You are on page 1of 10

Paksa: MORPOLOHIYA

MORPOLOHIYA

Ø Ang morpolohiya ay isang disiplina ng linggwistika na nag-aaral ng kayarian


ng mga salita.

Ø Ang morpolohiya ay pag-aaral ng mga morpema ng isang wika. Ito ay sistema


ng pagsasama-sama ng mga morpema sa pagbuo ng mga salitang isang wika.

Ø Ito ay kilala din sa katagang PALABUUAN.

ANG SALITA

· Kadalasang kaagad binibigyan ng pansin kapag pinag-uusapan


ang isang wika.
· Isang katangian din ng tinatawag na salita , ang katangian na
maaring bigkasin ito na nakahiwalay sa iba pang salita
· May mga salita sa wika ng mundo na binubuo ng higit sa isang
salita tulad ng hampaslupa, buntonghininga, kisapmata sa
Tagalog.
· Ang mga sikwens ng mga tunog na mey kahulugan sa isang
wika’y di pareho o, kadalasan, walang kahulugan sa ibang wika.

KAYARIAN NG SALITA

May apat na kayarian ng mga salita. Ito ang mga sumusunod:

1. PAYAK - salitang-ugat (bughaw, ganda, sikap)


2. MAYLAPI - salitang-ugat at may panlapi (maganda,
masikap, magalang)
3. INUULIT - kapag ang salitang-ugat ay inuulit (magandang-
maganda).
4. TAMBALANG-SALITA - dalawang magkaibang salitang
pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan

Mga halimbawa ng tambalang salita at mga kahulugan


nito
1. Ingat-yaman - tresyurera o tresyurero, tagapag-ingat ng
salapi o ari-arian ng isang tao o organisasyon

2. Matapobre - mapagmataas, malupit, mapangmata sa mga


mahihirap

3. Patay-gutom - timawa, palaging gutom, matakaw

4. Hampaslupa - mahirap, pobre, pulubi

5. Akyat-bahay - magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba

6. Boses-palaka - pangit kumanta, sintunado o wala sa tono

7. Ningas-kugon - sinisimulan ang isang Gawain ngunit hindi


tinatapos

8. Nakaw-tingin - pag-sulyap sa isang tao na hindi niya


nalalaman

9. Agaw-pansin - madaling makakuha ng pansin o atensyon,


takaw-pansin, agaw-eksena

10. Sirang-plaka - paulit-ulit ang sinasabi

ANG MORPEMA O MORFIM

u Pinaka maliit na yunit ng wika na may kahulugan.

URI NG MORPEMA

1. MORPEMANG KATAGA
Ø ang kataga ay isang morpemang iisahaning pantig lamang at ang mga ito’y
walang kahulugan kung nag-iisa maliban na lamang kung isasangkap sa
pangungusap.

Halimbawa:

ba pa na din rin raw daw


po ho nga man pla naman

2. MORPEMANG MALAYA/MORPEMANG SALITANG-UGAT

Ø Tinatawag na mga malayang morfim ang mga salitang pwedeng bigkasing


nag-iisa at di laging nakakabit pa sa ibang morfim.
Halimbawa:

saing luto inom kain

3. DI- MALAYANG MORPEMA/ MORPEMANG PANLAPI

Ø Mga morpema na laging nakakabit sa ibang morpema


Ø Tinatawag na afiks o panlapi ang mga morpema na laging nakakabit sa
ibang morpema (unlapi,gitlapi, hulapi, laguhan)
Ø Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may iba -
ibang uri din ng panlapi ayon sa pusisyon nila sa loob ng salita.

a. Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita.


Halimbawa : magbasa, umibig, paalis, makahuli

b. Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita.


Halimbawa : sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa

c. Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita.


Halimbawa : ibigin, sulatan, sabihan, gabihin

d. Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan


at ang isa ay nasa hulihan ng salita.
Halimbawa : mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan

e. Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at


hulihan ng salita.
Halimbawa : magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan

PAGKILALA SA MORFIM o MORPEMA


Para malaman ang morfim ng isang wika, kinokompara ang mga
salitang mey mga sikwens na mga tunog na magkapareho o halos
magkapareho at pareho din ang kahulugan tulad ng ipinakita sa
nakaraang diskasyon tungkol Swahili.

Halimbawa:

pambato batuhan nabato bumato


PONOLOHIYA AT MORPOLOHIYA NA PAGKONDISYON

· Mga salitang plural sa Ingles o ang mga salitang nagsasabing


higit sa isa ang pinag-uusapan.
· Malalaman ang morfim ng plural kung ikukumpara ang mga
salitang nagsasabing isa lang ang pinag-uusapan at ang mga
salitang higit sa isa ang pinag-uusapan.

