You are on page 1of 27

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CATANAUAN INC.

An Autonomous University
Catanauan, Quezon

COLLEGE OF EDUCATION

ESTRUKTURA NG
WIKANG FILIPINO
(MODYUL/MIDTERM)

Inihanda ni:
Crissel Ann G. Nepomuceno
(Lecturer)
I. PAMAGAT: ISTRUKTURA SA WIKANG FILIPINO
DEPINISYON NG KURSO: Tinatalakay sa kursong ito ang palatunugan, palabuuan at
palaugnayan ng Wikang Filipino. Kasama rito and paghahambing sa Istruktura ng Filipino at ang
unang wika ng mga mag-aaral. Nakapaloob dito ang isentibong pag-aaral ng Wikang Filipino na
may pokus sa bahagi ng pananalita at istruktura ng Wikang Filipino.

II. MGA MAG-AARAL NA GAGAMIT

Ang modyul na ito ay para sa mga mag-aaral sa unang taon na nagpapakadalubahasa sa


asignaturang Filipino, antas kolehiyo. Ang mabisang pagkatuto ng modyul na ito ay nakasalalay
sa kawilihan at pagsisikap ng mag-aaral na masuri at maunawaan ang nilalaman ng kagamitan.

III. LAGOM/PANANAW

Ang modyul na ito ay naglalayong makatulong sa mga mag-aaral para sa mabisang pagkatuto sa
Istrukturang Filipino. Nakapaloob sa modyul na ito ang mga sumusunod:

A. Ponema at Ponolohiya
B. Ang pagsasalita
C. Ponolohiya sa pilipino (patinig at katinig)
 Punto ng Artikulasyon at Paraan ng Artikulasyon (paraan ng
pagbigkas)
 Diptonggo, klaster at Pares Minimal
D. Ponemang suprasegmental
E. Pagpapantig o Silabikeysyon

IV. PAANO MO GAGAMITIN ANG MODYUL NA ITO?

Tulad ng sinabi ko sa inyo, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang
modyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang
mga tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at
unawaing mabuti.

1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito.


2. Gumamit ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit.
3. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang
hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa
modyul na ito.
4. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging
matapat ka lamang sa pagwawasto. Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang
nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na
makatutulong sa iyo.
5. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing
kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong
nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.
6. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo
ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging
matapat ka sa pagwawasto.
7. Bigyang-halaga ang modyul na ito. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko
katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.

V. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Napag-aaralan ang mga kaalamang pang ponolohiya.
 Natatalakay ang iba’t ibang konseptwal na kaalaman sa Ponemang Filipino.
 Natutunan ang pangkalahatang paraan sa pagbuo ng salita
 Natatalakay kung paano nakalilikha ng tunog ang isang tao.
PANIMULANG PAGSUSULIT

A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang T kung tama at M kung mali ang ideyang
ipinapahayag sa pangungusap.
____ ____1. Ang ponema ay makahulugang tunog.
____ ____2. Ang dating Abakada ay may 20 letra.
____ ____3. Dalawampu (20) ang ponema sa wikang Filipino.
____ ____4. Ang alfabeto ng wikang Filipino ay may 28 letra kaya may 28 ponema rin
____ ____5. Lima (5) ang ponemang patinig sa Filipino: /a, e, i, o, u/.
____ ____6. Ang impit na tunog ay nakapag-iiba sa kahulugan ng salita pero hindi ito makikita
sa pagbaybay o ispeling ng salita.
____ ____7. Ang mga salitang kulay, daloy, aliw at ayaw ay mga halimbawa ng mga salitang
may diptonggo.
____ ____8. Ang mga diptonggo sa mga salita sa Blg. 7 ay ay, oy, iw at aw.
____ ____9. Ang mga salitang kulayan, kamayin, daluyan at ayawan ay may diptonggo rin.
____ ____10. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig.
____ ____11. Ang mga salitang drama, braso, gripo at trapo ay mga halimbawa ng mga salitang
may klaster.
____ ____12. Ang mga klaster sa mga salita sa Blg. 11 ay dr, br, gr at tr.
____ ____13. Pareho lamang ng kahulugan ang dalawang pangungusap sa ibaba:
• Hindi, akin ang kendi sa mesa.
• Hindi akin ang kendi sa mesa.

B. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na diptonggo para mabuo ang mga salita sa ibaba.
Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.
1. sukl_ _ pang-ayos ng buhok 9. sal_ _ tugtog na kasabay ng kanta
2. bugh_ _ isa sa mga kulay 10. ag_ _ dumi sa bahay
3. ar_ _ sumisikat tuwing umaga 11. sakl_ _ ginagamit ng pilay
4. bal_ _ sira ulo 12. pil_ _ may baling buto
5. bah_ _ tirahan 13. il_ _ nagbibigay ng liwanag
6. tul_ _ pasok 14. sis_ _ anak ng inahin
7. tul_ _ tawiran sa ibabaw ng ilog 15. dil_ _ isa sa mga kulay
8. suh_ _ suporta
C. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na letra para magkaroon ng klaster ang mga salita
sa ibaba. Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.

