You are on page 1of 7

Komentaryong Panradyo

2 Feb 2017filipinograde8blog

Nakaririnig ka pa ba ng balita sa radyo? Ngayon,


maraming iba’t ibang opinyon o saloobin ang
isinisigaw ng madla. Nariyan pa naman ang radyo
upang tayo’y mag-komento, buksan mo na ng iyong
malaman. Halina’t alamin ang komentaryong
panradyo at ang mga ekspresyong nagpapahayag
ng pananaw. Isigaw ang nasa isip! Gamitin ang
puso, ungkatin ang iyong saloobin.
Broadcast Media
·         Ito ay paghahatid ng impormasyon audio o biswal man, sa
pamamagitan ng midyang pangmasa tulad ng radio, telebisyon,
internet o iba pang bagay sa tulong ng network.
·         May tatlong (3) uri ito:
1.    Komentaryong Panradyo
2.    Dokumentaryong Pantelebisyon
3.    Dokumentaryong Pampelikula
Radyo
·         Naghahatid ng musika
·         Nagpapahatid ng panawagan
·         Nagpapakinig ng mga awit
·         Naghahatid ng napapanahong balita
·         Nagbibigay ng opinion kaugnay ng isang paksa
Komentaryong Panradyo
·         Ayon kay Elena Botkin- Levy, Koordineytor, Zumix Radyo, ito
ay pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang
kanilang mga opinion at saloobin kaugnay sa isang napapanahong
isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng
pansin.
·         Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang
malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang upang
makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong
panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat
ng sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang
sumusunod:
a.    Politika
b.    Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
c.    Mga pagdiriwang sa Pilipinas
d.    Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
e.    Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang
tagapakinig
Ilan sa maaaring gamitin sa pagsasaliksik tungkol sa mga gustong
mapakinggan ng mga tagasubaybay ay ang survey at panayam.
A.   Survey:
Gumagamit ng survey upang  malaman ang mga ito tungkol sa
kanilang mga programa.
Ang sumusunod ang ilan sa mga posibleng lamanin ng isang survey:
1.      Multiple Choice – ito ang mas mabilis na paraan ng
pagpapasagot sa isang survey. Mas madali itong sagutin kumpara
sa iba dahil sa pipili lamang ang tinatanong ng sagot sa iilang titik.
2.      Pagkilala sa mga sinasang-ayunan – Bukod sa simpleng
multiple choice maaari ring maglagay ng listahan na nagpapahayag
ng kanilang mga sinasang-ayunan at di sinasang-ayunan.
3.      Likert Scale – Ito ay isa sa mga paraan kung papaanong
sinusukat  ng isang tao ang sarili niya.
B.    Panayam:
Ang mga gawaing ito ang mga pangunahing batis o impormasyon.
Maaaring kumunsulta sa mga libro o sa internet subalit mas
makatotohanan ang impormasyon na manggagaling mismo sa isang
mapagkakatiwalaang batis.
Bago makasulat ng isang Dokumentaryong Panradyo, narito
ang mga dapat tandaan:
1.    Magsaliksik ng mga impormasyon.
2.    Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na
binanggit sa mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong
sinulat.
3.    Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa.
 

 
RADYOMENTARYONG MAKABAGO
Tandaan:
Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang
popular kung saan ang mga bagay na pawang gumagamit ng mga
bagong kasangkapan, imahe, diwa at iba pang kaugnay na paksa,
upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating
nakagisnan ng mga Pilipino.
I-click ang link sa ibaba upang mai-download ang buong kopya
–> komentaryongpanradyo

You might also like