You are on page 1of 15

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 5:
Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng Pamilya
(Linggo: Ikalima)

NegOr_Q1_EsP8_Modyul 5_v2 i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng Pamilya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lucili Baliola Pis-an


Editor: Ysmaela Chat A. Asdillo
Tagasuri: Florence A. Casquejo Lorna R. Renacia
Tagaguhit: Elmar L. Cabrera
Tagalapat: Ysmaela Chat A. Asdillo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed. D.
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental


Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang kahalagahan ng
Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag
ng Pamilya.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

iv
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulu-
gang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama,


naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na
komunikasyon EsP8PB-Ie-3.1

Nabibigyang-puna ang uri ng komunikasyon na umiiral sa isang pamilyang nakasama,


naobserbahan o napanood EsP8PB-Ie-3.2

Mga Layunin:

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Pagkatapos pag-aralan ang
modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:

Kaalaman : Nabibigyang-diin ang mga sanhi, dahilan o hadlang sa komunikasyon

Saykomotor : Nakasusulat ng talata kung paano maipapakita ang mga paraan


upang mapabuti ang komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya

Apektiv : Nakapagpapamalas ng maayos na mga paraan kung paano


malampasan ang mga hadlang sa mabuting komunikasyon

1 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 5_v2
Subukin

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng
modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.

___1. Ito ay pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa


mabisang paraan sa isang pakikipag-ugnayan.
A. komunikasyon B. anekdota C. liham D. epiko
___2. Ito ay tumutukoy sa isang uri ng literatura o sanaysay na may layuning
magbahagi ng karanasan o kuwento.
A. komunikasyon B. anekdota C. liham D. Pabula
___3. Ito ay batayang yunit ng lipunan.
A. Pamilya B. Paaralan C. Simbahan D. Ekonomiya
___4. Ang ______ ng saloobin ay parang pagbabakod ng sarili-hindi ito
mapapasok ng iba.
A. pagkainis C. takot
B. pagiging umid o walang kibo D. atin-atin
___5. Siya ang nagsabing may mga sanhi, dahilan, o hadlang sa komunikasyon sa
pagitan ng mag-asawa at sa ating komunikasyon sa kapwa.
A. Alejandro A. Abadilla C. Thomas Hobbes
B. Leandro C. Villanueva D. Lahat ng binanggit
___6. Sa pakikipag-usap, maging bukas lagi at manatiling tapat lalo na sa mag-
asawa. Tanggapin ang kausap bilang isang taong mayroong dignidad at
karapatan.
A. Pag-aalala at malasakit C. Lugod o ligaya
B. Pagiging hayag o bukas D. atin-atin
____7. Sa paraang ito ng komunikasyon, kailangang gamitin ng tao ang kanyang
talino at malikhaing isipan sa pagtuklas ng mabuting paraan ng
pagpapahayag ng kanyang sasabihin.
A. Pag-aalala at malasakit C. Pagiging mapanlikha
B. Pagiging hayag o bukas D. Lahat ng binanggit
____8. Ang masayang tao ay nakagaganyak sa kapwa na makipagpalagayang-
loob, magtiwala, at maging bukas sa pakikitungo.
A. Atin-atin C. Pagiging hayag o bukas
B. Lugod o ligaya D. Pagkainis

2 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 5_v2
____9. Kahit na bata, kasambahay, o pulubi ang kausap, isiping mayroon kayong
pantay na dignidad at karapatan.
A. Pag-aalala at malasakit C. Lugod o ligay
B. Pagiging hayag o bukas D. Lahat ng binanggit
___10. Ang suliranin ay para sa mag-asawa lamang at ang pagsasabi nito sa
mga anak ay magdudulot lamang ng kalituhan, kailangan na lutasin ito
nang palihim sa mga kapitbahay. Ang “atin-ating” usapan ay hindi
pagsasangkot o paninisi sa ibang tao.
A. Atin-atin C. Pagiging hayag o bukas
B. Lugod o ligaya D. Maling pananaw

Balikan

Ano ang tatlong (3) mahahalagang misyon ng pamilya para sa kanilang mga anak?
1.
2.
3.

Tuklasin
Panuto: Magsaliksik ng mga larawang nagpapakita ng mabuting komunikasyon sa
loob ng pamilya. Idikit ang mga napiling larawan sa isang short bondpaper at
buuin ang isang photo essay. Sagutin ang tanong sa ibaba upang makabuo
nito.

