You are on page 1of 4

NORTHERN QUEZON COLLEGE INC.

Banghay Aralin sa
Filipino Baitang V

I. Layunin
Sa loob ng 45 minutong aralin sa filipino, ang mga magaaral ay inaasahang:

A. Nakikilala at natutukoy ang mga pangatnig sa hugnayang pangungusap;

B. Nagagamit ang mga pangatnig sa hugnayang pangungusap, at

C. Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga pangatnig.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Gamit ng pangatnig sa hugnayang pangungusap

Sanggunian: Bagong likha 5 wika at pagbasa pp. 430-431, Alab ng wikang filipino 5 pp. 312-313, at
ikalawang Edisyon pluma wika at pagbasa para sa batang pilipino pp. 343-344

Kagamitan: Larawan ni San Pedro Calungsod, biswal eyds, laptop, at projector

III. Pamamaraan:
A. Pangunahing Gawain

Panalangin

Pagbati

Pagtala ng Liban

B. Pagganyak

1. Magpakita ng ng larawan ni San Pedro Calungsod

Magtanong ng impormasyon na nalalaman nila tungkol kay Pedro Calungsod

Upang higit na makilala si Pedro Calungsod ipapanuod ang talambuahay nito sa mga mag-aaral
2. magpakita ng mga pangungusap tungkol sa pinanuod ng mga mag-aaral at itanong kung tama o
mali ang mga pangungusap

C. Paglalahad

Basahin natin ang mga nakasalungguhit na mga salita, upang, at, sapagkat, para, kaya.Ito ay mga
salitang pangatnig, pinagdurugtong nito ang mga pangungusap

Pinag-uugnay ang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa.

Ang pang-ugnay ay ginagamit upang mabuo ang isang pangungusap.Ang pang-ugnay ay may pangatnig
upang ipagdugtong ang pangungusap. Ang mga pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng
relasyon ng dalawang salita, o ng dalawang parirala, o ng dalawang sugnay.

Ang unang pang-ugnay ay ang pangatnig.

1. Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalitang nag uugnay ng mga salita, parirala, sugnay, at pangungusap.

 HUGNAYAN- pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa (SM) at sugnay na di


mapag-iisa(SDM).

Halimbawa ng pangatnig:

Ni, kaya, man,o,at,maging, datapwat, bagaman, samantala, maliban, kahit, kung, kapag, dahil, sapagkat,
kasi, kaya, upang.

2. Para sa pagsasanay magbigay ng pangungusap gamit ang pangatnig.

3. Bilang mag-aaral paano mo tutularan ang ginawa ni Pedro Calungsod gamit ang pangatnig sa
hugnayang pangungusap?

D. Paglalahat

 Pang-ugnay- tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, o ng dalawang


parirala, o ng dalawang sugnay.
 Pangatnig- Bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay, at pangungusap.
 Hugnayan- pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag iisa at sugnay na di mapagiisa.

IV. Pagtataya:
Pangkatang gawain; Ilagay ang tamang pangatnig upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.

1. Ang pagkakasundo _______ pagkakaibigan ng mga bansa ay kailangan.

2. _______ may mga bagay na hindi napagkakasunduan, dapay pag-usapan ang mga ito nang maayos.

3. Ang United Nations _______ ay samahang kumakatawan sa mga nagkakaisang bansa sa daigdig.
4. itinatag ito _______ lutasin ang mga suliraning pandaigdig.

5. Maraming bansa na ang kasapi nito ______ nakatutulong ito sa buong samahan.

6. Ang malalaki ______ maliliit na bansa ay may pantay na mga karapatan.

7. Pinauunlad ang kalagayang pangkabuhayan, pangkapayapaan, ______ pangkultural ng mga kasaping


bansa.

8. ______ ito’y naitatag , nagkaroon ito ng maraming sangay.

9. ang isang bansa ay nagiging matatag ______ nagiging kasapi nito.

10. Nananatili ang kalayaan ng bansa ______ kasapi ito ng samahan.

V. Takdang Aralin:

Bumuo ng limang pangungusap gamit ang pangatnig sa hugnayang pangungusap.

1.

2.

3.

4.

5.

Inihanda ni:

RICA JANE SOLLANO

(BEED 2B)

You might also like