You are on page 1of 32

1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2: Kailangan
Ko, Bagay na Mahalaga sa Paglaki Ko
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Kailangan Ko ,Bagay na Mahalaga sa Paglaki Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Rowena B. Caparas
Manunulat:: Bernadette G. Paraiso, PhD, Gilda S. Panuyas,
Editor: Evelyn D. Gaita, Sheila Corpuz, Amabhelle R. Dela Merced,
Tagasuri: Mary Abigail R. Bautista, Mary Grace C. Bernardo,
Ryan C. Pastor, Jonathan Parabata
Johna L. Mangalindan, Maria Donna S. Erni Dionne L.
Ingaran, Ria Angelica J. Aquino
Tagaguhit: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD
Tagalapat: Ma. Editha R. Caparas, EdD Angelica M. Burayag, PhD
Tagapamahala: Nestor P. Nuesca, EdD Merlinda T. Tablan, EdD Ellen C.
Macaraeg, EdD
Elena V. Almario

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
1
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2: Kailangan
Ko, Bagay na Mahalaga sa Paglaki Ko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kailangan
Ko ,Bagay na Mahalaga sa Paglaki Ko!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

i
Mga Tala para sa Guro
Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa pansariling pangangailangan
Mainam na gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng bawat leksiyon ng
Maaaring hingin ang tulong ng mga magulang upang magabayan ang kanila

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kailangan Ko, Bagay na
Mahalaga sa Paglaki Ko!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

i
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin
ang mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain
o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang

i
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

v
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain
sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng
modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na


ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat
sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.

v
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong


kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang
mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 1.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin;

Leksiyon 1– Konsepto ng Pangangailangan Leksiyon 2 -


Mga Pansariling Pangangailangan Leksiyon 3 –
Kahalagahan ng Pangangailangan

Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang :
1. Nauunawaan ang konsepto ng pangangailangan
2. Natutukoy at nailalarawan ang mga pansariling
pangangailangan;
3. Nauunawan ang kahalagahan ng
pangangailangan

1
Subukin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa lugar na iyong tinitirhan?
A. paaralan
B. palengke
C. simbahan
D. tahanan
2. Ano ang iyong ginagamit sa pagkopya ng iyong aralin sa
paaralan?
A. aklat
B. bag
C. lapis
D. pambura
3. Sino sa kanila ang kabilang sa iyong pamilya at nag-
aalaga sa iyo?
A. guro
B. kaibigan
C. kalaro
D. magulang
4. Alin sa sumusunod na pagkain ang masustansiya?
A. soda
B. sopas
C. sitsirya
D. Tsokolate
5. Alin sa sumusunod ang ginagamit mo sa pagpasok sa
paaralan?
A. daster
B. padyama
C. sando
D. uniporme

2
Aralin
Kailangan Ko, Bagay na
2 Mahalaga sa Paglaki Ko

Ako ay batang nabibilang sa isang pamilya. Sa


kasalukuyan ako ay nasa unang Baitang. Bilang bata mayroon
akong pansariling pangangailangan.
Ang mga bagay na ito ay ginagamit ko sa aking pang-araw-
araw na gawain sa buhay. Nagkakaroon ako ng mga bagay na ito
sa tulong ng aking ama, ina, at mga kapatid.
Masaya ako dahil naibibigay sa akin ang aking mga
pangangailangan. Makatutulong ang mga ito upang mapabuti
ang aking buhay.

3
Balikan

Panuto: Natutuhan mo sa Unang Modyul kung paano sabihin ang


mga mahalagang impormasyon tungkol sa iyong sarili. Sa tulong
ng magulang, sagutin ng pasalita ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang pangalan mo?
2. Saan ka nakatira?
3. Ilang taon ka na?
4. Saan ka nag-aaral?
5. Kailan ang iyong kaarawan?

Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento sa gabay ng magulang at sagutin


ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Masaya si Betchay
Unang araw ng klase, maagang
gumising si Betchay. Naghilamos muna
siya bago dumulog sa mesa. Nakahanda na
ang almusal na iniluto ng kanyang nanay.
Mayroong tinapay, itlog, gatas, at saging.
Masiglang kumain si Betchay.

