You are on page 1of 14

MODYUL 1

PONOLOHIYA

Layunin:
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang kahalagahan ang pag-aaral sa Wika.


2. Nauunawaan ang pag-aaral sa Ponolohiya ng Wikang Filipino.
3. Naiisa-isa ang mga Ponema ng Wikang Filipino.

WIKA: Kahulugan at Kahalagahan


Ang wika ang nagsisilbing behikulo ng bawat isa upang magkaintindihan at
magkaunawaan. Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang gamit.Bawat nilalang ay
may kanya-kanyang instrumentong gamit kung papaano ipahayag ang mga ideya o
ninanais.

Kahalagahan ng Wika

Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi
lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin. Ang Wika ang ginagamit
natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at
nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig
bansa nito. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan.
Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating
kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng
paggamit ng wika. Ito ang kahalagahan ng wika.

PONOLOHIYA (Palatunugan)
Ang wikang Filipino ay tulad ng alinmang wika sa ating daigdig na may kanya-
kanyang tunog at balangkas.
Isa sa antas ng pag-aaral ng wika ang ponolohiya. Ang “pono” ay galing sa
English na “phone” na nangangahulugang tunog at ang “lohiya” na nangangahulugang
pag-aaral.

Samakatuwid ang ponolohiya/ponoloji ay pag- aaral ng mga tunog ng ating wika.


Ang tunog ay tinatawag na ponema at bilang yunit ng tunog na nagpapaiba ng kahulugan.

MGA BAHAGING GINAGAMIT SA PAGSASALITA


Tinatawag itong OSCAR o anumang karaniwang ngalan ng tao. May tawag tayo
sa bawat bahagi ni OSCAR na ginagamit sa pagsasalita.
ANG PAGSASALITA
Sa ating pagsasalita kinakailangang isaalang-alang ang tatlong salik upang
makapagsalita ang tao:

1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga


(pressure created when exhaling)

2. Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig (Vocal)

3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang


itinuturing na resonador (modifies the sound. The mouth and nasal passageway are
considered as resonators.)

Ang bibig ng tao (tignan ang larawan ni OSCAR) ay may apat na bahaging
mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog.

1. Dila at panga (sa ibaba)


2. Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangala (sa itaas)
4. Malambot na ngalangala (sa likod)
Ponolohiya ng Filipino
1. Mga Ponemang Segmental

Ito ay binubuo ng ponemang katinig (16) at patinig (5).

• Bawat wika ay may kani-kanyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang mga


tunog.
• Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng
salitang kinasasamahan nito sa sandaling ito’y alisin o palitan.
• Ang isang makabuluhang tunog sa Filipino ay tatawagin nating ponemang
segmental o ponema.
Ponema-ito ang pundamental at teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod
ng salita. Nakakabuo ng ibang kahulugan kapag pinapalitan ang isang ponema
nito.

Halimbawa:

Ang pasa at basa ay nag-iiba ang kahulugan kapag pinalitan. Ang /p/ at /b/ ay mga
makabuluhang tunog.

a. Ponemang Katinig
Ang mga katinig ng Filipino ay maiaayos ayon sa punto at paraan ng
artikulasyon. Ang paraan ng artikulasyon ay naglalarawan kung paano pinatutunog
ang mga ponemang katinig sa bibig. Makikita sa tsart kung ang mga ito ay binibigkas
nang may tinig (m, t.) o walang tinig (w, t.),
Mga Katinig - /p, t, k, ?, b, d , g, m ,n ,ŋ ,s, h , l, r ,w ,y/

Limang Punto ng Artikulasyon

1. Panlabi – ang ibabang labi ay dumidiit sa labing itaas. /p, b,m/

2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas, /t, d, n/

3. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong


gilagid, /s, l, r/
4. (Pangngalangala) Velar – ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o
malambot na bahagi ng ngala-ngala. /k, g, h/

5. Glottal – ang mga babagtingang pantinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang


ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na
tunog. /?, h/

Paraan ng Artikulasyon

Sa Paraan ng Artikulasyon naman ay inilalarawan kung papaanong gumagana


ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay
lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbikas ng alinman sa mga ponemang katning.

Ang Paraan ng Artikulasyon sa Filipino ay mapapangkat s anim, gaya ng


sumusunod:

1. Pasara – ang daanan ng hangin ay harang na harang. /p, t, k, ?, b,d,g/.

2. Pailong – ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng


dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum o
malambot na ngalangala ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas. /m, n, ƞ/.

3. Pasutsot – ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila


at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig, /s, h/.

4. Pagilid – ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila
ay nakadiit sa punong gilagid.

5. Pakatal – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa


pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulog ng nakaarkong dila. /r/.

6. Malapatinig – kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang


pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon.
B. Mga Patinig
Ang patinig ay itinuturing na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng
pantig. Walang pantig sa Filipino na walang patinig.

Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din sa tsart ayon naman sa kung aling bahagi
ng dila ang gumagana sa pagbikas ng isang patinig-unahan, sentral, likod- at kung ano
ang pusisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas- mataas, nasa gitna o mababa.

