You are on page 1of 20

1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Ang Aking Kuwento
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Ang Aking Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Writer: Prescila A. Ascuna, MT II
Editor: Amalia C. Solis, Education Program Supervisor
Reviewer: Myrna G. Soriano, Public Schools District Supervisor
Management Team: Maria Magdalena M. Lim-Schools Division Superintendent-
Manila, Aida H. Rondilla-Chief Education Supervisor Lucky S. Carpio-EPS and
Lady Hannah C Gillo, Librarian II-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Office Address: ____________________________________________


Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Ang Aking Kuwento
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan Baitang 1) ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Aking
Kuwento !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan at Baitang 1) ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa ( Ang Aking Kuwento ) !

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

iv
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Gusto mo bang ibahagi ang kuwento ng iyong buhay sa iyong


mga kaklase, guro at kaibigan?

Sa araling ito ay malalaman mo ang kuwento tungkol sa


mahahalagang pangyayari sa iyong buhay simula isilang hanggang sa
kasalukuyang edad.

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin, ito ay


Aralin 1 – Ang Aking Kuwento

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:Natutukoy ang mga


mahahalagang pangyayari at pagbabago sa buhay simula isilang
hanggang sa kasalukuyang edad gamit ang mga larawan at timeline

Pagkatapos ng aralin sa modyul na ito, ang mag-aaral ay


inaasahang:
1. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay simula
isilang hanggang sa kasalukuyang edad gamit ang mga larawan
(AP1NAT-1c-6)
2. Nakapagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari sa buhay mula
isilang hanggang sa kasalukuyang edad gamit ang mga larawan

1
Subukin
Panuto: Isulat ang / kung tama ang sinasabi ng panungusap at X
kung mali. (Mapanuring Pag-iisip)
_______1. Lahat ng bata ay nakararanas ng pagbabago.
_______2. Ikaw at ako ay may kanya-kaniyang kuwento tungkol sa
buhay.
_______3. Hindi dumadaan sa pagiging sanggol ang mga bata.
_______4. Habang lumalaki ang isang bata, nagbabago din ang
kaniyang itsura.
_______5. Magkakapareho ang pangyayari sa buhay ng bawat tao.
_______6. Mahalaga na malaman mo ang kuwento ng iyong buhay.
_______7. Nakapagdudulot ng lungkot sa sarili ang kuwento ng
buhay.
_______8. Mahalagang pangyayari ang makatapos ng makapag-aral.
_______9. Ikaw ay mahalaga sa iyong pamilya.
_______10. Hindi mahalaga sa iyong magulang ang iyong pagsilang.

Aralin
Ang Aking Kuwento
1
Gusto mo bang malaman ang kuwento ng iyong buhay mula sa
iyong pagsilang hanggang sa iyong kasalukyang edad?
Lahat tayo, bata man o matanda, ay may kanya-kaniyang
kuwento ng buhay. Maaaring ito ay kuwento ng mga mahahalagang
pangyayari sa iyong buhay, sa buhay ng iyong guro, ng iyong kaklase,
kaibigan o maging ng iyong magulang.
2
Balikan
Panuto: Isulat ang _P_kung ang sumusunod ay pangangailangan at
_K_ kung kagustuhan.
________1. gatas _______6. laruan
________2. manika _______7. gulay
________3. bola _______8. uniporme
________4. prutas _______9. salamin
________5. karne ______10.bestida

Mga Tala para sa Guro


Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng
mga mag-aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. Binigyang
pansin din sa mga gawain ang paglinang sa 5Cs na kasanayan:
pakikipagtalastasan (Communication); pagtutulungan (Collaboration),
pagkamalikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical Thinking)at
pagbuo ng pagkatao (Character Building). Makikita rin ang aralin na ito
online.
Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito, inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-
aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat lingo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/ guardian upang
matiyak na magagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing
itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng
pagbibigay nang malinaw na instruksiyon sa pagkatuto.

3
Tuklasin
(Mapanuring Pag-iisip)

Gawain 1:
Panuto: Iguhit ang sa loob ng kahon kung ang nasa larawan ay
nangyari sa iyo at lagyan ng X ang loob ng kahon kung hindi.

1. 2.

https://CO.wallpaperflare.com/preview/7
https://live.staticflickr.com/3775/142 3/873/101/beautiful-beauty-blond-hair-
79953204_7f78772de_b.jpg blurred-background-thumbnail’jpg

3. 4.

https://cdn.pixabay.com/photo/2016/0 https://pi.pxfuel.com/preview/755/3/743/ch
8/24/39/violin-1617972-960-720.jpg ristening-baptism-child-baby-church-faith-
royalty-free-thumbnail.jpg

Suriin

Ang kuwento ng bawat isa ay iba-iba. Bawat kuwento ay


nagsasabi ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng bawat isa. Gusto
mo bang malaman ang kuwento ng isang batang tulad mo?
Halika at tingnan natin ang pagbabahagi ni Niko ng kaniyang
kuwento ng mahahalagang pangyayari sa kaniyang buhay mula ng
isilang hanggang sa kasalukuyang edad niya.

