You are on page 1of 20

1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Ang Aking Timeline
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Ang Aking Timeline
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Dibisyon ng Maynila.

Management and Development Team


Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/s: Myrna G. Soriano, Public Schools District Supervisor


Prescila A. Ascuna, Master Teacher II
Writer/s: Prescila A. Ascuna

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Office Address: ____________________________________________


Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Ang Aking Timeline
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan Baitang 1) ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Aking
Timeline!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan at Baitang 1) ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa ( Ang Aking Timeline!

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

iv
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin
Sa nakaraang aralin, ay nalaman mo ang kuwento tungkol sa
mahahalagang pangyayari sa iyong buhay simula isilang hanggang sa
kasalukuyang edad sa tulong ng mga larawan.
Sa araling ito ay mas mauunawaan mo ang kuwento tungkol sa
mahahalagang pangyayari sa iyong buhay simula isilang hanggang sa
kasalukuyang edad gamit ang timeline.
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin na tatalakay sa
timeline ng buhay ng isang tao.
 Aralin 1 – Ang Aking Timeline
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Natutukoy ang mga
mahahalagang pangyayari at pagbabago sa buhay simula isilang
hanggang sa kasalukuyang edad gamit ang mga larawan at timeline

Pagkatapos ng aralin sa modyul na ito, ang mag-aaral ay


inaasahang:
1. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay simula
isilang hanggang sa kasalukuyang edad gamit ang mga larawan
(AP1NAT-1c-6)
2. Nakapagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari sa buhay mula
isilang hanggang sa kasalukuyang edad gamit ang mga larawan
3. Nailalarawan ang mga personal na gamit tulad ng laruan, damit
at iba pa mula isilang hanggang sa kasalukuyan (AP1NAT-1c-7)

1
Subukin
(Mapanuring Pag-iisip)
A.Panuto: Isulat ang T kung tama ang sinasabi ng pangungusap at M
kung mali.
______1. Mahalagang malaman ang mga pagbabago sa buhay
ng tao mula pagsilang hangang sa paglaki.
______2. Dumarami ang kayang gawin ng isang bata habang siya ay
lumalaki.
______3. Pareho-pareho ang nangyayaring pagbabagong sa katawan
ng isang tao.
______4. Ang mga pangyayari sa aking buhay ay pinahahalagahan
ko.
______5. Walang pagbabagong nangyayari sa isang bata habang siya
ay lumalaki.
B.Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa pagbabagong
pisikal ng isang tao. Lagyan sa loob ng kahon ng larawan ng bilang 1-
5. Bilang 1 sa dapat maunang larawan at 5 sa huling larawan.

Araling Panlipunan Grade 1 Learner’s Materials Quarter1 & Quarter 2. DepEd Complex. Pasig City.33-41

2
Aralin
Ang Aking Timeline
1
Ang kuwento ng iyong buhay mula sa iyong pagsilang
hanggang sa iyong kasalukyang edad ay maaring ilagay sa isang
listahan na tinatawag na timeline.
Ang timeline ay nagsasabi kung kailan naganap ang mga
pangyayari at kung ano-ano ang mga bagay na nagbago. Upang
makagawa ng timeline, dapat isipin ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.

Balikan
(Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Isulat ang / kung tama ang sinasabi ng panungusap at X


kung mali.
_______1. Hindi nakararanas ng pagbabago ang mga bata.
_______2. Lahat tayo ay may kuwento ng sariling buhay.
_______3. Nararanasan ng bawat bata ang pagiging sanggol..
_______4. Habang lumalaki ang isang bata, walang pagbabago sa
kaniyang itsura.
_______5. Magkakaiba ang pangyayari sa buhay ng bawat tao.
_______6. Mahalaga sa iyo ang kuwento ng iyong buhay.
_______7. Kasiya-siyang malaman ang kuwento ng iyong buhay.
_______8. Mahalagang pangyayari ang makatapos ng makapag-aral.
_______9. Ikaw ay hindi mahalaga sa iyong pamilya.

3
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan
ng mga mag-aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatuto.
Binigyang pansin din sa mga Gawain ang paglinang sa 5Cs na
kasanayan: pakikipagtalastasan (Communication); pagtutulungan
(Collaboration), pagkamalikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip
(Critical Thinking)at pagbuo ng pagkatao (Character Building )
Makikita rin ang aralin na ito online.
Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito, inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga
mag-aaral sa bawat Gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat lingo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/ guardian
upang matiyak na magagawa ng mga mag-aaral ang mga
gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa
pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na instruksiyon sa
pagkatuto.

