You are on page 1of 18

8 Filipino

Unang Markahan – Modyul 5:


Panitikan: Epiko
F8PB-Ig-h-24 / F8PS-Ig-h-22
Ang modyul na ito ay binuo upang tugunan ang pangunahing
pangangailangan ng mga mag-aaral at iyon ang maipagpatuloy ang pagpapayabong
ng kaalaman sa kabila ng sitwasyong kinahaharap ng bansa.

Ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng modyul na ito ay makapagpapamalas


ng kakayahang makapagsuri, makapagbigay at makapaghambing ng impormasyong
inilalahad sa akdang babasahin. Ang paksa nitong epiko ay makatutulong sa mga
mag-aaral na mapanatili at mapaunlad ang kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino
na minana pa natin bilang isa sa katutubong panitikan ng lahi. Sa mga ganitong
panitikan masasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing
ng buhay at hangarin ng mga Pilipino.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng dalawang mahahalagang MELC


(Most Essential Learning Competencies),

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:


- paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
- dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)
Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:
- Paghahawig o pagtutulad
- Pagbibigay depenisyon
- Pagsusuri (F8PS-Ig-h-22)
-
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:

1. nasusubok ang kaalaman sa bagong aralin;


2. nakikilala ang sariling mga katangiang pisikal at panloob;
3. nakapagbubuod ng kwento sa pamamagitan ng pagbabalangkas;
4. nakababasa ng akda nang may pag-unawa;
5. natutukoy ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga
salitang ginamit sa teksto;
6. nakapagbibigay ng makabuluhang sagot mula sa mahahalagang tanong;
7. nahihinuha ang maaaring kahinatnan ng mga pangyayari sa teksto;
8. naiuugnay ang kaisipang nakapaloob sa akda sa mga isyung nagaganap sa
ating lipunan; at
9. nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa

1
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na mga pahayag.
Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

1. Nagkaroon ng digmaang sibil sa Kembayat kaya tumakas ang


sultan, sultana at ang mga nasasakupan nito sa ibang lugar.

2. Inapi ng asawa ni Diyuhara si Bidasari dahil sa labis


pagseselos niya rito.
3. Mistulang nimpang makalangit ang kagandahan ng mukha ni
Bidasari.

4. Ipinabihag ni Sultan Mogindra si Bidasari upang gawing kabiyak


niya.

5. Dahil busilak ang puso ni Lila Sari, tinulungan niya si Bidasari na


makatakas sa kamay ng mapaniil na sultan.

6. Nang makuha ni Lila Sari ang gintong isda pinahihintulutan na


niya si Bidasari na makabalik sa kini-kilalang magulang nito.
7. Sa tuwing ikinukuwintas ni Lila Sari ang gintong isda, si Bidasari
ay nawawalan ng buhay sa araw at sa gabi naman kapag naibalik
nang muli sa tubig ang isda, siya ay muling nabubuhay.

8. Nagalit si Sultan Mogindra kay Lila Sari dahil sa kasamaang


ginawa niya kay Bidasari.

9. Dahil kay Sinapati, natuklasan ang katotohanang tunay na


anak nina Sultan Mogindra at Sultana Lila Sari si Bidasari.

10. Ipinagtapat ni Diyuhara sa sultan at sultana ng Kembayat na


natagpuan nila si Bidasari sa isang bangkang malapit sa ilog.

11. Iniwan ng mag-asawang sultan at sultana ng Kembayat ang


kanilang bagong silang na anak upang makatakas sa dayuhang nais
sumakop sa kanilang lupain.

12. Napulot ng katulong ng mag-asawang Diyuhara ang sanggol na


nakalagay sa bangkang nasa tabing-ilog.

13. Inutusan ni Lila Sari ang mga batyaw upang malaman kung may
babaeng nakahihigit ang ganda kaysa sa kanya.

14. Sa takot ni Diyuhara nab aka tuluyang patayin ni Lila Sari si


Bidasari, kumuha siya ng kawal na magbabantay kay Bidasari araw
at gabi.

