You are on page 1of 26

KAGAWARAN NG EDUKASYON

SANGAY NG LUNGSOD NG JOSE DEL MONTE


San Ignacio St., Poblacion, City of San Jose del Monte 3023 8
Filipino 8
Kwarter 2 – Modyul 7:
Naibibigay ang denotatibo at
konotatibong kahulugan,
kasingkahulugan at kasalungat
na kahulugan ng malalalim na
salitang ginamit sa akda.
(F8PT-IIe-f-25)
Filipino – Walong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7 : Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan,
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng malalalim na salitang ginamit sa akda.

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-kda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


8
Filipino 8
Kwarter 2 – Modyul 7:
Naibibigay ang denotatibo at
konotatibong kahulugan,
kasingkahulugan at kasalungat
na kahulugan ng malalalim na
salitang ginamit sa akda.
(F8PT-IIe-f-25)

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


PAUNANG SALITA
Isang malugod na pagbati ang ipinaabot sa iyo ng mga tagapagtaguyod ng
edukasyon. Bahagi ng hakbanging maging mapanuri, malikhain, may
katatasan sa pakikipagtalastasan at ganap ang pagkatao ng isang mag-
aaral, inihanda ang kagamitang pampagkatutong ito upang makaagapay ka
sa ika-21 siglong kasanayan.
Maingat na inihanda at sinuri ng mga guro at tagapagtaguyod ng edukasyon
sa pampublikong paaralan ng Sangay ng Lungsod ng San Jose del Monte
ang mga gawain/pagsasanay sa kagamitang pampagkatutong ito upang
malinang ang kritikal na kaalaman na magagamit sa aktuwal na buhay at
matamo ang konkretong pagkatuto na maghahatid sa isang tematikong
pagtanaw hinggil sa paggamit ng natutuhan.
Ang bawat gawain na inilahad sa modyul ito ay ibinatay sa pamantayang
pangkasanayan upang sanayin ang mag-aaral na tulad mo na makalikha ng
isang produktibong bunga ng iyong mga natutuhan. Bawat gawain ay
iniuugnay batay sa kakanyahang mailapat at mailipat ang mga natutuhan
sa isang kapaki-pakinabang na literasi.
Hangad ng mga tagapagtaguyod na maikintal sa iyong isipan ang
kapakinabangang matutuhan mo mula sa kagamitang ito upang maging
handa ka sa pagharap sa hamon ng buhay.
Handa ka na bang harapin ang pakikipagsapalaran sa pagbungkal ng mga
karunungan at kaalaman. Kung handa ka na, halika sabayan mo ako sa
pag-aaral ng mga aralin sa Asignaturang Filipino 8 upang sabay tayong
matuto. Maligayang Pag-aaral!
Naglalahad ang modyul na ito ng mga bahagi na may katumbas na icon
upang maunawaan mo ang araling iyong pag-aaralan at ang mga gawain o
pagsasanay na lubos na magpapatatag sa iyong kasanayan.

Mababasa at malalaman mo sa bahaging ito ang mga


Alamin
kasanayang kinakailangan mong matutunan sa module na ito.

Ito ay naglalaman ng maikling pagsasanay na susukat sa


Subukin
iyong mga nalalaman sa panibagong aralin.

Magsisilbing isang rebyu o balik-aral ang bahaging ito na


Balikan makatutulong sa iyo na pag-ugnayin ang naunang at
kasalukuyang aralin.

Ipakikilala sa iyo sa bahaging ito ang bagong aralin sa tulong


Tuklasin
ng lunsarang akdang pampanitikan.

ii
Bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin sa bahaging ito.
Suriin Naglalayon ang bahaging ito na lubos mong maunawaan ang
panibagong aralin.
Binubuo ang bahaging ito ng mga gawain na tutulong sa iyong
Pagyamanin mabuo ang iyong mga pang-unawa at kasanayan tungkol sa
aralin. Ang mga sagot sa iyong mga gawain ay nasa huling
bahagi ng module na ito.

Isaisip Tutulungan ka ng bahaging ito upang matukoy ang iyong mga


natamong mga kaalaman sa aralin.