4
http://i.pinimg.com/originals/ee/fe
99/eefe99e15be3dd15c7886c2b9d
7a571.jpg
https://pi.pxfuel.com/preview/755/3/743/ch
ristening-baptism-child-baby-church-faith-
royalty-free-thumbnail.jpg

Isinilang ako noong Mayo 1, 2014. Ayon sa aking mga


magulang, sobrang kasiyahan ang naramdaman nila sa aking
pagsilang. Dahil kasisilang ko pa lamang, madalas ay tulog lamang
ako.

https://pi.pxfuel.com/preview/755/3/743/ch
ristening-baptism-child-baby-church-faith-
royalty-free-thumbnail.jpg

Bininyagan ako noong Hunyo 1, 2014. Bukod sa aking mga


magulang naroon din sa binyag ang napili nila na maging ninong at
ninang ko. Kasama rin ng araw na iyon ang mga kamag-anak ng
aming pamilya.

https://ci.wallpaperflare.com/preview/10
21/235/827/child-happy-joy-birthday.jpg

Nagdiwang ako ng aking unang kaarawan noong, Mayo 1, 2015.


Ayon sa kuwento ng aking mga magulang, Maraming bisita ang
dumating na araw na iyon. Maraming handa ang pinagsaluhan ng mga
bisita.

5
Dahil isang taon na ako kaya ko nang tumayo at maglakad ng
mag-isa. Kaya ko na ring sabihin ang ilang salita. Noong dalawang
taon na ako , mas maraming salita na aking nasasabi. Kinagigiliwan
ng marami ang aking pagsayaw. Samantalang, noong tatlong gulang
ako, kaya ko nang tumalon at kumaing mag-isa.

https://static3.bigstockphoto.com/
2/5/5/large1500/55244795/jpeg

Apat na taong gulang pa lamang ako noong unang pumasok sa


paaralan. Pumasok ako bilang isang mag-aaral sa nursery sa aming
barangay hall. Si nanay ang naghatid at sumundo sa akin sa paaralan.
Natutuhan ko noon sa aming guro ang pagpapakilala sa sarili.
Mas marami na rin akong nagagawa tulad ng pagsusuot mag-isa
ng damit. Dahil nag-aaral na ako, kaya ko na ring magsulat, gumuhit
at magbilang.
Iyan ang kuwento ng buhay ng batang si Niko. Ikaw, bilang
mag-aaral sa unang baitang, kaya mo rin bang ikuwento ang
mahahalagang pangyayari sa iyong buhay? Halika at simulan mo
nang magkuwento upang mas higit ka naming makilala.

Pagyamanin
Gawain 2: Kaya Mo, Kaya Ko! (Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Bilugan ang titik ng iyong sagot.

6
1. Noong sanggol pa lamang ako.

A B
https://image.shuttershock.com/image-photo/young- http://i.pinimg.com/originals/ee/fe99/eefe99e15be
blond-4.5-year-260nw-95030287.jpg 3dd15c7886c2b9d7a571.jpg

2. Noong isang taong gulang ako.

A B

https://live.staticflickr.com/3775/14279953204_7f7 https://CO.wallpaperflare.com/preview/7
8772de_b.jpg 3/873/101/beautiful-beauty-blond-hair-
blurred-background-thumbnail’jpg

3. Noong limang taong gulang na ako.

A B
https://static3.bigstockphoto.com/2/5/5/large1500/55
https://cdn.pixabay.com/photo/2014/05/30/14/30 244795/jpeg
/boy_358296_960_720.jpg

7
Gawain 3 : Ang Mga Pagbabago sa Buhay Ko!
(Pagkamalikhain, Pagtutulungan, Pagbuo ng Pagkatao)

Panuto: Sa tulong ng iyong magulang o nakatatanda sa iyo, magdikit


ng mga larawan na nagpapakita ng mahahalagang pangyayari sa
iyong buhay mula noong isilang hanggang sa kasalukuyang edad.
Ilagay sa gilid ng kahon kung ilang taon ka noong mangyari ang nasa
larawan.

8
Isaisip

May mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang bata o tao na


may kinalaman sa kaniyang paglaki, simula isilang hanggang sa
kaniyang kasalukuyang edad.

