You are on page 1of 18

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 5.b
Ang Pakikipagkapwa
(Linggo: Ikalawa)

i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ang Pakikipagkapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lucili Baliola Pis-an


Editor: Ysmaela Chat A. Asdillo
Tagasuri: Florence A. Casquejo Lorna R. Renacia
Tagaguhit: Elmar L Cabrera
Tagalapat: Lucili Baliola Pis-an
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental


Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 5.b
Ang Pakikipagkapwa
(Linggo: Ikalawa)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling ang pakikipagkapwa!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Pakikipagkapwa.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

iv
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito

v
MODYUL 5: ANG PAKIKIPAGKAPWA

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Nahihinuha na:
A. Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag-ugnayan siya sa
kanyang kapwa upang malinang siya sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan at politikal.
B. Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa
pagpapatatag ng pakikipagkapwa.
C. Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa – ang
tunay na indikasyon ng pagmamahal. EsP8P-IIa-5.3

Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga


mag-aaral o kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong
intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan o politikal. EsP8P-IIa-5.4

Mga Layunin:

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Pagkatapos pag-aralan ang
modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:
Kaalaman : Nakakikilala ng mga paraan kung paano makagagawa ng
paglilingkod sa paaralan, kapitbahay, pamayanan o barangay

Saykomotor : Nakabubuo ng mga pahayag o salawikain na maging gabay sa


mabuting pakikitungo sa kapwa

Apektiv : Nakikibahagi sa pagbuo ng kaisipan o kapasyahan sa mabuting


pakikitungo sa kapwa

1
Subukin

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa kuwaderno ang
titik ng pinakatamang sagot.

1. Paano makamit ng tao ang kaniyang kaganapan?


A. sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa pangangailangan ng sariling pamilya.
B. sa pamamagitan ng makabuluhan at mabuting pakikipagkapwa.
C. sa pamamagitan ng pagiging mausisa sa mga pangyayari sa barangay
D. sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming kakilala

2. Ano ang isinasaad sa Golden Rule?


A. “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”
B. “Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili”
C. “Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mong ring pakitunguhan ka.”
D. lahat ng nabanggit

3. Bawat bagay na materyal ay may katumbas na ___________ .


A. halaga C. pagmamahal
B. dignidad D. trabaho

4. Ang paglilingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit at nakahanda kang


ibahagi ang sarili sa iba, ay pagpapakita ng anong mga pagpapahalaga?
A. pagpapakumbaba at pagtulong C. pagmamalasakit at pagmamahal
B. pagpapasalamat at pagmalasakit D.pagkamalikhain at pagmamahal

5. Sa anong Parabula pinapakita na kung sino ang ating kapwa at kung paano tayo
dapat makitungo sa ating kapwa?
A. Parabula ng Banga C. Parabula ng Sampung Dalaga
B. Parabula ng Mabuting Samaritano D. Parabula ng Nawawalang Anak

6. Ano-anong mga birtud ang kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa?


A. katarungan at pagmamahal C. pagtulong at pagpapasalamat
B. pagmalasakit at pagmamahal D. pagkamalikhain at pagpapakumbaba

7. Ang mabuting bagay na ginawa mo sa iyong kapwa ay may katumbas na ______


A. kasamaaan C. mabuti
B. kagandahan D. kaayusan

8. Ang matugunan ang pangangailangan ng kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay


ng nararapat sa kanya ang paggalang ng kaniyang ____________.
A. yaman C. sitwasyon
B. dignidad D. pangangailangan

2
9. Isa sa mga kalakasan natin bilang Pilipino ay ang pakikipagkapwa. Paano natin
naipapamalas ito?
A. pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
B. pagiging matulungin at pakikiramay
C. pagpapakita ng bayanihan
D. lahat ng nabanggit

10. Nakasalalay ang tagumpay natin sa pakikipag-ugnayan sa kapwa sa ating


kakayahang ibahagi ang ating sarili sa pamamagitan ng ____________
A. paglilingkod sa kapwa C. pagsunod sa utos ng nakatatanda
B. paglilingkod sa pamilya D. pagtupad sa mga hinahabilin ng pamilya

Balikan

Panuto: Buuin ang konseptong natutunan sa nakalipas na aralin, Punan ng tamang


mga salita ang sumusunod na pahayag.

Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag-ugnayan siya sa


kanyang _________ upang malinang siya sa aspektong ___________,
___________, _____________, at _____________. Ang pagiging ganap
niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa – ang tunay na indikasyon
ng pagmamahal.

3
Tuklasin

Panuto: Pamilyar ba kayo sa Kuwento ng Pagbuo? Gunitain natin ang dalawang


kuwento. Ang unang kuwento na kung paano ginawa/nilikha ng Panginoon si Adan
at Eba. Ang pangalawang kuwento ay kung bakit sila pinaalis sa paraiso na kanilang
tinitirhan.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang nais ipabatid ng dalawang kuwento?
2. Nilikha ba ng Diyos ang tao na may kaakibat na panlipunang gampanin?
3. Paano makamit ng tao ang kaniyang kaganapan?
4. Ano ang ipinahiwatig ng Golden Rule o Gintong Patakaran na magiging gabay
upang maging makabuluhan ang ating pakikipagkapwa?

Suriin

Modyul
5 Ang Pakikipagkapwa

Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rule


Makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan sa pamamagitan ng makabuluhan at
mabuting pakikipagkapwa. Sa buong mundo, kinikilala ang kahalagahan ng
mabuting pakikitungo sa kapwa (Golden Rule). Marami sa mga relihiyon sa buong
mundo ang naniniwala sa kahalagahan ng mabuting pagtrato at pakikitungo sa
kapwa – “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”; “Mahalin
mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili”; Makitungo sa kapwa sa
paraang gusto mong ring pakitunguhan ka.” Naipakita rin sa Parabula ng Mabuting
Samaritano (http://en.wikipedia.org/wiki/ParableoftheGoodSamaritan) kung sino ang

4
ating kapwa at kung paano tayo dapat makitungo sa ating kapwa: ang
makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa pangangailangan ng iba nang may
paggalang at pagmamahal.

Ang mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa


pagpapatatag ng pakikipagkapwa. Kaya nga, una munang kailangang matugunan
ang pagbibigay ng nararapat sa kapwa. Kailangan ang katarungan upang maibigay
ang nararapat, na walang iba kundi ang paggalang sa kaniyang dignidad. Subalit
mayroong mga bagay na maaari nating ibigay nang higit pa sa itinatakda ng
karapatan at katarungan, ito ay ang mga bagay na ayon sa ating pagmamalasakit at
pagmamahal sa kapwa (Dy, 2012).

Narito ang ilang mga halimbawa.


Bawat bagay na materyal ay may katumbas na halaga, kaya’t makatarungan lang na
kung aariin natin ang isang bagay ito ay ating babayaran ng katumbas na halaga.
Subalit kung ang isang bagay ay ibinigay mo nang walang hinihinging kapalit, tulad
ng regalo, ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit o pagmamahal.
Dahil nais mong mapanatili ang kalinisan sa inyong lugar at makaiwas sa dengue,
ikaw at ang iyong mga kaibigan ay nagkusang maglinis. Kahit may mga taga-linis
ang barangay, hindi ninyo iniaasa lamang sa mga taga-linis ang responsibilidad na
ito - ang iyong paglilingkod ay nagpapakita ng pagmamahal.

May isa kang kaklase na nahihirapan sa Math. Ikinuha siya ng kaniyang magulang
ng tutor. Pagkatapos ng pagtuturo, binabayaran ang tutor nang ayon sa haba ng
oras ng kaniyang pagtuturo. Makatarungan iyon dahil hanapbuhay niya iyon bilang
tutor. Subalit kung tinutulungan mo ang iyong kaklase sa pag-unawa sa
asignaturang kaya mong ituro nang walang anumang kapalit na materyal na bagay,
halaga man o pabor, ang ginagawa mo ay isang paglilingkod sa kapwa, isang
pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal. Maraming naapektuhan ng mga
nagdaang bagyo at kalamidad. Nagpakita ka ba ng pagmamalasakit at pagmamahal?
Nagbigay ka ba ng donasyon o nagboluntaryong naglingkod sa mga nangailangan
ng tulong?

Sa paglalahat, kung ang pagkikipag-ugnayan mo sa iba ay nag-uudyok sa iyo upang


ikaw ay maglingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit at nakahanda kang
ibahagi ang sarili sa iba, ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal.
Ang mabuting bagay na ginawa mo sa iyong kapwa ay may katumbas na mabuti.
Laging tandaan na naapektuhan ng mga ginagawa natin ang mga tao sa ating
paligid; gayundin naman, tayo ay naaapektuhan nila, dahil tayo ay magkakaugnay.
Kaya bilang paggalang at pagmamahal sa kapwa, bago magpasiya, magsalita o
kumilos, mahalagang itanong mo sa iyong sarili: Ano ang mararamdaman ko kung
ako ang nasa lugar niya?

