You are on page 1of 6

LEARNING PLAN in FILIPINO 8

PETSA: October 14, 15, 16, 17, 18, 21, 22, 2019 QUARTER: Second

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa
Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa kasalukuyan.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinatalakay tungkol sa pag-ibg sa tao, bayan o
kalikasan.

MAHALAGANG KAISIPAN:
Sa araling ito’y mararanasan mong maging isang bagitong manunulat. Bubuo ka n
komposiyong may tatlong saknong tungkol sa aral na natutuhan mo sa tulang tinalakay na
nais mong ibahagi lalo na sa mga kapwa mo kabataan.

MAHALAGANG TANONG:
Bakit mahalagang magkaroon ng makabuluhang buhay o ang tinatawag sa ingles na Purpose
Driven Life? Bilang kabataan, paano mo gagawing makabuluhan ang iyong buhay?
Naniniwala ka bang ang tula ay may malaking naiambag sa kamalayang panlipunan ng mga Pilipino?
Bakit?

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Sa araling ito, inaasahan na malilinang ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Nabibigyang katangian ang mga tauhan batay sa napakinggang paraan.


2. Naiuugnay ang mga kaisipan sa kda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan at daigdig.
3. Naipaliliwanag ang sariling kaisipan at pananaw nang malinaw at makabuluhan.
4. Pasulat na nawawakasan ang maikling kuwento sa pagbubuod o pagbibigay ng
makabuluhang obserbasyon.
5. Nabibigyang katangian ang piling tauhan sa maikling kuwento.

Mga Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang kahulugan ang saranggola.


2. Nababasa ang isang maikling kuwento na may pamagat n asaranggola.
3. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan na may kinalaman sa kuwentong nabasa.
4. Pasulat na nawawakasan ang maikling kuwento sa pagbubuod o pagbibigay ng
makabuluhang obserbasyon.

I. PANIMULA
A. Panalangin
B. Pagsasaayos ng silid-aralan
C. Pagtsek ng attendance
D. Pagbabalik tanaw

II. LESSON PROPER


A. PAGTUKLAS
GAWAIN 1.3.2.a. : ISANG SULYAP
Isang sulyap sa kasunod na larawan at alamin kung ano ang nais nitong iparating sa iyo.
Makabubuo ka kaya ng kuwento buhat sa larawan?

Subukin mong bumuo sa tulong ng sumusunod na bahagi .


a. Simula
b. Gitna
c. Wakas

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano mo malalaman ang angkop na pangyayari sa bawat bahagi
ng maikling kuwento?

2. Mahalaga ba ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa


maikling kuwento? Bakit?

3. Nailalarawan ba sa maikling kuwento ang tunay na kaganapan


sa lipunan? Pangatuwiranan.

Sa bahaging ito, tiniyak ko lamang kung may ilang kaalaman ka sa araling iyong pag-aaralan.
Huwag kang mag-alala sapagkat tiyak na pagyayamanin pa ang dati mong kaalaman sa paksa.

Kung babalikan natin ang ating kasaysayan, sa iyong palagay ano ang naging papel ng
maikling kuwento sa buhay n g mga Pilipino noong Panahon ng Hapon? Saang bahagi magkatulad
ang maikling kuwento na umusbong noong Panahon ng Hapones sa mga maikling kuwento na
lumalaganap sa kasalukuyan? Subukin mong sagutin ang susunod na gawain upang bahagya mong
masilayan ang maikling kuwento sa Panahon ng Hapones.

GAWAIN 1.3.2.b : ANG TUNAY NA MUNDO


Alamin ang tunay na kulay ng panitikan sa Pilipinas noong Panahon ng Hapones. Balikan mo
ang kasaysayan ng ating bansa particular sa panahong ito upang matugunan ang mga tanong na
nasa mga biluhaba sa kasunod na pahina.

Higit bang nakilala ang mga


manunulat na Pilipino sa
panahon ng Hapones?
Patunayan.

Nagamit din ba ang panitikan


Nailarawan ba sa maikling partikular na ang maikling
kuwento ang kultura at
kalagayang panlipunan ng mga
kuwento upang makamit natin
Pilipino noong Panahon ng ang kalayaan sa kamay ng
Hapones? mananakop na Hapones?
B. PAGLINANG (20 minutes)

Pangkatang pagbasa ng mga akda.

C. PAGPAPALALIM (30 minutes)


: SA BISA NG KARUNUNGAN
1.Paano sinimulan ang maikling kuwento?
2. Ano ang paksa ng kuwento? Masasabi mo ba na ang paksa sa
nasabing kuwento ay ang karaniwang paksang ginamit ng mga
manunulat noong Panahon ng Hapones? Patunayan.

1. Isalaysay ang mga mahahalagang pangyayari gamit ang Story Ladder.

Kasukdulan

Kakalasan
Papataas na
Aksiyon

Panimula Wakas

Panimula: ________________________________________________________
Papataas na Aksiyon: ________________________________________________________
Kasukdulan: ________________________________________________________
Kakalasan: ________________________________________________________
Wakas: ________________________________________________________

2. Saang bahagi ng kuwento makikita ang maaksiyong pangyayari?


3. Paano winakasan ng may-akda ang maikling kuwento?
4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng
kuwento, paano mo ito gagawin?

