You are on page 1of 4

LESSON PLAN:

Modyul I: LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT

KP1.1 : Natutukoy ang mga Elemento ng Kabutihang Panlahat

I. LAYUNIN
A. Nakapaglalarawan ng matiwasay na Lipunan gamit ang drowing o diorama
B. Nakasusulat ng maikling paliwanag tungkol sa matiwasay na lipunan
C. Nakabubuo ng recipe par sa isang matiwasay na lipunan

II. NILALAMAN
A. Paksa: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
B. Sanggunian: ESP 9 Lerner’s Module p.1-23
C. Kagamitan: Manila Paper, Pencil, Pentel Pen, Crayons

III.PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pambungad (Panalangin at Pagbati)


2. Pangganyak
 Talakayin ang panimula ng Modyul 1: Ano ang inaasahang Maipapamalas mo?

“Marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo."Naaalala mo pa ba ang mga linyang


ito mula sa awit na “Batang Bata Ka Pa”? May mga bagay sa iyong paligid noon na hindi mo maaring
pakialaman dahil bata ka pa; pero lumipas ang panahon at ngbabago ang maraming bagay. Darating
talaga ang pagkakataon mas mahalaga para sa isang kabataang katulad mo ang makialam.
Napapansin mo ba ang sarili mo sa kasalukuyan? Nga-iiba na ba ang mga reaksyon mo sa mga
nangyayari sa iyong paligid tulad ng mga balita at mga isyung nangingibabaw sa media? Kung oo ang
sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin ay lumalabas na sa iyong sarili ang iyong pagtingin, mayroon
ka ng pakialam sa lipunang kinabibilangan mo.Nakikilala mo na hindi ka lamang nabubuhay para sa iyong
sarili at para sa iyong pamilya, na mayroong mas malawak na mundong iyong kinabibilangan at ikaw ay
isang mahalagang bahagi nito. Kung hindi naman ang iyong sagot, huwag kang mag-alala at drating din
ang pagkakataong mababago ang iyong panana sa buhay. Maaring naghihintay lamang ito ng tamang
pagkakataon. Maaaring makatulong nang malaki sa iyo an aralin sa baitang na ito.
Sa dalawang taon mong pag-aarl ng Edukasyon sa Pagpapakatao, nagkaroon ka ng pagkakataong
masuri ang iyong pananagutan sa sarili at sa iyong kapuwa. Ngayong taon naman ay mamumulat ang
iyong mga mata sa lipunang iyong ginagalawan. Napag-arlan mo sa asignaturang Araling Panlipunan ang
maraming bagay tungkol sa lipunan, ang kahulugan nito, layunin at marami pang iba. Sa pagkakataong it,
mauunawaan mo ang pagkakaiba at pagkakaugnay nito sa mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa
baitang na ito.

3. Paunang Pagtataya
 Ipaunawa sa mga mag-aaral na ang layunin sa pagbibigay ng Pauang Pagtataya ay upang mataya ang
kanilang mga dating kaalaman lalo na sa nilalaman ng aralin.
 Ipabasa ang panuto para sa Paunang Pagtataya sa pahina 2.
 Maglaan ng 10 minuto para sa pagataya. Pagkatapos, Iwasto ang kanilang mga sagot.
 Palagdaan sa mag-aaral ang ginawang patataya at atawan silang itabi ito upang magamit sa
paghahambing sa Panghuling Pagsusulit.

B. Paglinang ng Gawain

1. Hatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat


2. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa pahina 4.
3. Ipabasa ang panimulang pangungusap.
4. Ipabasa ang Panuto sa gawain 1.

Gawain 1
Panuto:
1. Sa unang bahagi ng gawaing ito ay mahalagang maibahagi mo muna kung ano ang larawan ng isang
matiwasay na lipunan para sa iyo. Isulat mo ang mga katangian ng isang matiwasay na lipunan.
2. Ang iyong sagot sa tanong na ito ay maari mong maipakita sa malikhaing pamamaraan. Maaring
gumawa ng diorama o kay naman ay gumuhit ng isang blueprint.
3. Mahalagang maglakip ng maikling paglalarawan sa ginawang representasyon.
5. Bigyan ng 5 minuto ang mga mag-aaal na maisagawa ang gawain 1 at hikayatin sila na gamitin ang kanilang
pagkamalikhain sa pagsasagawa ng gawain.
6. Maglaan ng 5 minuto upang makapagbahagi ang ilang piling mag-aaral sa klase ng kanilang output- ang
kanilang paglalarawan ng isang matiwasay na lipunan gamit ang drowing o diorama. Ipaskil sa pisara ang rubric
sa pagtataya ng gawain.