15. Kinaibigan ng anak na lalaki ni Diyuhara si Sinapati dahil


kamukhang-kamukha ng kinikilala niyang kapatid

2
Aralin
Epiko: Bidasari (Epiko ng Mindanao)
5

“Ang tunay na pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, ito’y hindi


nananaghili o nagmamapuri”

Sa nagdaang aralin ay tinalakay ang banghay na isa sa mahalagang elemento ng


mga akdang tuluyan tulad ng kuwentong-bayan. Bilang pagbabaliktanaw, bumuo
ng balangkas ng kuwentong-bayan na “Naging Asawa ng Sultan ang babaeng Pipi’t
Bingi” sa pamamagitan ng pagtukoy sa mahahalagang elemento nito. Gamitin ang
tsart.

Pamagat ng kuwentong-bayan

Mga Pangunahing Tauhan

Tagpuan

Galaw ng Pangyayari

- Simula

- Gitna

- Wakas

Anong gintong aral ang iyong natutunan mula sa


akda?

3
Kilala mo ba ang iyong sarili? Tukuyin ang magaganda mong katangian, pisikal man
o panloob na sa palagay mo’y nakabibighani o nagiging dahilan upang magustuhan
ka ng mga tao sa iyong paligid. Isulat sa loob ng ulap ang iyong sagot.

4
Basahin nang may pag-unawa ang akda.

Bidasari
Bago pa lamang nalaman ng Sultan ng Kembayat na ang Sultana ay
nagdadalang-tao at siya'y maligaya. Ngunit ang salot na Ibong Garuda ay lumusob
sa kanyang kaharian at namuksa ng mga tao. Ang buong kaharian ay napilitang
umalis at nagtago sa namumuksang ibon. Napahiwalay sa mga kasama ang Sultana
at ang Sultan at sa kanilang paglalakad ay inabot ng panganganak ang Sultana sa
tabi ng ilog. Sa malaking takot sa Ibong Garuda, iniwan nila ang sanggol sa isang
bangkang nakita sa tabing-ilog at nagpatuloy ang dalawa sa pagtatago. Bagama't
halos madurog ang puso ng Sultana, napilitan nilang iwan ang sanggol.

Nang ang pinakamayaman na mangangalakal sa buong bayan ng Indrapura


na si Diyuhara ay nagpapasyal sa tabing ilog na kasama niya ang kanyang asawa,
nakarinig siya ng iyak ng sanggol. Pagkakita nila sa sanggol na babaing pagkaganda-
ganda, dinala nila agad ito sa bahay at binigyan ng apat na tagapagalaga at higaang
may kalupkop ng tunay na ginto. Bidasari ang kanilang ibinigay na pangalan.
Habang lumalaki, si Bidasari ay lalong gumaganda.

Ang Sultan Mogindra ng Indrapura ay dalawang taon ng kasal kay Lila Sari
ngunit natatakot ang babae na baka ang sinabi sa kanya ng Sultan na siya ay mahal
na mahal at hindi nya nais na mapahiwalay ay hindi mangyayari. Natatakot si Lila
Sari na ang kanyang asawa ay makakita ng isang higit na maganda kaysa sa kanya
at siya ay iwanan. ''Kung may makita kang lalong maganda kaysa sa akin,
malimutan mo kaya ako?'' At pabirong isinagot ng Sultan, ''kung may lalong
maganda kaysa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat!'' Kaya,
kinabukasan, ang Sultana ay nagdala sa lahat ng dako ng mga batyaw upang alamin
kung may makikitang higit na maganda kaysa sa kanya. At nakita ng mga batyaw
si Bidasari.
Sa pagkukunwaring gagawing dama ng Sultana, si Bidasari ay nadala sa
palasyo at ipinakulong ni Lila Sari. Pinapasok ni Lila Sari si Bidasari sa kulungan
nito sa tuwing aalis ang Sultan at doon ay pinapalo, sinasampal at minumura
hanggang sa hindi na nakatiis si Bidasari. Sinabi ni Bidasari, ''kung ibig ninyo akong

