You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon VIII
Sangay Ng Hilagang Samar
Purok ng San Roque
MATAAS NA PAMBANSANG PAARALAN NG DON NUAN F. AVALON
PANGHULING PAGSUSULIT SA FILIPINO - 9

Pangalan:_____________________________ Petsa:___________
Taon & Pangkat: _______________________ Inihanda ni: Bb. Juffy Mastelero- de Leon

“Ang taong nagmamahal nang tunay ay parang estudyante na kumukuha ng exam. Hindi siya titingin sa iba kahit na
nahihirapan na.” ©-unknown

I. PAGPIPILI.Bilugan ang titik ng iyong sagot. Isa lang yung piliin mo. Yung masasabi mong “ the right one”. If nalilito ka, take
your time. Pag-isipan mo. Pag nagdadalawang isip ka, palitan mo yung sagot mo. Huwag mong paasahin yung choices baka kasi
magsisi ka pa sa huli na hindi ka nag-let go.

1. Isang obra maestro ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere. Ito ay salitang Latin na nangangahulugang ______________
a. Huwag Mo Akong Apihin
b. Huwag Mo Akong Galitin
c. Huwag Mo Akong Linlangin
d. Huwag MoAkong Salingin
2. Aling nobela ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
a. Iliad & Odyssey c. Pride & Prejudice
b. Les Miserables d. Uncle Tom’s Cabin
3. Alin ang kahulugan ng salitang “erehe”?
a. isang taong hindi marunong sumunod sa mga batas ng pamahalaan
b. isang taong lumalabag sa batas ng simbahan
c. isang taong hindi nagsisimba at nangungumpisal
d. isang taong nag-aalsa laban sa pamahalaan
4. Alin sa mga sumusunod ang pinakadahilan ng pagkawala ng bait ni Sisa?
a. pagkakakulong ng dalawang anak
b. pagkamatay ni Crispin
c. pagkawala ng dalawang anak
d. pagpaparusa kay Basilio
5. Ang Noli Me Tangere ay inialay sa ___.
a. GOMBURZA c. pamilya
b. kasintahan d. Inang Bayan
6. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
a. HIV c. Dengue
b. Kanser d. Tuberculosis
7. Mga taong kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego.
a. Don Rafael Ibarra at Kapitan Tiyago
b. Pilosopo Tasyo at Don Filipo
c. Gobernadorcillo at Kapitan ng bayan
d. Kura paroko at Alperes
8. Humigit kumulang sa ___ taong naghintay si Maria Clara sa kasintahan.
a. anim c. walo
b. pito d. siyam
9. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang Noli Me Tangere ___.
a. Paciano Rizal c. Maximo Viola
b. Ferdinand Blumentritt d. Valentin Ventura
10. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:
a. pampolitika c. panlipunan
b. panrelihiyon d. pampamilya
11. Petsa ng kapanganakan ni Jose Rizal.
a. Hunyo 19, 1861 c. Hunyo 20, 1861
b. Hunyo 19, 1862 d. Hunyo 20, 1862
12. Ang Noli Me Tangere ang binubuo ng ___ na Kabanata.
a. 34 c. 54
b. 44 d. 64
13. Siya ang tinatawag na baliw o pilosopo.
a. Don Rafael c. Sisa
b. Tasyo d. Tiyago
14. Siya ng pinaka dakilang pag-ibig ni Rizal.
a. Segunda Katigbak c. Leonor Valenzuela
b. Leonor Rivera d. Suzzane Jacoby
15. Ang nag-utos na ipahukay ang bangkay ni Don Rafael at ilipat sa mga libingan ng mga intsik.
a. Padre Damaso c. Alperes
b. Nol Juan d. Tenyente Guevarra
16. Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal?
a. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda
b. Jose Rizal Protacio Mercado Y Alejandro Realonda
c. Jose Protacio Alejandrino Mercado Y Rizal Realonda
d. Jose Rizal Alejandrino Mercado Y Realonda
17. Dito tumuloy si Ibarra at masasabing tuluyan ng mga mayayaman sa Maynila.
a. Fonda de Lala c. Fonda Manila
b. Fonda de Maynila d. Maynila de Fonda
18. Sa Kabanata V, sino ang palihim na nagmanman kay Maria Clara?
a. Crisostomo Ibarra c. Kapitan Tiyago
b. Pari Salvi d. Pari Damaso
19. Ito ang tawag sa dalawang upuan sa magkabilang dulo ng mesang kainan. Dito karaniwang umuupo ang tatay, nanay, o ang may
mataas na tungkulin sa lipunan.
a. kabisera c. sandalan
b. mesa d. uluhan
20. Ano ang sinagot ni Padre Damaso nang sabihin ni Ibarra na matalik na kaibigan ito ng kanyang ama?
a. “Salamat, maligayang pagdating.”
b. “Mukhang nakakamali ka, binata.”
c. “Kailanma’y hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama.”
d. “Ikinagagalak kitang makitang muli.”
21. Saang lugar galing si Crisostomo pagkalipas ng maraming taon na pagkawala sa Pilipinas?
a. London c. America
b. Europa d. Japan
22. Ano ang natutuhan ni crisostomo Ibarra sa Alemanya na ginawa niya sa pagtitipon?
a. Gumalang sa mga matatanda
b. Dumalo sa mga pagtitipon para maging tanyag
c. Magpakilala sa tao kapag walang nagpapakilala
d. Makipagkwentuhan sa lahat ng mga tao
23. Alaalang iniwan ni Crisostomo kay Maria Clara bago umalis patungong ibang bansa.
a. Bulaklak c. sulat
b. dahon ng sambong d. panyo
24. Alaala mula kay Maria Clara na tinatago ni Crisostomo sa kanyang kalupi.
a. Bulaklak c. sulat
b. dahon ng sambong d. panyo
25. Naging biktima ng pagdidilim ng paningin ni Ibarra si_____kaya hindi sinsadya niyang masakal ito:
a. Padre Damaso c. Padre Sibyla
b. Padre Salvi d. Padre Camorra
26.Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang lihim nitong mga kaaway.
a. Elias c. Tata Selo
b. Tiyago d. taong madilaw
27. Bakit nag-usap ang magkasintahan sa may asotea (Maria clara at Ibarra)?
a. Upang pag usapan ng tungkol sa gagawing paghihimagsik.
b. Upang pag usapan ang kanilang hinaharap kung saan sila ay magpapakasal.
c. Upang pag usapan ang kanilang mga alala noong kanilang kamusmusan
d. Upang ikuwento ni Ibarra ang sinapit niya sa beateryo.
28. Ano ang naging damdamin ni Basilio nang nalaman niyang umuwi ang kanyang amang mahilig magsugal?
a. Masaya, dahil bihira lamang umuwi ang ama.
b. Masaya, dahil dinalaw ng kanyang ama ang kanilang ina.
c. Malungkot dahil di niya naabutan ang ama sa bahay
d. Nagagalit, dahil ang kanilang ama pinagbubuhatan ng kamay ang kanilang ina.
29. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan sa katangian ni Kapitan Tiyago?
a. Mas batang tingan kaysa tunay na edad.
b. Pandak, mataba at kayumangging kulay
c. Maliliit ang mata at kulot ang buhok
d. Matangkad at palabati sa mga Pilipino
30. Pinalitan ng Mercado ang orihinal na apelyido bilang pagsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Claveria na nag-aatas na gamitin ng
lahat ang mga apelyidong Espanyol noong 1849. Ang Mercado aynangangahulugang
a. pamilihan c. talino
b. pera d. yaman

