kahulugan sa pagbigkas ng salita o nagbibigay ng pagbabago sa kahulugan ng mga salita ay tinatawag na PONOLOHIYA o PALATUNUGAN. 2 Uri ng Ponema Ponemang Segmental Ponemang Suprasegmental Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig. Bawat wika ay may sariling mga ponema. Ang wikang Filipino ay may 21 ponema. Sa dating abakada na may 20 letra, bawat titik ay kumakatawan sa isang makabuluhang tunog o ponema. Ang pang-21 tunog na di makikita sa pagbaybay o ispeling ng mga salita ay ang impit na tunog. Ito ang tunog sa dulo ng mga salitang tulad ng bata, baba, bansa, banta. Ang impit na tunog ang nagpapaiba sa kahulugan ng salitang /batah/ na katumbas ng robe sa Ingles. Kapag ipinalit ang /‘/ sa /h/ - /bata’/ ang katumbas na nito sa Ingles ay child. Ngayong 28 letra na ang bumubuo sa Alpabetong Filipino, 21 pa rin ang ponema at hindi 28. Sapagkat magkaiba ng letra at tunog. Ang letrang f, halimbawa na simula ng salitang Filipino, ay nasa alpabeto. Pero may kinakatawan ba itong makahulugang tunog? May kainahan ba ang kafe sa kape? Iisang bagay pa rin ang tinutukoy maging ang bigkas ay /kafe/ o /kape/. Samakatwid, sa ngayon, hindi pa makahulugang tunog ang /f/ bagamat ang letrang f ay nasa alpabeto. Apat ang Ponemang Suprasegmental sa Filipino 1. Haba (length) - ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig. Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba. Halimbawa: 1. bu.kas - nangangahulugang susunod na araw 2. bukas - hindi sarado 2. Tono (pitch) - ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig. Nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap, tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.Maaaring gamitin ang bilang. 1 sa mababa, bilang. 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas. Halimbawa: 1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan) 2. Kahapon - 231 (pagpapatibay) 3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan) 4. Talaga - 231 (pagpapatibay) 3. Antala (juncture) - tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.Maaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ), o gitling (-) Halimbawa: 1. Hindi, siya ang kababata ko. 2. Hindi siya ang kababata ko. 4. Diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan ng mga salita. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik. Halimbawa: 1. BU:hay - kapalaran ng tao 2. bu:HAY - humihinga pa 3. LA:mang - natatangi 4. la:MANG - nakahihigit; nangunguna