ito ay palalawakin pa ang iyong kaalaman sa panitikan
ng Mindanao sa pamamagitan at gabay ng mahahalagang tanong na “bakit
dapat pahalagahan ang pagkakapantay ng bawat isa.” Magkakaroon ka na rin ng
matibay na konsepto sa panitikan ng Mindanao sa buong modyul na ito

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng isang


proyektong panturismo na tatayain batay sa sumusunod na pamantayan: a) orihinal,
b) masining, c) nakahihikayat, at d) makatotohanan.

A. Tuklasin
Sa bahaging ito, ikaw ay inaasahang makapagbibigay ng dati mong
kaalaman sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao, ang kahalagahan ng pag-
aaral tungkol dito at ang mahalagang tanong o konsepto na nais mo pang malaman
sa araling ito.

1. Sa pamamagitan ng 3-2-1 Chart, isulat ang hinihinging sagot.

3 Tatlong dating kaalaman o natutuhan sa mga nakaraang aralin


tungkol sa panitikan ng Mindanao
1.
2.
3.
2 Dalawang kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan ng Mindanao
1.
2.
1 Isang mahalagang konsepto o tanong na nais pang malaman sa
araling ito
1.

2. Magbigay ng hinuha sa maaaring nilalaman ng akdang tatalakayin batay sa pamagat


nito.

Hinuha sa pamagat:
Mindanao:

Ang Lupang
Pangako

35
https://www.google.com.ph/search?q=mindanao&noj=1&um=1&ie=UTF-

B. Linangin
Basahin at unawain ang kasunod na akda upang masagot ang mga gabay na tanong.

ANG ALAMAT NG MINDANAO


Si Sultan Kumpit ay isa sa mga naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay
matalino ngunit ang mga Muslim ay takot sa kaniya dahil siya raw ay masungit.
Ang sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga, si Minda.
Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng prinsesa ay marami ang
nanliligaw sa kaniya. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng iba’t
ibang pulo. Bawat manliligaw ni Prinsisa Minda ay may kani-kaniyang katangian
kung kaya’t nagpasiyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit. Ang
mananalo sa tatlong pagsubok na ito ang siyang mapalad na makakaisang dibdib
ng kaniyang anak.
Ang unang pagsubok ay kung sino ang makapagsasabi ng kasaysayan ng
kaniyang angkan hanggang sa ikasampung salin nito. Ang ibig sabhin nito ay kung
sino at ano ang naging buhay ng ama, nuno, ama ng nuno at mga kanununuan
hanggang sa ikasampung salin.
Ang ikalawang pagsubok naman ay kinakailangang malagpasan ang
kayamanan ng hari upang maging daan patungo sa ikatlong pagsubok. Ngunit ang
higit na mayaman ang siyang magmamay-ari ng kayamanang natalo.
Marami ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok. Isa na rin ang
kilalang si Prinsipe Kinang. Siya ay nakapasa sa unang pagsubok ngunit natalo sa
ikalawang pagsubok sapagkat ang kaniyang tatlong tiklis nag into ay nahigitan ng
apat na tiklis na ginto ng hari. Lalong yumaman si Sultan Kumpit. Alam ng lahat na
marami pang ginto si Sultan Kumpit at ngayon nga ay nadagdagan pa ng tatlong
tiklis na tinalo kay Prinsipe Kinang.
Isang matalinong prinsipe ang nais na sumubok. Ngunit bago niya ito gawin ay
nag-isip siyang mabuti kung papaano niya matatalo ang kayamanan ng sultan.
Nanghiram siya ng ginto sa kaniyang mga kaibigang maharlika hanggang sa
makatipon siya ng labintatlong tiklis ng ginto.
Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao. Una niyang
nakausap si Prinsesa Minda. Sa unang pagkikita pa lamang ay sumang-ayon agad
ang prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa ang puso ni Prinsipe Lanao
sapagkat nasiguro niyang may pagtingin din sa kaniya ang prinsesa.
“O, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?” ang unang pagsubok ng Sultan
kay Lanao. Mabilis na isinalaysay ni Lanao ang kaniyang lahi ngunit muntik na
itong mabuko sa ikasampung salin. Nakaisip siya ng pangalan at nag-imbento ng
kagitingan nito. Laking pasasalamat niya nang siya ay makapasa sa unang
pagsubok. Sa ikalawang pagsubok ay, “ilang tiklis nag into ang dala mo, mayroon
akong pito, iyon ba ay iyong mahihigitan?” ang pagmamalaking tanong ng Sultan.
“Mayroon akong labintatlong tiklis ng ginto rito ngayon ngunit kung kulang pa ito
ay handa akong ilabas ang mga nakatago pa sa aming kaharian,” ang tugon ni