5
mamatay, Kunin ninyo ang isdang ginto sa hardin ng aking ama. Kapag araw, ito'y
kwintasin ninyo at kapag gabi ay ibalik ninyo sa tubig, sa gayo'y hindi maglalaon at
ako ay mamamatay.'' Ipinakuha ni Lila Sari ang isda at pinahintulutang makabalik
si Bidasari sa kanyang mga magulang.

Nangyari ang mga sinabi ni Bidasari. Sa


araw, kapag ikinukwintas ng Sultana ang isda,
si Bidasari ay nakaburol sa kanilang bahay at
sa gabi lamang nabubuhay siyang muli. Sa
takot ni Diyuhara na baka tuluyang patayin ng
Sultana si Bidasari, nagpatayo siya ng isang
magandang palasyo sa isang gubat na malayo
sa Indrapura at doon itinirang mag-isa si
Bidasari. Laging sarado ang palasyo.

Palagay ang kalooban ng Sultana sa paniniwalang si Bidasari ay namatay.


Nguni't isang araw, nang walang maraming ginagawa ang Sultan, naisipan nitong
mangaso sa gubat. Sa paghahanap niya ng usa, nakasapit ito sa palasyo ni Bidasari.
Saradong-sarado ang palasyo. Kaya lalong pinagnasaan niyang mapasok ito.
Natagpuan niyang walang katao-tao. Pinasok nya ang lahat ng silid at sa wakas ay
nakita niya ang kwartong kinabuburulan ni Bidasari. Nagtaka siya. Ngunit hindi
niya ginising si Bidasari. Kinabukasan ay nagbalik siya't naghintay hanggang
sumapit ang gabi. Nabuhay na muli si Bidasari na lubhang hinangaan ng Sultan
ang kagandahan nito. Sinabi ni Bidasari ang katotohanan. Galit na galit ang Sultan.
Pinakasalan agad nito si Bidasari at siyang pinaupo sa trono na katabi niya
samantalang si Lila Sari ay natirang nag-iisa sa kanyang palasyo.

Pagkalipas ng maraming taon, ang mga tao sa Kembayat ay nagbalikan na.


Ang mga magulang ni Bidasari ay nagkaroon pa ng isang anak na pinangalanang
Sinapati. Sa Kembayat ay dumating ang isang anak na lalaki ni Diyuhara, na
inaakala ni Bidasari na tunay na kapatid. Nang makita niya si Sinapati ay nagulat
siya sapagkat kamukhang-kamukha ito ni Bidasari. Kinaibigan niya si Sinapati at
ibinalita na siya'y may kapatid na kamukhang-kamukha ni Sinapati. Dahil dito'y
itinanong ni Sinapati sa mga magulang kung siya'y may nawawalang kapatid.
Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura sa pagbabakasakaling si Bidasari ang
nawawalang anak. Gayon na lamang ang pagtataka ng lahat dahil sa pagiging
magkamukha ng dalawa. Nang sabihin ni Sinapati na siya'y naghahanap ng kapatid
na naiwan sa bangka ay nabatid na niyang si Bidasari ay tunay niyang kapatid dahil
sa pagtatapat ni Diyuhara.

Si Sinapati'y iniharap kay Sultan Mogindra at naging maligaya ang lahat nang
magkakilala ang magkapatid sapagkat si Bidasari pala'y isang tunay na prinsesa.

Mga Tala para sa Guro


Ang Edukasyon ang pinakamahalagang kayaman ng isang
indibidwal, kaya hindi kailanman matitinag ang bawat isa.
Ang pag-aaral ay ihahatid ng walang takot at pangamba.