Tsart Ng Mga Ponemang Patinig

Anyo ng Dila BAHAGI NG DILA

HARAP SENTRAL LIKOD

MATAAS i u

GITNA e a o
MABABA
2. Mga Diptonggo

Ang mga diptonggo ng Filipino ay iw, iy, ey, ay, aw, oy, at uy. Alin mga
patinig ng sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig ay
itinuturing ng isang diptonggo. Ngunit kapag ang /y/o/w/ ay napapagitan sa
dalawang patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig, kaya’t hindi
na maituturing na diptonggo.

Halimbawa:
Ba-liw sa-baw rey-na
Ba-hay ka-hoy ba-duy

3. Mga Klaster

Ang mga klaster o kambal na-katinig sa Filipino ay parami nang parami


dahil sa impluwensya ng Ingles. Ang klatser ay ang magkakabit sa dalawang
magkaibang katinig sa isang pantig.

Halimbawa
Inisyal • blusa, kwento, dragon
Midyal • sombrero, ekspresyon, asembleya

Pinal • ark, kard, biks

4. Mga Pares Minimal

Ang pares ng salita sa na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na


magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay
tinatawag na pares minimal.
Halimbawa

Pepe/pipi uso/oso
Misa/mesa pala/bala
Tila/tela bata/pata

5. Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan

Ang mga kaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran


ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita ay sinabing nasa malayang
pagpapalitan. Ang Malayang pagpapalitan sa dalawang ponema ay karaniwang
nangyayari sa mga ponemang patinig na i at e, gayundin sa u at o.
Halimbawa:
marami/madami tutuo/totoo
nuon/noon babae/babai

6. Ang Glottal na Pasara o Impit na Tunog

Ang bilang ng mga katinig ay naging labing-anim sa halip na labinlima lamang


dahil sa ponemang glottal na pasara. Ito ay itinuturing na isang ponema, kaiba sa
ibang ponema, hindi ito inirereprisinta ng titik o letra.

7. Mga Ponemang Suprasegmental

Napag-aralan natin na bawat wika ay may sariling set o takdang dami ng


mga ponemang segmental. Ang Filipino ay may 21 ponemang segmental.
Napag-aralan din natin na hindi maaring alisin o palitan ang mga segment o
ponema ng isang salita nang hindi magbabago ang kahulugan nito. Sa
paggamit ng suprasegemental, malinaw na naipahahayag ang damdamin,
saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
a. Tono – Ang Tono ay taas-baba na inuukol natin sa pagbigkas na pantig ng isang
salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating
kapwa. Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig ng salita na may
diin. Sa Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang
pantig. Malimit ding kasama ng diin ang pagpapahaba ng patinig. Tulad
nito:

Halimbawa:
b. Haba at Diin – Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na inuukol ng
nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas
ng bigkas sa pantig ng salita.
Mga uri ng diin at tuldik
1. Salitang malumanay
Ang diin ay laging nasa ikalawang pantig ng salita buhat sa hulian;
binibigkas ng banayad at hindi tinutuldikan. maaring magtapos sa patinig o katinig
Halimbawa
Bunga mayaman
Halaman mahirap
Tao aso
2. Salitang mabilis
Ang diing mabilis ay binibigkas ng pagbunton sa hulihang pantig ng salita o
nang tuloy-tuloy. Ito ay maaaring magtapos sa patinig o katinig .ang tuldik na
ginagamit sa saliitang mabilis ay pahilis.
Halimbawa:
Timpalάk lihά
Panahάn kulugό
batά
3. Salitang Malumi
Ang mga salitang malumi ay may tuldik na paiwa. Laging nagtatapos sa
patinig. Ang diin ay nasa kaliwang pantig buhat sa hulian ngunit ang huling pantig
ay may impit kung bigkasin. Walang malumi na iisahing pantig.

Halimbawa
Panukalᾲ Binatᾲ Sariwᾲ birᾲ

Luhᾲ Dambuhalᾲ

4. Salitang Maragsa

Ito ay may tuldik na pakupya at laging nagtatapos sa patinig. Binibigkas ang salita
na tuloy-tuloy ngunitinimpit sa huling pantig.

Halimbawa:

Sinundân sinalitâ dumugộ


pinunộ bumahâ sumalitâ
c. Antala – Ito’y ang saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ibig nating ipahatid sa ating kausap. Mapapansin ang
bahagi kung kailan dapat huminto ito ay sa pamamagitan ng kuwit (,) at tuldok (.)
Halimbawa:
Tito Jose Antonio ang kaibigan ko // (ipinakilala ang buong pangalan ng kaibigan nya)

Tito/ Jose Antonio ang kaibigan ko // (ipinakikilala sa kanyang tito jose antonio)

Tito Jose/ Antonio ang kaibigan ko // (ipinakikilala sa kanyang tito si jose antonio)

Tito Jose Antonio / ang kaibigan ko // (ipinakikilala ang kaibigan kay tito jose antonio)

You might also like