Isagawa
(Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Isaayos ang mga larawan ng pangyayari sa buhay ng bata


ayon sa pagkakasunod-sunod. Lagyan ito ng bilang 1 para sa unang
nangyari, 2, 3, 4, 5 at 6 sa huling nangyari.

https://static3.bigstockphoto.com/2/5/5/large1500/55 http://i.pinimg.com/originals/ee/fe99/eefe99e15be3
244795/jpeg dd15c7886c2b9d7a571.jpg

https://image.shuttershock.com/image-photo/young-
https://cdn.pixabay.com/photo/2014/05/30/14/30
blond-4.5-year-260nw-95030287.jpg
/boy_358296_960_720.jpg

9
https://pi.pxfuel.com/preview/755/3/743/christening-
https://ci.wallpaperflare.com/preview/1021/235/827/c
baptism-child-baby-church-faith-royalty-free-
hild-happy-joy-birthday.jpg
thumbnail.jpg

Tayahin

Panuto: Isulat ang / kung tama ang sinasabi ng panungusap at X


kung mali.
_______1. Lahat ng bata ay nakararanas ng pagbabago.
_______2. Ang bawat tao ay may kanya-kaniyang kuwento tungkol
sa buhay.
_______3. Hindi dumadaan sa pagiging sanggol ang mga bata.
_______4. Habang lumalaki ang isang bata, hindi nagbabago din ang
kaniyang itsura.
_______5. Magkakaiba ang pangyayari sa buhay ng bawat tao.
_______6. Mahalaga na malaman mo ang kuwento ng iyong buhay.
_______7. Nakapagdudulot ng lungkot sa sarili ang kuwento ng
buhay.
_______8. Hindi mahalagang pangyayari ang makatapos ng
makapag-aral.
_______9. Ikaw ay mahalaga sa iyong pamilya.
_______10. Mahalaga sa iyong magulang ang iyong pagsilang.

10
Karagdagang Gawain
(Pagkamalikhain, Pagtutulungan, Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Gumawa ng Picture Collage or Picture Frame ng kuwento


ng iyong sarili mula pagsilang hanggang sa kasalukuyan.
Magpatulong sa iyong magulang o sa nakatatanda.

Lagyan ng bilang 1 ang pinakaunang pangyayari sa buhay mo.


Lagyan ng bilang 2 hanggang bilang 4 ang mga susunod na
mahalagang pangyayari.

11
Sanggunian
Ascuna, P.A. & Salangsang, S. M. (2019). Isang Bansa Isang
Lahi.Vibal Group Inc. Quezon City.p.40-52
Miranda, N. P. et.al. (2017). Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag-
aaral. DepEd-BLR. DepEd Complex, Pasig City.48-60
Villoria, M. E. et.al. (2013). Isang Bansa Isang Lahi. Vibal Publishing
House, Inc. Quezon City.p.16-29
Araling Panlipunan Grade 1 Learner’s Materials Quarter1 & Quarter
2. DepEd Complex. Pasig City.p.32-41
Araling Panlipunan Teacher’s Guide Quarter 1 & Quarter 2. DepEd
Complex. Pasig City.12-15
http://i.pinimg.com/originals/ee/fe99/eefe99e15be3dd15c7886c2b9d7a571.jpg
https://www.realstate_tokyo.com/media/77/6/education-japan2jpg.
https://co,wallpaperflare.com/preview/73/873/101/beautiful_beauty-blond-hair-
blurred-background-thumbnail.jpg.
https://cdn.pixabay.com/photo/2016/08/24/20/39/violin-1617972-960-720.jpg.
https://cdn.pixabay.com/photo/2014/05/30/14/30/boy-358296-960-720.jpg
https://pi.pxfuel.com/preview/755/3/743/christening-baptism-child-baby-
church-faith-royalty-free-thumbnail.jpg
https://ci.wallpaperflare.com/preview/1021/235/827/child-happy-joy-
birthday.jpg
https://staticflickr.com/3775/14279953204_7f78772de_b.jpg
https://image.shutterstock.com/image-photo/young-blond-4-5-year-260nw-
95030287.jpg
https://1i1uzk29qpyovwq5s2t9ptd1
https://i2.wp.com/sleepingshouldbecasy.com/wp.content/uploads/2017/03/activi
tiesfor-1-year-olds.1.jpg
https://cdn.clipart.email/0bd6979229a16f21c5e949335558eaOa-clipart-for-a-
toddler-boy-walking-royalty-free-vector_450-470.jpg
https://cdn.pixabay.com/photo/2017/09/05/23/17/boy-2719641_960_720.jpg

12
https://cdn.clipart.email/2420565a539c012ef4db2ceddece1353b-pin-by-angela-
alavarado-on-rocoss-am-chart-pinteresr_984_1300.jpeg

13

You might also like