1. p _ asa liwasan
2. k _ edito utang
3. d _ ama dula
4. p _ eso bilanggo
5. t _ apo basahan
6. p _ enda sangla
7. p _ antsa pang-unat ng damit
8. p _ ito luto sa mantika
9. p _ ato pinggan
10. g _ asya biyaya

D. Basahin ang mga pares ng pangungusap sa ibaba. Ituon ang pansin sa mga salitang italisado.
Tingnan kung magkapareho ng bigkas ang mga ito. Kung pareho ng bigkas, isulat sa iyong
sagutang papel ang P; kung hindi, isulat ang HP.

____1. Inuubo siya dahil may butas ang baga niya.


May baga pa sa kalan; maiiinit mo roon ang ulam.
____2. Ang paso ay taniman ng halaman.
Ang paso ay kailangang lagyan ng gamot para di maimpeksyon.
____3. Ang pagdinig ay idinaos sa sala ng hukom.
Siya, siya nga ang may sala.
____4. Hindi na magagamit ang mga kinakalawang na pako.
Masustansya ang ensaladsang pako.
____5. Pinabili lang siya ng suka sa tindahan.
Linisin mo nga ang suka ng bata sa sopa.

E. Magkapareho ba ng kahulugan ang mga pares ng pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyong


sagutang papel ang P kung pareho; HP kung hindi.

____1. Bukas, luluhod ang mga tala.


Bukas luluhod ang mga tala.
____2. Aalis kami, bukas.
Aalis kami bukas.
____3. Bukas kami aalis.
Bukas, aalis kami.
____4. Hindi, umuulan.
Hindi umuulan.
____5. Kahapon?
Kahapo
ARALIN 1:
BALARILA, PONEMA AT PONOLOHIYA

Ang BALARILA ay tumutukoy sa pag-aaral ng anyo, uri ng mga salita, tamang gamit ng mga
salita, at tamang pagkakaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na
kaisipan o diwa.

PONEMA

Pag-aaral
MORPEMA
ng Wika

SINTAKSIS
“Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang
tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens na makalilikha ng mga
salita (morpema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga
pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.”

PONEMA SA FILIPINO
Ito ay binubuo ng makabuluhang tunog. Ang bawat wika ay may kabuuang imbentaryo sa
lahat na tunog na ginagamit nito. Ang mga sumusunod ay ang mga tunog sa Filipino: ang mga
katinig, / p. b. m, w, f, v, t, d, n, s, l, r, ts, j, y, k, g, ng, ?, h /; at ang mga patinig /i, e, a, o, u/ . 

PONOLOHIYA
“Ang tawag sa pag-aaral ng mga pattern ng mga tunog ng wika” Tinatalakay sa
ponolohiya ang mga tunog sa isang wika; ang mga alintuntunin sa pagkasunod-sunod ng mga ito;
ang pagpapantig; at ang mga proseso na nagaganap sa mga ponema dahil sa mga katabi nitong
ponema, o iba pang dahilan.
Ang bawat wika ay may kabuuang imbentaryo sa lahat na tunog na ginagamit nito. Ang
mga sumusunod ay ang mga tunog sa Filipino: ang mga katinig, / p. b. m, w, f, v, t, d, n, s, l, r, ts,
j, y, k, g, ng, ?, h /; at ang mga patinig /i, e, a, o, u/ . 

ARTICULATORY PHONETICS
Isang paraan upang ilarawan kung paano binibigkas ang mga Ponema ng isang wika.
ARALIN 2: ANG PAGSASALITA
Tatlong salik ang kailangan upang makapagsalita ang tao:
1. Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. Ang kumakatal na bagay o artikulador
3. Ang patunugan o resonador
Ang hangin ang nagiging midyum o pahatiran ng mga alon ng tunog na siya naman nating
naririnig.

TINGNAN ANG LARAWAN:

Tatlong bagay ang kailangan upang mabigkas ang isang tunog:


1. Hangin galing sa baga;
2. Ang babagtingan o larynx kung saan naroon ang vocal folds; at,
3. Ang vocal tract na binubuo ng lalaugan (pharynx), bibig, at guwang ng ilong

Ang pagbigkas ng tunog ay maihahalintulad sa tunog ng musika na nililikha sa


pamamagitan ng paggamit ng anumang instrumento. Sa pagtugtog ng Byolin, ay iginigilgil ng
tumutugtog ang arko sa mga kwerdas ng byolin upang ang mga ito ay pumalag. Ang pagpalag ng
mga kwerdas ay lumilikha ng tunog sa pamamagitan ng patunugan o resonador na sa
pagkakataong ito ay ang pinakakatawan ng byolin.
Sa halimbawang ito, masasabi nating ang pinagmumulan ng lakas o enerhiya ay ang
iginigilgil na arko ng byolin, ang bagay na pumapalag ay ang mga kwerdas at ang patunugan o
resonador ay ang katawan mismo ng byolin.

Ganitong-ganito rin halos ang pagsasalita. Upang makalikha ng tunog ay kailangang may
pagmumulan ng enerhiya na siyang magpapapalag sa isang bagay. Ang interaksyong nagaganap
sa tatlong salik na ito (enerhiya, bagay na pumapalag at patunugan) ay lumilikha ng alon ng mga
tunog na ating naririnig. At gaya ng alam natin, ag hangin ang nagiging midyum o pahatiran ng
alon ng mga tunog.

