You are on page 1of 4

LEARNING PLAN in FILIPINO 8

PETSA: July 15, 16, 17, 18, 19, 22, 23, 24, 25, 26, 29, 30, 2019 QUARTER: First

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng mga
Katutubo, Espanyol at Hapon.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

MAHALAGANG KAISIPAN:
Sa araling ito ay mararanasan mong maging isang manunulat ng isang alamat na maaari
mong ihambing sa iyong sarili.

MAHALAGANG TANONG:
Bakit hindi dapat sukatin ang halaga ng isang tao batay sa dami ng kanyang kayamanan o
antas ng estado sa buhay?
Bakit itinuturing na mahalagang bahagi ng sinaunang panitikang Pilipino ang mga kuwento-
bayan particular ang alamat?

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Sa araling ito, inaasahan na malilinang ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/di-makatotohanan ng mga


puntong binibigyang diin sa napakinggan.
2. Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga element nito.
3. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa alamat.
4. Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na alamat sa binasang alamat.
5. Nabubuo ang angkop na pagpapasiya sa isang sitwasyon gamit ang:
- Pamantayang pansarili
- Pamantayang itinakda
6. Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na maaaring ihambing sa sarili.
7. Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na pamanahon at panlunan sa
pagsulat ng sariling alamat.

Mga Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa alamat.


2. Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na alamat sa binasang alamat.
3. Nabubuo ang angkop na pagpapasiya sa isang sitwasyon gamit ang:
- Pamantayang pansarili
- Pamantayang itinakda
4. Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na maaaring ihambing sa sarili.
5. Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na pamanahon at panlunan sa
pagsulat ng sariling alamat.

I. PANIMULA (10 minutes)


A. Panalangin
B. Pagsasaayos ng silid-aralan
C. Pagtsek ng attendance

II. LESSON PROPER (40 minutes)


A. PAGTUKLAS (15 minutes)
Gawain 1 - LARAWAN NG PINAGMULAN
Pansinin mo ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Pamilyar ka ba sa mga ito? Alamin
natin ang iba mo pang kaalaman sa paksang iyong pag-aaralan sa tulong ng mga larawan.Subukin
mong sagutin ang kasunod na mga tanong.

a. Ano-ano ang maaaring maging paksa ng alamat?


b. Nakatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay?
c. Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang tatak ng pagiging mamamayan? Patunayan.
Gawain 2 - KILALANIN ANG PINAGMULAN
Batay sa mga impormasyon na nailahad sa mga naunang gawain, paano mo mailalarawan
ang alamat bilang akdang pampanitikan? Isulat ang sagot sa papel gamit ang fan fact analyzer.
Gayahin ang pormat.

ALAMAT

Nataya na natin ang iyong dating kaalaman sa paksa at alam ko na handa ka nang dagdagan
pa ito sa pamamagitan ng mga gawain na batid kong makatutulong sa iyo upang malinang mo ang
kinakailangang pag-unawa .Simulan natin sa pamamagitan ng pagsagot mo sa mga tanong na
magiging gabay sa iyong pag-aaral mula simula hanggang huling bahagi ng araling ito.

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano nakatutulong ang alamat sa pag-unawa ng pinagmulan ng mga bagay sa
kasalukuyan?

2. May saysay pa ba ang mga alamat bilang mga akdang pampanitikan


sa kasalukuyan? Patunayan.

3. Nakatutulong ba ang paggamit ng mga lugar at panahon upang mabisang maipabatid ang
mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat? Patunayan.

B. PAGLINANG (20 minutes)


Gawain 3 - TUGON MO…MAHALAGANG ALAMIN

Sa bahaging ito, nais kong malaman ang antas ng iyong pag-unawa sa aralin na ating pag-
aaralan. Subukin mong sagutin ang mga nakatala sa mga gabay na tanong upang magabayan ka
sa pagpapalawak ng paksa na nasa loob ng kahon.
Ang Kahalagahan ng Alamat sa Kasalukuyan
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 4 – Pangkatang pagbasa

C. PAGPAPALALIM (30 minutes)


Ang gawaing ito ay nakatulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang daloy ng mga
pangyayari sa alamat.

1. Pagsunud-sunurin mo ang mga pangyayari sa alamat sa tulong ng Story Mountain. Gawin sa


papel. Gayahin ang pormat.
Gitna

Simula Wakas

2. Sa iyong palagay, angkop ba ang naging wakas ng akda ? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
Gawin sa papel.

3. Suriin ang mga pangyayari sa bawat bahagi ng alamat.Itala mo sa talahanayan kung alin
ang makatotohanan at di- makatotohanan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

BAHAGI MAKATOTOHANAN DI- MAKATOTOHANAN

SIMULA

GITNA

WAKAS

D. PAGLILIPAT
Ang mga mag-aaral ay bubuo ng kanilang sariling alamat na kanilang ibabahagi sa klase
pagkatapos.

E. Summary of the Lesson

Ilalahad ng guro ang kabuoang kaisipan ng tinalakay nilang aralin at muling itatanong ang
mahalagang katanungan na sa puntong ito’y sasagutan ng mga mag-aaral. Itatanong din ng guro ang
kanilang mga realisasyon sa araling ito.

F. Assignment/Agreement:
Ang mga mag-aaral ay magsasaliksik tungkol sa mitolohiyang Nyaminyami.
III. CLOSING PRAYER

IV. REFERENCES AND MATERIALS


 Ailene Baisa-Julian(2017). Pinagyamang Pluma 8. Phoenix Publishing House. 927
Quezon Ave.,Quezon City

V. REMARKS

JULY 31, 2019 – Nutition Month Culmination


AUGUST 1, 2, 2019 – First Midterm Exam

Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

JENNY CLAIRE B. SOLIJON ALAN A. GASCON, LPT


Academic Coordinator School Principal

You might also like