You are on page 1of 29

8

Filipino
Ikatlong Markahan-Modyul 7:
PELIKULA
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikatlong Markahan- Modyul 7: Pelikula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Menchi B. Lagang
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Julieta C. Lavisores
Tagaguhit: Menchi B. Lagang
Tagalapat: Menchi B. Lagang
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – FILIPINO
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Kagawarang ng Edukasyon-Rehiyon XI-Sangay na Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
8

Filipino
Ikatlong Markahan-Modyul 7:

PELIKULA
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Aralin

1 PELIKULA

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!

Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot ang

naunang mga aralin. Sa pagkakataong ito ay pag-ukulan mo
naman ng kaunting oras ang pag-aaral tungkol sa Pelikula upang
masagutan ng maayos ang mga gawain.
Sa modyul na ito, lilinangin ang iyong kakayahan upang
matutuhan mo ang aralin patungkol sa Pelikula.

Sa araling ito, inaaasahang:

- nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa
interes at pananaw ng nagsasalita; at (F8PN-IIIg-h-31)

- nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: -

Paksa/tema-layon gamit ng mga salita -mga tauhan; at
(F8PU-IIe-f-26)

- nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa

mundo ng pelikula; at (F8PT-IIIg-h-32)

- naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa

mahahalagang isyung mahihinuha sa napanood na
pelikula; at (F8PD-IIIg-h-32)

- nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang

bantas, baybay, magkakaugnay na pangungusap/talata)
sa pagsulat ng isang suring- pelikula (F8WG-IIIg-h-33).

1
Subukin Natin

A. Bilang pagsisimula, ating pag-aralan ang mga pamagat sa ibaba. Alin

kaya rito ang mga pamagat na napabilang sa pelikulang Pilipino? Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

100 TULA ANAK SAN

PARA KAY ANDREAS
STELLA

DIARY NG
SPACE PANGET PAGPAG
SWEEPERS NINE LIVES

PELIKULANG PILIPINO

1.

2.

3.

4.

2
Aralin Natin

Magiliw kitang binabati sa pagsagot sa mga katanungan sa SUBUKIN

NATIN. Ngayon naman ay dadako tayo sa susunod na bahagi ng Modyul
upang higit na mabibigyang linaw ang aralin. Muli nating subukin ang iyong
kakayahan sa pagbasa at pag-unawa sa isang halimbawang pelikula na
pinamagatang “ANAK.”

“ANAK”
Buod

Mga Tauhan:
Vilma Santos - Josie
Claudine Barretto - Carla
Joel Torre - Rudy Karagdagang kaalaman…
Baron Geisler - Michael
Ang pelikulang ito ay nilalapatan ng
Sheila Mae Alvero - Daday
Amy Austria - Lyn Musika ni Freddie Aguilar na Anak.
Cherry Pie Picache - Mercy Unang narinig noog 1977 bilang
Leandro Muñoz - Brian kalahok na awit sa Metropop Song
Tess Dumpit - Norma Festival at sumikat sa buong mundo
Cris Michelena - Arnel ang awiting ito. Ang mensahe ng
Angelica Panganiban - batang Carla kanta ay karaniwang sumasalamin
Carlo Aquino - batang Michael sa mga kabataan noon at lalo na sa
Gino Paul Guzman - Don Don mga panahong ngayon.
Jodi Sta. Maria - Bernadette
Odette Khan - Mrs. Madrid
Jiro Manio – Jason

3
“ANAK”
Buod

Ang istorya ay tungkol kay Josie na ang gumaganap sa pelikula ay

si Vilma Santos, isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic
worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya
upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit niya na
ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang
mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis n’ya ang mga pasakit
ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang
mga anak sa kanilang paglaki.

Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa

pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay
magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang
matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang
bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at
walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya
ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang
makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na
lumilipas ay nabatid niya ang mga pag-uugali nito.