5
Pagyamanin

Tandaan:

1. Ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito.


2. Nilikha ang tao ayon sa larawan at wangis ng Diyos.
3. Binigyan ng Diyos ng kapamahalaan ang tao.
4. Makamit ng tao ang kanyang kaganapan sa pamamagitan ng makabuluhan at
mabuting pakikipagkapwa.
5. Kahalagahan ng Golden Rule.
6. Ang birtud , katarungan at pagmamahal sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa.

Panuto: Bumuo ng sariling pahayag o salawikain na magiging gabay sa mabuting


pakikitungo ng kapwa. Isulat ito sa kuwaderno.

Halimbawa:

“Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”;

The Golden Rule

Isaisip

6
Natutunan ko ang kahalagahan ng
_________________________

Nahihinuha ko na mahalaga ang mga natutunang ito dahil


______________________________________

Isasabuhay ko ang mga natutunan ko


________________________________________________

Isagawa

Panuto: Alamin ang mga pangangailangan ng paaralan, kapitbahay at sa barangay at


pagpipilian ang mga nakuhang impormasyon upang makabuo ng paraan kung paano
sila mapaglingkuran. Gumawa ng talaan na katulad ng nasa ibaba.

Plano ng Paglilingkod
Kapwa Kanilang Pangangailangan Paraan kung paano
Makapaglilingkod
Paaralan

Kapitbahay

Barangay

Sagutin ang mga tanong:


1. Magkapareho ba ang pangangailangan ng kapwa? Ipaliwanag
2. Ano-ano ang kanilang mga pangangailangan?
3. Kaya bang gawin ang mga paraan mo upang makapaglingkod?

7
Tayahin

Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na sitwasyon ay isang kalakasan o kahinaan


ng isang Pamilyang Pilipino. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno’

1. Pagtulong
2. Pagtanggap ng pabor.
3. Pagdaraos ng fiesta kahit walang sapat na pera
4. Pakikisama kahit nakakasama sa sarili upang maging maayos ang samahan
5. Pagbibigay ng lagay (tip) sa serbisyong naipagawa
6. Pangunguna sa gawaing pangkalikasan
7.pagmamalasakit sa kapwa
8. kakayahang umunawa sa damdamin ng iba
9. pakikiramay
10. bayanihan

Karagdagang
Gawain
Panuto: Matapos maitala ang Plano ng Paglilingkod, ay isasagawa at isasabuhay
ang mga planong iyon at may mga larawang nagpapatunay nito. Ang krayterya sa
ibaba ang gabay sa pagbibigay ng puntos. Pagkatapos ay bubuo ng pagninilay
tungkol sa mga natutunan sa gawain.

Krayterya ng pagtataya ng awtput sa Plano ng Paglilingkod:


Malinaw at makatotohanan ang paggawa ng plano - 10 points
Naisagawa ang gawain ayon sa plano - 10 points
May mga patunay ng pagsasagawa - 10 points
________

Kabuuan - 30 points

Mga gabay sa pagbuo ng Pagninilay:

8
1. Ano ang aking natutunan sa gawain?
2. Paano ko isasabuhay ang mga natutunan ko sa gawain?
3. Ano ang gagawin ko upang mahihikayat ko ang aking kapwa na gawin ang
mga gawaing ito?

Susi sa Pagwawasto

SANGGUNIAN
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Detailed Lesson Plan

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang


Modyul para sa Mag-aaral
Bognot et al

Gabay sa Pagtuturo Edukasyon sa Pagpapahalaga II


Kagawaran ng Edukasyon
Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya
Sangay ng Pagpapaunlad ng Kurikulum

Google search

9
Inihanda ni:

Lucili Baliola Pis-an, nakapagtapos ng Bachelor of Science


in Psychology sa Silliman University. Kumuha ng Crash
Program in Secondary Education Major in Values Education
sa Foundation University. Nakakuha ng ilang units sa MAED
in Early Childhood at Guidance & Counseling sa St. Paul
University Dumaguete. Kasalukuyang nagtuturo ng
Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) sa Negros Oriental High
School.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

10
11

You might also like