6
Alam mo ba?

Ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na maaaring


lapatan ng himig o tono. Nagpasalin-salin lamang ito sa mga bibig ng tao kung
kaya walang tiyak na may akda nito. Nagsasalaysay ito ng mga kabayanihang
halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Ito rin ay
nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga
panganib at kagipitan.

Ang epiko ay nagpapahalaga sa mga paniniwala, kaugalian, at layunin sa


buhay ng mga tao. Pinapaksa dito ang mga kabayanihan at kabutihan ng isang
tao, at maging ang kalagayan ng mga tribo o katutubo.
Ang Bidasari na halimbawa ng epikong iyong mababasa ay maromansang
epiko ng Mindanao. Tungkol ito sa matandang paniniwalang ang buhay ay
napatata gal kung ang kaluluwa ng isang tao ay ipaloloob o paiingatan sa isang
hayop, isda, punong-kahoy o bato. Ang Bidasari ay laganap sa pook ng mga
Muslim subalit ito ay hindi kathang Muslim kundi hiram lamang dahil ang ori
hinal na katha nito ay nasusulat sa Malay. Itinuturing itong kawili-wiling tula sa
buong panitikang Malay.

Pagyamanin

Upang matukoy ang mga kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga


piling salita sa epikong binasa, sagutin ang sumusunod na mga gawain.

Pang-isahang Gawain Blg. 1:


Panuto: Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na
kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng panaklong.

( kawal ) 1. Ang Sultana ay nagpadala sa lahat ng dako ng mga batyaw, upang


malaman kung may babaeng nakahihigit ng ganda sa kanya.

( pinag-interesan ) 2. Pinagnasahang pasukin ng sultan ang palasyong nakatayo sa


loob ng kagubatan.

( nagtagal ) 3. Hindi naglaon, ang madilim na balak ng asawa ay natukla- san ng


sultan.

( layunin ) 4. Ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang pakay sa mahal na


hari.

( kinamulatan ) 5. Ang bata ay lubos na minahal at inaruga ng kanyang mga


kinagisnang magulang.

7
Pang-isahang Pagsusulit Blg. 1:

Panuto: Gamitin sa sariling pangungusap ang salita na nasa loob ng panaklong mula
sa naunang gawain.

1. _______________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4. _______________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

5. _______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Pang-isahang Gawain Blg. 2:


Panuto: Piliin ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang nakasulat ng pahilig
ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Lubhang hinangaan ng sultan ang kagandahan at kabutihang-loob ng dalaga.

a. binalewala c. pinag-ukulan ng pansin

b. pinahalagahan d. pinuri
2. Natalos ng dalaga na ang paninibugho ay walang mabuting maidudulot sa
isang samahan.
a. nabatid c. nalaman

b. nakalimutan d. naiintindihan

3. Ang kawangis ng dalaga ay isang nimpang marikit.

a. kaakit-akit c. maganda

b. kahanga-hanga d. pangit

4. Ang masamang ugali ay itinuturing na salot sa isang masayang samahan.

a. hadlang c. sumpa

b. malas d. suwerte

5. Maituturing na isang pambihirang katangian ang pagkakaroon ng pusong


mapagkumbaba.

a. di-pangkaraniwan c. kamangha-mangha

b. kahanga-hanga d. pangkaraniwan

8
Pang-isahang Pagsusulit Blg. 2:

Panuto: Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salita bago ang bilang.

hinangaan 1.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________

natalos 2. __________________________________________________________________

___________________________________________________________________

marikit 3. __________________________________________________________________

___________________________________________________________________

salot 4. __________________________________________________________________

____________________________________________________________________

pambihira 5. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pang-isahang Gawain Blg. 3:

Panuto: Bukod sa mga salitang nasa loob ng panaklong sa Pang-isahang


gawain Blg.1 at mga salitang nakahilig sa Pang-isahang gawain Blg.2, ano
pang mga bagong salita ang natuklasan mo sa binasang akda? Ibigay ang
kahulugan nito gamit ang diksyunaryo o ang konteksto ng pangungusap
kung saan ito ginamit.

