You are on page 1of 16

Mga Ekspresyong

Hudyat ng
Kaugnayang Lohikal
May mga konseptong may kaugnayang lohikal
na nakabubuo ng isang makahulugang pahayag.
Halimbawa nito ang ugnayang sanhi at bunga na
tinatawag ding pangatnig na pananhi. Kapag
pinagsama ang dalawang ito, nakalilikha ng
pangungusap na nagpapahayag ng ugnayang
lohikal.
Halimbawang pangungusap:
Dinala si Mang Ben sa bahay-ampunan kaya
nalungkot siya nang labis.
Mapapansin na matatagpuan sa unahan ang
sanhi/dahilan ng pangyayari na may isang
salungguhit at ang bunga/resulta ay may dalawang
salungguhit. Maipahahayag ang relasyong dahilan
at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga
kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan
sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi
samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang
mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito
at bunga nito. May pangungusap ding nagpapakita
ng ugnayang paraan at layunin.
Halimbawang pangungusap:

• Nagpapakahirap si Bing sa
pagtatrabaho upang guminhawa ang
kanilang buhay at mabigyan ng
magandang kinabukasan ang anak.
Sa pangungusap, ang mga salitang
may iisang salungguhit na tumutukoy
sa paraan ay ang sugnay na makapag-
iisa samantalang ang sugnay na ‘di-
makapag-iisa ay may dalawang
salungguhit na tumutukoy sa layunin
kung bakit nagpapakahirap si Bing.
Sa relasyong ito, ginagamit ang
mga pang-ugnay na para, upang o
nang sa ganoon upang maihudyat
ang layunin.
Bukod sa ugnayang paraan at
layunin, may tinatawag ding
ugnayang paraan at resulta.
Halimbawang pangungusap:

• Dahil sa pagbisi-bisita ni Jay sa


kaniyang lolo, nabigyan niya ng
kaligayahan ang matanda.
Ang sugnay na ‘di-makapag-iisa na
may isang salungguhit ay
tumutukoy sa paraan samantalang
ang may dalawang salungguhit ay
ang resulta o bunga ng ginawa ni
Jay.
Sa relasyong ito, ginagamit ang
pang-ugnay na dahil sa upang
maihudyat ang paraan.
Tandaan na maaaring gamitin ang
mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal sa pagsulat ng
sanaysay.
Panuto: Gamit ang mga ekspresyong
hudyat ng kaugnayang lohikal,
bumuo ng pangungusap sa
pangyayaring nabanggit sa
dokumentaryong pantelebisyon na,
“Pag-asa sa Pagbasa”. Gawin ito sa
hiwalay na papel.
1. Pagtuturo ng pagbaybay ng
mga salita sa Sauyo High School
sa Quezon City.
Dahilan-bunga:
_________________________________
____________________
____________________.
2. Sa tambakan ang diretso ni
Louie pagkatapos ng klase.
Paraan-Layunin:
_________________________
_______________________.
3. Nakapagsusulat at
nakapagbabasa na ngayon si
Jack.
Paraan-Resulta:
_________________________
__________________.
4. Malaking tulong ang
pangangalakal ni Louie sa
kanilang pamilya.
Paraan-Resulta:
_________________________
_____________________.
5. May mga estudyanteng umaabot
ng high school nang hindi
nakababasa at nakapagsusulat.
Dahilan-bunga:
______________________________
__________________.

You might also like