4
Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla.Ang pag-aaral,
paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalaki at
paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap,
ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang
pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing
pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos
nito ang perang ibabahagi sana niya

➢ Nararapat bang gayahin sa mga kabataan ang ipinakitang pag-

uugali ni Carla? Bakit? Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.
____________________________________________________________

_________________________________.

5
Si Josie ay maraming pagkukulang sa kanyang pamilya. Isa siyang
masamang ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang
paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa
kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan
rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila kahit malayo siya sa
kanilang tabi. At mula nang pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla
sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang
kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-
alis ng ina.

WAKAS!

➢ Bilang anak, paano mo masuklian ng kabutihan ang

pagsasakripisyo ng iyong mga magulang sa’yo?
_______________________________________________________

_____________________________________.

6
Gawin Natin

Magaling! At natapos mo nang basahin ang buod ng Pelikulang Anak.☺

Magiliw rin kitang binabati sa pagsagot sa mga katanungang ibinigay sa
ibaba. Ngayon naman ay pagtuonan mo ng kaunting oras ang pag-aaral
tungkol sa Pelikula.

Ang Pelikula ay tinatawag na sine at pinilakang-tabing ay isang

likhang-sining at bahagi ng industriya ng libangan. Kauna- unang

Pelikulang ginawa sa Pilipinas ay ang Dalagang Bukid sa direksiyon

ni Jose Nepomuceno noong 1919 base sa Zarzuela na isang Highly-

acclaimed Melo-Drama ni Hermogenes Ilagan at ni Leon Ignacio .

Noong 1929, ang Syncopation, na isang kaunaunahang pelikulang

may tunog ay ipinalabas sa Radio Theater sa Maynila sa Plaza Sta.Cruz

ay gumawa ng Talkie o pelikulang may lapat na tunog sa mga lokal na

produser ng pelikula at noong disyembre 8, 1932 ay ginawa ang unang

tagalog na Pelikula na Pinamagatang “Ang Aswang”, ito ay may temang

katatakutan noong 1930s.

7
Ang mga Plipino ay namangha sa pagpili ng tema ng pelikula,
karamihan dito ay tungkol sa mga pinagdaanan ng mga Pilipino sa mga
mananakop, tulad ng Patria Amore; Mutya ng Katipunan ni Julian
Manansala na mayroong elemento ng propagandang Anti-spanish. Si Carmen
Concha, unang babaeng Direktor sa Pilipinas ay gumawa ng mga ilang
pelikula tulad ng Magkaisang Landas at ang Yaman ng Mahirap noong
1939, sa ilalim ng Parlatone Hispano-Filipino at ang Pangarap noong 1940 sa
ilalim ng LVN Pictures.

Sa kasalukuyan, napakaraming mga pelikulang Pilipino ang nabuo at

naipalabas sa bansa na humakot ng mga parangal. Isa na rito ang pelikulang
Anak. Ang pelikulang ito ay namayagpag noong 2000 na handog ng Star
Cinema para sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa iba't ibang dako ng
mundo. Ang natatanging pelikulang ito na sumikat sa takilya at kumita ng
mahigit 110 milyong piso ay pinagbibidahan nina Vilma Santos at Claudine
Baretto. Noong 2000, ang pelikulang ito ang pinakatanyag sa kasaysayan ng
pelikula ng industriyang Pilipino dahil sa laki ng hinatak nito sa takilya.

8
Magandang Buhay! ☺ Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa mga

karagdagang kaalaman ng paksa ay kailangan mong sagutin ang

katanungang nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

➢ Bakit mahalagang pag-aralan ang Pelikulang

Pilipino?
____________________________________________________

_________________________________________

9
Mga Elemento ng Pelikula

Tema- Ito ang kaisipang nangingibabaw sa pelikula.

Pamagat- Nasasalamit dito ang pinakamensahe ng Pelikula.

Tauhan- Sila ang nagbibigay-buhay sa pangyayaring umiikot

sa kabuuan ng pelikula.

