You are on page 1of 16

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao 8
Unang Markahan – Modyul 7:
Ang Papel na Panlipunan at
Papel Pampolitikal ng Pamilya
(Linggo: Ikapito)

NegOr_Q1_EsP8_Modyul 7_v2 i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Ang Papel na Panlipunan at Papel Pampolitikal
ng Pamilya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lucili Baliola Pis-an


Editor: Ysmaela Chat A. Asdillo
Tagasuri: Florence A. Casquejo Lorna R. Renacia
Tagaguhit: Elmar L. Cabrera
Tagalapat: Ysmaela Chat A. Asdillo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed. D.
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental


Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Papel na Panlipunan
at Papel Pampolitikal ng Pamilya
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Papel Panlipunanat Papel Pampolitikal ng
Pamilya.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

iv
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulu-
gang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng


pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga
batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal) EsP8PB-Ig-4.1

Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at


pampolitikal na papel nito EsP8PB-Ig-4.2

Mga Layunin:

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Pagkatapos pag-aralan ang
modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:

Kaalaman : Nakapagsisiyasat sa mga uri ng gawaing panlipunan at


pampolitikal na may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan

Saykomotor : Nakakagawa ng plakards bilang panawagan at pagpapakita ng


malasakit sa bayan (papel panlipunan) at sa mga karapatan at
tungkulin sa lipunan (papel pampolitikal)

Apektiv : Naipagpatuloy ang kawilihan sa pagmamalasakit sa bayan at sa


lipunan

1 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 7_v2
Subukin
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na katanungan at unawain. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang pinakamaliit na institusyon sa lipunan?


A. Simbahan C. Pamayanan
B. Pamilya D. Paaralan

2. Sino ang may pangunahaing tungkuling maghahanap buhay upang maitaguyod at


matustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya?
A. Ama C. Lola/lLolo
B. Ina D. mga anak

3. Ano ang pangunahing tungkulin ng Ina sa loob ng tahanan?


A. naghahanapbuhay para sa mga asawa at anak
B. tustusan ang kanilang kailangang pinansyal para sa edukasyon
C. Pag-aalaga sa mga anak
D. pagtuturo sa kanilang aralin

4. May kasabihan na ang Ina ang siyang ilaw ng tahanan. Ano ang kahulugan ng
katagang ito?

A. Siya ang pumapatnubay at nagtuturo sa mga anak ng tamang asal


B. Siya ang pangunahing ehemplo ng tamang pag-uugali na kalugod lugod sa
ibang tao
C. Ang ina ang nagdadala ng mga anak sa tamang landas
D. Lahat ng nabanggit

5. Bakit kailangang pahalagahan ang tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya?


A. upang malalaman ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang
responsibilidad
B. upang matuto sila ng trabaho
C. kailangan nilang mapaghandaan ang kanilang kinabukasan
D. upang matustusan ang kanilang pangangailangang materyal

6. Paano mapapahalagahan ang tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya?


A. kusang pagtupad sa mga tungkulin o responsibilidad na may pagmamahal
B. Gawin ang tungkulin kung ito ay ayon sa gustong gawin
C. ibigay ito sa mga nakababatang kapatid ang tungkuling dapat sa iyo
D. a at c
2 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 7_v2
7. Ano ang napalago sa isang pamilyang sama-sama sa pagtupad ng mga
tungkulin?
A. pagmamahal C. sining
B. kabuhayan D. pagkakabisa

8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtupad sa tungkuling


panlipunan?
A. Pakikipagtulungan sa mga kapitbahay
B. paboto sa panahon ng eleksyon
C. pagsamba tuwing linggo
D. pagtangkilik sa sariling produkto

9. Paano mapanatili ang magandang ugnayan sa lipunan?


A. igalang ang karapatan ng iyong kapwa
B. huwag pansinin ang hindi kakilala
C. isipin ang sariling kapakanan
D. ipaglaban ang iyong karapatan

10. Alin dito ang nagpapakita ng pagtupad sa tungkling pampolitikal?


A. paglinis sa parke
B. pagsali sa mga proyekto tulad ng “Tree Planting”
C. pgbabayad ng buwis
D. pagboto sa panahon ng eleksyon

Balikan

Panuto: Buuin ang mga scrabled letters na nasa loob ng mga pangungusap upang
mabuo ang konseptong natutunan sa nakalipas na aralin.

Ang _____________ (o g o l a y i d) ayon kay Martin Buber ay ang tunay na

komunikasyon sa pagitan ng mga tao at ito ay nagsisimula sa sining ng

_____________ (g I n i k i k a p).

3 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 7_v2
Tuklasin
Panuto: Suriin ang mga larawan o plakards na naglalaman ng mga panawagan sa
gobyerno para sa pagmamalasakit sa bayan. Ano ang nais nilang iparating? Sagutin
ang mga gabay na tanong.