Ang mga tunog o salita ay nalilikha sa pamamagitan ng mga sangkap ng tao na ang
pinakasadyang gamit ay para sa pagkain, pag-inom at paghinga.
Wala ni isa sa mga sangkap na ito ang sadyang para sa
pagsasalita. Sa katotohanan ang pagsasalita at pangalawang
resulta lamang ng paghinga. Ang presyon na nililikha ng
papalabas na hangin ang pinagmumulan ng enerhiya na siyang
nagpapapalag sa kwerdas pantinig upang lumikha ng tunog na
minomodipika ng bibig na siyang itinuturing na PATUNUGAN
O RESONADOR.

Karamihan sa mga tunog o salita sa Filipino, gayundin sa Ingles at iba pang wika sa
daigidig ay nalilikha sa pamamagitan ng PALABAS NA HANGIN AT HINDI PAPASOK. Ang
mga tunog na nililkha sa pamamagitan ng pagpasok ng hangin ay tinatawag na mga
IMPLOSIBO O PAHIGOP. Samantala, ang mga nalilikhang tunog na palabas na hangin ay
tinatawag namang mga EKSPLOSIBO O PABUGA.

Bagama’t ang pangunahing tungkulin ng baga ng tao ay


para sa paghinga, ito ang pinagmumulan ng enerhiya sa paglikha
ng tunog. Ang ENERHIYA ay ang presyong nalilikha ng
papalabas na hangin. Samakatuwid, ang mga baga na
pinagmumulan ng enerhiya sa pagsasalita ay mahalagang
sangkap ng tao sa pagsasalita.
Ang mga sangkap na ginagamit sa pagsasalita ay nasa ULO,
LALAMUNAN at DIBDIB.
Ang dinaraanan ng hangin sa paghinga ay siya ring tinatawag na
VOCAL TRACT o DAANANG PANTINIG.
Ang hanging nagbubuhat sa
mga baga ay nagdaraan
muna sa trakya (Trachea).
Sa dakong itaas ng trakya
ay may isang bagay na
binubuo ng kartilago
(cartilages). Ito ay
tinatawag na mga
KWERDAS NG
PANTINIG (Vocal Cords)
na siyang ang PARINGHE
(Pharynx). Ang mga ito ang
dinaraanan ng hanging
mula sa baga.
ARALIN 3: PONOLOHIYA SA PILIPINO (PATINIG AT KATINIG)

Bawat wika ay ay may kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang mga


tunog. Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kaluhugan ng kinasamahan
nito sa sandaling ito’y alisin o palitan.

Ang salitang “bansa” halimbawa ay mag-iiba ng kahulugan kapag inalis o palinalitan ang /s/ -
basa “small lake”, banta “threat”. Samakatuwid, ang letrang “s” ay isang makabuluhang tunog sa
Pilipino. Ang isang makabuluhang tunog, gaya ng nabanggit na sa una ay tatawagin nating
“PONEMA” Ang Filipino ay may 21 na ponema- 16 sa ga ito ay katinig at 5 naman ang patinig.

PATINIG /i, e, a, o, u/ . 
KATINIG p. b. m, w, f, v, t, d, n, s, l, r, ts, j, y, k, g, ng, ?, h

PATINIG AT KATINIG
Ang patinig ay itinuturing na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng
pantig. Walang pantig sa Filipino na walang patinig.Ang Katinig naman ang gumaganap na
panimula o pangwakas na bahagi ng pantig.

Nabibigkas ito sa pamamagitan ng pagpigil at pagpapakawala sa bugo ng hanging galing


sa baga tulad ng /p,t,k,ˀ,b,d,g/ o kaya’y pagharang ng hangin sa isang punto ng artikulasyon
upang sa ibang bahagi naman magdaan tulad ng /m,n,ŋl,r/ o kaya’y pagpapalabas ng hangin sa
isang pinakipot na lagusan, tulad ng /s,h,w,t/

ANG KATINIG
Ang katinig ng
Pilipino ay maiaayos
ayon sap unto ng
artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig o walang tinig, gaya ng makikita
sa tsart.

Ang /ˀ/ ay ang tinatawag na IMPIT na tunog sa matandang balarila (BALARILA NG


WIKANG PAMBANSA,1940). Ang / ŋ/ ay katumbas ng “ng” sa ating ABAKADA.
Mapapansin na ang pagkakahanay ng mga katinig ay ayon sa larawan ni OSCAR sa
itaas---nagsisimula sa mga ponemang labial o panlabi, papasok sa lalamunan hanggang sa
ponemang glottal o paimpit.
Sa punto ng artikulasyon ay inilalarawan kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang
pagbigkas ng isang katinig ng Pilipino sa pamamagitan ng anim na punto ng artikulasyon gaya
ng mga sumusunod:

ANIM PUNTO NG ARTIKULASYON SA WIKANG FILIPINO

1. Panlabi- ang ibabang labi ay dumidiit sa labing itaas. /p,b,m/


2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas. /t,d,n/
3. Panggilagid – ang ibabaw ng dulo ng dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid. /s,l,r/
4. Pangngalangala – ang ibabaw ng puno ng dila ay dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng
ngalangala. /y/
5. Velar- ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng
ngalangala. /k,g,ŋ,w/
6. Glottal – ang mga babagtingang ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon
ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog. /ˀ, h/

PARAAN NG ARTIKULASYON
Inilalarawan dito kung alin sa mga artikulador-dila, labi, velum, mga babagtingang pantinig ang
gumagana o kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman
sa mga ponemang katinig.