Diyalogo- sinasabing mga linya ng isang artista upang

mailahad ang mga pangyayari at malinaw na
naibibgay ang mensahe.

Sequence Iskrip – Pagkakasunod - sunod ng mga pangyayari

sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas
nito ang tunay na layunin ng kuwento.

Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang

maipakita sa manonood ang tunay na
pangyayari sa pamamagitan ng wastong
timpla ng ilaw at lente ng kamera.

Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at

pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya
ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at
damdamin ng manonood.

10
Iba pang mga Elemento Pelikula
Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo
at paglikha ng dokumentaryo dahil sa
pamamagitan nito ay naihaharap nang
mahusay at makatotohanan ang mga
detalye ng palabas.

Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng

lugar, eksena, pananamit at
sitwasyon para sa masining na
paglalahad ng biswal na
pagkukuwento.

Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano

patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o
pelikula.

Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng

mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na.
Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain
kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di
makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula
dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

11
Mga karagdagang Kaalaman na dapat isaalang-alang sa pagbuo
ng isang Suring pelikula:

1. Istorya o Kwento
➢ May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo
na o ito’y isang gasgas na kwento lamang?
➢ Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula
upang lubos na maunawaan ng mga manonood?

2. Pamagat
➢ Mayroon ba itong impact sa manonood?
➢ Nakikita ba kaagad at nauunawaan ng manonood ang mga
simbolismo na ginamit sa pamagat?
➢ Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng pelikula?

3. Tema
➢ May taglay ba itong kaisipan at diwang titimo sa isip at
damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga
karanasan sa buhay?

4. Diyalogo
➢ Angkob ba ang mga salitang ginamit sa kabuan ng pelikula?
➢ Angkop ba ang lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari?
➢ Naayon ba sa mga manonood diyalogong ginamit?

5. Sinematograpiya
➢ Naayon ba sa takbo ng mga pangyayari ang kuhang anggulo?
➢ Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula?

6. Iba pang aspektong teknikal

➢ Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula?
➢ Akma ba ang mga nilapat na musika?
➢ Makatotohanan ba ang epecial effects?

12
Sa pagbuo ng isang mabisang paksang pampelikula ay nararapat na
isaalang-alang ang bawat kuha at anggulo nito, tinatawag itong camera shots
at angles sapagkat lalo nitong pinagaganda ang screenplay ng isang obra
maestra. Malaki ang naitutulong nito upang mas maging kapani-paniwala
ang bawat galaw,emosyon,at kakintalan.

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera

1. Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na

“scene- setting”. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong
senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging
takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.

2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula

baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong
may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap.
Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.

3. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay

lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay
ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel.

4. Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up

shot”. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up.
Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na
sa buong mukha.

5. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang
anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.

6. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang
anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.

7. Birds Eye-View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na

anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay
nasa ibabang bahagi.

13
Iba't Ibang Uri ng Bantas at Ang Mga Gamit Nito

Ang bantas ay ang iba't ibang simbolo na ginagamit upang

maging malinaw at wasto ang pagkakaintindi sa isang teksto. Narito
ang iba't ibang bantas at ang tamang gamit ng mga ito.

Tuldok (.)-Ito ay ginagamit sa hulihan ng mga pangungusap na

pasalaysay, pakiusap at pautos. Ginagamit rin ito sa
mga pangalan at salitang dinaglat o pinaikli.

Halimbawa: Bb. Menchi B. Lagang

Tandang Pananong (?)-Ito ay ginagamit sa mga pangungusap na

patanong.

Halimbawa: Ano ang ginawa mo?

Saan ka pupunta?

Tandang Padamdam (!)-Ito naman ay ginagamit sa mga parirala,

kataga o pangungusap na nagsasaad ng
masidhing damdamin.

Halimbawa: Naku! Nabasag.

Gamit ng Kuwit (,)- Ginagamit ito kung kailangan ng saglit na

paghinto sa pangungusap.

