You are on page 1of 31

1

Sining
Unang Markahan – Modyul 2:
Kilalanin ang mga Gamit
Sining – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Kilalanin ang mga Gamit
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ellen Grace Z. Aquino
Editor: Marilou G. Gammad, Anna Grace M. Gallardo
Tagasuri: Division Quality Assurance Team, Denis M. Agbayani
Tagaguhit: Pedro B. Sario, Jr.

Tagalapat: Alexander G. Barasi


Tagapamahala: Estela L. Cariño, Rhoda T. Razon
Octavio V. Cabasag
Rizalino G. Caronan
Roderic B. Guinucay
Ruby B. Maur
Cherry Grace D. Amin

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region II

Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1
Sining
Unang Markahan – Modyul 2:
Kilalanin ang mga Gamit
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Sining 1 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kilalanin ang mga
Gamit.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Sining 1 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Kilalanin ang mga Gamit.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral

ii
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


Balikan aral upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


Suriin maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan

iii
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa


Tayahin o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

iv
Susi sa
Naglalaman ito ng mga tamang sagot
Pagwawasto
sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng


anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro
o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o
sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

v
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

vi
Alamin

Ang linya, hugis at tekstura ay mga elemento ng sining at


disenyo. Ang “Prinsipyo ng Sining” ay kung paano gamitin ng isang
“Manlilikha o Artist” ang mga elemento ng disenyo upang makalikha
ng magandang obra o sining. Ito ay tinatawag na komposisyon
(composition) gamit ang mga linya, hugis at tekstura.

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. natutukoy ang iba’t ibang hugis, linya at tekstura na ginamit sa
isang larawan;
2. nagagamit ng mga manlilikha o artist ang pagpinta gamit ang
Elemento ng Sining;
3. nakagagawa ng sariling disenyo ang natural at mga bagay na
gawa ng tao na nagpapakita ng sariling ideya gamit ang linya,
hugis at tekstura.

Subukin

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang iyong paboritong laruan.

Aralin
Kilalanin ang mga Gamit
1

1
Balikan

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Anong bagay ang paborito mong iginuguhit?
2. Ano-ano ang ginagamit mo sa pagguhit?
3. Paano mo nagawa ang iyong ginuhit?

Tuklasin

Pagmasdan ang larawan na nasa ibaba. Pag-aralang mabuti ito


pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na tanong.

ELLEN

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino ang may kaarawan?
2. Ilang taon na siya?
3. Ano ang hugis ng lobo?
4. Ilarawan ang keyk niya?

2
5. Masaya ka ba tuwing kaarawan mo? Bakit?

Suriin
MGA HUGIS
bilog parisukat tatsulok

puso parihaba biluhaba

MGA LINYA

kulot na linya pakurbang linya tuwid na linya

palihis na linya pahigang linya zigzag na linya

MGA TEKSTURA

makinis magaspang

3
manipis makapal

Ang linya ay nagsisimula sa tuldok hanggang sa maging linya. Ito


ay guhit na pinagdugtung dugtung. Ang mga hugis ay nabubuo kapag
ang mga dulo ng linya ay pinagtagpo. Ito ay isang tuloy-tuloy na guhit
na walang butas na bahagi. Ang tekstura naman ay nagsisilbing pang-
ibabaw na katangian.

1. Ano-ano ang iba’t ibang tuwid na linya?

2. Magbigay ng isang bagay at ilarawan ang hugis nito?


3. Ilarawan ang tekstura ng iyong damit?

Pagyamanin

Gawain 1
Tayong lahat ay manlilikha. Isinusalat ng manlilikha ang
kanilang pangalan sa kanilang mga ipininta. Isinusulat din ang
petsa. Isulat mo ang iyong pangalan at petsa sa loob ng puso.

4
Pagtataya 1

Panuto: Pagdugtungin ang mga tuldok. Umpisahan sa ibaba at


paitaas. Kilalanin ang mga hugis o linya na mabubuo sa larawan.
. . . . . .
. . . . . . .