1. ISTAP o PASARA Ang daan ng hangin ay harang na harang P,t,k,ˀ,b,d,g

2. NASAL o PAILONG Ang hangin na nahaharang dahil sa pagbaba ng m,n,ŋ


velum ay hindi sa bibig kundi ilong lumalabas.
3. PASUTSOT Ang hanging tumatakas ay nagdaraamm sa makipot s,h
na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga
babagtingang pantinig
4. LATERAL o PAGILID Ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila l
sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa punong
gilagid.
5. TRILL o PAKATAL Ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at r
pinapabayaang lumbas sa pamamagitan ng mabilis
na pagglaw ng dulo ng nakaarkong dila
6. GLAYD o Katulad ngunit kaiba sa mga katinig, dito’y W,y
MALAPATINIG nagkakaroon ng galawa mula sa sa isang posiyon ng
dila patungi sa ibang posisyon,

TANDAAN! Sa ibang aklat pambalarila, ang w ay itinuturing na labial o


panlabi. Tama rin ang gayon sapagkat sa pagbigkas nito ay
talaga naming siyang unang ginagamit ang mga labi, paloob sa
lalamunan hanggang velar. Dito’y inihanay ito sa mga
ponemang k,g,ŋ ay pang- mang- atbp. Sa halip na pam- at
mam-

Hal. Pangkayod, panggabi imbes na pamkayod pamgabi

ANG MGA PATINIG


Ang mga patinig ng Pilipino ay maiaayos din sa tsart ayon naman sa kung aling bahagi
ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig, unahan, sentral olikod at kung ano ang
pusisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas---mataas, nasa gitna o mababa gaya ng makikita sa
ibaba:

HARAP SENTRAL LIKOD


MATAAS i u
GITNA e o
MABABA a
Ang “i” halimbawa ay tinatawag na mataas na harap sapagkat kapag binibigkas, ang harap na
bahagi ng dila ang gumagana na karaniwa’y umaarko nang pataas.

DIPTONGGO
Ito ay magkasamang patinig at malapatinig sa isang pantig. Ang diptonggo ng Filipino ay
ay, ey, iy, oy, uy, aw at iw. Alinmang patinig na sinusundan ng mapalatinig na /y/ at /w/ sa loob
ng isang pantig ay itunuturing sa isang diptonggo. Ngunit kapag ang /y/ o
/w/ ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay napapasama na sa
sumusunos na patinig, kaya’t hindi na maituturing na diptonggo. Ang
diptonggo sa Pilipino ay iniaaayos sa tsart na katulad ng pagkakaayos ng mga patinig gaya ng
sumusunod:

HARAP SENTRAL LIKOD


MATAAS iw,iy uy
GITNA ey oy
MABABA aw,ay
Ano ba ang diptonggo? Ang diptonggo ay binubuo ng dalawang tunog na pinagsama: alin
mang patinig na sinusundan ng alin sa dalawa: w o y. Ano nga ba ang patinig? Lima ang patinig
sa Filipino, di ba? Anu-ano ang mga ito? /a, e, i, o, u/.

Halimbawa
 aw /bataw/
 iw /aliw/
 iy /kami’y/ (pinaikling kami at ay)
 ey /reyna/
 ay /buhay/
 oy /kahoy/
 uy /aruy/

PAGLALAGOM
Malinaw na marahil sa iyo kung ano ang diptonggo. Upang maging mas malinaw pa,
narito ang mga pangunahing puntos ng sub-araling ito:
1. Ang diptonggo ay dalawang tunog na pinagsama – alin man sa mga patinig /a, e, i, o, u/ at alin
man sa w o y.
2. Pito (7) ang diptonggo sa wikang Filipino. Ito ay iw, iy, ey, aw, ay, uy, oy.
3. Kapag hinulapian ang salitang may diptonggo, nawawala ang diptonggo dahil ang w o y ay
nagiging kasama na ng kasunod na pantig.

KLASTER/KAMBAL KATINIG

Ang klaster o kambal katinig ay mga magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa


isang pantig. Ito ay may distribusyong komplimentaryo na ang ibig sabihin ay maaaring
matagpuan sa unahan, gitna at hulihan.

TINGNAN ANG MGA HALIMBAWA:


/trak/ /beys.ment/ /sand.wits/ /plan.tsa/ /apart.ment/
/dro.ga/ /bya.he/ /tse.ke/ /kli.ma/ /kre.ma/
Ang mga klaster o kambal katinig ay parami nang parami dahil sa impluwensya ng
Ingles. Pansinin na ang mga klaster na wala noon sa Matandang Tagalog (Balarila ng Wikang
Pambansa, 1941, p 17) ay matatatagpuan na ngayon sa lahat ng posisyon ng pantig- sa unahan o
inisyal at sa hulihan o pinal. Pansinin rin na ang pagtanggap sa mga klaster ay nakapagpapabilis
sa paglagom o pag-asimila sa mga salitang hiram sa Ingles.