➢ Paghihiwalay ng mga magkakasunod na salita.

Halimbawa: Singkamas, Talong, at Okra.

14
➢ Pagkatapos ng bilang ng petsa at sa pagitan ng kalye, purok
at bayan.

Halimbawa:

Noong Augosto 21,2019 ako nagpunta sa

San Miguel,Tagum City.

Gitling (-) - Ginagamit sa pag-uulit ng salitang ugat o sa

pantig ng salitang ugat

Halimbawa:
Araw-araw
Gabi-gabi

➢ Ginagamitan ng gitling ang mga apelyido ng babaeng nag-

asawa upang ipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga
pa.
Halimbawa:
Lydia Cagadas Bute-Lagang

Panipi (" ")- Ginagamit ang panipi sa tahasan o tuwirang sinasabi

ng nagsasalita at karaniwang gamit din nito ay sa
mga usapan sa isang diyalogo.

Halimbawa:
“Magparaya! Isipin mo na lang na dumagsa
ang kamag-anak na buwaya,” wikang may
ngiti ni Tandang Selo.

15
Sanayin Natin

☺ Binabati kita dahil natapos mo nang pag-aralan ang panibagong

Aralin sa Modyul na ito. Ngayon naman, simulan na nating sanayin ang iyong
pag-unawa sa paksa.
GAWAIN A:
Panuo: Punan ng angkop na bantas ang sumusunod na pangungusap
at piliin sa loob ng kahon ang wastong sagot. Isulat sa sagutang
papel.
? : . , “” ! -

Bangungot
ni: Chang

(1)Bakit ngayon ka lang_____ (2)Araw___araw akong

nagbakasakaling uuwi ka pero ni isang bakas wala akong nakita______

Kaytagal kitang ninihintay.(3) Layas_____mas pipiliin kong mag-isa kaysa

makasama kang puro kasinungalingan ang bumabalot sa ating dalawa! (4)

Natatawa ako nang marinig ko ang balitang mayro’n ka ng iba_____(5) Pero

bakit____ (6) Bakit ika’y mahal parin____

(7) Napaluha na lamang si Gng__Lydia Cagadas Bute___Lagang

habang (8) nakatitig sa larawang kupas na isinabit sa dingding___ Naalala

/
tuloy niya ang (9) masasaya___masasakit___at mapait na kahapon.

(10) __Malaya na ako__ tugon niya sa sarili.

16
GAWAIN B:
Naaalala mo pa ba ang Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha
ng Kamera? Ngayon ay susukatin natin ang iyong kaalaman at
kasanayan. Maaari mong balikan ang mga Kaalamang makita sa
pahina 12. Mula sa mga larawang nasa ibaba, tukuyin kung anong
uri ng anggulo at kuha ng kamera ito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Larawang kuha ni Menchi B. Lagang mula sa “Tagbibinta Falls Maragusan” 2019 Larawang kuha ni Menchi B. Lagang 2019 Larawang kuha ni Menchi B. Lagang 2019

1._____________________ 2.____________________ 3.___________________

Larawang kuha ni Menchi B. Lagang mula sa “ Siargao Island” 2018 Larawang kuha ni Menchi B. Lagang “Tinuy-an Falls Surigao del Sur”2019

4._______________________________ 5._______________________________

17
Tandaan Natin

Natatandaan mo pa ba ang iba’t ibang Elemento ng Pelikula? Muli

nating sukatin ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng inihandang gawain
para sayo. Piliin sa loob ng kahon ang mga elemento na hinihingi sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tema Tauhan
Sequence Iskrip Pamagat
Tunog at Musika Disenyong Pamproduksyon

___________1. Ito ang kaisipang nangingibabaw sa pelikula.

___________2. Nasasalamit dito ang pinakamensahe ng Pelikula.

___________3. Sila ang nagbibigay-buhay sa pangyayaring umiikot

sa kabuuan ng pelikula.

___________4. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang

kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay
na layunin ng kuwento.