Isagawa Makatutulong ang bahaging ito upang matulungan kang


maiugnay ang iyong natutunan sa realidad ng buhay.

Paalala
Nais kong ipaalala na ang modyul na ito ay isang mahalagang
pamana sa iyo ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na dapat mong
pakaingatan. Narito ang ilang tagubilin na iyong gagawin upang ito ay
maingatan.
1. Panatilihing malinis at maayos ang modyul. Sagutin ang mga gawain na
inihanda sa modyul na ito.
2. Ugaliing basahin at unawain ang bawat panuto sa mga gawain bago
sagutan. Huwag iiwan ang gawain o pagsasanay na hindi natapos sagutan.
3. Itabi ang modyul sa isang maayos na lalagyan kapag hindi na ginagamit
o gagamitin. Isauli sa guro ang modyul matapos na masagutan ang mga
gawain o pagsasanay kasabay ang inihanda mong portfolio. Gawin mo itong
malikhain at maayos ang paghahanay ng mga sinagutang
gawain/pagsasanay.
4. Iwasan na mabahiran ng anumang mantsa, dumi o mabasa na magiging
sanhi ng pagkupas ng kulay nito.
5. Balikan ang mga naging kasagutan sa bawat pagsasanay o gawain.
Itama ito sa tulong ng susi sa pagwawasto. Pagnilayan ang mga maling
sagot.
6. Maghanda ng hiwalay na sagutang papel para sa mga pagsasanay at
gawain na iyong sasagutan sa bawat bahagi ng paketeng ito. Ipunin ang
mga sagutang papel at ilagak mo sa iyong portfolio.

iii
Narito ang iyong gabay sa paghahanda ng Portfolio:

Portfolio para sa Filipino

Pangalan:
Baitang at Pangkat:
Petsa ng Pagpasa:
Guro:
Paaralan:
Punong guro:

iv
Alamin

Matutunghayan mo sa modyul na ito ang paksa tungkol sa


pagbibigay ng denotatibo at konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan ng malalalim na salitang ginamit sa akda.
(F8PT-IIe-f-25)

Subukin

A. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng


tamang sagot.

1. Bata pa lamang sina Maria at Leonora ay batid na nila ang realidad ng


buhay sapagkat sila ay namulat sa ________.
a. kaginhawahan c. kaguluhan
b. hirap ng buhay d. masarap na pamumuhay
2. Tuwing hapon si Maria ay kasama ng kaniyang ina sa pagtitinda ng
________ sa gilid ng pamilihan.
a. gulay c. basahang bilog
b. prutas d. pamaypay
3. Para sa magkaibigan, ________ ang susi ng magandang kinabukasan sa
gitna ng mapaglarong lipunan.
a. sipag c. kapalaran
b. edukasyon d. kayamanan
4. Ang haligi ng tahanan nila Maria ay isang karpintero. Ang konotatibong
kahulugan ng haligi ay __________.
a. ama c. ina
b. kahoy d. pader
5. Masayang ibinalita ni G. Torres ang balita kina Maria at Leonora. Ang
salitang nakasalungguhit ay may kasingkahulugan na ______________.
a. maligaya c. matamlay
b. malungkot d. masungit
6. Katulad nila Maria at Leonora, mapalad ang mga kabataang nabibigayan
ng pagkakataong makapag-aral. Ang salitang nakasalungguhit ay may
kasingkahulugan na salitang ____________.
a. malas c. pinagpala
b.magaling d. maarte