Mga bagong salita para sa akin Kahulugan batay sa pagkakaintindi sa akda

1.

2.

3.

4.

5.

9
Pang-isahang Pagsusulit Blg. 3:

Panuto: Pagkatapos matukoy ang mga bagong salita, gamitin naman ito
ngayon sa makabuluhang pangungusap.

Makabuluhang Pangungusap

1.

2.

3.

4.

5.

Panuto: Pagkatapos mabasa ang epikong Bidasari, alamin natin kung lubos mo itong
naunawaan. Sagutin ang sumusunod na makabuluhang mga tanong. Tiyaking
kumpleto ang ibibigay na kasagutan.

1. Ano ang dahilan at nawalay ang sanggol sa piling ng tunay niyang magulang na
sultan at sultana ng Kembayat? __________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Sino ang nakakuha sa sanggol? Ilarawan kung paano nila inaring tunay na anak
si Bidasari. ______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

10
3. Kailan nagsimulang magbago ang magandang buhay ni Bidasari? Makatarungan
ba ang ginawang pagtrato ni Lila Sari kay Bidasari nang ito ay patirahin niya sa
palasyo? ________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4. Ilarawan si Lila Sari. Anong negatibong pag-uugali ang naghahari sa kanyang


puso? Mayroon din bang ganitong uri ng tao sa tunay na buhay? Patunayan.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

5. Ano namang magandang pag-uugali ang iyong nakita sa katauhan ni Bidasari?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
6. Naranasan mo na bang kainggitan ng ibang tao? Kung oo, ano ang ginagawa mo
sa mga taong naiinggit sa iyo?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

7. Bakit hindi nakabubuti ang pagiging mainggitin? Paano ito makahahadlang sa


pagtatagumpay?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

8. Kung ikaw si Bidasari, mapatatawad mo kaya ang taong naging dahilan ng iyong
labis na paghihirap? Bakit oo o bakit hindi?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

11
Panuto: Iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa mga isyung nangyayari
sa ating lipunan sa pamamagitan ng pagbuo ng PECS Chart. Magbigay ng mga
dahilan, epekto, at mga posibleng solusyon kung paano malulutas ang mga
suliraning ito.

Suliranin Sanhi (Cause) Epekto Solusyon


(Problem) (Effect) (Solution)

Paglaganap ng crab
mentality sa bansa

Pagmamalupit o
pagmamaltrato sa
kapwa ng mga nasa
kapangyarihan

Labis na
pagpapahalaga sa
kapangyarihan ng
ilang mga taong
nasa katungkulan

12
Panuto: Bumuo ng paghihinuha na maaaring kahinatnan ng mga pangyayari sa
kuwento kung naganap ang mga sumusunod na pagbabago sa akda. 3 puntos sa
bawat katanungan.

1. Kung nakaligtas ang sultan at sultana sa pamumuksa ng higanteng ibong si


Garuda kasama ang kanilang bagong silang na anak.
Hinuha sa Maaaring Kinahinatnan: ______________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

2. Kung nakita at inalagaan ng mahirap na mag-asawang mangingisda ang


sanggol na anak ng sultan at sultana sa tabing-ilog.
Hinuha sa Maaaring Kinahinatnan: ______________________________________________
_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Kung naging mabait si Lila Sari kay Bidasari at inatasan niya itong maging
dama sa kanyang kaharian.
Hinuha sa Maaaring Kinahinatnan: ______________________________________________
________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________
4. Kung natakot si Bidasari na ipagtapat kay Sultan Mogindra ang pang-aapi at
pagmamaltratong ginagawa sa kanya ni Lila Sari.
Hinuha sa Maaaring Kinahinatnan: ______________________________________________
_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

5. Kung hindi nakilala ng anak ni Diyuhara si Sinapati na anak ng sultan at


sultana ng Kembayat.
Hinuha sa Maaaring Kinahinatnan: _____________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

13
Karagdagang Gawain

Dagdag Kaalaman!