36
Prinsipe Lanao.
“Hindi bale, iyo na ang pitong tiklis ko. Ganito naman ang ikatlong pagsubok.
Ikaw ay tutulay sa isang lubid sa may malalim na bangin. Pag ito’y nagawa mo ay
ikakasal kayo ng aking mahal na prinsesa sa pagbibilog ng buwan,” ang sabi ng
Sultan. “Ang ikatlong pagsubok ay kinabukasan na natin ituloy.
Umalis si Lanao na punong-puno ng pag-asa. Nagsanay siyang tumulay sa
baging na sampayan. Ngunit lingid sa kaniya ay may masama palang balak ang
sultan sa pagtulay niya sa lubid. Natunugan ito ni Minda at laki ng kaniyang pag-
ibig sa binata ay gumawa siya ng paraan. Inutusan niya ang kaniyang katulong na
putulin ang matibay at manipis na sinulid na nakakabit sa tulay na tatawirin ni
Lanao. Ang sinulid palang ito ay hahatakin upang malaglag sa bangin si Lanao.
Mabilis na natupad ang ipinag-utos ni Minda sa kaniyang katulong.
Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang
kasal ni Prinsesa Minda ay naganap. Namuno ang mag-asawa sa kaharian ni
Sultan Kumpit. Dahil sa kabaitan ay napamahal sa mga tao ang dalawa kaya’y ang
malaking pulong iyon ay pnangalanang Minda-Lanao na di nagtagal ay naging
“Mindana.”

Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita. Pagkatapos, gamitin
ang magkasingkahulugang iyon sa pagbuo ng isang pangungusap.

1. Dugong bughaw

Kahulugan: Pangungusap:

2. matipunong pangangatawan

Kahulugan: Pangungusap:

3. karatig pook

Kahulugan: Pangungusap:

4. nag-aasam-asam
Kahulugan: Pangungusap:

5. tiklis ng ginto

Kahulugan: Pangungusap:

37
Sa Antas ng Pag-unawa:

1. Bakit nagbigay ng pagsubok si Sultan Gutang?

2. Sa kasalukuyan ba ay dumadaan pa rin sa pagsubok ng magulang ng


babaeng napupusuan ang binatang nanliligaw? Magkuwento ng ilang
panyayari tungkol dito.

3. Ilahad ang mga pagsubok na napagdaanan ni Prinsipe Lanao. Paano niya


ito napagtagumpayan?

Mga pagsubok na napagdaanan ni


Prinsipe Lanao at kung paano ito
napagtagumpayan

____________________________ ________________________
____________________________ ________________________
_ ____
____________________________
____________________________ ________________________
_ ________________________
____
____________________________
____________________________ ________________________
4. Tunay na pag-ibig
_ ba ang nararamdaman sa isa’t isa________________________
ng prinsipe at ng
prinsesa? .Patunayan
____
5. Sang-ayon ka ba na idaan din sa pagsubok ang isang tao upang
mapatunayang karapat-dapat ito? Bakit?

Sang-ayon ako dahil_______


Sang-ayon o _______________________
hindi?
Hindi ako sang-ayon
dahil____________________

38
6. Kung ikaw ang sultan at matuklasang ang iyong anak ang tumulong sa prinsipe
upang manalo sa pagsubok, ano ang iyong gagawing hakbang? Bakit?