Rubric para sa Gawain 1

Kraytirya 4 3 2 1
1. Pagiging malikhain Taglay ang lahat ng Taglang ang tatlong Taglay ang dalawang Taglang ang isa
 Gumamit ng reyced kraytirya kraytirya kraytirya lamang sa mga
materials kraytirya
 May orihinalidad/
hindi pangkaraniwan
ang disenyo
 Malinis at organisado
ang pagkakadisenyo
 Karamihan ng mga
detalye sa nilalaman
2. Kaangkupan sa Paksa Angkop ang lahat ng May isang detalye May dalawang Hindi angkop sa paksa
detalye sa output sa na hindi angkop sa detalye na hindi ang kabuuan ng
paksa paksa angkop sa paksa output
3. Pagkakatugma sa Tugma ang kabuuan May isang detalye May dalawang Hindi angko ang
ninanais na paglalarawan ng output sa na hindi angkop sa detalheng hindi kabuuan ng output sa
ibinahaging paglalarawan angkop sa ibinahaging
paglalarawan paglalarawan paglalarawan
4. Kabuluhan ng Makabuluhan ang Hindi makabuluhan Hindi makabuluhan Hindi makabuluhan
paglalarawan kabuuan ng ang maliit na ang malaking bahagi ang kabuuan ng
ginawang bahagi ng ng paglalarawan sa paglalarawan sa
paglalarawan sa paglalarawan sa matiwasay na matiwasay na lipunan
matiwasay na matiwasay na lipunan
lipunan lipunan

C. Pagsusuri

C. Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain I
a.Ipagawa ang Gawain I sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag-aaral sa pahina 5-6 ng Modyul 1.(Maaari
rin itong ibigay bilang takdang aralin,ngunit tiyakin na lubusang naunawaan ng mga mag-aaral ang panuto bago sila
hayaang gawin ang Gawain sa kanilang bahay).
b.Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimulang pangungusap.
c.Ipabasa ang panuto at saka sabihin: Mayroon bang linawin sa panuto?
d.Matapos na bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na maisagawa ang Gawain, maging ang pagbabahagi (sa
bilang 5 ng panuto), pasagutan ang mga tanong sa bilang 6,pahina 6.
e.Maglaan ng panahon upang maipakita sa klase ang ilan sa mga output ng mag-aaral.Ipaskil sa pisara ang rubric sa
pagtataya ng gawain.

Gawain 2
a.Ipagawa ang Gawain 2 sa bahaging pagtuklas ng dating kaalaman sa pahina 6-8.
b.Ipabasa sa isang mag-aaral ang panimulang pangungusap.
c.Ipabasa sa isa pang mag-aaral ang panuto at saka sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa panuto?
d.Bigyan ng 10-15 minuto ang mga mag-aaral upang maisagawa ang gawain.(Paalaala: Tiyaking naatasan ang mga mag-
aaral na magdala ng mga kagamitan isang araw bago ang takdang pagsasagawa ng gawain).
e.Pagkatapos,hayaan silang mamili ng kapareha na pagbabahaginan ng kanilang ginawa.Atasan silang magtala sa
kuwaderno ng mahahalagang pangyayari na naganap sa isinagawang pagbababhagi.
f.Ipabahagi sa klase ang natapos na gawain ng ilang mag-aaral.
g.Pagkatapos, pasagutan ang mga tanong sa bilang 7, pahina 8.
h.Tiyaking magagamit ang pagkatuto sa mga nagdaang gawain upang maiugnay ito sa mga susunod na gawain.