Mahahalagang Elemento ng Epiko

➢ Tagpuan: Mahalagang bigyang-pansin ang tagpuan sa epiko


sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa paksa, sa
banghay, at maging sa mga tauhan. Halos bawat rehiyon o
pangkat na mayroon sa Pilipinas ay may isang natatanging
epikong kasasalaminan ng kultura at paniniwalang mayroon sa
isang lugar. Dahil sa tagpuan ay higit na nagiging malinaw kung
bakit naging ganito mag-isip at kumilos ang tauhan at kung bakit
ganito ang naging takbo ng pangyayari.
➢ Tauhan: Isa sa mga pangunahing kaibahan ng epiko sa iba pang
akda ay ang mga tauhang binibigyang buhay rito. Mapapansing
halos karamihan ng pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay
ng supernatural o di pangkaraniwang kapangyarihan. Bagama’t
may ilang pamumuno ng isang kapulungan, ang tungkulin niyang
ipagtanggol ito ay kadakilaan, at ang kanyang pagtatagumpay
laban sa sinumang kaaway ay kabayanihan at siya’y bayaning
tatanghalin at kikilalanin. Samakatuwid ang pangunahing tauhan
sa epiko ay itinuturing na bayaning may kakayahang kalabanin
ang mga hamon sa buhay para sa patuloy na pag-unlad ng
komunidad ng kanilang kinabibilangan.

Narito ang ilan sa mga Epiko sa Pilipinas


Ibalon - epiko ng mga Bikolano
Dagoy at Sudsud - epiko ng mga Tagbanua
Tuwaang - epiko ng ng mga Bagobo
Parang Sabir – epiko ng mga Moro
Lagda – epiko ng mga Bisaya
Haraya – epiko ng mga Bisaya
Maragtas – epiko ng mga Bisaya
Kumintang – epiko ng mga Tgagalog
Biag ni Lam-ang – epiko ng mga Iloko

14
Ang pagpapalawak ng paksa ay isang gawaing nagpapakita ng malawak na
kaalaman tungkol sa isang tiyak na bagay. Ngayong marami ka nang alam
tungkol sa epiko ay ipakita mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman
tungkol dito batay sa teknik na makikita mo sa dayagram.

Pagbibigay ng Sariling Depenisyon sa Epiko

Paghahambing o Pagtutulad ng Epiko sa Kuwentong-Bayan

Pagsusuri sa Iba pang Katangian at Elemento ng Epiko

15
16
PAGYAMANIN PAGYAMANIN SUBUKIN
GAWAIN Gawain A. 1. Mali
1. A 1. Batyaw 2. Mali
2. B 2. Pinagnasahang 3. Tama
3. D 3. Nalaon 4. Mali
4. D 4. Pakay 5. Mali
5. D 5. Kinagisnan 6. Tama
7. Tama
8. Tama
9. Mali
10.Tama
11. Mali
12.Mali
13.Tama
14.Mali
15.Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Baisa-Julian, Aileen, et al. Pinagyamang Pluma (K to 12). Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc. 2015

Ruiz, Florian L, et al. Ang Batikan. Quezon City: Education Resources Corporation. 2014

Asignatura na Filipino: Bidasari(epiko). Hinango sa: http://filipinoforfilipinos.blogsopts.com


/2016/03/bidasari.html

Pascual, A. (2017). Dangal ng domestic Workers. Hinango sa: https://www.versitas846.ph/


Dangal-ng-domestic-workers/

Ang larawan sa tuklasin ay hango sa: www.clipartof.com.1115086

17

You might also like