You are on page 1of 8

KALIGIRANG

PANGKASAYSAYAN NG
ALAMAT
ALAMAT
 Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang
Latin na legendus, na nangangahulugang “upang mabasa”
 Ito ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay -
bagay.
 Karaniwang nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi
pangkaraniwang pangyayari.
 Ang karaniwang paksa ng mga alamat ay ang ating
katutubong kultura, mga kaugalian, at kapaligiran.
 Taglay nito ang magagandang katangiang tulad ng kalinisan
ng kalooban, katapatan, at katapangan, subalit tinatalakay
rin sa mga alamat ang hindi mabubuting katangiangtulad ng
kasakiman, katamaran, kalupitan, paghihiganti, pagsumpa at
iba pa.
ALAMAT SA PANAHON NG
PAKIKIPAGKALAKALAN
Sa pagdating naman ng mga lahing nakipag-
ugnayan at nakipagkalakalan sa ating mga
ninuno tulad ng mga Tsino, Indian, at Arabe,
nagdala ang mga ito ng kani-kanilang
kulturang nakapag-ambag sa patuloy na pag-
unlad ng mga alamat sa ating kapuluan.
Sa mga panahong ito higit na umunlad ang
wika at paraan ng pagsulat ng ating mga
ninuno kaya’t marami sa mga alamat na
nagpasalin-salin sa bibig ng mga taumbayan.
ALAMAT SA PANAHON NG MANANAKOP
NA ESPANYOL
 Sa pagdating ng mga mananakop na Espanyol sa ating
bansa, pinalaganap nila ang pananampalatayang
Katolisismo kaya’t sa panahong ito saglit na napigil ang
paglaganap ng mga katutubong karunungang-bayan at
panitikang katulad ng mga almat.
 Sinasabing ipinasunog ng mga prayleng Espanyol ang
mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno.
 Ang iba’y ipinaanood sa ilog sapagkat ayon sa kanila,
ang mga iyon daw ay gawa ng demonyo.
 Ngunit ang alamat at iba pang panitikang pasalindila o
nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga taumbayan ay
hindi nila masira dahil na rin sa tagal ng pamamayani ng
mga ito sa ating kultura.
Mapagmahal
na ama
Mga suwail
na anak
estranghero
B. TUKUYIN ANG SALITANG ANGKOP SA
DIWA NG PANGUNGUSAP.
1. Ang pitong dalaga’y tila mga ________ dahil sa
taglay nilang kagandahang hinahangaan ng madla.
2. Ang mga binata ay dumating ________ ng
malalaking bangka.
3. Ang bawat isa sa kanila’y ________ na ibigin din
ng napupusuang dalaga.
4. ________ nang malakas ang kanilang ama dahil sa
galit at lungkot sa pagsuway ng kanyang mga anak.
5. Kinabukasan ay maagang ________ ang matanda
upang hanapin sa karagatan ang kanyang mga
anak.

You might also like