You are on page 1of 13

PO NO L O H I Y A

MEL JEAN JOY T. DAILEG


PONOLOHIYA
• Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika na
nagbibigay kahulugan sa pagbigkas ng salita o
nagbibigay ng pagbabago sa kahulugan ng mga
salita ay tinatawag na PONOLOHIYA o PALATUNUGAN.
• Ang tawag sa tunog na may kahulugan din pero
pinakamaliit na bahagi ng wika ay PONEMA.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG PONOLOHIYA

• Naihahayag ang diwang nais ibigay ng


nagsasalita
• Nagbibigay diin(stress) paghinto (juncture),
pagtaas-pagbaba ng tinig (pitch), at
pagpapahabang tunog (prolonging/
lengthening)
• Sa wikang Filipino, mayroong
dalawampu’t isa (21)ang ponemang
segmental. Lima (5) rito ay
patinig,labing anim (16) ang katinig o
glottal.
PONEMANG SEGMENTAL AT PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
• Ponemang Segmental -ay ang mga tunay na tunog at ang bawat
tunog ay kinakatawan ng isang titik sa ating alpabeto.
1. Ponemang Katinig - binubuo ng 16 na ponema:
b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
*Paraan ng Artikulasyon – inilalarawan kung paanong ang hininga ay
lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas.
Ang paraan ng artikulasyon o paraan ng pagbigkas ay mapapangkat
sa anim, gaya ng mga sumusunod:
a. Pasara. Hinaharangan ang daanan ng hangin.
/p,t,k,?,b,d,g/
b. Pailong. Nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod
ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya'y dahil sapag baba ng malambot na ngalangala. Ang
nangyayari ay hindi sa bibig lumalabas ang hangin kundi sa ilong.
/m,n, /ng/
c. Pasutsot. Sa makipot na pagitan ng dila at ngngalangalao kaya'y ng mga babagtingang tiniglumalabas
ang hangin.
/s,h/
d. Pagilid. Dahil sa ang dulong dila ay nakadiit sa punoggilagid, sa mga gilid ng dila lumalabas ang hangin.
/l/

e. Pakatal. Dahil sa ang dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang hangin sa loob ng bibig ay paiba-ibang
direksyon at ito ay nahaharang.
/r/
f. Malapatinig. Kapag malapatinig ang ponema, anggalwa ng labi o dila ay mula sa isang pusisyon patungo
sa ibang pusisyon.
/w,y/
*Punto ng Artikulasyon – pinapakita kung saang bahagi ng bibig
nangyayariang pagbigkas.

a. Panlabi. Ang ibabang labi at labing itaas ay naglalapat;ginagamit ang mga labi sa pagbigkas ng katinig.
/p,b,m,w/
b. Pangngipin. Ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob osa likod ng ngiping itaas.
/t,d,n/
c. Panggilagid. Ang punong gilagid ay nilalapitan o dinidiitan ng ibabaw ng dulong dila.
/s,l,r/
d. Palatal (Pangalangala). Dumidikit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila.
/y/
e. Velar (Pangngalangala). Ang velum o malambot nabahagi ng ngalangala ay dinidiitan ng ibabaw ng punong dila.
/k,g, /(ng)
f. Panlalamunan. Ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na tinatawag na glottis ay bahagyang nakabukas upang
ang hangin sa lalamunan ay makadaan.
/h/.
g. Glottal. Ang presyur ng papalabas na hangin o hininga ay nahaharang sa pamamagitan ng pagdidikit ng mga
babagtingang tinig at ang nalilikha ay paimpit o pasutsot na tunog.
/?/
2. Ponemang patinig- a, e, i, o, u
• Sa pagbigkas ng mga ponemang patinig, may pagkakataon na napapalitan ang ponemang e ng i at ang o ng u
subalit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.
• Mga Halimbawa:
• bibe-bibi
• babae-babai
• doon-duon
noon-nuon

• Subalit may pagkakataon na kapag napapalitan ng e ng i at ang o ng u, nagbabago ang kahulugan ng salita. Kapag
naganap ang pagpapalit at pagbabago ng kahulugan, ang e ng i at ang o ng u ay dalawang magkahiwalay o
magkaibang ponema na.
Halimbawa:

mesa-table
misa-mass
3. Diptonggo- Ito ay ang pinagsamang patinig at malapatinig na
/w/ at /y/.
Mga halimbawa:
Bahay Kasuy
Tuloy Giliw
Hanay Sisiw
Beywang Kalansay

4. Kambal-katinig o Klaster Ito ay ang dalawang magkaibangkatinig na magkasunod sa


isang pantig.
Mga Posisyon:
1. Posisyong Inisyal-unahan
3. Posisyong Pinal- hulihan
Hal. Plano
Hal.
2. Posisyong Midyal-gitna
Hal. Sombrero
5. Pares Minimal -Ang pares ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit
magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon.
Mga Halimbawa:
Upo – Opo
Patay- Palay
Gulong- Bulong
Lanta Kanta
Misa – Mesa
Bahay- Buhay
Kulang-Gulang
Pusa - Kusa
• Ponemang Suprasegmental - ay ang pag-aaral ng ngdiin (Stress), tono (tune),
haba (lengthening) at hinto(Juncture)

1. Tono tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig.- nakukuha ang mensahe


ng kausap- nangangaral,naiinis, nang-iinsulto, nagtatanong, nakikiusap o
nag-uutos.

2. Haba- tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantig ng salita na may patinig o katinig.

3. Diin- tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa pantig nakailangang bigyang-diin.

4. Antala/ Hinto/ Pagtigil - saglit na pagtigil


THANK YOU 😊!!

You might also like