You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IX

Inihanda ni Edelyn Umali BSED 3

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral sa ika-pito na baiting ay
inaasahang :

1. Mapagsusunod – sunod ang mga pangyayari sa kwentong ”Ang Ama”.


2. Masasabi ang kanilang saloobin o pananaw na may kaugnayan sa akdang
tinalakay.
3. Masuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan.
4. Maisasagawa ang ilang pangyayari sa kuwentong “Ang Ama” sa
pamamagitan ng “Role Play”.

II. PAKSANG ARALIN


A. Genre : Maikling Kuwentong Makabanghay
B. Paksa : “Ang Ama” salin sa Filipino ni Mauro R. Avena
C. Halagang Pangkatauhan : Pagpapahalaga sa Kapwa
D. Dulog : Deductive Method (ruleg)

III. KAGAMITANG PANTURO


Tsart, Kahon at Biswal na Panturo
Panitikang Asyano (Modyul sa Filipino 9) pp.17-20

IV. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimula o Paghahanda
1.Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagtsetsek ng Atendans
4. Balik – aral
Bago tayo magpatuloy sa ating
talakayan ay atin munang balikan ang
ating tinalakay kahapon. Ano ang ating
tinalakay kahapon? Sige nga kung
talagang kayo’y nakikinig.
Ma’am ang tinalakay po kahapon ay
tungkol sa banghay ng maikling
kuwento.
Tama!
Ano-ano ang mga banghay ng maikling
kuwento? Ibigay ang kahulugan ng
bawat isa.
Tauhan po, ito po ay ang kumikilos at
nagbibigay-buhay sa kuwento; sa
tauhan po umiikot ang mga pangyayari.
Tagpuan/panahon, ito po ay ang
panahon at pook kung saan naganap
ang mga pangyayaring isinaad sa
kwento.
Suliranin o tunggalian, ito po ay ang
pagsubok na kinahaharap ng tauhan.
Maaari pong isa o higit pa ang
maranasan na suliranin.
Kasukdulan, dito po nasusubok ang
katatagan ng tauhan; sa banghay na ito
ng kwento tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o
kaya’y sa pinakakasukdulan ang
tunggalian.
Kakalasan, suliranin na
makapagpapabago sa mga pangyayari.
Ito po ay maaaring maging dahilan ng
kalutasan ng suliranin.
Wakas, matatagpuan po dito ang
kalutasanng suliranin.
Yan! Magaling
Bigyan ng tatlong palakpak ang lahat
Pak! Pak! Pak!
ng sumagot.

B. Pangganyak
Sa pagsisimula ng ating
panimulang gawain kinakailangan ko
ang inyong kooperasyon. Maaasahan
ko ba kayo? Alam ba ninyo ang larong
pasahan ng mensahe? Kayo ay Opo Ma’am
ipapangkat ko sa dalawang grupo at
bawat grupo ay may limang kinatawan. Opo Ma’am
Ang una sa limang kinatawan ay siyang
bubunot ng mensahe na nasa kahon at
sasabihin niya ito sa kasunod niya sa
paraang pabulong, at ito ay uulitin
hanggang makarating sa dulo. At ang
panlimang kinatawan ay siyang mag-
uulat muli ng mensahe at tatawag ng
isa pang miyembro ng grupo upang
sumagot sa mensahe na kanilang
nabunot. Nauunawaan ba ninyo? Opo Ma’am

Magaling naman kung ganun! Simulan


na ang pagbilang.

1, 2…1, 2…1, 2…..


Ngayong alam na ninyo ang inyong
bilang kayo ay tahimik na pumunta sa
inyong mga kapangkat.

Mensahe :

Kung ikaw ay saktan at alipustain ng


mahal mo sa buhay, ano ang iyong Mas pipiliin ko po na ipagpatuloy na
gagawin? Ipagpapatuloy mo pa rin ba mahalin siya kasi po lahat naman po ng
ang mahalin siya o iiwanan mo nalang tao ay nagbabago kaya alam ko po na
siya? Bigyang paliwanag ang iyong darating ang panahon na magbabago
kasagutan. rin siya.

Kung ikaw ay magkakaroon ng isang Magiging matatag po para maalagaan


anak na may sakit at kapansanan at ko siya. Kahit po may sakit at
magiging pabigat sa iyong buhay, kapansanan siya kasi po kahit anong
magiging matatag ka ba para alagaan mangyari anak ko pa rin siya at kung
siya o pipiliin mo nalang na mawala may dapat man pong magparamdam
siya sa iyong buhay? Bigyang sakanya ng pagmamahal ay walang iba
paliwanag ang iyong kasagutan. kundi ako na sarili niyang ina.

Ang mga katanungan na iyan ay may


kaugnayan sa ating tatalakayin para sa
araw na ito.

