You are on page 1of 4

LEARNING PLAN in FILIPINO 9

PETSA: November 4-15, 2019

MARKAHAN: IKATLO
GURO: Bb. CHARITY A. RAMOS

CONTENT STANDARD:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang
Asya.

PERFORMANCE STANDARD:
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang
Asyano.
ESSENTIAL UNDERSTANDING:
Maunawaan ng mga mag-aaral na…
(Overarching)
1. Ang lahing Asyano ay makikilala sa pamamagitan ng mga panitikang nagmula rito sapagkat ang
panitikan ang sumasalamin sa kultura nito.
2. Gamit ang mga taglay na aral at kaisipan ng mga panitikang nagmula sa Silangang Asya ay
mahaharap ang mga hamon sa pang-araw-araw na buhay.
(Topical)
3. Mahalagang matanggap ng isang nagkasala ang kanyang pagkakamali at pagsisihan niya ito
upang hindi na maulit pang muli.
4. Hindi sapat na tanggapin at pagsisihan ang kasalanan, nararapat ding ituwid ang pagkakamali at
huwag ng ulitin pa.
5. Mahalagang pag-isipan ang bawat elemento ng dula upang makabuo ng isang makabuluhang dula
na aakit sa mga manonood upang panoorin ito.
6. Mahalagang matutuhan ang iba’t ibang uri ng panandang kohesyong gramatikal upang maiwasang
ulit-ulitin ang mga salita pasulat man o pasalita.

ESSENTIAL QUESTION:
(Overarching)
1. Paano makikilala ang lahing Asyano sa pamamagitan ng mga panitikang nagmula sa Silangang
Asya?
2. Paano magagamit ang mga taglay na aral at kaisipan ng mga panitikang nagmula sa Silangang
Asya sa iyong pang-araw-araw na buhay?
(Topical)
3. Ano ang kahalagahan ng pagtanggap at pagsisisi sa kasalanan?
4. Ano ang mabisang gawin kapag ikaw ay binigyan ng isa pang pagkakataon?
5. Bakit kailangang pag-isipan ang bawat elemento ng dula upang makabuo ng makabuluhang dula?
6. Bakit mahalagang matutuhan ang iba’t ibang uri ng panandang kohesyong gramatikal?

LEARNING COMPETENCIES:
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan.
2. Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa napakinggang diyalogo o pag-
uusap.
3. Nasasaliksik ang kulturang nakapaloob sa alinmang dula sa Silangang Asya.
4. Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento nito.
5. Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at elemento ng bawat isa.
6. Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula.
7. Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang grupo ng Asyano.
8. Naisasadula ng madamdamin sa harap ng klase ang nabuong maikling dula.

Learning Targets:
1. Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan.
2. Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa napakinggang diyalogo o pag-
uusap.
3. Nasasaliksik ang kulturang nakapaloob sa alinmang dula sa Silangang Asya.
4. Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento nito.
5. Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at elemento ng bawat isa.
6. Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula.
7. Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang grupo ng Asyano.

Subject Matter: Ang Mandaragit ng Ibon sa Impiyerno (Dula)

I. PRELIMINARIES
A. Prayer
B. Checking of Attendance
C. Classroom Setting

II. LESSON PROPER

A. Explore
1. Introduce the essential question.
2. Present the Lesson Objectives.
3. Motivation
Magpapakita ng Teaser ng pelikulang pinamagatang “Heaven is for Real”, ito ay
kuwento ng isang batang diumano’y nakarating sa langit nang siya’y malubhang nagkasakit.
Matapos mapanood ang pelikula’y sasagutanng mga mag-aaral ang Simulan Natin sa pahina
260.

Ipapakilala ang paksa at kung saan nagmula ang akdang babasahin. Gamit ang Title
Talk ay ipahinuha sa mga mag-aaral kung tungkol saan ang dulang babasahin.

B. Firm-Up
1. Pagpapalawak ng Talasalitaan
Gamit ang estratehiyang Capsule Dictionary, ibibigay ng mga mag-aaral ang mga
salitang konektado sa mga salitang panghuli, lupa, at sala. Matapos maibigay ang
kasingkahulugan ng mga salita ay gamitin ito sa makabuluhang pangungusap at ipaliwanag ang
bawat isa.