Gabay na mga tanong:


1. Alin sa mga plakards ang nagpapakita ng pagbabantay sa karapatan ng
pamilya?
2. Anong karapatan ng pamilya ang itinataguyod ayon sa panawagan?
3. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at
tungkulin nito?

4 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 7_v2
Suriin

Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang

“Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at espiritu… siya ay isang


panlipunang nilalang, likas na kaugnay sa iba pang tao, hindi siya ipanganganak o
mananatiling buhay sa pamamagitan ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang tao ay
bahagi ng kaniyang pagiging tao.” (Sheen, isinalin mula sa Education in Values:
What, Why and For Whom ni Esteban, 1990).

Ang tao bilang panlipunang nilalang ay may mga karapatan na dapat


tamasain gayunman may mga responsilidad o papel din siyang dapat na gampanan.

Lahat ng tao ay ipinanganganak na sanggol na walang kakayahan at walang


muwang. Kaya nga’t ang tao ay ipinanganganak sa isang pamilya. Ang tao
kailanman ay hindi makapagpaparami nang mag-isa sa natural man o artiipisyal na
paraaan. Hindi rin siya mabubuhay nang walang nag-aaruga sa kaniya hanggang sa
siya ay lumaki, magkaisip, at maghanapbuhay. Upang maging ganap ang pagkatao,,
kailangan niyang maranasan ang magmahal at mahalin; at sa huling sandali ng
kaniyang buhay ay kailangan niya ang kalinga ng iba, lalo’t siya’y matanda at
mahina na. Kaya nga kailangan ng tao ang kaniyang kapwa; dahil dito kailangan
niyang matutong makipagkapwa. Ang pakikipagkapwa, tulad ng maraming bagay
kaugnay sa kaniyang pagkatao ay kailangan matutuhan ng tao. Hindi mo maibibigay
ang isang bagay kung wala ka nito. Hindi mo maipakikita ang isang ugaling hindi mo
naranasan at natutuhan sa loob ng iyong pamilya. Ngunit hindi natatapos sa
pagpaparami at pagtuturo ng mga pagpapahalaga at birtud sa pakikipagkapwa ang
halaga at tungkulin ng pamilya. Isa sa anim na tungkulin at halaga ng pamilya ang
paghubog ng pagiging mapanagutang mamamayan. Ayon kay Esteban (1989), ang
isang pamilya sa isang munting lipunan.

Upang umunlad ang kanilang buhay, kailangan ng pamilya ang makipag-


ugnayan sa ibang pamilya at ibang sektor ng lipunan. Sa pamamagitan nito,
nagkakaroon siya ng gampanin sa lipunan. Bukod sa pagiging ama, ina, o anak, sila
ay mga mamamayang maaaring maging punong-guro, doctor, abogado, at iba pang
propesyon sa lipunan. Bilang bahagi ng lipunan, tungkulin ng pamilya na panatilihin
at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan. Magagawa ito ng pamilya sa

5 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 7_v2
pamamagitan sa pagtupad sa kaniyang papel sa lipunan- (pagiging bukas-palad,
pagsusulong ng bayanihan, at pangangalaga sa kaniyang kapaligiran) at papel
pampolitikal- (ang pagbabantay sa mga batas at nga institusyong panlipunan).

Pagyamanin

Panuto: Gumawa ng dalawang plakards o panawagan para sa pagpapakita ng


pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan. Isagawa ito sa isang short bond paper.
Mamarkahan ang ginawang panawagan gamit ang krayterya:
Nilalaman/ Kaangkupan-----------10 puntos
Hikayat ---------------------------------10 puntos
Paglalahad----------------------------10 puntos
Kabuuan-------------------------------30 puntos

Isaisip

Napag alaman ko na ________________________________________

Napagtanto ko na ___________________________________________

Ang aking gagawin ay _______________________________________

6 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 7_v2
Isagawa
Panuto: Gamit ang makukulay na kagamitan ay bumuo ng isang poster na
nagpapakita ng paglalarawan sa mga gawain na dapat gampanin ng pamilya sa
lipunan. Sa ilalim ng poster, isulat ang sagot sa tanong kung bakit kailangan nating
makibahagi sa mga proyekto o gawain ng pamahalaan. Gawin ito sa isang short
bondpaper

Krayterya sa pagbibigay ng puntos:


Nilalaman/Kaangkupan - 10 puntos
Pagkamalikhain - 10 puntos
______________
Kabuuan - 20 puntos