4
Pagkatapos, inayos niya ang kanyang isusuot na uniporme,
pumasok siya sa banyo, naligo, at nagsipilyo. Nagbihis siya at
isinuot ang kanyang sapatos. Bitbit ang kanyang bag na may
lamang gamit sa paaralan, masayang pumasok si Betchay.

1. Sino ang masaya?

2. Ano ang mga almusal na nakahanda sa mesa?

3. Ano ang inayos ni Betchay bago naligo?

4. Ano ang bitbit ni Betchay sa pagpasok sa


paaralan?

5. Sa iyong palagay, saan kaya pupunta si Betchay? Bakit?

5
Suriin

Pansariling Pangangailangan
Ang pansariling pangangailangan ay mga bagay na kailangan
ng isang tao para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Tinawag
itong pangunahing pangangailangan dahil mahalaga ang mga ito
upang mapanatiling maayos ang buhay mo.
Mga Pansariling Pangangailangan
Ang mga batang katulad mo ay may pansariling mga
pangangailangan. Ito ay mga bagay na kailangan mo upang
maipagpatuloy mo nang maayos ang iyong buhay.
1. Ang bawat tao ay may bahay na tirahan, umulan man
o umaraw may masisilungan, tinatawag itong tahanan. Ito
ay isa sa pinakamahalagang pangangailangan mo. Marami
sa gawaing pampamilya ang nangyayari dito.

6
2. Ang tao ay kumakain araw-araw. Kailangan mo ng
pagkain para sa almusal, tanghalian, at hapunan upang
ikaw ay maging malakas. Hindi lang basta pagkain ang
kailangan mo. Masustansiyang pagkain ang dapat ihain sa
hapag-kainan upang maging maayos ang iyong kalusugan.

3. Kailangan na ang bata ay nag-aaral. May kailangan


kang mga bagay sa iyong pag-aaral, tulad ng bag, lapis,
kwaderno, papel, pambura, at iba pa. Ang mga ito ay
makatutulong upang mas mapadali ang pag-aaral mo.

7
4. Gumagamit tayo ng kasuotan o damit bilang
proteksiyon sa katawan. May damit na para sa tag-init, tag-
ulan, at taglamig. May damit pambahay, panlakad, pantulog,
at pang- eskuwelahan. May damit na dapat isuot lamang sa
bahay at mayroon din namang damit sa pamamasyal. Dapat
kang manamit ayon sa panahon at angkop sa lugar na iyong
pupuntahan. Tandaan mo, malinis na damit ang dapat mong
isuot upang ang pagkakaroon ng sakit sa balat ay iyong
maiwasan.

8
Pagyamanin

A. Piliin ang mga pagkain na kailangan mo upang ikaw ay


maging malakas at malusog. Isulat ang letra ng sagot sa
iyong sagutang papel.

1. 2. 3.

4. 5.

A. B. C.

D. E. F.
G.

9
B. Piliin ang angkop na mga kasuotan ayon sa panahon.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
A – kung pantag-init B – Kung pantaglamig C – kung
pantag-ulan

1. 2. 3.

4. 5.

C. Alin sa mga nasa larawan ang iyong pangunahing


kailangan? Isulat ang tsek (/) o ekis
(X) sa iyong sagutang papel.

1. 2. 3.

4. 5. 6.

1
7. 8.

9. 10.

D. Anong pangangailangan ang natutugunan ng mga bagay sa


larawan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

A. kasuotan B. tirahan
C. pagkain D. gamit sa pag-aaral

1. 2. 3.

4. 5.

1
E. Iguhit ang bituin () kung ang nasa larawan ay iyong
pansariling pangangailangan at ekis (X) naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2. 3.

4. 5.

F. Kilalanin ang mga larawan sa ibaba. Sabihin ang pangalan


ng mga ito. Isulat ang PP kung ang bagay ay kasama sa iyong
mga pansariling pangangailangan at GL naman kung ang mga
bagay ay gusto mo lang.

1. 2. 3.

4. 5. 6.

1
7. 8. 9.

10.

G. Piliin at isulat ang letra ng bagay na kailangan mo sa


bawat sitwasyon sa sagutang papel.