4
Tuklasin
Panuto: Tingnan at pag-aralan natin ang mga larawan.

https://www.realstate_tokyo.com/media/77/6/education-japan2jpg

1. Ano ang napansin mong pagbabago sa anyo ng bata sa larawan?

2. Bakit kaya nagbago ang kaniyang anyo?

___________________________________________________
3. Nakararanas ba lahat ng tao ng ganitong mga pagbabago?

__________________________________________________________

Suriin

Ang mga pangyayari sa ating buhay ay nagsasabi ng iba-ibang


kuwento. Mapapadali ang pag-aaral nito kung ilalagay sa isang
listahan ng mga pangyayari na tinatawag na timeline.
Halika at tingnan natin ang timeline ng buhay ni Niko mula ng
isilang hanggang sa kasalukuyang edad niya.

5
Noong siya ay sanggol pa
lamang, lagi lamang siyang
natutulog o di kaya naman ay
nakangiti. Kaya tuwang-tuwa
ang kaniyang mga magulang at
kapatid.
http://i.pinimg.com/originals/ee/fe99/eefe99e15be3dd1
5c7886c2b9d7a571.jpg

Isang taon gulang pa lamang


siya ay kaya na niyang ituro ang
ilang bahagi ng kaniyang
katawan. Pinipilit na rin niyang
tumayong mag-isa.

https://1:1uzk29qpyovwq5s2t9ptd1

Dalawang taong gulang naman


siya noong kaya na niyang
lumakad at tumakbong mag-isa

https://cdn.clipart.email/Obd6979229a16f21c5e949335558eaOa-clpart-for-a-
toddler-boy-walking-roylaty-free-vector_450-470.jpeg

Tatlong taong gulang naman siya


noong natuto siyang maglaro at
sumakay sa bisikleta.

https://www.google.com/search?q=bike+with+training+wheels&tbm=isch&hl=en&tbs=il:cl&chips=q:bike+with+
training+wheels,g_1:3+year+old:HHe6drX97Kw%3D&rlz=1C1RLNS_enPH916PH916&hl=en&sa=X&ved=2ah
UKEwiJ1dq18MfsAhVHdpQKHQURCc8Q4lYoBnoECAEQIg&biw=1349&bih=657#imgrc=udiprKpB5oxduM

6
Apat na taong gulang naman
noong nagsimula siyang mag-aral
at gumawa ng mga gawaing na
naayon sa kaniyang edad.

https://static3.bigstockphoto.com/2/5/5/large1500/55244795
/jpeg

Limang taong gulang naman siya


noong natututo na siyang
makipaglaro at makipagkaibigan
sa ibang bata.

https://c8.alamy,com/comp/BMC3GX/3-children.6-year-old-african-
american-girl-plays-a-board-game-with-BMC#GX.jpg.

Anim na taong gulang naman siya


noong mag-aral siya sa unang
baitang.Kaya na niyang bumasa,
sumulat at bumilang.
https://image.shuttershock.com/image-photo/young-blond-4.5-year-260nw-95030287.jpg

Miranda, N. P. et.al. (2017). Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag-aaral.DepEd-BLR. DepEd Complex, Pasig City.48-54

Ano-ano ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Niko


ayon sa timeline ?
Ano-ano ang mga pagbabagong nangyari kay Niko?
Ilang taon siya noong pumasok sa paaralan?
Nangyari din ba sa inyo ang mga nangyari sa buhay ni Niko?
Tingnan natin kung kaya mong gawin ang mga sumusunod na
gawain tungkol sa mahahalagang pangyayari sa iyong buhay.

7
Pagyamanin
(Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Gawain 2: Ang Kaya kong Gawin!

Iguhit ang kung ang sumusunod na larawan ay may kaugnayan


sa iyong paglaki at kung hindi.

_______1 _______2.
http://i.pinimg.com/originals/ee/fe99/eef https://image.shuttershock.com/image-
e99e15be3dd15c7886c2b9d7a571.jpg photo/young-blond-4.5-year-260nw-
95030287.jpg

_______3. https://cdn.pixabay.com/photo/2014/05/30/14/30
_______4. _
https://cdn.pixabay.com/photo/2017/09/05/
/boy_358296_960_720.jpg 23/17/boy2719641_960_720.jpg

https://cdn.clipart.email/2420565a539c012ef4d
b2ceddece1353b_pin-byangela-alvarado-on-
roccos-am-chart-pinterest_984_1300.jpg
_______5.

Gawain 3 : Mga Larawan - Ayusin Mo! (Mapanuring Pag-iisip)


Panuto: Lagyan ng bilang 1- 5 sa loob ng kahon ang mga larawan
ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

8
https://www.realstate_tokyo.com/media/77/6/education-japan2jpg

Isaisip
Ang bawat bata ay nakararanas ng iba’t ibang pagbabago sa
kaniyang pisikal na anyo mula pagkasilang hanggang sa
kasalukuyang edad. Kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang
pagdami ng kaniyang mga kayang gawin.