___________5. Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng

ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo.

18
Suriin Natin

Sa pagkakataong ito ay kailangan mong mabatid na ang Pelikulang

Anak ang isa sa tumatalakay sa mga isyu at suliraning panlipunan na

nangyayari sa ating kasalukuyang panahon. Bilang kabataan sa makabagong

panahon ay bibigyan ka ng pagkakataong suriin ang pelikulang ito gamit ang

Graphic Organizer. Gayahin ang pormat sa ibaba at isulat ang iyong sagot sa

sagutang papel.

ANAK
PAMAGAT

PAKSA/TEMA LAYON

GAMIT NA MGA SALITA

MGA TAUHAN

19
Payabungin Natin

Mahusay at malapit mo ng maisakatuparan nang lubusan ang

pagkaunawa mo sa paksa. Ipagpatuloy mo pa ang iyong kagalingan sa
pagsagot. ☺

Panuto: Tukuyin ang isyung panlipunang nangingibabaw sa larawang

iyong nakikita sa ibaba o kaugnay sa pelikulang napanood.
Ibahagi ang iyong sariling hinuha. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

_____________________________________________________________________

____________________________________________.

20
Pagnilayan Natin

Isang Mapagpalang Araw sa iyo! ☺

Binabati kita dahil nalagpasan mo ang mga naunang gawain na nasa

modyul na ito. At upang mapagtagumpayan ang Module 7 ay kinakailangan

mo nang tapusin ang huling gawaing inihanda ko. Ikaw ay naatasang magsuri

ng isa sa mga Pelikulang napanood mo na may Temang Teenage Pregnancy

at ipahayag ng pasulat ang iyong sariling pananaw tungkol dito upang

maimulat ang iyong kamalayang panlipunan. Gawing gabay ang ang ibinigay

kong Pamantayan sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

PAMANTAYAN
Kalinawan ng Mensahe 10
Nagagamit ang kahusayang gramatikal
(may tamang bantas, baybay). 15
Magkakaugnay na pangungusap/
talata sa pagsulat ng isang suring- 15
pelikula.

Kabuuang Awtput 10

KABUUAN 50 Puntos

21
Ang Pamagat ng Pelikulang aking napanood ay…________________
__________________________________________________________________

____________.

22
23
NASA GURO ANG PAGPAPASYA
Sanayin Natin:
GAWAIN A & GAWAIN B
Tandaan Natin
Suriin Natin
Payabungin Natin
Pagnilayan Natin
SUBUKIN NATIN
1.ANAK
Tandaan Natin
1. Tema 2. DIARY NG PANGET
2. Pamagat
3. Tauhan 3. 100 TULA PARA KAY
4. Sequence Iskrip STELLA
5. Tunog at Musika
4. PAGPAG NINE LIVES
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

K to12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino

Department of Education 2016, 45-66

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino

Grade 8. https://e – edukasyon.ph Filipino

Balanzo, Iluminida C. Gintong Pamana (Wika at Panitikan)

Batayang Aklat Ikaapat na Taon, Muling Paglimbag 2007, SD
Publishing: 1251 G. Araneta Corner Ma. Clara St., Quezon City.

Https://www.facebook.com/PanitikanSaFilipinoIvViii/
posts/322664994546437/

https://www.google.com/search?q=buod+sa+pelikulang+anak&oq=bu
o&aqs=chrome.0.69i59j0i67i433j69i57j35i39j0i67i395l6.2843j1j15&s
o urceid=chrome&ie=UTF-8

Lagang, Menchi B. “Tagbibinta Falls ”. August 11, 2019

Picture,Maragusan, Davao de Oro.
Lagang, Menchi B. “ Siargao Island” April 28, 2018 Picture, Siargao
Island.
Lagang, Menchi B. “Tinuy-an Falls” May 28,2019 Picture, Surigao del
Sur.

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawarang ng Edukasyon-Rehiyon XI-Sangay na Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

25

You might also like