Gawain 2
Panuto: Iguhit ang iyong pamilya sa loob ng kahon gamit ang
iba’t ibang linya, hugis, kulay at tekstura.

Pagtataya 2

Panuto: Anong mga hugis at linya ang iyong makikita sa


mga larawan.

5
Larawan Hugis Linya

1.

__________ _________

2.

___________ _________

3.
__________ _________

4.

_________ _________

5. __________ _________

Pagsasanay 1

Panuto: Masdan mo ang mga larawan sa ibaba. Anong mga


hugis, linya at tekstura ang iyong nakikita? Iguhit at sabihin ang uri
ng mga ito?

6
1. __________________________

2. __________________________

3. __________________________

4. __________________________

5. __________________________

6. __________________________

Pagsasanay 2

Pagmasdan ang kapaligiran. Iguhit at ilarawan ana sarili


mong disenyo tungkol sa ating magandang tanawin gamit ang hugis,
linya at tekstura.

7
Isaisip
Sa modyul na ito ay natutuhan k o na ang sining ay binubuo ng
linya, hugis at tekstura na ginagamit ng mga manlilikha o pintor
upang makalikha ng magandang obra o sining.

Isagawa

Upang malaman kung ikaw ay may natutuhan sa modyul na ito,


isagawa ang panuto na nakasaad.

Panuto: Tukuyin ang iba’t ibang linya, hugis at tekstura. Isulat


ang sagot sa patlang.

1. = _________ 4. =__________

2. =__________ 5. =__________

3. =__________ 6. =__________

8
Tayahin
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa kabuuan ng iyong
natutuhan upang malaman kung magpapatuloy ka sa susunod na
modyul o hindi. Kung ikaw ay makakakuha ng iskor 3-5,
magpapatuloy, 0-2 uulitin ang modyul.

Panuto: Isulat ang L kung ang tinutukoy ng pangungusap ay


linya, H kung ang tinutukoy ay hugis at T kung ito ay tekstura.
_______ 1. Ang mukha niya ay hugis biluhaba.
_______ 2. Parihaba ang watawat ng Pilipinas.
_______ 3. Ang aklat sa Filipino ay makapal.
_______ 4. Zigzag ang daan papuntang Baguio.
_______ 5. ang hugis ng bulkang Mayon

Karagdagang Gawain

Iguhit ang paborito mong lugar kasama ang iyong matalik na


kaibigan sa isang bond paper gamit ang mga linya, hugis, at tekstura
sa paggawa ng sinin

Nasa ibaba ang rubric ng iyong likhang sining.


Pamantayan Iskor
Gumamit ng tatlong Elemento sa Sining at natapos ito ng 5
malinis at kaaya- aya.
Gumamit ng dalawang Elemento sa Sining at natapos ito ng 4
malinis at kaaya-aya.
Gumamit ng isang Elemento sa Sining at natapos ito ngunit 3

9
hindi malinis at kaaya-aya.
Gumamit ng Elemento ng Sining ngunit hindi malinis at 2
kaaya-aya.
Gumamit ng Elemento sa Sining ngunit madumi at hindi 1
kaaya-aya.

Susi sa Pagwawasto

Tuklasin:

1. Ellen 3. biluhaba 5. Oo, maraming pagkain

2. 6 4. malambot

Pagtataya:
1. parihaba, tuwid na linya,
2. tatsulok, palihis na linya
3. bilog, pakurbang linya
4. parihaba, tuwid na linya
5. biluhaba, pakurbang linya

Isagawa: Tayahin:
1. pahilis na linya 1. H
2. parisukat 2. H
3. patayo 3. T
4. tatsulok 4. L
5. magaspang 5. H
6. bilog
10
Alamin
Ang sining ay buhay. Ito ay para sa lahat, bata man o matanda,
mayaman man o mahirap, may kapansanan man o wala. Ang mga
bata o mag-aaral sa kanilang murang edad, sa puso at isipan nila ay
naroon ang tatak ng sining. Ang mga paborito nilang alaga ang
maging inspirasyon nila upang makabuo ng isang drowing ng
paborito nilang hayop na gamit ang linya o hugis at bigyang buhay ng
tekstura nito. Sa murang isipan ng mag-aaral, maiguguhit niya ang
paborito niyang alaga at mabigyan ito ng pangalan.