Ang mga klaster sa Pilipino sa ngayon ay masasabing limitado lamang sa dalawang


ponemang katnig; na ang ikalawang ponemang katinig ay lagging alinman sa mga sumusunod na
limang ponemang katinig / w,y,r,l,d,s/ Kung ang iklawang ponemang katinig ay /w/ o /y/, ang
una ay maaring alinman sa mga sumusunod na ponemang katinig: /p,t,k,b,d,g,m,h,n,s,l,r/. Kung
ang ikalawang ponemang katinig ay /r/, ang unang ponemang katinig ay maaaring alinman sa
mga sumusunod: /p,t,k,b,d,g/. Kung ang pangalawang ponemang katinig ay /l/, ang una ay
maaaring ay alinman sa /p,k,b,g/. at kung ang pangalawang ponemang katinig ay /s/, isa lamang
ang maaaring itambal ditto----ang /t/

Ukol sa mga klaster na ang huling katinig ay /y/ at /w/, masasabing nagkakaroon ito ng
baryant sa pamamagitan ng paglalagay ng isang tunog na patinig sa pagitan ng dalawang katinig:

Halimbawa:

 Kwento kuwento
 Sweldo suweldo
 Piano piyano

Mapapansing kapag ang klaster ay nagkakaroon ng singit na patinig, nagkakaroon na ng


dalawang pantig kaya’t ito’y hindi na maituturing na klaster.

Ang sumulat at mga nagpatibay sa BALARILA ay naniniwalang walang klaster sa taal na


tagalog ang mga panahong iyon, kaya’t ang pagsulat ng mga klaster sa mga salitang hiram ay
laging sinisingitan ng patinig. Dito lumitaw ang mga salitang teren (tren), tarak (trak), baraso
(braso) atbp. Na ngayon ay pinagkukunutan ng noo ng karamihan.

Sa tsart ay ipinapakita ang maaaring kombinasyon ng mga ponemang katinig na


maituturing na klaster.

MGA KLASTER SA POSISYONG INISYAL NG PANTIG

/w/ /y/ /r/ /l/ /s/


/p/ x x x x
/t/ x x x x
/k/ x x x x
/d/ x x x x
/g/ x x x
/m/ x x x
/n/ x x
/l/ x x
/r/ x x
/s/ x x
/h/ x x

Ang mga halimbawa ng mga klaster na mahahango sa itaas ay gaya ng mga sumusunod:

Pwede Pyano Preno plano


Twalya tyangge Trabaho tsinelas
Kwago Kyosko Krus Klase
Bwaya Byenan Braso Blangko
Dwende Dyaryo Drama
Gwapo Gyera Grupo
mwelye myentras
nwebe
Lwalhati Lyabe
Rweda
Sweldo Syaho
Hweteng
buhya

PARES MINIMAL

Ito ay pares ng salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad ang bigkas maliban
sa isang ponema na nasa parehong pusisyon sa salita. Ginagamit ang mga pares minimal sa
pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog na magkakahawig ngunit magkakaibang ponema.
Halimbawa:
gulay -kulay
sabaw -sabay
pala -bala

Pansinin na nag mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran o pwesto (bala---pala).
Sa ganitong kalagayan ay natitiyak natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil
sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa ibang tunog. Samakatwid ang /p/ at /b/ ay
magkaibang ponema sa Pilipino.

kape -kafe
Sa halimbawa naming kape : kafe ay nasa magkatulad ding kaligiran ang p at f. Ngunit hind
natin masasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagpapabago ang mga ito
sa kahulugan ng salita. Magkatulad ang kahulugan ng dalawang salita. Samakatuwid, ang f ay
hindi pa maituturing na ponema sa Filipino. Sa ingles ay malinaw na makikita na ang ponemang
p at f tulad ng makikita sa mga pares minimal na pin at fin.

PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN

Ponemang malayang nagpapalitan- ang magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na


kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng salita ay sinasabing nasa malayang
nagpapalitan. Sa ibang salita, ang isang ponema ay maaaring ipalit sa posisyon ng ibang tunog
nang hindi nababago ang kahulugan ng salita.
Halimbawa:
Kurut - kurot
Binte -binti
Sa matandang tagalog, gayundin sa iba pang wikang katutuno sa Pilipinas, ay wala ang
mga ponemang patinig na /e/ at /o/. Ang mga ponemang ito ay hiram sa kastila.
Makikita sa ating tsart ng mga patinig na ang /i/ at /e/ ay dalawang magkahawig na tunog
sapagkat ang harap ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng mga ito. Gayon din naman ang /u/
at /o/ na binibigkas na ang bahaging likod ng dila ang gumagana.

Madaling patunayan na ang /i/ at /e/, gayundin ang /u/ at /o/ ay magkahiwalay na ponema sa
Pilipino.

Halimbawa:

Mesa -misa

Uso -oso

Ngunit may mga pagkakataon na ang /i/ at /e/, gayundin ang /u/ at /o/ ay malayang nagpapalitan
sa salita.