Ito ay kailangan mo sa
1. pagsulat ng aralin.
A. bahay B. damit
C. lapis D. sapatos

Ito ay kailangan mo
2. upang mabusog.
A. aklat B. bola
C. pagkain D. relo

1
Ito ay kailangan mo sa
pagpasok sa paaralan.
3. A. bag B. lobo
C. kotse D. telepono

Ito ay kailangan mo upang


makapagpapahinga kung galing
ka sa paaralan.
4. A. bahay B. kendi
C. singsing D. kotse

Ito ay kailangan
mo pagkatapos
5. maligo.
A. alcohol B. damit
C. kuwintas D. maleta)

1
H. Isulat sa iyong sagutang papel kung TAMA o MALI
ang sinasabi sa bawat pangungusap.

1. Ang tao ay may pangunahing


pangangailangan.

2. Ang pagkain ay kailangan ng tao para


mabuhay.

3. Mamahaling damit lamang ang kailangan nating


isuot araw-araw.

4. Kumain ng masustansiyang pagkain upang lumusog


at humaba ang buhay.

5. Ang kubo ay isang uri ng tirahan.

1
Isaisip

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang tanong sa bawat bilang at isulat sa
patlang ng kaparehong bilang ang iyong sagot upang
makumpleto ang talata. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon at isulat ito sa sagutang papel.

gamit sa pag-aaral mabuhay


kasuotan
tirahan pagkain

1. Ano ang bagay na kailangan mo para hindi ka magutom?


2. Ano ang isinusuot mong bagay pagkatapos maligo?
3. Ano ang tawag sa bahay na iyong inuuwian?
4. Ano ang gamit ng aklat, notbuk, lapis at papel?
5. Bakit kailangan mo ng pagkain, kasuotan, at tirahan?

Ang pangunahing pangangailangan ko bilang tao ay (1) ,


(2) ,
(3) at (4) .
Kailangan ko ito upang ako ay (5) .

1
Isagawa

Gawain 2
Panuto: Magpatulong sa magulang upang
masagutan ang gawain sa ibaba.
Paano mo maipakikita ang wastong paraan ng
pangangalaga sa mga bagay na kabilang sa iyong
pansariling pangangailangan?
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

1
Tayahin

Gawain 3
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napili mong
letra sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang masustansiyang
pagkain?
A. soda C. sitsirya
B. sopas D. tsokolate
2. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit mo sa
pagpasok sa paaralan?
A. daster C. Sando
B. padyama D. Uniporme
3. Sino sa kanila ang kabilang sa iyong pamilya at nag-
aalaga sa iyo?
A. guro C. kalaro
B. kaibigan D. magulang
4. Ano ang tawag sa lugar na iyong tinitirhan?
A. paaralan C. simbahan
B. palengke D. tahanan
5. Ano ang bagay na ginagamit mo sa
pagkopya ng iyong aralin sa paaralan?
A. aklat C. lapis
B. bag D. pambura

1
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng 2 bagay na kasama sa iyong pansariling


pangangailangan. Iguhit ito sa loob ng kahon.

Rubriks sa Pagguhit sa mga Pansariling Batayang Iskala sa


Pangangailangan Puntos Pagmamarka
Pamantayan

1. Naiguhit at nakulayan ang mga bagay na 5 Pinakamahusay


pansariling pangangailangan

2. Naiguhit ngunit hindi nakulayan ang mga bagay 4 Mahusay


na pansariling pangangailangan

3. Hindi kumpletong naiguhit at 3 Karaniwan


nakulayan ang mga bagay na
pansariling pangangailangan

4. Halos walang naiguhit na mga bagay na 1-2 Pagtatangka


pansarling pangangailangan

1
Susi sa Pagwawasto

2
Sanggunian
Miranda, Noel P. et.al., 2017. Araling Panlipunan 1: Kagamitan ng
Mag-aaral at Patnubay ng Guro. Pasig, Philippines: Kagawaran
ng Edukasyon .
2016. Gabay Pangkurikulum. Pasig, Philippines:
Kagawaran ng Edukasyon
2020. Most Essential Learning Competencies.
Pasig, Philippines: Kagawaran ng Edukasyon .

2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio B


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: *

You might also like