Isa higit sa isa

boy-batang lalaki boys- mga batang lalaki

sæk-sako sæks- mga sako

kæb- taksi kæbz- mga taksi

bæg- lalagyan,bag bægz-mga bag

PONOLOHIYA NA PAGKONDISYON

Iba pang ginagamit na panlapi para makapagbuo ng kahulugang “higit


sa isa”.

Halimbawa:

æks- palakol ækses-mga palakol

mætč-posporo mætčes- mga posporo

rowz- rosas rowzes-mga rosas

jedĵ-hwes,jadj jedjes- mga hwes

MORPOLOHIYA NA PAGKONDISYON

· Mga alomorf na ang batayan ng paggamit ay hindi isang tunog


sa envayronment ng morpema kundi sa iba pang morpema
· May mga salitang plural sa Ingles na binubuo sa paraan ng
alomorf na (-en) o ng vowel na repleysiv.

Halimbawa: ox/oks/baka nagiging plural kapag nilagyan


ng /-en/, isang alomorf na kinondisyon ng morfim
Zero-alomorf- hindi naririnig o walang manifestesyong
fonologikal tulad ng plural ng /šiyp/”tupa” sa Ingles na /šiyp /din
ang maririnig kapag ‘mga tupa’ ang kahulugan.

MGA MORPEMA NA DERIBESYUNAL AT


INPLEKSYUNAL

MORPEMANG DERIBESYUNAL

· DERAYV- kapag nagbabago ang kahulugan ng isang morfim dahil sa pagkakabit


ng iba pang morfim.
· DERIVESYUNAL-AFIKS – ito ang morfim o afiks na dahilan ng pagbabago ng
kahulugan.

Halimbawa:

u ma~ + tubig – ang ma~ ay nagtataglay mh katangiang taglay ng salitang-


ugat at pagkamarami nito.

u Tubig + an - ~an may kahulugang lugar na kakikitaan ng mga bagay na


marami na tinutukoy sa salitang ugat.

u Pa~ + tubig – pa~ tumutukoy sa isang bagay na ang gamit ay para


matupad o maging katothanan ang diwang isinasaad ng salitang-ugat.

u mag~ tu +tubig – mag~ nagsasaad ng kilos o bagay at nakabubuo ng


pangngalang tumutukoy sa taong ang gawain o hanapbuhay ay ang kilos
na sa isinasaad ng salitang-ugat o bagay na tinutukoy ng salitang ugat.
May pag-uulit sa unang pantig ng salitang-ugat.

MORPEMANG IMPLEKSYUNAL

Ø Morpema na tumutukoy sa gramatikal-fangsyon na di tulad ng


deribesyunal-morpema, hindi nagbabago ang kategorya ng morpema na
kinakabitan nito..

Halimbawa:

Magluto (pawatas) -Nagluto, nagluluto, magluluto

Maglaba(pawatas)-Naglaba,naglalaba, maglalaba
KONTENT AT FANGSYON MORFIM
u Isa pang pagkakaiba sa pagitan ng mga tayp ng mga
morpema Karamihan sa mga morpema ay may semantik-
kontent ,i.e.,meron silang natatanging kahulugan na
madaling malaman. Tinatawag na konent-morpema ang
mga ganitong klaseng morfim.

Halimbawa: Fil. puno, katotohanan,takot,gawa

Ing. table “mesa”,good “mabuti”,run ‘takbo’

u Ang ibang morpema naman ay nagbibigay ng impormasyon


tungkol sa gramatikal na gamit sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng mga salita sa sentens. Tinatawag itong
morpemang-panksyon

Halimbawa: Fil. ang,ng,sa,ako,at,pero,dahil,-um,mag-,in

Ing. in ‘sa’, for ‘para sa/kay’, the ‘ang’, I ‘ako’, but ‘pero’,
although ‘kahit’

u Tinatawag na open-klas ang morpemang-kontent dahil


pwede itong dagdagan ng mga bagong salita/myembro.
u Sa kabilang dako, klows-klas naman ang mga morpemang
panksyon dahil halos hindi nadadagdagan ito ng mga
bagong myembro.

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

Ø pagbabagong nagaganap sa morpema (salitang-ugat at Pantig)

Ø mga nakapaligid sa ponema

1. ASIMILASYON

Ito ang pagbabagong karaniwang nangyari sa tunog na /ng/ sa mga panlaping


pang-,mang-,hing- o sing-,dahilan sa impluwensya ng kasunod na tunog(unang
tunog ng salitang nilalapian)

Halimbawa:

pang+bansa=pangbansa=pambansa
mang+bola=mangbola=mambola

sing+tamis=singtamis=sintamis

Dalawang uri ng asimilasyon:

a. Asimilasyong di-ganap—ito ang pagbabagong nagaganap sa


pusisyong pinal ng isang morpema dahilan sa impluwensiya ng
kasunod na tunog.