Isagawa
(Mapanuring Pag-iisip, Pagtutulungan)

Panuto: Lagyan ng bilang 1 ang pinakaunang pangyayari sa buhay


mo. Lagyan ng bilang 2 hanggang 5 ang mga susunod na mahalagang
pangyayari. Magpatulong sa magulang o nakatatanda sa iyo.

_______1. Natuto na akong magbasa.


_______2. Natuto na akong magsalita.
_______3. Natuto na akong lumakad ng mag-isa.
_______4. Natuto na akong kumaing mag-isa.
_______5. Pumasok na ako sa paaralan.

9
Tayahin
(Mapanuring Pag-iisip)

A. Panuto: Isulat ang T kung tama ang sinasabi ng pangungusap at M


kung mali.
______1. Mahalagang mailista ang pagbabago sa anyo ng isang
bata.
______2. May mahahalagang pangyayari sa buhay na walang
kinalaman sa paglaki ng isang tao
______3. Ang pagbabago ay mahalaga sa isang tao.
______4. Hindi dapat pahalagahan ang mga pangyayari sa buhay.
______5. Walang nagbabago sa isang bata habang siya ay lumalaki.

B. Panuto: Lagyan ng bilang 1- 5 ang mga larawan ayon sa


pagkakasunod-sunod nito.

Araling Panlipunan Grade 1 Learner’s Materials Quarter1 & Quarter 2. DepEd Complex. Pasig City.33-41

10
Karagdagang Gawain

(Pagkamalikhain, Mapanuring Pag-iisip, Pagtutulungan, Pagbuo ng Pagkatao)

Panuto: Gumawa ng sariling timeline ng iyong buhay gamit ang


mga larawan ng mahahalagang pangyayari sa iyo. Magpatulong sa
magulang o nakatatanda sa iyo.

Isang taong gulang

Dalawang taong gulang

Tatlong taong gulang

Apat na taong gulang

Limang taong gulang

Anim na taong gulang

11
Sanggunian

Ascuna, P.A. & Salangsang, S. M. (2019). Isang Bansa Isang Lahi.Vibal


Group Inc. Quezon City.p.40-53
Miranda, N. P. et.al. (2017). Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag-
aaral.DepEd-BLR. DepEd Complex, Pasig City.48-60
Villoria, M. E. et.al. (2013). Isang Bansa Isang Lahi. Vibal Publishing
House, Inc. Quezon City.16-29
Araling Panlipunan Grade 1 Learner’s Materials Quarter1 & Quarter 2.
DepEd Complex. Pasig City.33-41
Araling Panlipunan Teacher’s Guide Quarter 1 & Quarter 2. DepEd
Complex. Pasig City.p.12-13
http://i.pinimg.com/originals/ee/fe99/eefe99e15be3dd15c7886c2b9d7a571.jpg
https://www.realstate_tokyo.com/media/77/6/education-japan2jpg.
https://co,wallpaperflare.com/preview/73/873/101/beautiful_beauty-blond-hair-
blurred-background-thumbnail.jpg.
https://cdn.pixabay.com/photo/2016/08/24/20/39/violin-1617972-960-720.jpg.
https://cdn.pixabay.com/photo/2014/05/30/14/30/boy-358296-960-720.jpg
https://pi.pxfuel.com/preview/755/3/743/christening-baptism-child-baby-
church-faith-royalty-free-thumbnail.jpg
https://ci.wallpaperflare.com/preview/1021/235/827/child-happy-joy-
birthday.jpg
https://staticflickr.com/3775/14279953204_7f78772de_b.jpg
https://image.shutterstock.com/image-photo/young-blond-4-5-year-260nw-
95030287.jpg
https://1i1uzk29qpyovwq5s2t9ptd1
https://i2.wp.com/sleepingshouldbecasy.com/wp.content/uploads/2017/03/activi
tiesfor-1-year-olds.1.jpg
https://cdn.clipart.email/0bd6979229a16f21c5e949335558eaOa-clipart-for-a-
toddler-boy-walking-royalty-free-vector_450-470.jpg
https://cdn.pixabay.com/photo/2017/09/05/23/17/boy-2719641_960_720.jpg

12
https://cdn.clipart.email/2420565a539c012ef4db2ceddece1353b-pin-by-angela-
alavarado-on-rocoss-am-chart-pinteresr_984_1300.jpeg
https://c8.alamy,com/comp/BMC3GX/3-children.6-year-old-african-american-
girl-plays-a-board-game-with-BMC#GX.jpg.
https://www.google.com/search?q=bike+with+training+wheels&tbm=isch&hl=
en&tbs=il:cl&chips=q:bike+with+training+wheels,g_1:3+year+old:HHe6drX97
Kw%3D&rlz=1C1RLNS_enPH916PH916&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwiJ1d
q18MfsAhVHdpQKHQURCc8Q4lYoBnoECAEQIg&biw=1349&bih=657#img
rc=udiprKpB5oxduM

13

You might also like