1
7. Malaki ang potensyal ni Leonora na makapag-aral sa unibersidad. Ang
salitang nakasalungguhit ay may kasalungat na salitang ____________.
a. matayog c. mataas.
b. maliit d. malawak
8. Isang araw nakatanggap ng sulat si Maria mula sa isang unibersidad sa
Maynila. Ang salitang nakasalungguhit ay may kasingkahulugan na salitang
____________.
a. liham c. bandalismo
b. tawag d. dyaryo
9. Sabay nilang sinuong ang hamon ng buhay at sabay rin nilang nakamit
ang simula ng tagumpay. Ang salitang nakasalungguhit ay may
kasingkahulugan na salitang _____________.
a. hinarap c. tinalikuran
b. binitawan d. tinanggihan
10. “Alam mo hindi talaga ako makapaniwala. Ngayon ay matutupad na ang
pangarap ko na makapag-aral sa Maynila. Maiaahon ko na rin sa kahirapan
ang aking pamilya!”, masayang sabi ni Maria. Ang salitang
nakasalungguhit ay may kasingkahulugan na salitang ______________.
a. pangako c. mithiin
b. hinaing d. suliranin
11. “Anong nangyari? Bakit ka nadapa? ”, sabi ni Maria. “Hindi ko kasi
napansin yung bato at saka nabigla ako sa binalita mo eh.”, pabirong tugon
ni Leonora.
a. Konotatibong pagpapakahulugan
b. Komparatibong pagpapakahulugan
c. Denotatibong pagpapakahulugan
d. Ideolohiyang pagpapakahulugan
12. Ang mundo ni Leonora ay tila isang teleserye na kung saan ay puno ito
ng pagsubok at pakikipagsapalaran. Ang salitang nakasalungguhit ay
ginamitan
a. Konotatibong pagpapakahulugan
b. Komparatibong pagpapakahulugan
c. Denotatibong pagpapakahulugan
d. Ideolohiyang pagpapakahulugan
13. Nag-aapoy ang pagnanais ni Maria na makapagtapos ng pag-aaral. Ang
salitang nakasalungguhit ay ginamitan ng ______________.
a. Konotatibong pagpapakahulugan
b. Komparatibong pagpapakahulugan
c. Denotatibong pagpapakahulugan
d. Ideolohiyang pagpapakahulugan

2
14. Ang ganda ng bulaklak sa kanilang hardin. Ang salitang
nakasalungguhit ay ginamitan ng _________________
a. Konotatibong pagpapakahulugan
b. Komparatibong pagpapakahulugan
c. Denotatibong pagpapakahulugan
d. Ideolohiyang pagpapakahulugan
15. Ginapang nila Maria at Leonora ang kanilang pag-aaral sa kabila ng
kanilang kahirapan. Ang salitang nakasalungguhit ay ginamitan ng
_____________.
a. Konotatibong pagpapakahulugan
b. Komparatibong pagpapakahulugan
c. Denotatibong pagpapakahulugan
d. Ideolohiyang pagpapakahulugan

Balikan

Panuto: Ilahad at ipaliwanag ang katangian ng iyong ama na


iyong hinahangaan sa kaniya. Gayahin ang ilustrasyon sa ibaba.
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1.
5.

ama
2. 4.

3.

Paliwanag:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3
Tuklasin

Basahin at unawain ang maikling kuwento.

“Kababata”
(Isinulat ni Sunshine Joy T. Perez)

Sa Lungsod ng San Jose del Monte, Lalawigan ng Bulacan naninirahan ang


mag-kaibigang sina Maria at Leonora. Sila ay makatalik na magkaibigan at
sabay na nag-aral sa paaralan. Batid nila ang kahirapang bumabalot sa
kanilang mundo dahil bata pa lamang ay namulat na agad sila sa realidad
ng buhay. Tuwing hapon si Maria ay kasama ng kaniyang ina sa pagtitinda
ng basahang bilog sa mga gilid ng pamilihan habang ang haligi ng kanilang
tahanan ay namamasukan bilang isang karpintero. Si Leonora naman ay
nangangalakal ng basura upang may ipambili ng bigas at ulam. Sa kabila
ng kanilang sitwasyon ay hindi nagpatinag sina Maria at Leonora. Sabay
silang nangarap at nanindigan na darating din ang panahon na sila ay
makaaahon sa kahirapan. Pilit nilang ginapang ang kanilang pag-aaral sa
kadahilanang edukasyon ang kanilang tanging sandigan sa gitna ng
mapaglarong lipunan. Pagtungtong nila sa hayskul ay pinili nilang mag-aral
sa Mataas na Paraalan ng Graceville dahil ito ang pinakamalapit na
paaralan sa kanilang lugar. Sa kanilang pag-aaral ay nahasa ang kanilang
angking mga talino at talento. Noon pa man ay kinahiligan ni Maria ang
magbasa ng mga libro at mag-aral tuwing hapon kaya naman nagtataasan
ang kaniyang mga grado sa eskuwela. Siya rin ang laging pambato ng
paaralan sa mga Quiz Bee. Nag-aapoy ang kaniyang hangaring
makapagtapos ng pag-aaral. Si Leonora naman ay kinahiligan ang paglalaro
ng Chess dahil tinuruan siya ng kaniyang ina noong siya ay bata pa. Bunga
nito ay nabigyan ng pagkakataon si Leonora upang lumahok sa iba’t ibang
patimpalak mula dibisyon hanggang sa pambansang lebel. Sina Maria at
Leonora ay kilalang-kilala ng mga estudyante at ng kanilang mga guro dahil
sa mga nahakot nilang parangal para sa kanilang paaralan.

