You are on page 1of 7

Eko-kritikong pagsusuri sa pelikulang “2012” (2009) sa Direksyon

ni Roland Emmerich

Sinulat ni
Mizpha Bianca M. Momo
BSE Fil 2A

Disyembre 2022
“2012”

I. Mga Tauhan
i. John Cusack bilang si Jackson Curtis, isang manunulat ng mga science-
fiction at nagtatrabaho bilang limousine driver, nahirapan siyang
maprotektahan ang kanyang pamilya mula sa pagunaw ng daigdig noong
taong 2012.
ii. Chiwetel Ejiofor bilang si Dr. Adrian Helmsley, isang Geologist at Chief
Science Advisor ng Presidente ng U.S.
iii. Amanda Peet bilang si Kate Curtis, isang estudyante ng medisina, Asawa
noon ni Jackson Curtis.
iv. Liam James bilang si Noah Curtis, anak na lalaki nina Jackson at Kate.
v. Morgan Lily bilang si Lily Curtis anak na babae nina Jackson at Kate.
vi. Thomas McCarthy bilang si Dr. Gordon Silberman. Nobyo ni Kate na isa
ring plastic surgeon.
vii. Danny Glover bilang si Thomas Wilson, president ng United States.
viii. Oliver Platt bilang si Carl Anheuser, White House Chief of Staff.
ix. Woody Harrelson bilang si Charlie Frost, isang host sa radio at palawit
na teorista.
x. John Bilingsley bilang si Professor Frederick West, isang scientist na
nakipagtulungan kay Dr. Adrian Helmsley.
xi. Ryan McDonald bilang si Scotty, isang ring scientist at geologist na
assistant nina Helmsley at West.
xii. Jimi Mistry bilang si Dr, Satnam Tsurutani, isang astrophysicist na
nakadiskubre ng mga nutrinos na sanhi ng pag init ng daigdig.
xiii. Zlatko Buric bilang si Yuri Karpov, isang bilyonaryong Russian.
xiv. Beatrice Rosen bilang si Tamara ikan, nobya ni Yuri.
xv. Alexandre and Philippe Haussmann bilang sina Alec at Oleg Karpov,
mga kambal na anak ni Yuri.
xvi. Johann Urb bilang si Sasha, isang piloto na nagtatrabaho kay Yuri.
xvii. Agam Darshi bilang si Aparna Tsurutani, asawa ni Dr. Satnam.
xviii. Chin Han bilang si Tenzin, nagtatrabaho sa pagtatayo ng Arks, na
nagtangkang isalba ang kanyang pamilya.
xix. Osric Chau bilang si Nima, isang Buddhist Monk at kapatid ni Tenzin.
II. BUOD NG PELIKULA
Noong taong 2009, isang Amerikanong Geologist na si Adrian Helmsley ay bumisota kay Dr.
Satnam Tsurutani sa India at nalamang ang mga Neutrinos na galing sa napakalawak na na solar
flare ay nagdudulot ng mabilis na pagtaas ng temperatura ng Core ng Daigdig. Ipinaalam din ito
ni Adrian sa White House Chief of staff na si Carl Anheuser at ang presidente ng United States
na si Thomas Wilson ang sitwasyon.
Noong Taong 2010, si Wilson, kasama ang iba pang internasyonal na lider ay pasikretong
nagsimulang gumawa ng napakalaking proyekto upang masiguradong mailigtas ang
sangkatauhan. Tinatayang nasa 400,000 ka tao ang pinili upang maka-akyat at makasakay sa
mga barkong ito, na tinawag nilang “Arks” na ginawa naman sa Chao Ming, Tibet sa Himalayas.
Ang dagdag na pera na inilaan sa proyektong ito ay galing sa pagbenta ng mga ticket na
nagkakahalaga ng isang bilyong Euro kada tao.
At noong taong 2011, ay sinimulan nan ga nilang ilipat ang mga mahahalagang yaman ng
sangkatauhan doon sa Himalayas, upang mabuhay ang kanilang kasaysayan kapag darating na
ang pangyayaring ito sa tulong ng art expert at First daughter na si Dr. Laura Wilson.
Noong late 2012, si Jackson Curtis na isang manunulat ng mga science-fiction na nakabase sa
Los Angeles kung saan ay nagtatrabaho rin bilang isang limousine driver sa Bilyonaryong
Russian na si Yuri Karpov. Ang Asawa noon ni Jackson na si Kate Curtis, at mga kanyang mga
anak na sina Noah at Lily ay nakatira kasama ang nobyo ni Kate na si Gordon Silberman na
siang Plastic Surgeon at Piloto. Isang araw ay dinala ni Jackson sina Noah at Lily sa Yellowstone