C. Paglalahad
1. Paglalahad ng Pamagat ng Akda
Sino dito ang pamilyar sa laro
na “4 pics 1 word”? Kami po!

Magaling kung ganoon,


sapagkat ako ay may ipapakita sa inyo
na mga larawan at tutukuyin ninyo
kung ano ito. Tulad ng sa laro na iyon
ang apat na larawang ito ay sasagutin
ninyo gamit ang isang salita lamang.
Sige nga sino ang makakasagot
nito?
Ma’am, Ama po?
Tama, Mahusay!
Pag narinig niyo ang salitang “Ama”
ano ang unang pumapasok sa isip
ninyo?
Haligi ng tahanan po.
Tama! Ano pa?
Tagapagtaguyod po ng pamilya.
Tama naman lahat ng sinabi ninyo.
Ang ama ang siyang haligi ng tahanan,
siya ang tagapagtaguyod ng ating
pamilya.
Meron ba dito na ayaw magkaroon ng
ama? Wala po!

Hindi ba’t wala, syempre kahit naman


sino gusto na mayroon silang ama.
Gusto natin na buo ang ating pamilya.
At iyan ang ating tatalakayin
para sa araw na ito. Kahapon ay may
ibinigay ako sa inyo na papel na
naglalaman ng kuwento natatandaan pa Opo
ba ninyo? Ano nga ang aking ibinilin sa
inyo? Basahin po namin.
Binasa ba ninyo? Opo
Magaling naman kung ganun.
Kung talagang binasa ninyo, sino ang
may akda ng maikling kuwento na
ating tatalakayin? Mauro R. Avena po.

Magaling!
2. Pagtalakay sa paksa
At ngayon simulan na natin
talakayin ang kuwentong “Ang Ama”
na isinalin sa Filipino ni Mauro R.
Avena. Titingnan ko kung talagang
binasa nga ninyo ang kuwento.
Para sa aking unang katanungan.
Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
Ama, Ina, si Mui-Mui at mga kapatid
po niya.
Magaling!
Saan ang tagpuan ng kwento? Sa bahay po kasi doon po nagaganap
ang mga pambubugbog at pananakit ng
ama, at sa sementeryo.naman ay doon
Tama! Magaling. naganap ang pag-iyak ng ama dahil sa
pagkamatay ng kanyang anak.
Ano ang naging saglit na kasiglahan sa
kwento?
Sa tuwing umuuwi ang ama na may
dalang supot na may laman na pansit na
para sa kanyang mga anak.
Magaling!
Ano naman ang naging suliranin sa
kuwento? Sa tuwing lasing ang ama ay
binubugbog niya ang kaniyang anak
lalo na si Mui-Mui na may sakit at
palahalinghing na parang kuting.
Mahusay!
Ano naman ang naging kasukdulan ng
kuwento? Nang masuntok po si Mui-Mui at
mawalan ng malay.
Magaling!
Ano ang nagging kakalasan sa
kuwento? Noon pong namatay si Mui-Mui.
Mahusay!
At ang huli, ano naman ang naging Natauhan po ang ama dahil sa nangyari
wakas ng kuwento? at nagging mabuti siyang ama at asawa.
Magagaling! Binasa nga ninyo ang
kuwento.
At ngayon naman ay dumako tayo sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
Nakikita ba ninyo ang mga numero sa
larawang ito? Sa kanang bahagi ay may
mga panyayari at ilalagay ninyo ito sa
Opo.
tamang bilang niya batay sa
pagkakasunod-sunod.
Naunawaan ba?

Opo.

1
.
2 3
.
4 6
5 7

8
.

Magaling kung ganoon. Atin ng


simulan, sino ang may nais magsaayos
nito? Taas lamang ang kamay.
( itinaas ang mga kamay )
1. Ang halinghing ni Mui-Mui ay
parang kudkuran ang nagpapangilo sa
nerbiyos ng kanyang ama at ito’y
nakabubulahaw na sisigaw, at kung
hindi pa iyon huminto, ito’y tatayo,
lalapit sa bata at hahampasin iyon nang
buong lakas.
2. Noong gabing umuwi ang ama na
masamang-masama ang timpla dahil
nasisante sa kanyang trabaho sa
lagarian, si Mui-Mui ay nasa gitna ng
isang mahahabang halinghing at hindi
mapatahan.
3. Ang kamao ng ama ay bumagsak sa
nakangusong mukha ng bata na
tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung
saan ito ay nanatiling walang kagalaw-
galaw.
4. Pagkaraan ng dalawang araw, si
Mui-Mui ay namatay.
5. Ang balita tungkol sa malungkot na
kinahinatnan ng ama ay mabilis na
nakarating sa kanyang amo, isang
matigas ang loob pero mabait na tao, na
noon di’y nagdesisyong kunin siya uli,
para sa kapakanan ng kaniyang asawa
at anak.
6. Naging napakalawak ang kaniyang
awa sa sarili bilang isang malupit na
inulilang ama na ipinaglalamay ang
wala sa panahong pagkamatay ng
kanyang dugo at laman.
7. Tinuyo ng nagdadalamhating ama
ang kaniyang luha at saka tumayo.
Mayroon siyang naisip. Mula ngayon,
magiging mabuti na siyang ama.
8. Dumating ito sa libingan sa tabing
gulod. Lumuhod at dinukot ang mga
laman ng supot na dahan-dahang
inilapag sa puntod, habang pahikbing
nagsasalita, “Pinakamamahal kong
anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong
ama kundi ang mga ito. Sana’y
Tama ba ang kanilang kasagutan? tanggapin mo.”