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
iyong kuwaderno.
1. Nararapat na nangunguna ang pamilya sa pagtiyak na ang mga batas at mga
institusyong panlipunan ay hindi taliwas. Ano ang kaniyang dapat gawin?
A. Nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya
B. Nagsusulong at nangngalaga sa kapakanan ng mga may kapangyarihan
sa pamahalaan.
C. Nagsusulong at nangangalaga sa pansariling kapakinabangan lamang
D. Wala sa nabanggit
2. Paano mo maipapakita na napahalagahan at naigagalang mo ang karapatan
ng iyong kapwa?
A. Kung kinikilala ko ang aking higit na pagpapahalaga sa aking sarili.
B. Kung igagalang ko siya bilang tao, kilalanin ang kanyang karapatan at
hindi dapat inabuso
C. Wala sa A and B
D. Kung hindi ako nakikialam sa mga kaganapan at pangyayari sa lipunang
aking ginagalawan

7 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 7_v2
3. Ang tao ay tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa,
hangin, tubig at iba pang nilikha. Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, dahil ang lahat ng bagay ay kusang lumitaw
B. Mali, dahil ang lahat ng bagay ay ayon sa kagustuhan ng tao na silang
lumitaw
C. Tama, dahil ang lahat ng bagay sa mundo ay likha ng Diyos
D. Mali, dahil ang lahat ng bagay ay produkto ng isang phenomenon
4. Nagagampanan ng pamilya ang kaniyang tungkulin na panatilihin at paunlarin
ang kaniyang lipunang ginagalawan sa pamamagitan ng pagtupad sa
kaniyang;
A. Pansariling kagustuhan
B. Kagustuhan ng iba
C. Kapakinabangan ng nakararami
D. Papel pampolitikal
5. Ano ang iyong dapat gawin kapag nakakita ka ng taong kaaba-aba ang
kalagayan sa lansangan?
A. Ilalagay ko ang aking sarili sa kanyang katayuan upang lubos kung
maunawaan ang kanyang damdamin at matugunan ang tunay niyang
pangangailangan.
B. Hahayaan siya at huwag pakialaman ang kanyang ginagawa
C. Ipagbigay alam sa nakatataas
D. Lahat ng nabanggit
6. Ano ang dapat nangingibabaw sa magandang ugnayan sa pagitan ng bawat
kasapi ng pamilya?
A. Pagkakaroon ng entitlement mentality
B. Batas ng malayang pagibigay
C. Karapatan sa pagkakaroon ng kagustuhan
D. Wala sa mga nabanggit
7. Ano ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan?
A. Pagkilala at pakikialam
B. Pagkakaroon ng entitlement mentality
C. Pakikibahagi at pagbibigayan
D. Wala sa nabanggit
8. Saan nagsisimula ang pagiging bukas palad at ang diwa ng bayanihan?
A. Simbahan
B. Paaralan
C. Pamahalaan
D. Pamilya
9. Alin dito ang maaaring sanhi ng labis na pagkiling sa pamilya na maaaring
mangangahulugan ng paggamit ng posisyon at kapangyarihan para sa
kapakanan ng pamilya na nagpapanatili sa posisyon sa gobyerno at nagiging
taliwas sa papel na palipunan ng pamilya?
A. Nepotismo

8 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 7_v2
B. Poltical alliance
C. Political dynasties
D. Kapitalismo
10.Ang pagiging bukas-palad ay maipakikita ng pamilya kung?
A. Ang lahat ay nagkakaisa
B. Ang lahat ay nagmamahalan
C. A at B
D. Wala sa pagpipilian

Karagdagang
Gawain
Panuto: Gumawa ng tatlong (3) panawagan upang ipakita ang iyong pagmamahal
sa bayan at pagpapakita ng pagbabantay sa Karapatan ng pamilya. Sundin ang
pormat sa ibaba.

A. Panawagan na nagpapakita ang iyong pagmamahal sa bayan.


1.
2.
3.

B. Panawagan na nagpapakita ng pagbabantay sa karapatan ng pamilya.


1.
2.
3.

Susi sa Pagwawasto

10. C 5. A 10. D A 5.
9. C 4. D 9. A D 4.
8. D 3. C 8. A C 3.
7. C 2. B 7. A A 2.
6. B 1. A 6. D B 1.

Pangwakas na Pagtataya Panimulang Gawain

9 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 7_v2
SANGGUNIAN
EsP 8 Learner’s Manual, pahina 90-91

Regina Mignon C. Bognot, et. al., 2014 Edukasyon sa Pagpapakatao. Pasig City.
FEP Printing Corporation

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like