National Park upang mag camping, at doon ay nakilala nila si Charlie Frost na nagho-host ng
isang palabas sa radio roon sa park. Ginawang repirensya ni Charlie ang Teorya ni Professor
Charles Hapgood na ang mga Polar Shifts, at ang Mesoemerican long Count Calendar ay
hinulaan na ang “2012 Apocalypse” ay mangyayari. Mayroon syang mapa ng “Ark project”, at
marami sa mga siyentista at opisyal ng gobyerno ay namatay dahil sa iba’t-ibang aksidente nang
na diskubre nila ang tungkol dito, ay pagtatangkang ipaalam ito sa lahat.
Habang pauwi na ang pamilya ni Jackson ay tumataas din ang seismic activity sa kanluraning
bahagi ng Los Angeles, California. Lalong nagsuspetsya si Jack nang napagtanto niyang ika-21
na pala ng Disyembre 2012, at nagsisimula na nga ang Apocalypse. Nagrenta si Jackson ng isang
eroplano upang iligtas ang kanyang pamilya. Kinuha niya ang kanyang pamilya kasama na si
Gordon Silberman kung saan ay nagsisimula na rin ang paghihiwa-hiwalay ng Crust ng Daigdig,
at nakatakas nga sila sa Los Angeles gamit ang Cessna 340 habang nalulunod na ang syudad sa
Pacific Ocean.
Habang milyon-milyong ka tao ang namamatay sa cataclysmic na pagsabog ng lupa, ay dumako
sina Jackson doon sa Yellowstone upang maisalba ang Mapa ni Charlie, at dali-daling lumipad
gamit ang eroplano habang gumuguho na ang Caldera ng Yellowstone. Si Charlie na nagpaiwan
upang maibroadcast ang pagsabog, ay namatay dahil sa pinsalang naidulot nito. Nang nalaman
nil ana nasa Himalayas ang mga “Arks”, ay tumungo ang grupo sa Las Vegas, kung saan ay
nakilala nila si Yuri, ang kanyang kambal na anak, ang kanyang nobyang si Tamara, at ang
piloto na si Sasha. Siniguro ng grupo ang isang Antonov 500 aircraft at lumipad papuntang
China. Kasabay nito ang paglipad din ng grupo nina Anheuser, Helmsley, at Laura Wilson sakay
ang Air Force One. Pinili na lamang ni Thomas Wilson na manatili sa Washington D.C at
namatay dahil sa napakalaking tsunami na nagdulot ng pagkabangga ng USS John F. Kennedy sa
White House. Kasama sa pagkamatay ng Bise-presidente, at ang pagkawala ng House Speaker,
ipinagpalagay ni Anheuser ang de facto leadership sa United States of Amerika., kahit na hind
isa kasali sa pagiging successor.
Nang nakarating ang grupo nina Jackson sa China ay kasabay rin ang pagkamatay ni Sasha dahil
sa ‘crash landing’, at Nakita kaagad ng Chinese People’s Liberation Army ang grupo. Sina Yuri,
kasam ang kanyang mga anak na mayroong mga ticket ay ipinasakay sa “arks”. Sina Jackson,
kanyang mga anak, si Gordon, at Tamara na walang mga ticket ay sinama ni Nima, isang
Bhuddist monk na patungo rin sa mga “arks”. At sila ay umakyat sa tulong ng kapatid ni Nima
na si Tenzin na nagtatrabaho sa Ark Project. Isang Mega-Tsunami ang paparating kung saan
libo-libo ang nagtangkang sumakay sa huling ark, at hindi gumana ang makina dahil naipit ang
isang impact driver sa gitna ng hydraulic chamber. Sa kalagitnaan ng tsunami, sina Yuri,
Gordon, at Tamara ay namatay, at sugatan namn si Tenzin. At nang napakawalan nina ackson at
Noah ang impact driver sa pagkakipit ay nagkaroon na rin sa wakas ng control ang mga crew sa
Ark na sinusubukang iwasan ang pagkabangga nito sa Mount Everest.
Noong Month 1, Day 27, 0001, ang pagbaha dulot ng tsunami ay humupa na rin sa wakas, at
pumalaot na rin ang mga Arks patungong Cape of Good Hope” sa south Africa, kung saan ay
nakikita na rin ang Drakensberg Mountains dahil sa pagbaba ng tubig sa karagatan. Kasabay nito
ay nagyakapan ang pamilyang Curtis, at nagging magkarelasyon sina Adrian at Laura. Ang Earth
ay pinakita galing sa perspektibo roon sa kalawakan na nagpapakita ng napakalaking pagbabago
sa mga itsura ng mga kontinente.

