You are on page 1of 51

Panuto: Itataas ng mga mag-

aaral ang hawak nilang LIKE


SIGN kung TAMA ang
isinasaad sa pahayag at
DISLIKE SIGN naman kung
MALI.
1. Ang radyo ang
itinuturing na una sa
pinagkakatiwalaang
pinagkukunan ng
pampolitikong
impormasyon sa Pilipinas.
2. BIZ ang tawag
sa sound effects na
inilalapat sa radyo.
3. Ayon kay Elena Botkin-Levy, ang
kontemporaryong panradyo ay
nagbibigay ng oportunidad sa mga
kabataan na maipahayag ang kanilang
mga opinyon at saloobin patungkol sa
mga napapanahong isyu.
4. Ang CHORD ay
nangangahulugang
musika na mariring mula
sa malayo o background
music.
5. SFX ang tawag sa
maikling musika na nag-
uugnay sa putol-putol na
bahagi ng iskrip ng
radyo.
Panuto: Kilalanin ang
mga TINIG/BOSES na
inyong mapakikinggan.
Panuto: Buoin ang mga
larawan na ibinigay sa
inyo at ipaskin sa
pisara.
DIREKTOR
REPORTER
KAMERA
DOKUMENTARYON
PANTELEBISYO
N?
ANO ANG
DOKUMENTARYONG
PANTELEBISYON?
Gaya ng pelikula ang mga programang
pantelebisyon ay maituturing ding isang uri
ng sining na nagsisilbing libangan at
gumigising sa isip at damdamin ng isang tao.
Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng
kabatirang panlipunan, pang-espirituwal,
pangkultura, pangmoralidad, pang-
edukasyon at iba pa.
Malaki ang nagagawang
impluwensiya nito sa katauhan ng
isang nilalang. Ang mga kaisipan,
ugali, kabuluhan at pananaw ng
isang nilikha ay maaaring
maimpluwensiyahan ng
pinanonood na mga programa sa
telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon
– Mga palabas na naglalayong
maghatid ng komprehensibo at
estratehikong proyekto na sumasalamin
sa katotohanan ng buhay at tumatalakay
sa kultura at pamumuhay sa isang
lipunan.
BAGO SINIMULAN ANG
PANANALIKSIK BASAHIN
MUNA ANG MGA DAPAT
TANDAAN SA
PAKIKIPANAYAM UPANG
MAISAKATUPARAN ANG
PAGBUO NG
DOKUMENTARYONG
PANTELEBISYON
PAGHAHANDA PARA SA
PANAYAM

*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin


*Kilalanin ang taong kakapanayamin
Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam
Teknik sa Pakikipanayam
Bago Magpanayam

PAKIKIPANAYAM
*Maging magalang
*Magtanong nang maayos.
*Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay
ng paksa.
*Makinig nang mabuti sa sagot ng
kinakapanayam.
PAGKATAPOS NG PANAYAM