Sa Modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nagagamit ang linya at hugis sa pagguhit ng iba’t ibang hayop


na matatagpuan sa Pilipinas.

2. natutukoy at nailalarawan ang linya at hugis na nakikita sa


larawan ng mga hayop.

3. nagagamit ang iba’t ibang linya at hugis sa paggawa ng tekstura


ng mga hayop na idrodrowing o iguguhit.

11
Subukin

Panuto: Alamin ang linya, hugis at tekstura na ginamit sa


bahagi ng mga larawan ng mga hayop. Piliin ang mga sagot sa loob
ng kahon. Isulat ang mga sumusunod na sagot sa sagutang papel.

bilog bilohaba matigas tuwid


magaspang

1. Anong hugis ang mata ng pusa?

2. Anong linya ang buntot ng aso?

3. Anong tekstura ang sungay ng


kalabaw?

4. Anong hugis ang mata ng isda?

5. Anong tekstura ang balahibo ng


baboy?

Aralin
Ang Paborito kong Alaga
2
12
Balikan
Bago ka magpatuloy sa modyul na ito, kaya mo bang sagutin
ang mga sumusunod?

1. Ano ang paborito mong alaga?


2. Paano mo siya aalagaan?
3. Kaya mo ba itong iguhit o idrowing?
4. Paano mo ito iguhit o idrowing?

Tuklasin

Pagmasdan ang larawan ng pusa. Kilalanin ang mga linya, hugis


at tekstura na ginamit. Pag -aralang mabuti ito pagkatapos sagutin ang
mga tanong sa Suriin.

Suriin
1. Ano-anong mga hugis o linya at tekstura ng sining ang ginamit
sa larawan ng pusa?

13
2. Paano nabuo ang isang larawan ng pusa?

Sa larawan ng pusa, ang bumabalot dito ay ang tekstura,


(balahibo) ito ay malambot. Maiguguhit ito sa paggamit ng ibat ibang
linya gaya ng tuwid at pakurba (paa, balbas at buntot) o iba’t ibang
hugis gaya ng bilog (ulo) at tatsulok (tainga) ganon din sa ibang
hayop.

Tekstura:

malambot (balahibo ng pusa)

Linya:

tuwid pakurba

Hugis:

bilog tatsulok

Pagyamanin
 Gawain 1

Sa pamamagitan ng mga pira-pirasong papel na may guhit na


linya at hugis, magbubuo tayo ng isang larawan. Anong hayop kaya
ito?
14

Pagtataya 1

1. Anu-anong linya ang ginamit sa buntot at paa ng


nabuong hayop?

2. Anu-anong hugis ang ginamit sa ulo at katawan ng


nabuong hayop?
 Gawain 2

Kilalaning mabuti ang nakalarawang hayop. Sagutin ang mga


tanong tungkol dito sa Pagtataya 2.

15
 Pagtataya 2
1. Ano-anong mga hugis ang ginamit sa larawan ng ibon? (ulo,
katawan, buntot, mata at tuka)
2. Anong linya ang ginamit sa larawan ng ibon? (paa at pakpak)
3. Ano ang tekstura ng ibon?

Isahang Pagsasanay

 Gawain 1
Tukuyin ang mga linya, hugis at tekstura na ginamit sa larawan
ng isda. Sagutin ang mga tanong tungkol dito sa Pagtataya 1.

 Pagtataya 1

1. Ano-anong linya ang ginamit sa pagdrowing ng


isda?

2. Ano-anong hugis ang mga ginamit sa pagdrowing


ng isda?

3. Ano ang tekstura ng isda?

4. Paano nabuo ang drowing ng isda?

 Gawain 2

16
Gumuhit ng paboritong hayop, gamitin ang mga ibat ibang linya
at mga hugis. Ipakita ang tekstura ng hayop na gusto mong iguhit.