Ano ang gagawin upang magkaroon ng mabuting komunikasyon sa loob nga


pamilya?

3 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 5_v2
Suriin

Mga Hadlang sa Mabuting Komunikasyon

Binanggit ni Leandro C. Villanueva (2003) ang mga sanhi, dahilan o hadlang sa


komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa. Ang mga ito ay maaaring totoo rin sa ating
komunikasyon sa kapwa.

1.Pagiging umid o walang kibo. Ang pagkaumid o pagtatago ng saloobin ay


parang pagbabakod ng sarili hindi ito mapasok ng Iba. Ayon kay Villanueva, mahirap
umunlad ang pagkatao at pakikisama ng taong ayaw magpahayag ng sariling
kaisipan at damdamin o tumatanggap ng saloobin ng kapwa.

2.Ang mali o magkaibang pananaw. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng


bawat isa ay magkaiba, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kung titingnan ng
isa na higit siyang tama o higit siyang magaling, maaaring hindi sila magkaunawaan
lalo na kung nararamdaman ng taong kausap na siya ay minamaliit o hinahamak.

3.Pagkainis o ilag sa kausap. Mayroon mga taong tila namimili ng kausap. Kapag
pakiramdam nila na wala sila sa kondisyong makipag-usap, hindi sila kumikibo. May
mga taong umiiwas na makipag-usap lalo na kung pakiramdam nila ay wala sa
katuwiran ang kausap.

4.Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin. Iniisip


minsan ng tao na magdaramdam o diribdibin ng kausap ang maaari niyang sabihin
kaya nananahimik na lamang siya o kaya’y nagsisinungaling sa kapwa.

5.Ati-atin. Mabuti sa isang sambahayan ang pagkakaroon ng sama-samang usapan


at pagpapalitan ng kuro o magkaroon ng masayang balitaan at pagbabahaginan
ng karanasan na maaaring pag-usapan ng pamilya at kaibigan. Subalit mayroong
mga suliranin sa pamilya lamang dapat pag- usapan. Kung ang suliranin ay para sa
mag-asawa lamang at ang pagsasabi nito sa mga anak ay magdudulot lamang ng
kalituhan, kailangan na lutasin ito nang palihim sa mga kapitbahay. Ang “atin ating”
usapan ay hindi pagsasangkot o paninisi sa ibang tao.

Mga Paraan Upang Mapabuti ang Komunikasyon

1.Pagiging mapanlikha o malikhain (creativity)

Kailangang gamitin ng tao ang kanyang talino at malikhaing isipan sa pagtuklas ng


mabuting paraan ng pagpapahayag ng kanyang sasabihin. Maghintay ng tamang
4 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 5_v2
panahon at ng wastong lugar at itaon din na nasa magandang pakiramdam at sarili
at ang kakausapin. Kung may dinaramdam naman ay maghunos-dili at ilagay muna
sa kondisyon ang sarili, gayundin ang kakausapin.
2.Pag-aalala at malasakit (care and concern)
Magkaroon ng malasakit at galang sa kausap sinuman o anuman ang kanyang
katayuan o nalalaman. Kahit na bata, katulong sa bahay, o pulubi ang kausap,
isiping mayroon kayong pantay na dignidad at karapatan.
3.Pagiging hayag o bukas(cooperativeness/openness).

Sa pakikipag-usap, maging bukas lagi at manatiling tapat lalo na sa mag-asawa.


Huwag sukatin ang kausap sa kanyang kapintasan o kamangmangan. Tanggapin
ang kausap bilang isang taong mayroong dignidad at karapatan.

4.Atin (personal)
Mabuti sa magkasambahay ang pagkakaroon ng sama-samang usapan o
pagpapalitan ng kuru-kuro o magkaroon ng masayang balitaan at pagbabahaginan
ng karanasan na maaaring pag-usapan ng pamilya at kaibigan. Subalit may mga
suliranin sa pamilya lamang dapat pag-usapan. Ang “atin-ating” usapan ay hindi
pagsasangkot o paninisi sa ibang tao.

5.Lugod o ligaya
Ang kaligayahan o lugod ng isang tao sa pakikipag-usap ay nakaaakit sa pagtitiwala
ng kaharap. Ang masayang tao ay nakagaganyak sa kapwa na makipagpalagayang-
loob, magtiwala, at maging bukas sa pakikitungo. Kailangang maging masigla sa
pakikipag-usap lalo na sa kabiyak

Pagyamanin

Maglahad ng isang sitwasyon na nagpapakita ng kahalagahan ng komunikasyon sa


pagpapatatag ng pamilya. Sagutin ito sa 3-5 na pangungusap. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.