5. Sa panahong iyon, ano ang magagawa mo upang maging malaya ka


sa iyong isinusulat?
Ugnay-Panitikan
ANG BANGHAY

ng banghay ay isa sa mga sangkap ng maikling kuwento. Ito ay maayos na pagkakasunod-sunod ng


mga pangyayari sa kuwento. Ang maikling kuwento ay makapag-iiwan lamang ng kakintalan sa isipan
ng mga mambabasa kung may mangyayari, kung masasagot ang mga katanungang tulad ng
sumsunod: ano ang nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano ang naging wakas? Sinasabing ang banghay
ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento.

Narito ang ilang tulong para masundan mo at mahiwatigan ang banghay ng kuwento.
a. Alamin ang simula at wakas ng kuwento
b. Bigyan-pansin ang kilos at galaw ng pangunahing tauhan
c. Alamin ang mga pangyayaring sumasalungat sa daloy o galaw ng kuwento.

BANDILA

Pagkatapos mong basahin ang isang halimbawa ng maikling kuwento sagutin ang mga
detalyeng hinihingi sa kasunod na graphic organizer.

Kahulugan Nilalaman(Paksa)
___________________ ___________________
_ ___________________
___________________
_ ___________________
__________________ _______________
_______________ ______________
_____________ MAIKLING
Sinasalaming Kalagayan ng
KUWENTO
Kultura
__________________ maikling kuwento
___________ sa Panahon ng _________
___________________
__________________ Hapones
_
___________________
_________________
___________________
___
_______________
_
___________________
___________________
___
___
___________________
___
Suriin ang graphic organizer, at sagutin ang kasunod na mga tanong upang matukoy ang
ikinaiiba at kalagayan ng panitikan noong Panahon ng Hapones.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang maikling kuwento at paano ito naiiba sa iba pang akdang pampanitikan?

2. Bakit sinasabing ang mga akdang naisulat noong Panahon


ng Hapones ay naimpluwensiyahan ng pananakop nila?

1. Sa iyong palagay, paano nagagawa ng mga manunulat sa panitikan


sa kasalukuyan ang maging malaya sa pagsulat ng mga akda
nila?

D. PAGLILIPAT
Tuwing buwan ng Agosto ang National Historical Institute ay nagkakaroon ng
eksibit kaalinsabay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.At bilang mga kawani ng nasabing
tanggapan, ikaw ay naatasang bumuo ng PICTO-TULA/KUWENTO. Ito ay kalipunan ng mga
orihinal na tulang haiku at tanaga. Sa tulong ng teknolohiya at mga larawan dapat na maging
malinaw na maipakikita ang natatanging kultura at kasaysayan ng lahing Pilipino. Ang eksibit
ay sasaksihan ng iba-ibang sangay ng pamahalaan. Isaalang-alang ang paggamit ng
tugmaan sa mga tulang bubuuin, mga larawang biswal, at paggamit ng teknolohiya at
kaisahan/ kaangkupan.
Kraytirya Napakahusay Mahusay Papaunlad Kailangan pang pag- MARKA
4 3 2 aralan
1
Gumamit ng mga Gumamit ng May mga ilang salita na Ang mga salitang ginamit
Paggamit angkop at mga angkop na hindi angkop sa pagbuo ng ay hindi angkop sa tula
ng salitang magagandang salita sa pagbuo tula
tugmaan salita sa pagbuo ng ng tula
tula

Mga Makukulay at Makulay at Gumamit ng ilang angkop Hindi angkop ang 1 o 2


Larawan nakakaakit ang angkop ang mga na makukulay na larawan larawang ginamit
ginamit na mga ginamit na na kakikitaan ng kulturang
larawan na larawan na Pilipino
kakikitaan ng kakikitaan ng
kulturang Pilipino kulturang Pilipino

Paggamit Nakagamit ng mga Nakagamit ng Gumamit ng 1 o 2 Walang ginamit na


ng websites/technology ilang websites/technology upang websites/technology upang
Teknolohiya sa pagpapalawak websites/technol mapalawak ang paksa mapalawak ang paksa
ng tema ogy lamang
upang
mapalawak ang
tema
Angkop ang Maayos ang Hindi masyadong maayos Walang kaugnayan ang
Kaisahan pagkakaayos at mga larawan ang mga larawan at mga larawan batay sa
Batay sa pagkakaugnay ng batay sa tema pagpapaliwanag tema
tema at tula at larawan
Pagkaka- batay sa tema
roon ng
Orihinalidad
KABUUANG MARKA

E. Summary of the Lesson (10 minutes)


Ilalahad ng guro ang kabuoang kaisipan ng tinalakay nilang aralin at muling itatanong
ang mahalagang katanungan na sa puntong ito’y sasagutan ng mga mag-aaral. Itatanong din ng guro
ang kanilang mga realisasyon sa araling ito.
F. Assignment/Agreement:

III. CLOSING PRAYER

IV. REFERENCES AND MATERIALS


 Ailene Baisa-Julian(2017). Pinagyamang Pluma 8. Phoenix Publishing House. 927 Quezon
Ave.,Quezon City

V. REMARKS

Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

JENNY CLAIRE B. SOLIJON ALAN A. GASCON, LPT


Academic Coordinator School Principal

You might also like