Isang araw nakatanggap ng sulat si Maria mula sa isang unibersidad sa


Maynila na nagsasabing isa siya sa mga mapapalad na mag-aaral na
makakukuha ng tulong pinansyal pang-edukasyon sa paaralan na iyon. Sa
labis na pagkatuwa ni Maria ay agad niya itong ibinalita kay Leonora. Mula
sa malayo ay natanaw ni Maria si Leonora. Sumigaw siya at sinabing
“Leonora, natanggap ako! Makapag-aaral na ako sa Maynila!”. Hindi agad
nakaimik si Leonora sa kaniyang narinig. Tila binuhusan siya ng malamig
na tubig dahil batid niya na kapag nag-aral si Maria sa Maynila ay matagal
niya itong hindi makikita. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Ayaw

4
naman niya na tutululan ang plano ng kaniyang kababata dahil alam
niyang matagal nang pangarap ito ni Maria.

Sa mga oras ding iyon ay hindi maigalaw ni Leonora ang kaniyang mga paa
sa labis na kaba. Habang tangan ang Chess Board at bag ay sinubukan
niyang lumakad papalapit kay Maria ngunit siya ay biglang nadapa dahil
hindi niya tinignan ang kaniyang nilalakaran. Nagulat si Maria sa nangyari
kung kaya agad niyang pinuntuhan si Leonora upang siya ay alalayan.
“Anong nangyari? Bakit ka nadapa? ”, sabi ni Maria. “Hindi ko kasi
napansin yung bato at saka nabigla ako sa binalita mo eh.”, pabirong tugon
ni Leonora. Hindi pa tapos magsalita ni Leonora ay nagsalita ulit si Maria.
“Alam mo hindi talaga ako makapaniwala. Ngayon ay matutupad na ang
pangarap ko na makapag-aral sa Maynila. Maiaahon ko na rin sa kahirapan
ang aking pamilya!.”, masayang sabi ni Maria. Sa mga puntong iyon
napagtanto ni Leonora na mas makabubuti na tanggapin ni Maria ang
tulong pinansyal dahil mabuti ang plano ni Maria para sa kaniyang sarili at
sa pamilya. Sinang-ayunan ni Leonora si Maria. “Masaya ako para sa iyo.
Alam kong pinangarap mo iyan. Mas pagbutihan mo pa ang iyong pag-
aaral. Nandito kami ng mga kaibigan mo na laging nakasuporta sa iyo.”,
aniya.

Mga ilang saglit lamang ay dumating ang kanilang guro na si G. Torres.


“May balita ako sa iyo, Leonora! Makapag-aaral ka na rin sa unibersidad na
papasukan ni Maria!”, sabi ng guro. “Kinuha ka nilang Varsity sa Chess.
Ikaw kasi ang naging kampyon sa nakaraang Palarong Pambansa sa
kategoryang Chess”, dagdag niya. Hindi makapaniwala si Leonora sa sinabi
ng kaniyang guro. “Talaga po? Maraming salamat po!”, masayang sabi ni
Leonora. Walang mapagsidlan tuloy ang tuwa nila Maria at Leonora
matapos marinig ang balita. Nagbunga ang lahat ng kanilang pinaghirapan
simula pagkabata. Sabay nilang sinuong ang hamon ng buhay at sabay rin
nilang nakamit ang simula ng tagumpay. Ngayon ay sabay ulit nilang
haharapin ang panibagong yugto ng kanilang buhay sa kolehiyo.