II. PAGKILALA. Kilalanin kung sino o ano ang tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan. Iwasang
burahin ang sagot. Huwag kang gumaya sa iba,yung tama naman ang sagot pero pinalitan pa. Gaya din yan sa pag-ibig na sayo
na, pinakawalan mo pa!

Tinyente Guevarra Pia Alba


Nobyembre 11 Alperes
Nol Juan Padre Sibyla
Kapitan Tiyago Crispin
Taong madilaw Tiya Isabel
Crisostomo Ibarra Don Tiburcio
Pilosopo Tasyo Padre Damaso
Sisa Tribunal
Donya Victorina Artilyero
Don Rafael Maria Clara
Padre Salvi Elias

________________31. Naghanda ng isang hapunan noong isa sa mga huling araw ng Oktubre.
________________32. Kura sa binundok at naging propesor sa San Juan de Letran.
________________33. Matandang babae na tanging tumatanggap sa mga panauhin noong may pagtitipon.
________________34. Babaeng kulot na kulot ang buhok, nakapintura ang mukha at nakagayak na taga Europa na nang humalo sa
usapa’y napagwikaang mangmang ng Pransiskano.
________________35. Kastilang napangasawa ni Donya Victorina na nagpapanggap na doktor ng medisina espesyalista sa lahat ng
sakit.
________________36. Binatang pinaghandaan ni Kapitan Tiyago na magmumula sa Europa.
________________37. Binansagang Erehe at Pilibustero
________________38. Ang nag-iisang anak ni Kapitan Tiyago.
________________39. Mapanghusgang kurang napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.
________________40. Isang matapat na tinyente ng mga gwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra tungkol sa sinapit ni Don Rafael.
________________41. Siya ang nagsilbing tagapayo ni Ibarra; itinuturing ng iba ng pilosopo dahil sa kanyang kaalama samantalang sa
mga di nakakaunawa siya ay itinuturing siyang baliw.
________________42. Siya ang kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
________________43. Mapagmahal na ina na nabaliw dahil sa kawalang hustisya ng lipunan.
________________44. Isang bangkero na nagligtas kay Ibarra sa maraming kapahamakan.
________________45. Siya ang napangasawa ni Kapitan Tiyago; ina ni Maria Clara.
________________46. Pinuno ng mga gwardiya sibil at asawa ni Donya Consolacion.
________________47. Tagapangasiwa sa pagpapatayo ng bahay- paaralan ni Crisostomo Ibarra.
________________48. Ang nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan ng
San Diego.
________________49. Ang sakristan na napagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa o halagang P32.00.
________________50. Petsa kung kalian ipinagdiriwang ng taumbayan ang bisperas ng pista sa San Diego.

III. TAMA O MALI. Isulat ang TUMPAK GANERN kung tama ang pahayag, LIGWAK GANERN naman kung mali.

________________51. Ang buong pangalan ni Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda.
________________52. Sila ay labing-isa na magkakapatid..
________________53. Si Padre Damaso ang kasalukuyang kura ng bayan ng San Diego.
________________54. Ipinanganak si Rizal sa Binan Laguna.
________________55. Ang kapitan Heneral at ang kura ang makapangyarihan sa bayan ng San Diego.
________________56. Ang kanyang mga magulang ay sina Franciso Mercado at Teodora Alonzo.
________________57. Ang babaeng kanyang pinakasalan ay si Josephine Bracken.
________________58. Naging matalik na magkaibigan sila Padre Damaso at Don Rafael Ibarra.
________________59. Tuwing ika-30 ng Disyembre ay inaalala natin ang kamatayan ni Rizal.
________________60. Siya ay namatay a Bagumbayan.

IV. PAGPAPALIWANAG. 5puntos. Pumili ng isang tauhan sa nobelang Noli me Tangere. Ilarawan ito at ihambing sa iyong sarili.

_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_____________________________.

You might also like