You are on page 1of 4

ASIGNATURA: FILIPINO

BAITANG: 9

ARALIN Tahanan ng Isang Sugarol

PAMANTAYANG Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


PANGNILALAMAN
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
;

Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO 1. Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang akda.
2. Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda.
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

TIYAK NA KAKAYAHANG 1. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda batay sa mga suliraning kadalasang nakikita sa lipunang kinabibilangan.
MATATAMO 2. Nakapagbabahagi ng sariling reaksyon o komentaryo hinggil sa pangyayaring naganap sa kwento.
3. Nakabubuo ng isang kagyat na pagsasadula ukol sa isang sitwasyong may kaugnayan sa pang-aabuso.
ORAS NA ILALAAN June 24-26 (3 oras)
KAGAMITAN Kopya ng tekstong gagamitin, Larawan
SANGGUNIAN Pinagyamang Pluma (Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan) Aklat 1

BALANGKAS NG ARALIN

PANIMULA: Magpapakita ang guro ng isang larawan ng buo at masayang pamilya at ilalarawan ng mga mag-aaral ang katangiang mayroon ito sa harap ng klase.
PAGGANYAK: Papangkatin ang mga mag-aaral at magbibigay ang bawat pangkat ng mga karapatang pantao na ipinagkaloob partikular na sa mga babae.
PAGLALAHAD: Pagtatalakay ng paksang aralin sa pamamagitan ng salitang pagbasa
PAGSASANAY: Tutugunan ng mga mag-aaral ang mga inihandang katanungan batay sa mga pangyayaring naganap sa akda.
PAGYAMANIN: Bawat pangkat ay magpapakita ng iba’t ibang uri ng sitwasyong may kinalaman sa pang-aabuso sa mga kababaihan. Isasagawa ito sa pamamagitan ng dula-dulaan.
EBALWASYON: Paggawa ng repleksyon
KAGAMITAN: Kopya ng tekstong babasahin

Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

JENNY CLAIRE B. SOLIJON ALAN A. GASCON


School Principal
ASIGNATURA: FILIPINO
BAITANG: 10

ARALIN Si Pygmalion at si Galatea

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.


PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

KASANAYANG 1. Naipapahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan.


PAMPAGKATUTO 2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa: sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, daigdig

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

TIYAK NA KAKAYAHANG 1. Nailalarawan ang katangian ng isang taong may taglay na kagandahan.
MATATAMO 2. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda at naihahambing ito sa kasalukuyang nakikita sa lipunan.
3. Napahahalagahan ang mga aral na nakuha sa akda at naiuugnay ito sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, daigdig.
4. Nakabubuo ng isang komposisyong naglalaman ng mga sariling karanasan patungkol sa pag-ibig.
ORAS NA ILALAAN June 24-26 (3 oras)
KAGAMITAN Kopya ng tekstong gagamitin
SANGGUNIAN Pinagyamang Pluma (Aklat 1)

BALANGKAS NG ARALIN

PANIMULA: Bawat mag-aaral ay pipili ng kapareha sa loob ng klase, at ilalarawan nila sa harap ang mga magagandang katangiang taglay nito.
PAGGANYAK: Natutukoy ang kahulugan ng salitang “kagandahan”.
PAGLALAHAD: Pagtatalakay ng paksang aralin.
PAGSASANAY: Tutugunan ng mga mag-aaral ang mga inihandang katanungan at magbabahagi ng sariling ideya patungkol sa mga pangyayaring may kaugnayan sa paksa.
PAGYAMANIN: Malinaw na ipapahayag ng mga mag-aaral ang sariling opinyon sa paksang tinalakay batay sa mga sitwasyong ibinigay sa pamamagitan ng paggawa ng isang
komposisyon.
EBALWASYON: Maikling pagsusulit
KAGAMITAN: Kopya ng tekstong babasahin

Iniwasto ni: Pinagtibay ni:


JENNY CLAIRE B. SOLIJON ALAN A. GASCON
School Principal
ASIGNATURA: FILIPINO
BAITANG: 7

ARALIN Si Usman, Ang Alipin


PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga
KASANAYANG tauhan
PAMPAGKATUTO 2. Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

TIYAK NA KAKAYAHANG 1. Nailalarawan ang katangian ng isang pinuno o lider.


MATATAMO 2. Nakikilala ang mga pangunahing tauhan sa kuwento.
3. Naiuugnay ang mga pangayayari sa akda sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan.

ORAS NA ILALAAN 2 oras

BALANGKAS NG ARALIN

PANIMULA: Huhulaan ng mga mag-aaral ang mga inihandang salita na may kaugnayan sa paksang tatalakayin.
PAGGANYAK: Magbibigay ang mga mag-aaral ng kagyat na pagpapaliwanag hinggil sa mga katangiang ng isang mabuting pinuno.
PAGLALAHAD: Pagtatalakay ng paksang aralin.
PAGSASANAY: Tutugunan ng mga mag-aaral ang mga inihandang katanungan batay sa mga pangyayaring naganap sa akda.
PAGYAMANIN: Magbabahagi ang mga mag-aaral ng sarili nilang paghusga patungkol sa ipinakita ng bawat tauhan sa akdang binasa.
EBALWASYON: Magsasalik ang mga mag-aaral ng mga pangyayari o isyung kinasangkutan ng ilan sa mga namumuno sa bansa at iuugnay nila ito sa mga pangyayaring naganap sa
kwento.
KAGAMITAN: Kopya ng tekstong babasahin

Iniwasto ni: Pinagtibay ni:


JENNY CLAIRE B. SOLIJON ALAN A. GASCON
School Principal

You might also like