III. Banghay ng mga Pangyayari

a) Tagpuan

Ang pangunahing tagpuan ng pelikulang ito ay sa United States of Amerika,


kabilang ang ilang syudad nito ng kanluraning bahagi ng Los Angeles, California
kung saan tumakas mula sa pagkawasak ng syudad. At kasali rin ang syudad ng
Las Vegas kung saan tumungo ang grupo ni Jackson Curtis. Kasama rin dito ang
Himalayas kung saan doon sadyang ginawa ang mga arko.

b) Protagonista
Ang mga Protagonista sa pelikula ay sina Jackson Curtis, Adrian Helmsley, Kate
Curtis, Noah Curtis, Lily Curtis, Laura Wilson, Thomas Wilson, Dr. Gordon
Silberman, Prof. Frederick West, Dr. Satnamn Tsurutani, at iba pa.

c) Antagonista

Ang pangunahing antagonista sa pelikulang “2012” ay si Carl Anheuser, na isang


White House Chief of Staff.

d) Suliranin

Nagsimula ito sa paniniwalang guguho ang daigdig sa taong 2012, dahil sa mga
alignment ng mga heavenly bodies na magbubunga ng pagkawasak ng mundo.
Ipinakita sa pelikula ang pagkawasak ng mga lugar katulad nalang ng Califronia
na lumubog sa dagat Pasipiko, mga daluyong, lindol, at iba’y ibang kawasakan na
dulot ng pagkawala ng kalikasan.

e) Pagsubok sa paglutas ng Sukiranin

Gumawa ang mga tauhan ng iba’t-ibang kaparaanan upang marating ang


Himalayas para sa kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pagsakay sa mga
arkong sadyang doon ginawa upang maipag[atuloy nila ang naglahong
sibilisasyon.

f) Mga Ibinunga

Nagging matagumpay ang proyektong ginawa ng mga internasyonal na lider sa


pagbuo at paggwa ng mga arko para sa kaligtasan ng sangkatauhan, subalit,
tinatayang nasa 400,000 lamang ka tao ang nakaligtas sa pagkawasak ng mundo,
kabilang na dito ang mga dalubhasa, mga mayayamang tao, mga opisyal ng
pamahalaan ng bansa, kabilang din dito ang mga piling hayop.

IV. Paksa o Tema

Ang pangunahing Tema ng pelikulang ito ay “Disaster” o Natural na Sakuna.


Isinasalarawan sa Pelikulang “2012” ang paggunaw ng daigdig na dulot ng pagkawala ng
kalikasan dahil sa mga Gawain at pansariling interes ng mga tao. Ipinakita rito ang
pagiging makasarili ng mga tao, at isa rin itong palatandaan para sa lahat na walang
sinuman ang lamang sa harap ng kamatayan.

