You are on page 1of 16

Aralin 8 PONOLOHI

YA
Panimula
Magandang araw masigasig at butihing
mag-aaral! Isang panibagong araw ng
pagtatalakay na naman ang ating
sisimulan. Handa ka na bang simulan
ang ating talakayan ukol sa
ponolohiya? Sigurado akong
magagalak at matututo ka sa aralin at
mga gawaing inihanda ko para sa iyo.

Pagkatapos ng aralin, inaasahang maisakatuparan ng mga mag-aaral ang mga


Mithiing-Layunin
sumusunod:

1. Nabibigyang katuturan ang ponolohiya.

2. Natutukoy ang mga salitang may diptonggo.

3. Nakikilala ang mga salitang may klaster.

Pagyamanin

1|Page
PONOLOHIYA

Ang pag-aaral ng tunog ay tinatawag na ponolohiya. Ito ay


pagpapantig o tunog sa isang wika. Ito rin ay may kinalaman
sa alituntunin sa pagkasunod-sunod ng mga tunog.

Ipinahahayag din ng ponolohiya na ang bawat wika ay may


kabuoang arbitraryo sa lahat ng tunog na ginagamit nito. Ang
mga katinig at patinig ng mga tunog sa Filipino.

PONEMA

Pinakamaliit na yunit ng wika. Ang alpabetong Filipino ay


nagtataglay ng 28 ponema. Binubuo ng 23 katinig at 5 patinig.

2|Page
PONOLOHIYA O PALATUNUGAN

Pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto (juncture),


pagtaas-pagbaba ng tinig (pitch), diin (stress) at
pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening)

PONEMA

Ang ponema ang pinakamaliit na bahagi ng wika na


nagtataglay ng kahulugan. Ito ay makabuluhang tunog ng
isang wika. Ito ay hango sa wikang Ingles na phoneme na
nahahati sa dalawang salitang phone (tunog) at –eme
(makabuluhan) Ang Filipino ay may 28 ponema: 23 ang katinig at 5 ang patinig
na siyang pinakatampok o pinaka-prominenteng bahagi ng pantig. Mga Katinig
- /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h , f, v, z, l, r, j, w, y. Ang mga Patinig - /a, e, i, o, u/
kumakatawan sa titik na ng. /?/ ay hindi binigyan ng katumbas na letra. Sa halip,
ito’y isinama sa palatuldikan at tinutumbasan ng tuldik na paiwa (’). ’ -
kumakatawan sa impit na tunog o sa saglit na pagpigil sa hangin. Halimbawa:
/tu:boh/ vs /tu:bo’/ /u:poh/ vs. /upo’/ /kitah/ vs /ki:ta’/

SALIK SA PAGSASALITA

1. ENERHIYA o ang pinanggagalingan ng lakas

2. ARTIKULADOR o ang pumapalag na bagay

3. RESONADOR o ang patunugan

Bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog

3|Page
1. dila at panga (sa ibaba)

2. ngipin at labi (sa unahan)

3. matigas na ngalangala (sa itaas)

4. malambot na ngalangala (sa likod)

PARAAN NG ARTIKULASYON

Sa pamamagitan ng walong punto ng artikulasyon ay mailalarawan natin ang


ponemang katinig ng Filipino.

1. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b,m/.

2. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/.

3. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin /f,v/.

4. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong


gilagid /s,z,l,r/.

5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw


ng punong dila /y/.

6. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng


punong dila /k,g,ŋ,w/.

7. Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/.

8. Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang


ang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay
pakakawalan upang bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog /?,h/.

PARES-MINIMAL
4|Page
Pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa
bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon.

bala pala

ambon ampon

kahoy kasoy

hari pari

tela tila

pare-mare

oso-uso

mesa-misa

PARES MINIMAL

Ito ay mga pares ng mga salita na magkaibaang kahulugan ngunit magkatulad sa


bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon. Karaniwang
ginagamit ang pares minimal sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog ng
magkakahawig ngunit magkakaibang ponema.

Halimbawa :

Salita (pagkakaiba sa ponema)

Pasa /pasa’/ bruise’

Basa /basa’/ ‘wet’

Ampon /ampon/ ‘adopt’

Ambon /ambon/ ‘drizzle’


5|Page
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN

Pares ng salita na kakatagpuan ng magkaibang ponema sa magkatulad na


magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakakaapekto o nakakapagpabago ng
kahulugang taglay ng mga salita.