Lalaki -lalake

Nuon -noon

Pansinin sa mga halimbawa na malayang nagpapalitan ang /i/ at /e/ gayundin ang /u/ at /o/, kung
ang pantig na katatapuan ng dalawang ponema ay walang diin. Hindi nagpapalitan ang gamit ng
mga nabanggit na ponema sa mga pantig na may diin. Sa mga halimbawa sa itaas, ang din sa
mesa at misa ay nasa unang pantig na katatagpuan ng “I” at ”e”, kaya’t magkaiba ng kahulugan
ang dalawang salita, Samantala ang diin sa lalaki at lalake ay nasa ikalawang pantig na hindi
katatapuan ng /i/ at /e/ kaya’t hindi nag-iiba ng kahulugan ang dalawang salita.
PAGSASANAY 1:

A. PANUTO: Ngalanan ang bawat bahagi ni oscar na itinuturo ng palaso. Maging matapat sa
pagsasagot

B. Ilagay ang ponemang dapat mapalagay sa bawat bilang.

Paraan ng
Punto ng artikulasyon
artikulasyon
PANLABI PANGNGIPIN PANGGILAGID PANGNGALANGALA VELAR GLOTTAL
1 4 11 15
PASARA 2 5 12

3 6 13
NASAL
7
PASUTSOT
8
PAGILID
9
PAKATAL
10
MALAPATINA
G

C. Lagyan ng tsek ang bilang ng mga salitang may diptonggo.

____1. baliw ____6. Apoy


____2. Liwayway ____7. Mababaw
____3. Niyog ____8. Yoyong
____4. Biyahe ____9. Tihaya
____5. daluyong ____10. kamay

D. Pagkilala sa Kambal-katinig o klaster. Lagyan ng ekis ang salitang nagtataglay ng klaster sa bawat bilang.

1. KAHOY PUNO TROSO GUBAT


2. KRUS HESUS DIYOS KATOLIKO
3. MAYO NOBYEMBRE ENERO HULYO
4. DOKTOR NARS OSPITAL KLINIKA
5. PAKPAK DRAGON APOY HALIMAW

E. Lagyan ng tsek ang bilang ng mga pares ng salita a maituturing na pares minimal.

___1. Tekas: tikas ___11. Diretso: deretso

___2. Kape: kafe ___12. Benta: binta

___3. Belo: bilo ___13. Karumata: karomata

___4. Diles: riles ___14. Pera: pira

___5. Marumi: madumi ___15. Mag-alis: magalis

___6. Bubo: bobo ___16. Pipi: pepe

___7. Butas: botas ___17. Silya: selya

___8. Tela: tila ___18. Pang-alis: pangalis

___9. Mesa: misa ___19. Mang-ako: mangako

___10. Iwan: ewan ___20. Gamay: kamay

F. Ibigay ang depinisyon ng mga sumusunod na terminolohiya at magbigay ng halimbawa

1. Katinig
2. Patinig
3. Diptonggo
4. Klaster
5. Pares minimal
6. Malayang nagpapalitan

ARALIN 4: PONEMANG SUPRASEGMENTAL

1. Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas. Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay
nasa huling pantig na /may/. Ito isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang
pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.
Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing
/laMANG/siya.
2. Tono o intonasyon – pagtaas at pagbaba ng tinig na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang
salita, parirala o pangungusap upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
Parang musika ang pagsasalita nang may tono – may bahaging mababa, katamtaman at mataas.
Maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay ng kahulugan o
makapagpahina ng usapan ang pagbabago ng tono/tinig.

Halimbawa: 3
Antas ng tono:
PAHAYAG: 2 ha 2
ka pon 4= pinakamataas

4 3= mataas
PATANONG: 3 pon
2 ha 2= katamtaman
ka
1 = mababa

3. Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap. Ang hinto ay paghahati ng salita na gumagamit
ng sumusunod na mga pananda.
Panloob
a. Maikling hinto: , (kuwit), /+/= isang krus na pananda
b. Mahabang hinto: ;=tuldok-kuwit, :=tutuldok, ------ =isang mahabang guhit, // =dalawang
guhit pahilis, > =palaso, -=gitling, …=tulduk-tuldok.

Halimbawa:
1. Hindi siya ang nagnakaw. (Pagtanggi)
2. Hindi, siya ang nagnakaw.

Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita.


Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita

1. Likas na haba

Halimbawa:
a. /asoh/ - usok
/a:soh/ - isang uri ng hayop
b. /pitoh/ - bilang na 7
/pi:toh/ - silbato (whistle)
2. Panumbas na haba
a. /’aywan/ - /e.wan/ c. /tayo nah/- /te.nah/
b. /taingah/ - /te.nga/ d. /kaunti/ - /kon.ti/
3. Pinagsama na haba
a. magsasaka = /magsasa : ka/ = magbubukid
magsasaka = /magsa . sa : ka/ = magtatanim
b. Mananahi = /manana : hi/ = modista
mananahi = /mana . na : hi/ = magtatabas at bubuo ng
kasuotan.
PAGSASANAY 2:

A. PONEMANG SUPRASEGMENTAL. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita


batay sa DIIN at HINTO na ginamit.