2. Pagtatalakay sa Akda
Magbibigay ng tanong pagganyak sa mga mag-aaral hinggil sa akda bago sisimulang
basahin nang tahimik ang sanaysay. Bibigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral na isipin ang
sagot nang tahimik sa mga itinanong at pagkatapos ay papanoorin ang dulang pantanghalang
pinamagatang “Ang Mandaragit ng Ibon sa Impiyerno”.

Magbibigay ang guro ng ilang katanungan hinggil sa dulang napanood.

C. Deepen
1. Pagsagot sa mga Pagsasanay
Sagutin Natin B ( Nasusuri ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa akda),
pahina 267
Sagutin Natin C (Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa dula na nagpapakita ng
pinakamataas na antas ng katotohanan, kabatiran, at kagandahang batay sa
napakinggang diyalogo/pag-uusap)

2. Ilalahad ang Alamin natin sa pahina 270-272. Mula sa napanood na dula, magbibigay ang
guro ng kaparehong kopya at ipasusuri pagkakabuo nito maging ang mga elemento nito.

3. Bibigyang-pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-isip ng ilan sa mga dulang napanood na.
Susuriin ang dulang napanood at ihahambingin ito sa dulang nabasa batay sa mga katangian at
element ng mga ito.

D. Transfer
Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula.
Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang grupo ng Asyano.

E. Summary of the Lesson

Naiuugnay sa sarili ang islogang “Anumang Gawain at kakayahan sa iyo’y itinalaga, paunlarin
at pahalagahan nang talaga, gamitin sa iyong buhay upang tagumpa’y manalasa.”

III. CLOSING PRAYER

IV. REFERENCES AND MATERIALS

Reference Books: Pinagyamang Pluma 9 (K to 12), pp. 101-136
Materials: Libro
Manila Papers
Markers

V. REMARKS

Learning Targets:
1. Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at elemento ng bawat isa.
2. Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula.
3. Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang grupo ng Asyano.

Subject Matter: Hashnu, ang manlililok ng Bato (Maikling Kuwento)

I. PRELIMINARIES
A. Prayer
B. Checking of Attendance
C. Classroom Setting
D. Review
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung patungkol saan ang kuwentong napag-aralan
noong nakaraan. Magbabahagi kung ano ang kanilang natutunan sa naging pagtatalakay.

II. LESSON PROPER

A. Explore
1. Recall the essential question.
2. Present the Lesson Objectives.
3. Motivation
Hayaang pumili ng ilang bansang Asyano ang mga mag-aaral na nais nilang mas
makilala pa. Bibigyan lamang ng limang minuto na pumunta sa silid-aklatan upang magsaliksik
ng maikling kuwento mula sa piniling bansa. Matapos makapili ay susuriin ang bawat kuwento
at tutuklasin ang kanilang tradisyon, paniniwala, at kaugalian batay sa kuwento ng bawat isang
bansa.

B. Firm-Up
Natatalakay ang Pagsasalaysay, Isaisip Natin sa pahina 253-254 at sasagutan ang
pagsasanay sa pahina 255-256.

C. Deepen
1. bubunotin ng guro sa loob ng kahon ang pangalan ng mag-aaral na siyang magsasalaysay
ng sariling karanasan na maaaring maiugnay sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento.
Maglalahad rin ng ilan sa mga aral na nakuha mula rito.

D. Transfer
Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng maikling kuwentong may uring katutubong kulay na
naglalarawan sa sariling kultura at naikukuwento ito sa harap ng klase.

E. Summary of the Lesson

Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung ano ang nakuha nilang aral sa kabuuan ng
aralin.

III. CLOSING PRAYER

IV. REFERENCES AND MATERIALS

Reference Books: Pinagyamang Pluma 9 (K to 12), pp. 137-145

Materials: Libro
Kahon

V. REMARKS

Learning Targets:
1. Naisasadula ng madamdamin sa harap ng klase ang nabuong maikling dula.

Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

JENNY CLAIRE B. SOLIJON ALAN A. GASCON

Academic Coordinator School Principal

You might also like