5 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 5_v2
Isaisip

Natutunan ko ____________________________________________
Nauunawaan ko _________________________________________
Maisasabuhay ko ________________________________________

Isagawa
Pumili ng isang sitwasyon sa ibaba at gumamit ng mga paraan upang mapabuti ang
komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya. Sumulat ng isang talata na naglalahad
ng iyong sagot.

• Maling nasagap na balita mula sa kapatid.


• Hindi nasunod na gawaing bahay ng kasambahay.
• Pagkakamali ng nakababatang kapatid.

Krayteria:

Nilalaman o kaangkupan sa paksa: 10 puntos


Pagkakaorganisa: 10 puntos
Pagkamalikhain: 10 puntos
Kabuuan: 30 puntos

6 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 5_v2
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at bilugan ang titik ng
pinakaangkop na sagot.

1.Ito ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng


pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at
romantikong pagmamahal.
A. Pamahalaan B. Pamilya C. Simbahan D. ekonomiya
2.Siya ang nagsabing may mga sanhi, dahilan o hadlang sa komunikasyon sa
pagitan ng mag-asawa. Binanggit rin niya ang mga paraan upang mapabuti ang
komunikasyon.
A. Thomas Aquinas C. Leandro C. Villanueva
B. Alejandro D. lahat ng nabanggit
3.Bakit mahalagang magkaroon ng mabuting ugnayan o komunikasyon ang
pamilya?
A. Dahil dito nakasalalay ang mabuting pakikipagkapwa at maayos na lipunan
B. Simbolo ito ng pagkakaisa
C. Upang magkaroon ng matibay at matatag na bigkis ng pamilya
D. lahat ng nabanggit
4.Ito ay sanhi o dahilan sa komunikasyon kung saan iniisip minsan ng tao na
magdaramdam o diribdibin ng kausap ang maaari niyang sabihin kaya nananahimik
na lamang siya o kaya’y nagsisinungaling sa kapwa.
A. Pagkainis o ilag sa kausap
B. Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin
C. Pagiging umid
D. Mali o magkaibang pananaw
5.Ayon kay Villanueva, mahirap umunlad ang pagkatao at pakikisama ng taong
ayaw magpahayag ng sariling kaisipan at damdamin o tumatanggap ng saloobin ng
kapwa.
A. Pagiging umid o walang kibo
B. Pagakinis
C. Mali o magkaibang pananaw
D. takot
6.Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay magkaiba, nagkakaroon ng
hindi pagkakaunawaan.
A. Pagiging umid
B. Ang mali o magkaibang pananaw
C. Pagkainis o ilag sa kausap
D. lahat ng nabanggit

7 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 5_v2
7.Mahalaga ang ______________________ dahil ito ay mabisang paraan, isang
pakikipag-ugnayan upang magkaunawaan.
A. komunikasyon B. anekdota C. pabula D. sanaysay
8. Ang________________ ay isang literature o sanaysay na may layuning
magbahagi ng karanasan o kuwento.
A. komunikasyon B. anekdota C. epiko D. tula
9.Alin sa sumusunod ang epektibo sa pakikipag-usap?
A. nagsisigawan C. nag-uusap ng mahinahon
B. umid o walang kibo D. lahat ng nabanggit
10.Ang salitang matatag ay kasingkahulugan ng ______________________.
A. marupok B. magara C. mayumi D. matibay

Karagdagang
Gawain
Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Bilang isang anak, paano ka makatutulong upang mapanatili ang mabuting


komunikasyon ng iyong pamilya?

2. Alin sa mga paraan ng komunikasyon ang mas mahalaga? Ipaliwanag.

Susi sa Pagwawasto

10. D 5. A 10. A B 5.
9. C 4. B 9. A B 4.
8. B 3. D 8. B A 3.
7. A 2. C 7. C B 2.
6. B 1. B 6. B A 1.

Pangwakas na Pagtataya Panimulang Gawain

8 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 5_v2
SANGGUNIAN
EsP 8 Learner’s Manual, pahina 61-64

Regina Mignon C. Bognot, et. al., 2014 Edukasyon sa Pagpapakatao. Pasig City.
FEP Printing Corporation

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like