7. Naipakita ba sa akda ang pagkakapantay-pantay sa pag-ibig? Patunayan.

8. Bakit dapat pahalagahan ang pagkakapantay ng bawat isa sa anumang uri ng


larangan?

Ang akdang binasa ay kasasalaminan ng kulturang Mindanao. Upang mas makilala pa


natin ang mga taga-Mindanao, suriin ang larawan sa ibaba.

https://www.google.com.ph/search?q=mga+prutas+sa+mindanao

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ilarawan ang brochure.
____________________________________________________
2. Nanaisin mo bang pumunta sa Lupang Pangako? Bakit?

Nanaisin mo bang
Oo,____________ pumunta sa Lupang Hindi,__________
Pangako? Bakit?
_______________ _______________
___ _____

3. Magsaliksik pa ng mga bagay tungkol sa lugar na ito sa pamamagitan ng


pagsasaliksik na maaaring sa internet o pagtatanong sa mga taong may
kaalaman sa lugar na ito.

39
4. Paano mo hihikayatin ang isang turista na pumunta sa lugar na
ipinagmamalaki ng bansa? Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga
turistang pumupunta sa bansa? Sa paanong paraan kaya?

C. Pagnilayan at Unawain
1. Bakit dapat pahalagahan ang pagkakapantay ng bawat isa sa anumang uri ng
larangan?

D. Ilipat

Ikaw, bilang barangay captain ng inyong lugar ay inaasahang makapagsasagawa


ng ad campaign na nagsasaad sa kagandahan ng inyong lugar. Ipakikita mo ito sa
magiging panauhin ng inyong lugar, sa inyong punong-bayan at punong lalawigan
sa araw mismo ng kapistahan ng bayan. Tatayain ito batay sa sumusunod na
pamantayan: a) angkop sa paksa, b) masining, c) orihinal, at d) makatotohanan.

III. PAGNILAYAN AT UNAWAIN

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan ng


Mindanao?
2. Paano nakatutulong ang tamang paggamit ng gramatika at retorika upang
maunawaan at mapahalagahan mo ang mga ito?

IV. ILIPAT
Isa kang tourist guide na nais ipakilala ang inyong bayan. Dahil dito ikaw ay
magsasagawa ng proyektong panturismo na maaaring sa pamamagitan ng
poster, travel brochure o audio visual presentation. Sa harap ng mga turista,
lokal na opisyal at mananaliksik na mag-aaral ng inyong lugar, iyo itong ipakikita.
Tatayain ito batay sa sumusunod na pamantayan: a) orihinal, b) masining, c)
tumutugon sa layunin, at d) makatotohanan.

Pangwakas na Pagtataya

I. Kaalaman
Panuto: Bilugan ang titik ng wastong sagot sa sumusunod:
1. Ito ay tekstong naglalarawan sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at tao.
a. naglalarawan b. naglalahad c. nagsasalaysay d.
nanghihikayat

2. Ito ay likhang gawain na ipinapakita o inilalarawan ang paksa sa pamamagitan


ng masining
na pagguhit.
a. mockumentary b. panayam c. poster d. collage

40
3. Ano ang salitang ugat sa salitang kabayanihan?
a. kaba b. bayan c. bayani d. ani

4. Alin sa sumusunod ang ekspresyon ng posibilidad?


a. ba b. nga c. tunay e. sapagkat

5. Siya ang nagwikang “Ang tunay na bayani ay hindi nasusukat sa kaniyang


kalakasan
kundi sa sukat ng kaniyang puso o pagmamahal.”
a. Bonifacio b. Hercules c. Troy d. Rizal

6. Siya ang may aklat ng ABNKKBSNPLKo.


a. Bob Ong b. Eros Atalia c. Rio Alma d. Michael Coroza

7. Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late


pumapasok
ng room pagkatapos ng recess at lunch break.
a. Anak ni Rizal b. clowns c. geeks d. spice girls

8. Ito ay panitikan na ang mga tauhan ay mga hayop.


a. alamat b. pabula c. parabula d. tula

9. Ito ay tekstong may layuning makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal tulad ng


sanhi
at bunga ng mga pangyayari.
a. naglalahad b. naglalarawan c. nangangatuwiran d.
nagsasalaysay

10. Siya ang may-akda ng Sandaang Damit.


a. Rio Alma b. Fanny A. Garcia c. Donato B. Sebastian d. Bob Ong

II. Proseso/Kakayahan
Hanapin sa Hanay B ang karugtong na sugnay ng nasa Hanay A upang mabuo
ang diwa nito. Isulat ang titik ng wastong sagot.