Matapos mong mabasa at maunawaan ang nilalalaman ng maikling


kuwento, sagutin mo naman ngayon ang mga tanong tungkol dito.

1. Sino sino ang mga karakter sa kwento? Magbigay ng paglalarawan sa


bawat tauhan.
2. Bakit gustong makapagtapos ng pag-aaral sina Maria at Leonora?
3. Paano ipinakita ng magkaibigan ang kanilang determinasyon upang
makapag-aral?
4. Ano ang napapansin mo sa mga salitang nakasalungguhit? Paano
ginamit ang mga ito sa kuwento?

5
Suriin
Sa bahagi namang ito, malalaman mo ang iba’t ibang paraan ng pagkilala sa
kahulugan ng salita.

MAGKASINGKAHULUGAN AT MAGKASALUNGAT NA KAHULUGAN


NG MGA SALITA

Magkasingkahulugan – Ito ay pares ng mga salitang magkapareho ang


kahulugan o ibig sabihin.
Hal. mataas – matayog masaya – maligaya
mabilis – matulin maganda – marikit

Magkasalungat – Ito ay pares ng mga salitang kabaligtaran ang


kahulugan o ibig sabihin.
Hal. malaki – maliit matipid – bulagsak
mabuti – masama malusog – mahina ; sakitin

Alam mo ba…
Bukod sa pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng
mga salita ay may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng mga
ito. Ito ay mabisang paraan upang mapalawak ang talasalitaan ng isang
mambabasa, tagapanood o tagapakinig.

Ang kahulugan ng mga salita ay makikilala ayon sa…

KONOTATIBO AT DENOTATIBONG PAGPAPAKAHULUGAN


- Ito ay dalawang dimensyon sa pagpapakahulugan ng mga salita.

1. Denotatibong Pagpapakahulugan
Ito ay ang tiyak at literal na kahulugan ng salita na karaniwang
matatagpuan sa diksyunaryo.
Halimbawa:
a. Ang ganda ng bulaklak sa kanilang hardin.
(bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay at mabango)
b. Si Nena ay napaso sa apoy habang nagluluto ng kaniyang paboritong
pagkain.
(isang elementong mainit at ginagamit sa pagluluto)

6
2. Konotatibong Pagpapakahulugan
Ito ay uri ng pagpapakahulugan na sinasamahan ng emosyon o
saloobin. Ito ay nagtataglay ng ibang kahulugan o maaaring pansariling
pagpapakahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang
kahulugan. Ang mga salita ay nabibigyan rin ng ibang
pagpapakahulugan batay sa kung paano ito ginamit sa pangungusap.

Halimbawa:
a. Siya ang nag-iisang bulaklak sa kanilang magkakapatid. (babae)
b. Nag-aapoy ang kaniyang hangaring matupad ang matagal na niyang
pinapangarap.
(naglalarawan sa matinding damdamin tungkol sa isang tao, bagay o
pangyayari)

Ngayong alam mo na ang pinagkaiba ng denotatibo at konotatibong


pagpapakahulugan, subukan mong sagutin ang pagsubok na inihanda ng
modyul na ito upang higit mo pang maunawaan.

Pagyamanin

Gawain Blg. 1

Panuto: Bigyang kahulugan ang mga salitang nasa loob ng kahon


gamit ang denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan.

Denotatibo:____________________________
palad
Konotatibo:_____________________________
_

Denotatibo:____________________________
bunga
Konotatibo:_____________________________
_

haligi Denotatibo:_____________________________
Konotatibo:______________________________

7
Gawain Blg. 2

Panuto: Sumulat ng pangungusap na may denotatibo at


konotatibong pagpapakahulugan. Gamitin ang mga salitang nasa
loob ng bilog.