V. Mga Aspektong Teknikal


a. Sinematograpiya

Nakamamangha ang sinematograpiya ng pelikulang 2012 sapagkat akmang


nailarawan, at makatotohanan ang pagkawasak ng daigdig mula sa pagsaboog
ng mga kalupaan, mga daluying, lindol at iba pa.

b. Musika

Nakapanindig balahibo ang dulot ng mga musika (backgound music), dahil


nakadaragdag ito ng tensyon sa mga manonood. Magaling ang pagkalapat ng
mga musika sa mga tagpuan at mga pangyayari sa pelikula.

c. Visual effects

Kung Visual effects ang pag-uusapan ay sadyang napakagaling din ng


pagkaka-edit ng mga ito. Matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula.
Nakatulong talaga ang paggamit ng visual effacts sa paglutang ng mga
pangyayari.

d. Set Design

Halatang pinaghandaan ng production team ang pelikula sapagkat


makatotohanan talaga ang mga tagpuan at setting sa pelikula.

VI. Pagsusuri

Sa kabuuan, magandang representasyon ang pelikulang “2012” sapagkat taglay nito ang
kaisipan at diwa, na pupukaw sa mga damdamin ng mga tao. Sa aking personal na
pananaw, ay naiiba ang istorya ng pelikula, ipinapakita rito ang realidad. Mula sa
pagiging ganid at pagiging makasarili ng mga tao; inilalarawan ang kaibahan ng mga
taong may pribileheyo, kumpara sa mga ordinary at mahihirap lamang. Isang mahalagang
mensahe rin ang pelikula, sapagkat ipinapakita ang bunga ng mga kalokohan ng mga tao,
na dahil sa pagkawala ng kalikasan, ay nag dulot ito ng lubhang hindi maisaisip delubyo
at iyon ang pagkawasak ng daigdig.

VII. Konklusyon

Batay sa pagsusuring ginagawa, ang pagiging makasarili at ganid ng mga tao, ay siya ring
sisira sa sangkatauhan bago pa man may dumating na anumang sakuna. Ipinakita sa
pelikula ang mabilis na pagtaas ng temperature ng core ng daigdig, dahil sa pagkasira at
pagkawala ng kalikasan bunga ng Gawain ng mga tao katulad ng mga sumusunod:

a. Pagtatapon ng mga basura sa karagatan at sa kapaligiran


b. Illegal na pagmimina
c. Pagputol ng napakaraming punong kahoy at hindi pinapalitan
d. Mga usok na nagmumula sa mga pabrika, at mga sasakyan
e. Iresponsbaleng pagtapon ng mga nakakalasong kemikal sa karagatan
f. At marami pang iba

VIII. Rekomendasyon

Ayon sa ating pagsusuri, iminumungkahi ang mga sumusunod:

a. Paglalagay ng mga basurahan sa mga pampublikong lugar


b. Nararapat lamang na maipasara ang mga kompanyang nagmimina na
walang permiso o permit
c. Kapag puputol ng isang pirasong punong kahoy ay nararapat na magtanim
ng sampung piraso, ito ay upang mapalitan ang naputol nap uno upamg
hindi mawalan ng tirahan ang mga hayop
d. Maaaring magbisekleta nalang ang mga tao papunta sa kani-kanilang mga
trabaho, “nakatulong kana sa pagbawas ng polusyon, nakakapag ehersisyo
ka pa!”. Sa mga pabrika naman ay mangyaring bawasan ang pagbubuga
ng maiitim na usok sapagagkat ito ay nagdudulot ng pagnipis ng ozone
layer
e. Iwasan ang pagtapon ng mga nakakalasong kemikal sa mga karagatan
sapagkat ito ay nakasisira sa dagat at nagdudulot ng pagkalason at
pagkamatay ng libo-libong mga hayop na naninirahan doon

You might also like