You are on page 1of 22

Ekspresyong Hudyat

ng Kaugnayang
Lohikal
Sa paglalahad ay mahalagang maipakita ang
wastong pagkakasunod-sunod at ugnayan ng
mga pangyayari. Kailangang lohikal na
maipakita ang ugnayan madaling makuha o
maunawaan ang mensaheng nais iparating
ng nagsasalita o nagpapahayag.
Ang paggamit ng mga pangatnig,
pang-abay, at iba pang ekspresyon
ay makatutulong upang maipakita
ang ugnayan ng mga pahayag.
1. Sanhi at Bunga
Ang mga pangatnig na sapagkat,
pagkat, palibhasa, dahil, kasi,
kaya, bunga at iba pa ay madalas
gamitin sa ganitong pahayag.
1. Sanhi at Bunga
Halimbawa:
Bunga ng kahirapan ang maaga
niyang pag-aasawa
1. Sanhi at Bunga
Halimbawa:
Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-
aaral kaya gumanda ang kanyang buhay.
1. Sanhi at Bunga
Halimbawa:
Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil
sa pandemya.
2. Paraan at Resulta
Nagsasaad kung paano nakuha ang
resulta. Ang pang-ugnay na sa ay
karaniwang ginagamit sa ganitong
pahayag.
2. Paraan at Resulta
Halimbawa:
Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng
kanyang mga kaibigan.
Sa sipag niyang magtrabaho, nagustuhan
siya ng kanyang amo.
3. Kondisyon at Resulta
Sa ugnayang ito ipinakikitang maaaring
maganap o sumalungat ang pangyayari kung
isasagawa ang kondisyon. Ang mga pang-
ugnay na kung, kapag, sana, sakali ay
maaaring gamitin sa pahayag na ito.
Halimbawa:
Kung magsisikap ka sa buhay, hindi ka
mananatiling mahirap.
Kung nakinig ka sana sa iyong magulang,
hindi magiging ganyan ang iyong buhay.
4. Paraan at Layunin
Isinasaad ng ugnayang ito kung paano
makakamit ang layunin gamit ang paraan.
Ang mga pang-ugnay na upang, para,
nang, at iba pa ay gamitin sa ganitong
pahayag.
Halimbawa:
Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang
mabago ang kanyang buhay.
Para makatulong sa magulang, pinagsabay
niya ang pag-aaral at paghahanapbuhay.
5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili
Ito ay magkaugnay sapagkat ang nag-
aalinlangan o nagdududa ay nag-aatubili o
hindi kaagad isinasakatuparan o
pinaniniwalaan ang isang bagay. Gayundin,
ang isang nag-aatubili ay bunga ng pag-
aalinlangan.
5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili
Ang mga salitang hindi sigurado, yata,
tila, baka, marahil at iba pa ay maaaring
gamitin sa ganitong pahayag kasama ang
pang-ugnay na kaya, samakatwid, kung
gayon.
5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili
Halimbawa:
Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka
hindi ko magawa ang bagay na iyan.
Marahil ay hindi ako papasa sa pagsusulit,
kung gayon babawi ako sa susunod.
6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi
Ito ay ugnayang nagsasaad ng katiyakan o
kasidhian. Ilan sa mga salitang ginagamit
dito ay ang siyang tunay, walang duda, sa
katotohanan, talaga, tunay, siyempre
kasama ang pang-ugnay na na at nang.
6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi
Halimbawa:
Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa
buhay at walang dudang napatunayan ko ito.
Tunay na napakaganda ng ating mga
tanawin at siyempre maraming turista ang
dumadayo sa atin.
Isulat sa patlang ang uri ng ugnayang lohikal na
mayroon sa pangungusap. Bilugan ang
ekspresyong hudyat na ginamit.

_______1. Ang Karapatan ng mga bata ay dapat


nating isulong sapagkat parami na nang parami
ang mga batang nabibiktima ng pang-aabuso.
_______2.Kung hindi sana matigas ang
kanilang mga ulo ay maganda na ang
kanilang buhay ngayon.
_______3. Hindi ako sigurado sa aking
nakita kaya’t hindi ko alam kung tutulungan
ko ba ang mga batang ito o hindi.
_______4. Upang maiwasan ang problema
ay kailangang gumawa ng hakbang ang
pamahalaan.
_______5. Sa pamamagitan ng
pagtutulungan ng lahat masusugpo ang
problemang ito.

You might also like