Denotatibong Konotatibong
Pagpapakahulugan Pagpapakahulugan
1.nahasa
_________________
2.nag-aapoy
__________________ _________________

Gawain Blg. 3

Panuto: Ang mga salita sa loob ng talahanayan ay ang mga


malalalim na salitang ginamit sa kuwento kanina. Ibigay mo ang
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga ito. Punan
ang talahanayan ng iyong tamang sagot.

KASINGKAHULUGAN

SALITA 1. ___________________________
2. ___________________________
3. ___________________________
1. makaahon
2. sandigan
3. sinuong
KASALUNGAT

1. ___________________________
2. ___________________________
3. ___________________________

8
Isaisip

Gawain Blg. 4

Panuto: Hanapin mo ang mga salitang may denotatibo at


konotatibong kahulugan na nakapaloob sa binasa mong kuwento
kanina. Isulat ang mga ito sa loob ng kahon na kinabibilangan.

Mga salitang may denotatibong Mga salitang may konotatibong


kahulugan kahulugan
1. 1.
2. 2.
3. 3.

Gawain Blg. 5

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga nahanap mong salita


mula sa kuwento na may denotatibo at konotatibong kahulugan.

Salitang may denotatibong kahulugan

1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________

Salitang may konotatibong kahulugan

1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________

9
Gawain Blg. 6

Panuto: Isulat ang MK kung ang mga salitang may salungguhit ay


magkasingkahulugan at MS naman kung ang pares ng salita ay
magkasalungat.

__________ 1. Sina Maria at Leonora ay sikat sa kanilang paaralan. Kilalang-


kilala sila ng mga mag-aaral at ng kanilang mga guro.
__________ 2. Pilit nilang iginapang ang kanilang pag-aaral dahil ito lamang
ang kanilang sandigan sa gitna ng mapaglarong lipunan. Para sa kanila
edukasyon lamang ang makatutulong sa kanila upang makaahon sa
kahirapan.
__________ 3. Sa Mataas na Paaralan ng Graceville napiling mag-aral ng
magkaibigan dahil ito ay malapit lamang sa lugar na kanilang tinitirhan. Di
tulad sa eskuwelahang pinapasukan ng ibang kabataan na malayo sa
kanila.
__________ 4. Batid niya na kapag nag-aral si Maria sa Maynila ay matagal
niya itong hindi makikita, ngunit di niya ito magawang pigilan sapagkat
alam niyang matagal na itong pangarap ng kaniyang kaibigan.
__________ 5. Sabay nilang sinuong ang hamon ng buhay. Hinarap nila ang
mga pagsubok at ngayo’y nakamit na nila ang simula ng kanilang
tagumpay.

Isagawa
Gawain Blg. 7

Panuto: Kompletuhin ang sumusunod na pahayag upang makabuo ng


pangungusap. Gumamit ng mga salitang may konotatibo at
denotatibong pagpapakahulugan. Isulat ang mga nabuong
pangungusap sa sagutang papel.

Halimbawa:
Nagpursige sina Maria at Leonora sa pag-aaral dahil gusto nilang makaahon
sa kahirapan.

10
1. Hindi mapakali si Leonora sa araw na iyon _____________________________.
2. Nais ni Maria na makapagaral sa Maynila ______________________________.
3. Masipag mag-aral at magbasa si Maria _________________________________.
4. May magandang balita si Gng. Torres kay Leonora______________________.
5. Nagsikap sina Maria at Leonora sa pag-aaral ___________________________.
6. Ang edukasyon may mahalaga sa akin _________________________________.
7. Hindi gumawa ng takdang aralin si Jose _______________________________.
8. May talento siya sa pagba-volleyball ____________________________________.
9. Masaya ako tuwing kasama ko ang aking pamilya ______________________.
10. Maraming mahuhusay na mag-aaral dito sa Lungsod ng San Jose del
Monte ___________________________________________________________________.

Gawain Blg. 8

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa kahalagahan ng


edukasyon. Bilugan ang mga salitang may denotatibo at
konotatibong kahulugan at ikahon naman ang mga salitang
magkasingkahulugan at magkasalungat.