1. /manda.rayaˀ/ ____________________
2. /mandara.yaˀ/ ____________________
3. /magsasakah/ ____________________
4. /magsasa.kah/ ____________________
5. /magna.nakaw/ ____________________
6. /magnana.kaw/ ____________________

B. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod ng mga transkripsyong ponemiko. Isulat sa


patlang sa kaliwa ang sagot. Isulat naman sa patlang sa gawing kanan ang transkripsyong
ponemiko ng isinasaad na kahulugan.(Gamitin ang Ponemang Suprasegmental na
Haba) Makikita sa unang bilang ang
halimbawa: Skirt 1. /sa:ya/ saya 1. be happy

____________________ 1. paso ____________________ 6. burn


____________________ 2. li:gaw ____________________ 7. lost
____________________ 3. tu:bo ____________________ 8. sugarcane
____________________ 4. si:kat _____________________ 9. famous
____________________ 5. pa:ko _____________________ 10. fern

C. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod ayon sa HINTO/ANTALA na ginamit sa mga


pahayag.

1. Tito Juan Anton ang pangalan niya. = _________________________________________


2. Tito, Juan Anton ang pangalan niya. = _________________________________________
3. Tito Juan, Anton ang pangalan niya. = _________________________________________
4. Tito, Juan, Anton ang pangalan niya. = _________________________________________
ARALIN 5: PAGPAPANTIG
Ang pantig ay isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa pamamagitan ng isang
walang antalang bugso ng tinig. May pormasyon ang pantig:

PORMASYON NG PATINIG HALIMBAWA


P- nangangahulugang payak,sapagka’t ito’y binubuo ng patinig a.so
lamang.
KP- binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan. Me.sa, ba.ba.sa,
(Tambal-una) Da.la.ga
PK- binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa hulihan. Ak.lat, ma.is,
(Tambal-huli) ok.ra
KPK- binubo ng patinig na may katinig sa magkabilang panig. Ha.yop, su.lat
(kabilaan)
KPKK- binubuo ng patinig at katinig sa may klaster sa hulihat, eksn. Kard,
nars,apart.ment
KKPK- binubuo ng patinig at katinig na may klaster sa unahan. Trak, trum.po
KKP- binubuo ng patinig na tinatambalan ng klaster sa unahan. Bra.so, kla.se,
dra.ma
PKK- binubuo ng patinig na tinatambalan ng klaster sa hulihan. Blo.awt, esk.tra
KKPKK- binubuo ng patinig na pinagitnaan ng dalawang klaster Trans.por.tas.yon

TUNTUNIN SA PAGPAPANTIG:

1. Hindi maaaring magkaroon ng dalawa o higit pang patinig sa isang panti. Bawat isa sa
nagkakasunod na patinig, halimbawa na magtula man o hindi ay dapat ibilang na isang pantig.

Halimbawa: i-i-yak i-a-a-lis ba-o

2. Kung nagkakasunod ang dalawang katinig, ang una’y ipinapantig sa patinig na sinusundan at
ang ikalawa’y sa patinig na sumusunod.

Halimbawa:

Ban-sa kam-pa-na sob-re


Ngunit laging TANDAAN na ang digrapong ng ay ibinibilang na isang letra lamang o isang
katinig at Mababanggit
hindi dalawa. na
Kaya’t ang salitang
rin dito na maaaringnangunguna,
dumatinghalimbawa
ang araway nahindi sakop na
tanggapin ng tuntuning
natin
ito.ang
Ang tamang
ilang pagpapantig
kataliwasan sa salitang
sa tuntuning ito.itoNa,
ay ang
na-ngu-ngu-na
ipadrowing,athalimbawa,
hindi nan-gun-gu-na
ay hindi lamang
i-pad-ro-wing ang magiging pagpapantig sapakat tatanggapin na rin ang i-pa-dro-wing
sapagkat malinaw na ang dr ay isang klaster. Mapapasama marahil sa nabanggit na
maaaring tanggaping kataliwasan ang mga pormasyon ng salitang ang isa sa nakapagitan
sa dalawang patinig ay alinaman sa dalawang malapatinig na y at w

Halimbawa: Rad-yo o ra-dyo, bak-ya o ba-kya, si-nig-we-las o si-ni-gwe-las

3. Hindi maaaring magkaroon ng higit sa dalawang katinig sa unahan o sa hulihan ng pantig. Sa


ibang salita, maaari ang wala, maaari ang isa o dalawa, ngunit hindi maaari ang tatlo o higit pa.

Halimbawa: trans-por-mas-syon at hindi transp-or-mas-syon

NGUNIT TANDAAN: maaaring dumating ang araw na mamodipika na ang tuntuning ito dahil
sa patuloy na pagpasok sa Pilipino ng mga salitang hiram sa Ingle. Sa Ingles ay karaniwan ang
mga klaster na binubuo ng higit sa dalawang ponemang katinig. Halimbawa
(discounts/diskwants)

TANDAAN na ang pinag-uusapan ay ang mga ponema o makahulugang tunog sa ipinakikita sa


pamamagitan ng transkripsyong ponemiko at hindi ang ispeling o baybay ng isang salita.