Hanay A Hanay B
11. Masisiyahan ang iyong mga magulang a. sa sandaling talikuran mo si
Kristo.
12. Ang aklat ang pinagbatayan ko nito b. dahil nais kong lumawak ang
aking kaalaman.
13. Balewala ang buhay c. kung magsisikap ka sa iyong
pag-aaral.
14. Nagtagumpay ang kaniyang pangkat d. kaya nakatitiyak akong tama
ako.
15. Napakabait niyang anak e. bunga nito’y binigyan siya ng
sertipiko
41
ng Ulirang Anak ng Taon
16. Manonood ako ng balita f. kaya isa siyang Pilipino.
17. Sa Pilipinas siya isinilang g. dahil puso ang kanilang
ipinanlaban.
18. Hindi sapat ang kita ng isang tao h. patunay ang mga medalyang naiuwi
niya.
19. Maraming nadedengue i. dahil sa mga lamok na naiipon
sa estero.
20. Matalino si Brent j. kaya naman doble kayod ang
ginagawa nila.
k. sa katunayan, maiksi ang buhay.
III. Pagnilayan at Unawain

Para sa mga bilang 21-25.


Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay
isang dugong bughaw, kundi dahil din sa kaniyang katangian. Di lamang siya
mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong
pangangatawan.
21. Ang kahulugan ng dugong bughaw ay .
a. matapang b. manhid c. mahirap d. mayaman

22. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng sultan?


a. mayaman b. matapang c. guwapo d. mapagpatawad

23. Ang pang-ugnay na dahil din sa kaniyang katangian ay nagsasaad ng


_________.
a. bunga b. ekspresyon c. posibilidad d. sanhi

24. Ano ang maaaring maging bunga o epekto sa mga tao ng mga katangiang taglay
ng Sultan?
a. paggalang b. pagkainggit c. pagkatuwa d.
pagkalungkot

25. Inilalarawan sa talataan ang patunay na ang sultan ay _____________.


a. hindi basta-basta pinipili b.mayaman c. nagtataglay ng magagandang
katangian
d. romantiko

Para sa mga bilang 26-30.


“Baka makikipag-away ka na naman,” tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral
na naman. Mula kinatatalungkuang giray na batalan, saglit iyang napatigil sa
paghuhugas ng mumo sa kamay.
“Hindi ho,” paungol niyang tugon.

26. “Baka makikipag-away ka na naman.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap?

42
a. Nananakot ang nagbilin b. madalas makipag-away ang kausap

c. masayahin ang nagsasalita d. pag-awat sa isang sitwasyon

27. Anong uri ng pamumuhay ang mailalarawan sa mag-ina?


a. mapanuri b. mahirap c. mayaman d. palaaway

28. Ang giray ay nangangahulugang __________.


a. saway b. sira c. tibay d. buo

29. Anong uri ng panitikan ang masasalamin sa bahagi ng akda?


a. Alamat b. Maikling kuwento c. pabula d. tula

30. Ano ang maaaring maging suliranin sa akda?


a. bully b. kahirapan c. kayabangan d. kahinaan

Pasulat:
1. Gumawa ng akronim ng inyong lugar na maglalarawan sa kagandahan nito. (10
puntos)

2.Sumulat ng tekstong naglalarawan tungkol sa kultura sa inyong lugar upang


makahikayat ng mga kalapit-bayan na tuklasin ito. (10 puntos)

MGA MANUNULAT:

MAM _______ LUCERO


AUGUSTO A. MATEO
GERALDINE V. NONES
ROSELYN T. SALUM
ENRIQUE VALENTON

43

You might also like