_____________________________________
(Pamagat)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________________

11
Pamantayan Napakahusay Mahusay Kailangan ng
(5 puntos) (3 puntos) pagpapaunlad
(1 punto)
Nilalaman Malinaw at Hindi gaanong May kalabuan
maayos ang maayos ang sa
pagkakalahad pagkakalahad pagkakalahad
sa nilalaman sa nilalaman ng sa nilalaman
ng talata. talata. ng talata.
Wastong paggamit ng Wasto ang mga May ilang mali Maraming
mga salitang may ginamit na sa mga ginamit pagkakamali
denotatibo at salita. na salita. sa mga
konotatibong ginamit na
kahulugan, salita.
magkasingkahulugan
at magkasalungat na
salita.
Presentasyon Malikhain at Hindi gaanong Hindi maayos
maayos na maayos na na nailahad
nailahad ang nailahad ang ang talata.
nilalaman ng talata.
talata.
Baybay ng mga salita, Malinaw, Tama ang Hindi maayos
balarila, pagbabantas maayos at baybay ng mga ang
at gawi ng tama ang salita, balarila pagbabaybay
pagkakasulat baybay ng mga at pagbabantas. at may
salita, balarila Hindi gaanong kamalian sa
at maayos ang balarila at
pagbabantas. pagkakasulat. pagbabantas.
Maayos ang Hindi maayos
pagkakasulat. ang
pagkakasulat.

Pamantayan sa Pagbuo ng Talata

12
Tayahin

Ngayong mahusay mong nasagutan ang mga gawain sa


itaas. Sagutan mo naman ang maikling pagsusulit na
inihanda ng iyong guro.

1. Sabay nilang sinuong ang hamon ng buhay at sabay rin nilang nakamit
ang simula ng tagumpay. Ang salitang nakasalungguhit ay may
kasingkahulugan na salitang _____________.
a. hinarap
b. binitawan
c. tinalikuran
d. tinanggihan
2. “Alam mo hindi talaga ako makapaniwala. Ngayon ay matutupad na ang
pangarap ko na makapag-aral sa Maynila. Maiaahon ko na rin sa kahirapan
ang aking pamilya!.”, masayang sabi ni Maria. Ang salitang
nakasalungguhit ay may kasingkahulugan na salitang ______________.
a. pangako
b. hinaing
c. mithiin
d. suliranin
3. Ginapang nila Maria at Leonora ang kanilang pag-aaral sa kabila ng
kanilang kahirapan. Ang salitang nakasalungguhit ay ginamitan ng
_____________.
a. Konotatibong pagpapakahulugan
b. Komparatibong pagpapakahulugan
c.Denotatibong pagpapakahulugan
d. Ideolohiyang pagpapakahulugan
4. Ang ganda ng bulaklak sa kanilang hardin. Ang salitang nakasalungguhit
ay ginamitan ng _________________
a. Konotatibong pagpapakahulugan
b. Komparatibong pagpapakahulugan
c. Denotatibong pagpapakahulugan
d. Ideolohiyang pagpapakahulugan
5. Malaki ang potensyal ni Leonora na makapag-aral sa unibersidad. Ang
salitang nakasalungguhit ay may kasalungat na salitang ____________.
a. matayog
b. maliit
c. mataas
d. malawak

13
6. Isang araw nakatanggap ng sulat si Maria mula sa isang unibersidad sa
Maynila. Ang salitang nakasalungguhit ay may kasingkahulugan na salitang
____________.
a. liham
b. tawag
c. bandalismo
d. dyaryo
7. Bata pa lamang sina Maria at Leonora ay batid na nila ang realidad ng
buhay sapagkat sila ay namulat sa ________.
a. kaginhawahan
b. hirap ng buhay
c. kaguluhan
d. masarap na pamumuhay
8. Para sa magkaibigan, ________ ang susi ng magandang kinabukasan sa
gitna ng mapaglarong lipunan.
a. sipag
b. edukasyon
c. kapalaran
d. kayamanan
9. Tuwing hapon si Maria ay kasama ng kaniyang ina sa pagtitinda ng
________ sa gilid ng pamilihan.
a. gulay
b. prutas
c. basahang bilog
d. pamaypay
10. Ang haligi ng tahanan nila Maria ay isang karpintero. Ang konotatibong
kahulugan ng haligi ay __________.
a. ama
b. kahoy
c. ina
d. pader
11. Masayang ibinalita ni G. Torres ang balita kina Maria at Leonora. Ang
salitang nakasalungguhit ay may kasingkahulugan na ______________.
a. maligaya
b. malungkot
c. matamlay
d. masungit