PAGSASANAY 3:

PANUTO: A. Pantigin an mga sumusunod batay sa mga wastong tuntunin sa pagpapantig.

1. kailangan
2. naglalanguyan
3. magtutulungan
4. patutunguhan
5. iuuwi
6. pinananalanginan
7. pinanggagalingan
8. oo
9. hudyat
10. kabyak
11. kababaihan
12. radio
13. makinilya
14. transkripsyon
15. kwentuhan
16. salungguhitan
17.nakatunganga
18. demokrasya
19. ortograpiya
20. sustansya

B. Sabihin kung ang pormasyon ng pantig sa titik o mga titik na may salungguhit ay P, KP, KPK,
KKP, PKK, KKPK, KPKK, KKPKK.

_____1. Kaibigan _____6. bunganga

_____2. Sulat _____7.

_____3. Poon

_____4. Istandard

_____5. Prinsesa

PANAPOS NA PAGSUSULIT

A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang T kung tama at M kung mali ang ideyang
ipinapahayag sa pangungusap.
____ ____1. Ang ponema ay makahulugang tunog.
____ ____2. Ang dating Abakada ay may 20 letra.
____ ____3. Dalawampu (20) ang ponema sa wikang Filipino.
____ ____4. Ang alfabeto ng wikang Filipino ay may 28 letra kaya may 28 ponema rin
____ ____5. Lima (5) ang ponemang patinig sa Filipino: /a, e, i, o, u/.
____ ____6. Ang impit na tunog ay nakapag-iiba sa kahulugan ng salita pero hindi ito makikita
sa pagbaybay o ispeling ng salita.
____ ____7. Ang mga salitang kulay, daloy, aliw at ayaw ay mga halimbawa ng mga salitang
may diptonggo.
____ ____8. Ang mga diptonggo sa mga salita sa Blg. 7 ay ay, oy, iw at aw.
____ ____9. Ang mga salitang kulayan, kamayin, daluyan at ayawan ay may diptonggo rin.
____ ____10. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig.
____ ____11. Ang mga salitang drama, braso, gripo at trapo ay mga halimbawa ng mga salitang
may klaster.
____ ____12. Ang mga klaster sa mga salita sa Blg. 11 ay dr, br, gr at tr.
____ ____13. Pareho lamang ng kahulugan ang dalawang pangungusap sa ibaba:
• Hindi, akin ang kendi sa mesa.
• Hindi akin ang kendi sa mesa.

B. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na diptonggo para mabuo ang mga salita sa ibaba.
Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.

1. sukl_ _ pang-ayos ng buhok 9. sal_ _ tugtog na kasabay ng kanta


2. bugh_ _ isa sa mga kulay 10. ag_ _ dumi sa bahay
3. ar_ _ sumisikat tuwing umaga 11. sakl_ _ ginagamit ng pilay
4. bal_ _ sira ulo 12. pil_ _ may baling buto
5. bah_ _ tirahan 13. il_ _ nagbibigay ng liwanag
6. tul_ _ pasok 14. sis_ _ anak ng inahin
7. tul_ _ tawiran sa ibabaw ng ilog 15. dil_ _ isa sa mga kulay
8. suh_ _ suporta

C. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na letra para magkaroon ng klaster ang mga salita
sa ibaba. Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.

1. p _ asa liwasan
2. k _ edito utang
3. d _ ama dula
4. p _ eso bilanggo
5. t _ apo basahan
6. p _ enda sangla
7. p _ antsa pang-unat ng damit
8. p _ ito luto sa mantika
9. p _ ato pinggan
10. g _ asya biyaya

D. Basahin ang mga pares ng pangungusap sa ibaba. Ituon ang pansin sa mga salitang italisado.
Tingnan kung magkapareho ng bigkas ang mga ito. Kung pareho ng bigkas, isulat sa iyong
sagutang papel ang P; kung hindi, isulat ang HP.

____1. Inuubo siya dahil may butas ang baga niya.


May baga pa sa kalan; maiiinit mo roon ang ulam.
____2. Ang paso ay taniman ng halaman.
Ang paso ay kailangang lagyan ng gamot para di maimpeksyon.
____3. Ang pagdinig ay idinaos sa sala ng hukom.
Siya, siya nga ang may sala.
____4. Hindi na magagamit ang mga kinakalawang na pako.
Masustansya ang ensaladsang pako.
____5. Pinabili lang siya ng suka sa tindahan.
Linisin mo nga ang suka ng bata sa sopa.

E. Magkapareho ba ng kahulugan ang mga pares ng pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyong


sagutang papel ang P kung pareho; HP kung hindi.

____1. Bukas, luluhod ang mga tala.


Bukas luluhod ang mga tala.
____2. Aalis kami, bukas.
Aalis kami bukas.
____3. Bukas kami aalis.
Bukas, aalis kami.
____4. Hindi, umuulan.
Hindi umuulan.
____5. Kahapon?
Kahapon.
SANGGUNIAN:

Malicsi, Jonathan c. 2013. Gramar ng Filipino. Sentro ng Wikang Filipino. Lungsod ng Quezon,
Pilipinas.

Santiago, Alfonco O. 2003. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store. Manila, Philippines.

You might also like