D.Paglinang ng mga kaalaman,kakayahan at pag-unawa.

a.Maaaring simulan ang mga bahaging ito sa pamamagitan ng pagbalik-aral.Mahalagang matiyak na nanatili ang
pagkatuto sa mga mag-aaral upang maiuugnay nila ang mga ito sa susunod na gawain.
b.Matapos ito ay ipagawa sa kanila ang gawaing “Ako ay Ako dahil sa Aking Pamilya” sa pahina 8-10 ng bahaging
Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa.(Maaari itong ibigay bilang gawaing bahay.)
c.Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto at saka sabihin:Mayroon bang kailangang linawin sa panuto?
d.Makatutulong kung ipakikita ang website na nagpapakita ng mga hakbang ng pagsasagawa ng gawain.
e.Ipakita at ipabasa sa mga mag-aaral ang halimbawa sa pahina 9-10.Makatutulong ito upang mas maging malinaw sa
mag-aaral ang gawain.
f.Maging bukas sa mga tanong mula sa mga mag-aaral.
g.Maglaan ng panahon sa klase na magbahagi ng kanilang mga output.
h.Tiyakin na unti-unting nagagabayan ang mga mag-aaral sa paghinuha ng Batayang Konsepto.

A. Pagpapalalim

Paalaala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaral bilang takdang aralin.
a.Magpaskil ng katulad na paglalarawan at mga dialogue boxes sa pahina 11 sa pisara. Sabihin: Nakita mo na ba ang
katulad na larawan na nasa likod ng kotse?Nagkaroon ka ban g katulad na karanasan?Ano ang iyong naisip matipos mong
Makita ang katulad na larawan?Ano ang iyong naramdaman ang ito ay una mong makita?Ano ang ipinahihiwatig ng mga
ito?
b.Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 11-21.Bigyan sila ng 15 minuto upang basahin ang sanaysay.Maaari naming
gumawa ng presentasyon o i-record ang sanaysay upang mas makapukaw ng interest at atensyon ng mga mag-aaral.
c.Pagkatapos ng 15 minuto,pangkatin sa pito ang mga mag-aaral.Hayaang magtalaga ang mga mag-aaral ng lider at
tagapag-ulat.
d.Atasan ang mga mag-aaral na malalim na talakayin sa kanilang pangkat ang pitong dahilan kung bakit natural na
institusyon ang pamilya.Bigyan ang bawat pangkat ng isang dahilan na tatalakayin nila sa kanilang pangkat.
e.Atasan din silang mag-isip ng kanilang mga karanasan sa sariling pamilya o sa pamilyang kanilang nakasama o
nakasalamuha na maaaring makatulong upang madaling maipaliwag ang bawat isa sa pitong dahilan.Makatutulong din ito
upang mataya kung lubos na naunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang binasa at tinalakay.
f.Maaaring atasan ang mga mag-aaral na ilahad sa klase ang kanilang pag-unawa sa kanilang binasa sa pamamagitan ng
iba’t ibang malikhaing pamamaraan.
g.Pagkatapos mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng pangkat na makapagbahagi, itanong ang mga tanong sa bahaging
Tayahin ang iyong pag-unawa sa pahina 21.
h.Mahalagang tiyakin na sa bahaging ito ay handa ang mga mag-aaral sa paghinuha ng batayang konsepto.Maaring
magdagdag ng mga tanong na makatutulong upang mahinuha ng mga mag-aaral ang batayang konsepto.

F.Paghinuha sa Batayang Konsepto

a.Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto na nasa pahina 22 at sabihin:Mayroon bang hindi malinaw sa panuto?
b.Magpaskil sa pisara ng katulad na graphic organizer na nasa modyul o maari rin namang lumikha ng sariling graphic
organizer.
c.Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng batayang konsepto.Tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng
nabuong konsepto.

G. Pagsasabuhay ng mga pagkatuto

A.Pagganap
a.Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa bahaging pagganap sa pahina 23-25.
b.Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang panuto.Bigyan sila ng 3 minuto sa pagbasa.
c.Ipabasa ang halimbawa na matatagpuan sa pahina 24.
d.Bigyan ng 10-15 minuto ang mga mag-aaral upang isagawa ang gawain.
e.Atasan silang isagawa ang panuto bilang 5 at 6 sa pahina 24.Bigyang-diin ang nakasulat sa kahon sa baba ng
pahina.Mahalagang paalaala ito para sa mga mag-aaral.
f.Ipakita sa mga mag-aaral kung paano mamarkahan ang gawain.