14
12. Katulad nila Maria at Leonora, mapalad ang mga kabataang
nabibigayan ng pagkakataong makapag-aral. Ang salitang nakasalungguhit
ay may kasingkahulugan na salitang ____________.
a. malas
b.magaling
c. pinagpala
d. maarte
13. Nag-aapoy ang pagnanais ni Maria na makapagtapos ng pag-aaral. Ang
salitang nakasalungguhit ay ginamitan ng ______________.
a. Konotatibong pagpapakahulugan
b. Komparatibong pagpapakahulugan
c. Denotatibong pagpapakahulugan
d. Ideolohiyang pagpapakahulugan
14. “Anong nangyari? Bakit ka nadapa? ”, sabi ni Maria. “Hindi ko kasi
napansin yung bato at saka nabigla ako sa binalita mo eh.”, pabirong tugon
ni Leonora.
a. Konotatibong pagpapakahulugan
b. Komparatibong pagpapakahulugan
c. Denotatibong pagpapakahulugan
d. Ideolohiyang pagpapakahulugan
15. Ang mundo ni Leonora ay tila isang teleserye na kung saan ay puno ito
ng pagsubok at pakikipagsapalaran. Ang salitang nakasalungguhit ay
ginamitan
a. Konotatibong pagpapakahulugan
b. Komparatibong pagpapakahulugan
c. Denotatibong pagpapakahulugan
d. Ideolohiyang pagpapakahulugan

15
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang mga kaalamang iyong natutunan sa


aralin. Gamitin ang Akronym ng salitang “Denotatibo” at
“Konotatibo”. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

D- K-
E- O-
N- N-
O- O-
T - T -
A- A-
T - T -
I- I-
B- B-
O- O-

16
17
TAYAHIN SUBUKIN
1. A
1. B
2. C
2. C
3. A
3. B
4. C
4. A
5. B
5. A
6. A
6. C
7. B
7. B
8. B
8. A
9. C
9. A
10. A
10. C
11. A
11. C
12. C
12. A
13. A
13. A
14. C
14. C
15. A
15. A
GAWAIN BLG. 6 GAWAIN BLG. 3
1. MK 1. MAKABANGON
2. MK MALUBOG
3. MS 2. KAAGAPAY
4. MK KAAWAY
5. MK 3. HINARAP
TINAKASAN / TINALIKURAN
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

AKLAT

Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc, 2018.

WEBSITES

https://www.google.com
https://www.slideshare.net/mobile/OliverSasutana/denotatibo-at-konotatibong-
pagpapakahulugan-ng-mga-salita
https://www.youtube.com/watch?v=LqhbXX1ZWQ&feature=youtu.be
This material was contextualized and localized by the
Learning Resource Management Section (LRMS)
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE

MERLINA P. CRUZ PhD, CESO VI


Officer-in-Charge
Office of the Schools Division Superintendent

ERICSON S. SABACAN EdD, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

ROLANDO T. SOTELO DEM


Chief Education Curriculum
Curriculum and Implementation Division

ANNALYN L. GERMAN EdD


Education Program Supervisor, LRMS

AMELITA A. CAMPO
Education Program Supervisor, Filipino

SUNSHINE JOY T. PEREZ


Graceville National High School
Writer/Illustrator

JOELYN Y. ABOGA
Bagong Buhay G Elementary School
Layout Artist

MICHAEL L. SANTOS
Bagong Buhay G Elementary School
Cover Art Designer

JONATHAN C. ORAIN
Graceville National High School
Content Editor

JHON OWEN N. REUSI


Graceville National High School
Language Reviewer
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of San Jose Del Monte City –


Learning Resource Management and Development Section (LRMDS)

San Ignacio Street, Poblacion, City of San Jose Del Monte, Bulacan

Email Address: lrmssdosjdmc@gmail.com

You might also like