Magaling! Bigyan ng limang Opo


palakpak.

Pak! Pak! Pak! Pak! Pak!


D. Paglalahat
At dahil alam na alam na ninyo na ang
kuwentong Ang Ama, ngayon naman
ay magkakaroon tayo ng pangkatang
gawain. Bibigyan ko kayo ng isang
minuto para magkaroon ng bagyuhang-
utak para sa inyong gagawin at
dalawang minuto naman para sa
pagsasagawa.
Pangkat I – Isasadula ninyo ang mga
pangyayari sa kuwentong “Ang Ama”.
Ipakita ang mga katangian na
nangibabaw sa kuwento.
Pangkat II – Bubuo kayo ng maikling
pagbabalita hinggil sa pambubugbog
ng ama kay Mui-Mui at sa pagkamatay
nito.
Pangkat III – Bubuo kayo ng tula
patungkol sa Ama.

Batayan sa Pagmamarka

Pamantayan Bahagdan

Kolaborasyon at
kaayusan ng
grupo 40%

Kahusayan sa
Pagganap
30%

Pagsunod sa
natatakdang
panuto 30%

Kabuuang Marka 100%

Ngayon tahimik kayong pumunta sa


inyong nararapat na grupo upang
inyong mapagusapan ang nakaatang na
gawain sa inyo.
( Tumayo at pumunta )

Magagaling ang inyong mga ginawa. ( Presentasyon )

Ang nanalo ay ang pangkat ….


Sapagkat sila ay may kolaborasyon sa
bawat isa kaya madali nilang natapos
ang nakaatang na gawain sa kanila.
Tahimik ang kanilang pagkakagawa at
may maayos na presentasyon.
Pak! Pak! Pak!
E. Pagtataya
Panuto: Isaayos ang mga sumusunod
na pahayag batay sa wastong
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento. Isulat ang
bilang 1-8 sa patlang na nakalaan.
_____ Noong gabing umuwi ang ama
na masamang-masama ang timpla 2
dahil nasisante sa kanyang trabaho sa
lagarian, si Mui-Mui ay nasa gitna ng
isang mahahabang halinghing at hindi
mapatahan.
______ Ang balita tungkol sa
malungkot na kinahinatnan ng ama ay 5
mabilis na nakarating sa kanyang amo,
isang matigas ang loob pero mabait na
tao, na noon di’y nagdesisyong kunin
siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang
asawa at anak.
______ Dumating ito sa libingan sa
tabing gulod. Lumuhod at dinukot ang
mga laman ng supot na dahan- dahang 8
inilapag sa puntod, habang pahikbing
nagsasalita, “Pinakamamahal kong
anak, walang maiaalay sa iyo ang
iyong ama kundi ang mga ito. Sana’y
tanggapin mo.”
______ Pagkaraan ng dalawang araw,
si Mui-Mui ay namatay.
4
______ Ang halinghing ni Mui-Mui ay
parang kudkuran ang nagpapangilo sa
nerbiyos ng kanyang ama at ito’y
1
nakabubulahaw na sisigaw, at kung
hindi pa iyon huminto, ito’y tatayo,
lalapit sa bata at hahampasin iyon nang
buong lakas.
______ Ang kamao ng ama ay
bumagsak sa nakangusong mukha ng
bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, 3
kung saan ito ay nanatiling walang
kagalaw-galaw.
______ Tinuyo ng nagdadalamhating
ama ang kaniyang luha at saka tumayo.
Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, 7
magiging mabuti na siyang ama.
6
______ Naging napakalawak ang
kaniyang awa sa sarili bilang isang
malupit na inulilang ama na
ipinaglalamay ang wala sa panahong
pagkamatay ng kanyang dugo at laman.

Sino ang nakakuha ng 8 puntos?


Magaling! Kami po!
Paano naman ang iba? Ano ang inyong
nakuha?
7 po!
Iyan sa susunod ay magbabasa na ng
maayos at makikinig na sa ating
talakayan upang sa sasusunod ay
makakuha na ng mas mataas na puntos.

V. Kasunduan

Para sa inyong takdang aralin. Basahin ang isa pang kuwentong makabanghay na
pinamagatang “Anim na Sabado ng Beyblade” ni Ferdinand Pisigan Jarin. Ito ay
nasa pahina 22 hanggang 23 ng librong Panitikang Asyano (Modyul ng Filipino 9).

You might also like