*Magpasalamat.
*Iulat nang maayos ang
nakuhang impormasyon sa
panayam
ANG TELEBISYON ANG MIDYUM
NG TELEKOMUNIKASYON NA
NAGHAHATID NG MGA
GUMAGALAW NA IMAHE NA
MAAARING MONOCHROME O
COLORED, MAYROON O
WALANG TUNOG.
Ngayon, telebisyon na ang
pinakaimplumwensiyal na pinanggagalingan
ng entertainment sa Pilipinas. Ayon sa isang
sarbey ng AGB Nielsen, telebisyon ang
pangunahing pinagkukunan ng mga balita.
May higit 200 estasyon na rin ang umeere dito
sa bansa na kasama sa Kapisanan ng mga
Brodkaster sa Pilipinas (KBP) na karamihang
pagmamay-ari ng tatlong pinakamalaking
network sa Pilipinas, GMA, ABS-CBN at
TV5.
Ang DOKYUMENTARYO ay isang
programa sa telebisyon o pelikula na naglalahad
ng mga katotohanan at impormasyon
tungkol sa isyu o problemang panlipunan, politikal
o historikal. Nilalayon ng dokyumentaryo na
irekord ang ilang aspeto ng katotohanan para
makapagbigay ng aral o makagawa ng isang
pangrekord ng kasaysayan.
Paksa– tumatalakay sa nilalaman ng
dokyumentaryo kung saan nagpopokus ito sa
pagkilos ng tao sa lipunang kanyang
ginagalawan at kung papaano siya kumilos sa
buhay.
Ang mga tao, lugar at pangyayari ay
totoong nagaganap at
kadalasang napapanahon.Ito rin ay
naglalahad ng katotohanan sa mga nagaganap
sa loob ng isang lipunan halimbawa ng
paksang ukol sa kahirapan.
Layunin– ito ang gustong sabihin ng
mga nasa likod paksa ng
dokyumentaryo. Layunin nitong irekord
ang panlipunang kaganapan na
itinuturing nila na mahalagang
maipaalam sa lipunan. Sa pamamagitan
nito, layunin din nilang mapataas ang
pagkaunawa sa mga isyu, mga
tinatangkilik at marahil ang ating
simpatya sa isyung ito.
At dahil din dito ay may kakayahan
silang maipaalam sa atin ang
nagaganap sa ating lipunan upang
magkaroon tayo ng aksyon ukol
dito. Halimbawang layunin nito ay
mamulat tayo sa iba pang buwis
buhay na hanapbuhay ng mga
Pilipino dahil sa kahirapan.
Anyo- ang anyo ng
dokyumentaryo ay nahuhugis habang
nasa proseso na kung saan ang mga
diskusiyon ay orihinal at ang mga
tunog at tanawin ay pinipili kung
akma o karapat-dapat dito. May mga
pagkakataon na ang iskrip dito at ang
mga aksyon ay mula sa mga umiiral
na mga pangyayari.
Estilo at/o Teknik- tumutukoy ito sa
tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at sa
panahon ng pageedit nito. Ang isa sa mga
mahalagang sangkap ay ang mga nonactors
o ang mga ‘totoong tao’ sa paligid na walang
ginagampanang anomang karakter. Ang
lugar din ay aktwal na hindi gaya ng mga
nasa pelikula na nasa loob ng studio.
Maaaring tingnan ang iba’t-ibang Uri ng
anggulo sa Dokyumentaryong Pampelikula.
Uri ng karanasan- Ang dalawang
bahagi nito ay ang pang aestetiko at ang
epekto nito sa tao na maaaring magtulak
sa kanya upang gumawa ng aksyon.
Ninanais ng mga nasalikod ng
dokyumentaryo sa mga makakapanuod
nito ay hindi magpokus sa mga artista
kundi sa pinapaksa nito.
Maaaring maiugnay ito sa
paksa kung saan ninanais ng mga
nasa likod ng kamera na alamin
ng manunuod ang kanilang
layunin. Maaari itong maging uri
ng karanasang tumulong sa mga
batang nasa lansangan, at iba pa.
Panuto: Panoorin at
unawain ang
Dokumentaryong
Pantelebisyon na
pinamagatang “SALBA”.
Gabay na tanong:
1. Ano ang nais iparating ng napanood?
2. Anong damdamin ang iyong
naramdaman? Bakit.
3. Bakit marami sa kabataan ang hirap
makapag-aral?
4. Paano natin mahihikayat ang ibang bata
na mag-aral?
5. Kung ikaw ang bata sa Dokumentaryo,
ano ang gagawin mo para maituloy ang
pag-aral?
Bakit naeenganyo
ang bawat isa na
manood ng
Dokumentaryo?
Ano ang kaibahan
ng Balita sa
Dokumentaryo?
Paano na tayo susuri
ng isang
Dokumentaryo?
Pangkatang Gawain: Panoorin at
suriin ang Dokumentaryong
Pantelebisyon na pinamagatang
“GULONG”. Ilalagay ang sagot sa
kalahating bahagi ng Manila Paper.
Gabay na tanong:
1.Ano ang paksa ng napanood na Dokumentaryo?
2.Ano ang layunin ng Dokumentaryong napanood?
3.Ano ang saloobin ng may akda sa napanood na
Dokumentaryo?
4.Paano nakatulong ang bisekleta sa mga katulad
ng mga bata sa Dokumentaryo? Kung ikaw siya
anong gagwin mo.
5.Bakit sa kabila ng kahirapan kailangan nating
magpatuloy sa pag-aaral?
TAKDANG-ARALIN:

Gumawa ng Dokumentaryong
pantelebisyon patungkol sa
nakikitang isyung panlipunan sa
Bayan ng Nampicuan

You might also like