Halimbawa:

pang+dakot=pangdakot=pandakot

sing+puti=singputi=simputi

sing+rupok=singrupok=sinrupok

b. Asimilasyong ganap—nawawala ang unang tunog ng nilalapian.

Halimbawa:

pan+talo=pantalo=panalo

mang+kuha=mangkuha=manguha

2. PAGKAWALA NG PONEMA
· sa uring ito, nawawala ang huling patinig ng salitang-ugat kapag nilagyan
ng ito ng hulapi.

Halimbawa:

tira+-han=tirahan=tirhan

dakip+-in=dakipin=dakpin

kamit+-an=kamitan=kamtan

3. PAGLILIPAT-DIIN
· ito ay nagaganap kapag ang salitang-ugat ay hinuhulapian.

Halimbawa:

sira:in hawa:kan putu:lin


4. PAGKAKALTAS NG PONEMA
· nangyayari ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng
salitang-ugat ay nawawala kapag nilalagyan ng hulapi.

Halimbawa:

bili:han=bilihan=bilhan

bukas+an=bukasan=buksan

5. METATESIS
· Ito ay ang pagpapalitan ng posisyon ng mga tunog sa isang salitang
nilalapian.

Halimbawa:

lipad:-in=linipad=nilipad

yaya+-in=yinaya=niyaya

in+regalo+han=rinegaluhan=niregaluhan

v Ang mga pantig ay maaring pagsamasamahin upang makabuo ng mga


morpema. Ang morpema ay ang isang kombinasyon ng ponema na may
kahulugan. Ang mga ponema ay walang kahulugan. Sila ay mga
representasyon lamang ng mga tunog. Ngunit kung silay pagsamasamahin,
silay makakabuo ng isang konstruksyon na makahulugan. Ang morpolohiya
ay tumatalakay sa mga proseso at mga alituntunin sa pagbubuo ng mga salita
sa isang wika.
v Isa sa mga proseso sa pagbubuo ng mga salita sa Filipino ay ang paglalapi
(affixation). May tatlong uri ng panlapi sa Filipino: unlapi-, -gitlapi-, at
hulapi-. Sa isang salitang ugat ay maaring mabuo ang 50 o mas mahigit pang
salita dahil sa paglalapi. Halimbawa, ang salitang ugat na "bili" ay maaring
magbigay ng sumusunod na mga salita: ibili, ibibili,, ibinili, ipagbili,
ipinagbili, binili, binibili, bilhin, bibilhin, bumili, bumibili, atbp.
v Isa pang proseso ay ang tinatawag na compounding. Ito ay ang pagtatambal
ng dalawang salita upang ang tambalang iyon ay magkaroon ng bagong
kahulogan. Halimbawa, sampay-bakod, akyat-bahay, bantay-salakay, ligaw-
tingin, kapit-patalim, akyat-panaog, dagdag-bawas, atbp.
v Ang blending naman ay ang pagsamasama ng mga parti ng dalawa o higit
pang mga salita upang mabuo ang isang salita na may bagong kahulogan.
Halimbawa: ang tapsilog ay galing sa tapa, sinangag at itlog; ang iskargu, sa
isda, karne, at gulay; ang brenda, sa brain damage; ang tradpol o trapo, sa
traditional politician; ang altanghap, sa almusal, tanghalian, at hapunan. Ang
mga ito ay iilan lamang sa mga proseso sa pagbubuo ng mga salita sa wika.

Pansinin naman natin ngayon ang tatlong alituntunin sa morpolohiya: ang paglalapi,
metatesis at ang deletion o ang pagtatanggal ng ponema.

Halimbawa ng mga proseso sa morpolohiya

Paglalapi Deletion Metatesis

(1) silid > silid + -an > silidan > sildan > sidlan

(2) bili > bili + -han> bilihan > bilhan  

Ipinapakita sa (1) kung paano naging "sidlan" ang salitang ugat na "silid" --itoy
nilapian ng hulaping -an at ang nabuong salitang "silidan" ay tinanggalan ng isang
ponema (ang huling patinig sa salitang ugat), at makikita ang pagpalit ng pwesto ng mga
ponemang / d / at / l /. Pinapakita naman sa 2) ang paglalapi at deletion.

PAGKAKLASIPIKA NG MGA WIKA

1. Wikang Analitik – Ito’y mga wikang di gumagamit ng mga afiks at


pawang mga malayang morfim ang bumubuo ng mga sentens ng mga
ito.

2.Wikang Sintetik – nabubuo ang mga sentens sa paraan ng malaya


at di malayang mga morfim at kombinasyon ng mga ito.

*Ang bawat salita sa analitik na wika’y binubuo ng isang morfim tulad


ng Mandarin pero sa Ingles at Filipino na mga sintetik na wika, maaring
isa o higit pa rito ang mga morfim sa bawat salita.

You might also like