You are on page 1of 13

DOKUMENTARYONG

PANTELEBISYON
TELEBISYON

- Itinuturing na
mahalagang midyum sa
larangan ng broadcasting.
DOKUMENTARYONGTELEBISYON

-Ito ay isang programa o palabas na naglalayong


maghatid ng komprehensibo, mapanuri at masusing
pinag- aralang proyekto o palabas na sumasalamin sa
katotohanan ng buhay na kalimitang tumatalakay sa
isyu, problema, kontrobersyal na balita na may
kinalaman sa ating lipunan.
DOKUMENTARYONGTELEBISYON

-Layunin nito na magbigay ng mga


tiyak at totoong impormasyong
gigising sa isip at damdamin ng
isang tao,patungkol sa isang isyu.
Kilala sa larangan ng Dokumentaryong
pantelebisyon:

- Che- Che Lazaro - Reporter’s Note book


- Jessica Soho - I-witness
- Kara David - Reel Time
- Motorcycle Diaries
- Howie Severino - Krusada
- Sandra Aguinaldo - Investigative
- Jay Taruc Documentaries
Ekspresyong Hudyat ng kaugnay na Lohikal

Sa paglalahad ay mahalagang maipakta


ang wastong pagkakasunod-sunod at
ugnayan ng mga pangyayari.

Kailangang lohikal na maipakita ang


ugnayan upang madaling makuha o
maunawaan ang mensaheng nais
iparating ng nagsasalita o
nagpapahayag.
Ekspresyong Hudyat ng kaugnay na Lohikal

1. Sanhi at Bunga
- Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay dapat
na maliwanag na makita ng mga mambabasa o
tagapakinig. Ang Pangatnig na sapagkat, pagkat,
palibhasa, dahil, kasi , kaya, bunga, at iba ay
madalas na ginagamit.

- Halimbawa: Nagsikap siyang mabuti sa kaniyang


pag-aaral Kaya gumaganda ang kanyang buhay.
Ekspresyong Hudyat ng kaugnay na Lohikal

2. Paraan at Resulta

- Nagsasaad kung paano nakuha ang resulta. Ang pag-


ugnay na sa ay karaniwang ginagamit sa ganitong
pahayag.

Halimbawa: Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng


kanyang kaibigan.

Sa sipag niyang magtrabaho, nagustuhan


siya ng kanyang amo.
Ekspresyong Hudyat ng kaugnay na Lohikal
3. Kondisyon at Resulta

- Sa ugnayang ito ipinakikitang maaring maganap o


sumalungat ang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
Ang mga oag-ugnay na kung, kapag, sana, sakali, ay
maaring gamitin sa pahayag na ito.

- Halimbawa: Kung magsisikap ka sa buhay, hindi ka


mananatiling mahirap.

- Kung nakinig ka sana sa iyong magulang, hindi magiging


ganyan ang iyong buhay
Ekspresyong Hudyat ng kaugnay na Lohikal
4. Paraan at Layunin

- Isinasaad ng ugnayang ito kung paano makakamit ang


layunin gamit ang paraan. Ang mga pang- ugnay na upang,
para, nang, at iba pa ay gamit sa ganitong pahayag,

Halimbawa: Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang


mabago ang kanyang buhay.
Para makatulong sa magulang, nagsikap siya
nang husto sa pag-aaral.
Ekspresyong Hudyat ng kaugnay na Lohikal
5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili

- Ito ay magkaugnay sapagkat nag-aalinlangan o nagdududa ay nag-


aatubili o hindi kaagad isinasakatuparan o pinaniniwalaan ang isang
bagay.
- Ang isang nag-aatubili ay bunga ng pag-aalinlangan
- Ang mga salitang hindi sigurado, yata, tila, baka, marahil at iba pa ay
maaring gamitin sa ganitong pahayag kasama ang pang-ugnay na kaya,
samakatwid, kung gayon.

- Halimbawa: Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko magawa


ang bagay na iyan.
Ekspresyong Hudyat ng kaugnay na Lohikal
6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi

- Ito ay ugnayang nagsasaad ng katiyakan o kasidhian. Ilan sa mga


salitang ginagamit dito ay ang siyang tunay , walang duda, sa
katotohanan, talaga, tunay, siyempre. Kasama ang pag-ugnay na na
at nang.

- Halimbawa: Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay at walang


dudang napatunayan ko ito.

You might also like