H. Pagninilay

a.Maaaring ibigay ang gawaing ito bilang takdang aralin.Maari rin naming pagdalahin ang mga mag-aaral ng mga
kagamitan na kanilang gagamitin sa Gawain at ipagawa ito sa klase.
b.Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto na nasa pahina 25-26.Pagkatapos,sabihin:Mayroon bang hindi malinaw sa
panuto?
c.Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa panuto bilang 7.Hayaan silang magpasya kung sa paanong paraan isagawa ang
gawain.Kung pipiliin ang gawin ito sa computer, kailangang ibigay na lamang ito bilang takda.
d.Ipaalam sa mga mag-aaral kung paano mamarkahan ang gawain sa pamamagitan ng pagpaskil ng rubric ng pagtataya sa
pisara.
e.Mahalagang tapusin ang bahaging ito sa pamamagitan ng paglalahat sa mga ibinahaging pagninilay at sa pagbalik sa
batayang konsepto.

I.Pagsasabuhay

Paalaala: Napakahalaga ngunit kritikal ang gawaing ito, maaari itong magbukas ng mga sugat ng mag-aaral sa kanilang
pamilya.Mahalagang tiyakin ang kahandaan bago ito isagawa sa klase.Tiyakin na bilang guro ay magkakaroon ng bukas na
isip at puso sa pag-unawa ng indibidwal na kalagayan ng ugnayan sa pamilya ng mga mag-aaral.
a.Ipagawa ang bahaging Pagsasabuhay sa pahina 27-28 ng modyul 1.
b.Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang panuto sa loob ng 3-5 minuto.
c.Bago ito ay iatas na sa mga mag-aaral ang paggawa ng bond bracelet na nabanggit sa bilang 3, pahina 27.
d.Gabayan ang mga mag-aaral sa pagpaplano para sa pagtitipon ng mga kasapi ng kanilang pamilya.Mahalagang maging
bukas sa pakikinig at pag-unawa sa indibidwal na kalagayan ng ugnayan sa pamilya ng mga mag-aaral.
e.Gabayan din ang mga mag-aaral sa paggawa at paggamit ng family log na nabanggit sa bilang 8, pahina 27.
f.Bigyang-diin ang nilalaman ng kahon sa baba ng pahina 27.Napakahalagang maipaliwanag ito nang maayos at malinaw
sa mga mag-aaral upang maiwasan ang pagkakaroon ng hindi magandang damdamin lalo na yaong mga mag-aaral na
hindi masyadong maayos ang ugnayan sa loob ng sariling pamilya o di kaya ay yaong hindi kapiling ang kanilang pamilya.
g.Matapos ang pagpaplano ay ibigay bilang takda ang gawain.
h.Sa susunod na araw, hayaang magbahaginan ang mga mag-aaral ng kanilang mga nagging karanasan.
i.Patuloy na maging sensitibo sa bahaging ito dahil magkakaiba ang maaaring maging bunga ng natapos na gawain sa mga
mag-aaral. Mas mahalagang maging mapagmasid dito upang matiyak na ang lahat ng mag-aaral ay magagabayan at
matutugunan ang pangangailangan lalo na sa aspetong emosyonal.
j.Tapusin ang aralin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng halaga ng pagkatuto sa Batayang konsepto tulad ng:
a.Paglalapat nito sa kanilang buhay
b.Pagbabantay sa institusyon ng pamilya bilang pundasyon ng lipunan at;
c.Pagninilay sa impluwensiya ng pamilya sa pagbuo ng kanilang pagkatao lalo na sa pagbibigay ng edukasyon, sa
mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.
IV. Ebalwasyon

Tukuyin ang mga Gawain ng pag-aaral gamit ang rubrics.

V. Takdang Aralin

Gumawa ng sariling portfolio tungkol sa iyong pamilya.

VI. Mga Rubrics

VII. Pagninilay ( Guro )

a. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.


b. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.
c.Nakatulong ba ang remedia? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
d.Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
e.Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos?Paano ito nakatulong?
f.Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punungguro at superbisor?
g.Anong kagamitang panturo ang aking naituro na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like