You are on page 1of 8

MGA BATAYANG

KAALAMAN SA
SINTAKS
Inihanda ni: Ritchelle A. Modesto
Ano ba para sa inyo ang
sintaks??
SINTAKS
Ang sintaks ay nagmula sa salitang Griyego na “syntattein” na ang
ibig sabihin ay pagsama-sama o pagsama-samahin. Ito’y tumutukoy sa
istruktura ng pangungusap. Ang sintaks ay ang pagsama-sama ng mga
salita upang makabuo ng mga makahulugang pangungusap.
Halibawa:
Pinatawag ng guro ang estudyante.
Pinatawag ang guro ng estudyante.
Pangungusap
Ito ay lipon ng mgasalita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito
panlahat ng sangkap, ang panaguri at ang paksa.
Bahagi ng Pangungusap
Paksa – bahagi ng pangungusap na ang pinag-uusapan ng
pangungusap.
Panguri – bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o
impormasyon tungkol sa paksa.
HALIMBAWA:
Si Joshua ay tumatakbo.
Nalunod ang mga pusa.
Dalawang Ayos ng Pangungusap
1. Karaniwan- panaguri ang nauuna sa paksa.
Halimbawa:
Nagsisimba tuwing Linggo ang mga kapitbahay.
2. Di Karaniwan- nauuna ang paksa kaysa sa panaguri.
Halimbawa:
Ang mga kapitbahay ay nagsisimba tuwing Linggo.
Gawain.
Hanapin kung saan ang paksa at panaguri at kilalanin kung anong ayos
ng pangungusap.
1. Si Jonah ay nadapa sa kalsada.
2. Nagmamadaling pumunta sa mall si Jessica.
3. Gusto ni Alex na kumanta ng “When I was your man”.
4. Natutulog ng mahimbing ang mga aso.
5. Kumakain ng marami ang mga pusa dahil ito ay gutom na.
Salamat sa
Pakikinig

You might also like