 Pagtataya 2
1. Ano-anong linya ang ginamit mo sa iyong drowing?
2. Ano-anong hugis ang ginamit mo sa pagguhit?
3. Anong tekstura ang ipinapakita ng drowing mo?
4. Paano mo iginuhit ang larawan ng hayop?

Isaisip

Sa modyul na ito, natutuhan ko ang mga hugis na bilog, hugis na


tatsulok at hugis na bilohaba. Natutuhan ko rin ang mga ibat ibang
linya gaya ng tuwid na linya at pakurba. Nalaman ko rin ang mga

17
tekstura na bumabalot sa mga alagang hayop tulad ng malambot,
magaspang at matigas na tekstura.

Isagawa

Upang malaman kung ikaw ay may natutuhan sa Modyul na ito,


isagawa ang panuto na nakasaad.
Panuto: Iguhit ang mga linya at hugis na ginamit sa pagdrowing
ng hayop at ang tekstura nito.

1. mata ng pato 2. balahibo ng baboy


3. tuka ng ibon 4. tainga ng pusa
5. buntot ng isda

Tayahin
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa kabuuan ng iyong
natutuhan upang malaman kung ikaw ay magpapatuloy sa susunod na
Modyul o hindi. Kapag nakakuha ka ng 3-5, magpatuloy, 0-2, ulitin
ang Modyul.
Panuto: Tukuyin ang ginamit na linya, hugis at tekstura na
ginamit sa bahagi ng hayop. Piliin ang sagot sa mga kahon.

Tekstura Hugis Linya


madulas tatsulok tuwid
malambot bilohaba pakurba
magaspang bilog paalon-alon

1. linya: (antenna) __________________


hugis: (pakpak) __________________
tekstura:18(katawan) ______________
linya: (leeg) ______________________
2.
hugis: (mata) ____________________
tekstura: (likod) __________________

3. linya: (korona) ___________________


hugis: (mata) ____________________
tekstura: (tuka) __________________
4. Linya:(balahibo)
linya: _______________
(balahibo) _________________
Hugis:
hugis: (tainga___________________
(tainga) _________________
tekstura:(leeg)
tekstura: _________________
(leeg) ___________________

linya: (paa) ______________________


5. Linya:(paa) _________________
hugis: (katawan) _________________
Hugis:(katawan) ____________
tekstura: (sungay) ________________
Tekstura:(sungay) _____________

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, ikaw ay guguhit ng paborito mong hayop gamit


ang lapis, krayola o pentel pen sa isang malinis na bond paper.
Nasa ibaba ang rubric ng iyong likhang sining.

Pamantayan Iskor
Nagamit ang tatlo sa mga ginamit (mga linya, hugis at
5
tekstura) sa drowing. Malinis at kaaya-aya.
Kulang ng isa sa mga ginamit (linya, hugis, tekstura.
4
Malinis at kaaya-aya.
Kulang ng dalawa sa mga ginamit (linya, hugis tekstura) 3

19
hindi malinis at hindi kaaya-aya.
Hindi natapos , hindi malinis at hindi kaaya-aya. 2
Nakagawa ng drowing ngunit hindi maintindihan ang
1
drowing.
Hindi nakagawa ng likhang-sining. 0

Susi sa Pagwawasto

Subukin Tayahin

1. Bilog 1. Pakurba
2. Tuwid Tatsulok
Madulas
3. Matigas
2. Tuwid
4. Bilohaba Bilohaba
5. Magaspang Magaspang
3. Paalon-alon
Pagtataya 1 Bilog
1. tuwid, pakurba Magaspang
4. Pakurba
2. bilog, bilohaba
Tatsulok
Malambot
Pagtataya 2
5. Pakurba
1. bilog, bilohaba, tatsulok Bilohaba
2. tuwid, pakurba magaspang
3. malambot

20
21
Sanggunian
Arts Curriculum Guide
Arts Teacher’s Guide
Curriculum Guide in Arts 1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like