' POLITICS '

Batay sa mga ipinakitang halimbawa,

mapapansin na malayang nagpapalitan

ang /i/ at /e/, gayundin naman ang /o/ at /u/.

Kaakibat nito, hindi nakakaapekto ang pagpapalitang ito sa kahulugan ng salita.

Batay sa mga ipinakitang halimbawa, mapapansin na malayang nagpapalitan


ang /i/ at /e/, gayundin naman ang /o/ at /u/. Kaakibat nito, hindi nakakaapekto
ang pagpapalitang ito sa kahulugan ng salita.

Ang mga ponemang P/ O/ L/ I/ T/ I/ K/ at A na kung pagsasama-samahin sa


makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang POLITIKA.

POLITIKA= /POLITIKA/

PULITIKA= /PULITIKA/

Gintong Butil ng Kaalaman

1. Katinig – panimula o pangwakas na bahagi ng pantig. Nagbibigkas sa iba’t


ibang paraan tulad ng mga sumusunod:

6|Page
a. saglit na pagpigil at pagkatapos ay pagpapakawala sa bugso ng hanging
galling sa baga. /p, t, k, b, d, g/

b. pagharang ng hangin sa isang punto ng artikulasyon upang sa ibang bahagi


magdaan. /m, n, h, l, r/

c. pagpapalabas ng hangin sa isang pinakipot na lagusan. /s, h, w, h/

2. Patinig – pinakatampok o pinaka-prominenteng bahagi ng pantig. Hal: a at I


sa lapis

3. Diptonggo – alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa


loob ng isang pantig. Hal: ey sa reyna, iw sa aliw.

4. Klaster -magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. Hal:


pl sa plano, rd sa kard.

5. Pares minimal – mga pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit


magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban lamang sa isang ponema.

Hal: tela: tila

6. Malayang Nagpapalitan: ponemang matatagpuan sa magkatulad na


kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita.

Hal: lalaki: lalake

7|Page
Aralin 9 PONEMA
Panimula
Magandang araw masigasig at butihing
mag-aaral! Isang panibagong araw ng
pagtatalakay na naman ang ating
sisimulan. Handa ka na bang simulan
ang ating talakayan ukol sa
ponolohiya? Sigurado akong
magagalak at matututo ka sa aralin at
mga gawaing inihanda ko para sa iyo.

Pagkatapos ng aralin, inaasahang maisakatuparan ng mga mag-aaral ang mga


Mithiing-Layunin
sumusunod:

4. Nabibigyang katuturan ang ponolohiya.

5. Naipaliliwanag ang mga uri ng ponema.

6. Nakikilala ang mga salitang may diptonggo.

Tuklasin

Isulat sa loob ng scroll ang iba’t ibang kahulugan ng mga


sumusunod.

8|Page
ponolohiya ponema

ponemiko ponetiko

diptonggo klaster

Pagyamanin

Ponemang Segmental
9|Page
Ang Filipino ay may 21 ponemang segmental – 16 sa mga ito
ay katinig at lima naman ang patinig. Mga Katinig - /b, k, d, g,
10 | P a g e
PONOLOHIYA

Ang pag-aaral ng mahalagang yunit ng tunog o ponema ay


binubuo ng mga segmental at suprasegmental. Segmental
ang mga tunay na tunog at ang bawat tunog ay
kinakatawan ng isang titik sa ating alpabeto. Ang
suprasegmental ay pag-aaral ng diin (stress), pagtaas-
pagbaba ng tinig (tune o pitch), paghaba (lengthening) at
hinto (juncture).

PONEMA

Patinig – a, e, i, o, u

Katinig- b, k, d, g, h, l, m, n, ng, o, p, r, s, t, w, y

Mahalaga ang ponema, dahil nabanggit nga sa kahulugan na ito ay maliit na yunit
ng tunog. Kahit na ito ay ang pinakamaliit kapag nawala ang isang ponema ay
magkakaroon ng panibagong kahulugan ang isang salita, maging sa pagbigkas ng
mga ponema ay maaaring magkaroon ng panibagong kahulugan ang isang salita.

Ponemang Segmental

Ang Filipino ay may 28 ponemang segmental – 16 sa mga ito ay katinig at lima


naman ang patinig. Mga Katinig - /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/ Sa
ating palabaybayan ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas na titik. Sa halip,
isinama ito sa palatuldikan at tinumbasan ng tuldik na paiwa /’/ sa dahilang ito’y
hindi normal na tulad ng ibang ponema.

Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.


a. Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang
impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang
ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita.
Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.
11 | P a g e
b. p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang
katinig

Halimbawa:
ba:tah – housedress
tub:boh – pipe
ba:ta? – child
tub: bo? – profit

c. Ang ponemang patinig ay lima: a, e, i. o, u

d. May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/
at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.

Halimbawa:

babae – babai
kalapati – kalapate
lalaki – lalake
noon – nuon

e. Mayroon din naming mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema


ang /u/, /o/, /i/ at /e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at
hindi maaaring pagpalitin.

Halimbawa:

uso – modern
mesa – table
oso – bear
misa – mass
12 | P a g e
Mga Patinig - /i, e, a, o, u/ Itinuturing ang mga patinig na siyang pinakatampok o
pinakaprominenteng bahagi ng pantig. Walang pantig sa Filipino na walang
patinig.

Halimbawa: b a – h a y, b a – b a – e , u – l o , d i - l a

May kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang tunog ang bawat


wika. Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan nito sa
sandaling alisin o palitan ito.

Halimbawa’y mag-iiba ang kahulugan ng salitang baso kapag inalis ang /s/ at
ito’y nagiging bao. Kapag pinalitan naman ang /s/ ng /l/, ito’y nagiging balo.
Samakatwid, ang /s/ ay makabuluhang tunog sa Filipino at tinatawag itong
ponemang segmental o ponema.

Ponemang Suprasegmental

DIIN

Ang diin ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang


pantig sa salitang binibigkas. Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa
huling pantig na /may/.

Halimbawa:

1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.

2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing


/laMANG/siya.

TONO O INTONASYON

13 | P a g e
Pagtaas at pagbaba ng tinig na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang salita,
parirala o pangungusap upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap
sa kapwa. Parang musika ang pagsasalita nang may tono – may bahaging mababa,
katamtaman at mataas. Maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,
makapagbigay ng kahulugan o makapagpahina ng usapan ang pagbabago ng
tono/tinig.

HINTO O ANTALA

Saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang


mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap. Ang hinto ay paghahati ng salita
na gumagamit ng sumusunod na mga pananda. Panloob Maikling hinto: /I/=,
(kuwit), /+/= isang krus na pananda Mahabang hinto: ;=tuldok-kuwit, :=tutuldok,
_______=isang mahabang guhit, //=dalawang guhit pahilis, >=palaso, -=gitling,
…=tulduk-tuldok.

Halimbawa:

Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa
kaibigan mo.)

Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam na si Cora ang may kasalanan.)

Magalis (puno ng galis)

mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)

HABA

paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita.


Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng
salita

14 | P a g e
1. Likas na haba

Halimbawa:

/asoh/ - usok

a:soh/ - isang uri ng hayop

/pitoh/ - bilang na 7

/pi:toh/ - silbato

Ponemang Suprasegmental

Panumbas na haba

a. /’aywan/ - /e.wan/

b. /tayo nah/- /te.nah/

c. /taingah/ - /te.nga/

d. /kaunti/ - /kon.ti/

3. Pinagsama na haba

a. magsasaka = /magsasa : ka/ = magbubukid magsasaka = /magsa . sa : ka/ =


magtatanim

b. Mananahi = /manana : hi/ = modista mananahi = /mana . na : hi/ = magtatabas


at bubuo ng kasuotan.

15 | P a g e
DIPTONGGO

Pagsasama o pagtatambal ng alinmang patinig at ng malapatinig na /w/ at /y/ sa


loob ng isang pantig.

Halimbawa: reyna, galaw

KLASTER

Ito ay kambal-katinig sa Filipino ay ang magkakabit na dalawang magkaibang


katinig sa isang pantig.

Hal: pl sa plano, rd sa kard.

Ponemiko

Tawag kapag ang ponetik ay nagdudulot ng pagbabagong semantika sa loob ng


salita.

-Vase/Base

-Fin/Pin

Ponetiko

Ang tawag kung ang mga ponetik ay hindi


nagdudulot ng pagbabagong semantika sa loob ng
salita.

-Zigzag/Sigsag

-Vertical/Bertikal

16 | P a g e

You might also like